MNGS 51
Hindi ko alam kung saan ko pupulutin ang puso ko. Hinahalikan si Tristan ng isang babae sa leeg niya at parang enjoy na enjoy naman siyang napapangisi pa. Habang ang ibang babae ay kung saan-saang parte ng katawan niya dumadapo.
"He's drunk," Hawk stated. "Kailangan mo na siyang iuwi. No one can take him home except you."
Nagtaka ako sa sinabi niya pero hindi ako kumibo.
May tumapik sa balikat ni Hawk. Sa natatandaan ko, Hero ang pangalan ng mestisong lalaking iyon na singtangkad din niya. He'swearing the same black, leather jacket.
"It's about time," sabi ni Hero. Nakatingin siya sa akin. "The knucklehead's losing his sanity. Hindi na niya alam ang mga sinasabi niya. He needs to get out of here. Ang tigas ng ulo."
"A-Anong... gagawin ko?" nalilitong tanong ko. Galit sa 'kin si Tristan. Hindi niya ako pakikinggan. Sino ba naman ako para sa kanya?
"Hawk..." Isa pang lalaki ang lumapit sa puwesto namin. Si River.
Tuloy pa rin si Tristan sa pag-inom. Kumandong ang isang babae sa kanya. Pinaglaruan nito ang kanyang buhok. Umiwas ako ng tingin dahil may tumarak sa dibdib kong masakit.
"Sorry man, but I have to go. I need to talk to Maris." Salubong ang mga kilay na sabi ni River.
Tinapik siya ni Hawk saka ito tumango. Nginitian ako ni River at kung ibang babae lang, siguradong matutunaw sa ngiti niyang iyon.
"Am I late?" Umakbay kay River at Hero ang bagong dating. Lumiwanag ang mga mata niya nang dumako sa akin at makilala ako. "It's you."
"Attorney..." sabi ko.
"Irvin na lang." Hinagod niya ang kanyang buhok. "My offer is still open. I still want to ask you out."
"You want the jerk to hit you in the face?" Humalukipkip si Hero. Lumabas ang mga muscle niya sa braso.
"That loser? Look at him. He's enjoying himself." Ngumisi siya habang pinanonood si Tristan.
Nagpaalam si River sa kanila at nagmamadali nang umalis.
"Lapitan mo na siya," utos ni Hawk. Atubili akong lumapit pero napahinto ulit. Nagtinginan ang mga kasama niya. "Go on. Simply make him stand up from his seat. We'll take care of the rest."
Ubos na ang laman ng boteng hawak ni Tristan. Ano ba ang ginagawa niya sa kanyang sarili? Bakit siya nagpapakalunod ng ganyan?
Tumango ako kay Hawk at lumapit sa mesa kung saan naroon si Tristan.
"Tristan..." tawag ko sa kanya, pero hindi man lang siya natinag. Tumingin ako kay Hawk.
"You have to convince him, Lyna," he said.
Muli akong bumaling kay Tristan at nilakasan ang pagtawag sa kanya. "Tristan!"
His eyes found me. And twinkled briefly before dissipating.
Inakbayan niya ang mga babaeng katabi. "If it isn't my dear secretary. Why are you here? May papapirmahan ka ba? Nasaan na 'yong duwag na boyfriend mo? T*ngina patatanggal ko siya sa kumpanya. Gagong iyon." May ibinulong siya sa babaeng nakakalong sa kanya kaya napahagikhik ito.
Umakyat ang dugo sa ulo ko. "Bakit ka ba naglalasing?" masungit na tanong ko sa kanya. Napansin kong muling nagtinginan ang mga kaibigan niya.
"What's it to you?" he asked. Tinanggal niya ang pagkakaakbay sa mga babae niya saka inabot ang baso na may lamang alak. Mabilis kong inagaw iyon sa kanya saka ko ininom.
Ugh! Ang sakit sa lalamunan. Halos lumuha ako sa pait ng lasa. Gusto kong umubo pero tiniis ko.
Ibinagsak ko sa harapan niya ang baso. Matalim ang ipinukol kong mga tingin sa kanya.
"You don't drink!" he exclaimed.
"I don't."
He grabbed a full bottle to his mouth and I steal it from him. Ilalagay ko na sana sa bibig ko ang bote nang bigla siyang tumayo at agawin iyon sa akin.
"What the f*ck, Lyna!"
Maluha-luha akong nakipagtitigan sa kanya. "Umuwi na tayo." Pinanatili kong matigas ang boses ko.
Nakita kong lumambot ang kanyang anyo.
"You're attracting a lot of attention, Tris. You have to go," segunda ni Hawk.
Bahagyang sumuray si Tristan. Bago pa ako nakakilos ay naalalayan na siya ni Hawk.
Kung ako lang, hindi ko makakayang buhatin si Tristan. Pagpasok sa sasakyan ay napasandal na lang siya dahil sa kalasingan. Halos sumuray siya habang naglalakad papuntang parking lot. Mabuti na lang at inalalayan siya ni Hawk at Hero. Naiwan pa sa loob si Irvin. Ihahatid kami ni Hawk hanggang condo ni Tristan.
"Hindi namin alam kung bakit may sugat siya. Nakita na lang namin na may benda ang kamay niya," simula ni Hawk habang nagmamaneho. Bumalik din si Hero sa loob ng bar.
Hinawakan ko ang nakabalot na kamay ni Tristan na may bakas pa ng dugo. Hindi siya gumalaw at nanatiling nakapikit.
"Hindi naman mahilig maglasing iyan. Unless something triggered him to do so." Sumulyap si Hawk sa rear view mirror. Magkatabi kami ni Tristan dito sa passenger's seat.
Hindi ako nakapagsalita. Posible ba na ako ang dahilan kaya siya naglasing? Dahil ipinahiya ko siya kina Lola Claudia at maging sa mga empleyado niya. Pangalan niya ang nakataya dahil sa kagagawan ko.
"He just needs to clear his head. Might also be about work?"
Tumango ako nang magtama ang tingin namin sa salamin.
"Uh... Mr. Salazar?" tawag ko sa kanya nang mayroon akong maalala.
Umangat ang mga kilay niya. "Call me Hawk," he insisted.
"Hawk..." I cleared my throat. "I'm sorry sa nagawa ko. Dahil hindi natuloy ang merging ng Thrive Corporation with the Hutchinson. Alam ko na milyong dolyar pala ang halaga ng transaction na iyon..."
Huminto ang sasakyan nang magkulay pula ang traffic light.
"What are you talking about?"
"Hindi ba may malaking project ang Thrive at hindi iyon natuloy dahil kinansel ko ang meeting n'yo sana ni Tristan?"
"Wait. The Hutchinson? Malaking project? That has been done months ago. And the merging did not push through because Thrive pulled out the deal. Nalaman namin ang mga illegal na gawain nila kaya walang pirmahan na nangyari."
I was confused. "Pero sabi ni Tristan ay may malaki siyang utang sa 'yo dahil sa maling nagawa ko..."
Natawa siya ng malakas bago muling pinatakbo ang sasakyan. "Yeah, that asshole owes me for doing this to him."
Hindi ko magawang sakyan ang pagtawa niya. Ginawa akong utusan ni Tristan. Pinatira niya ako sa bahay niya para doon ipagawa ang lahat ng gusto niya.
I looked at Tristan who's still comfortably sleeping beside me.
Biglang nagsalita si Hawk. "Did he lie to you about this?"
"Pumayag akong maging Personal Aide niya at tumira 'ko sa condo niya. Pinagsilbihan ko siya dahil ang akala ko..." Napatiim-bagang ako. Niloko lang ba 'ko ni Tristan?
Narating namin ang condo at inalalayan namin si Tristan hanggang sa kama niya.
Namaywang si Hawk sa harap ni Tristan. "I had no idea this moron was heavy."
"Salamat Hawk," sabi ko sa kanya. Tinungo ko ang paanan ng kama at tinanggal ang sapatos ni Tristan.
"You have to understand him, Lyna."
Tinanggal ko rin ang medyas na Tristan. Umuungol siya ng mga salitang hindi ko maintindihan.
"I better go."
Tumango ako. He gave me a sincere smile before he left.
Pinunasan at binihisan ko si Tristan habang nakahiga sa kama niya. I tried not to look and drool over his naked body. Lasing siya. Vulnerable. I want him to rest. Para paggising niya, magtutuos kami. Niloko niya ako. Ginamit niya ako. Patas na dapat kami.
Narinig ko ang pag-ungol niya. May mga salita siyang sinasabi ngunit hindi ko maintindihan. Nanatili siyang nakapikit kahit hanggang mabihisan ko siya.
Tinanggal ko na rin ang benda sa kamay niya. Nasukaan niya iyon kanina. Hindi na nagdurugo ang kamao niya. Clumsy. Agressive. Arrogant. Bipolar. Pero sa kabila ng mga ugali niyang iyan, malapit pa rin siya sa mga babae.
Naalala ko iyong mga babaeng namapak kanina sa kanya. Gusto ko silang hawiin kanina pero wala naman akong karapatan para gawin iyon.
Tatalikod na sana ako nang gumalaw ang kamay niya at umangat iyon na tila may inaabot. Kinuha ko iyon at kitang-kita ko ang pagngiti niya. The dimples on his cheeks instantly melt my heart.
Gising ba siya? Nananaginip? O ako ang nakatulog at siya ang bida sa panaginip kong ito?
I smiled to myself as I stared at him while he's sleeping. Sinungaling ako kung hindi ko aaminin sa sarili ko kung ano ang tunay na nararamdaman ko sa kanya. Kung puwede ko lamang siyang halikan. Kahit ngayon lang. Kahit sa huling pagkakataon lang. Niloko man niya ako, nilait man niya ako, hindi man niya matanggap ang isang kagaya ko, isa lang ang totoo.
Mahal ko siya. Mahal ko si Tristan Drake Romulo. Mula noong bata pa kami hanggang ngayon. Hindi iyon nawala. Natabunan lamang dahil sa inaakala kong pag-ibig kay Dave. Si Tristan pa rin ang mas matimbang. Siya lamang ang may kapangyarihan na saktan ang puso ko nang hindi niya nalalaman.
Lumuhod ako sa harapan niya at naglakas-loob na haplusin ang pisngi niya. He's warm. I could feel his stubble. I could do this forever. Staring at him. Dreaming of him. Pero wala akong karapatan na mahalin siya. Hindi kami bagay. Hindi ko siya maaabot.
Binitiwan ko siya at marahang tumayo. I sighed and turn my back saka ko binuksan ang pinto upang iwan siya.
Malungkot akong ngumiti bago tuluyang lumabas mula sa kanyang silid. Hindi ko maaabot ang isang Tristan Romulo.
Kahit na kailan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro