Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

MNGS 5

PINAHID ko ng mga daliri ang pawis na tumulo mula sa aking noo. The traffic was killing me. Nagmamadali pa naman ako dahil nais kong mauna kay Tristan sa opisina. Mabuti na lang at mabilis akong tumakbo.

Narinig ko na ang mga bulungan mula sa malayo. I can sense his presence. Parang pabango na kahit malayo ay kaya kong maamoy.

Speaking of pabango, mabilis kong kinuha mula sa aking purple pouch bag ang lavender perfume. Ini-spray ko iyon sa sarili at maging sa artificial lavender flowerettes na nasa ibabaw ng table ko. The scent of lavender not just entice me. It gives me a sense of strength and capability. Kung sana ay totoong bulaklak ang nasa mesa ko ay baka mas maging matapang ako. It's my magic potion to hide my insecurities and lack of confidence. Kaso lang ay napakamahal ng bulaklak ng lavender kaya nagtitiyaga na lang ako sa mga pabango at scented oil na siyang pampatulog ko na rin sa gabi.

May mga kasamahan akong napatayo kaya pati tuloy ako ay nahawa. Siniguro kong walang gusot ang suot na blusang puti pati na ang mahaba at itim na palda. Diretso akong tumayo at nang ilang dipa na lamang ang layo ni Tristan ay napayuko na ako. The familiar feeling I couldn't fight when he's near me. Ano ba ang gagawin ko para maging stable ang tibok ng puso ko?

"Good morning," seryosong bati ni Tristan sa lahat. Hindi ko malaman kung saan titingin. My hands were trembling. Palagi na lang akong ganito kapag kinakabahan. Umiiral ang kawalan ko ng tiwala sa sarili. If I can only be Mariposa.

"I need my Secretary in my office."

Napatalon ako sa huli niyang sinabi. "S-Sir?" Nag-angat ako ng tingin. Nasalubong ko ang kulay tsokolateng mga mata ni Tristan. Tila palaso iyon na dumiretso sa aking puso.

"If my memory is correct, you're my Secretary. I sent you my emails. Am I right?" Lumabas ang biloy sa magkabilang pisngi ni Tristan.

Lalong nanlambot ang mga tuhod ko. Those were my weakness. The way Tristan smile, the way he could melt my heart when both of his dimples greet me.

"Y-Yes, sir," sagot ko.

Tumaas ang gilid ng labi niya. "Then come inside my office." Tumalikod siya at hindi ko mapigilang pagmasdan ang pang-upo ni Tristan. Napalunok ako. Everything about him turns me upside down. The same old feelings I had for him.

Stop Lyna! Stop! Makailang ulit kong pinagsabihan ang sarili. Not now. Not ever.

"Hoy Lyna!"

Napatalon akong muli nang kalabitin ako ni Andrea na kaopisina ko. Katabi lang ng table niya ang cubicle ko.

"Huh?"

"Pinapatawag ka ni Sir Tristan sa office niya. Hindi mo ba narinig?" Nakakaloko ang tingin niya.

"Narinig ko."

"Oh eh, ano pa'ng ginagawa mo? Punta na," tulak niya sa akin.

Kinuha ko ang notes at ballpen ko. I have to get a grip. A competent secretary will not back out anytime, anywhere when the boss needs her. I have to be professional even if Tristan is taking my breath away.

Tatlong beses akong kumatok sa pinto bago ko pinihit ang seradura. Nakaupo si Tristan sa Director's chair niya. One of his elbow was rested on the table while his fingers played with his lips. Napatingin tuloy ako sa labi niya. But I looked away in a micro-second. Baka kasi isipin niyang pinapangarap ko ang labi niya kahit sa oras ng trabaho.

"Sit down." Itinuro niya ang silya sa harap ng mesa.

Humakbang ako at nagtaka dahil nagawa kong umupo nang hindi natutumba.

"To make it clear, I don't believe on fixed schedules. Kung may appointment ako, unahin mo ang mga importante. I'm not into the first come, first serve basis."

I jotted down what he said to not look at his lips, to not concentrate with his scent and to not drool over his handsome face.

"I accept personal visitors in between office hours..." Napatingin ako sa kanya. "May mga personal na bagay na mas mahalaga kaysa sa negosyo," matiim niyang sabi. Bumaba ang tingin niya sa labi ko kaya tumutok muli ang atensiyon ko sa notepad na hawak.

"I hate following a scheduled time precisely. I change my appointment kung kailan ko gusto..."

Natigilan ako. Kabaligtaran ni Tristan si Mr. Horacio. Mukhang mahihirapan ako bilang sekretarya niya. A challenge I now accept.

"By the way, I'm tired giving orders through emails. I think it is better that you stay here inside my office from now on."

Hindi ko na natiis na hindi magsalita. "Nasa labas ang table ko..." Hindi ako sanay na makulong sa isang silid lalo na at ikaw ang makakasama ko.

"Then ask someone to transfer your table here."

"H-Hindi iyon ang ibig kong sabihin."

Ibinaba niya ang braso sa mesa at bahagyang inilapit ang ulo sa akin. Napasandal tuloy ako sa kinauupuan ko.

"Ano pala ang ibig mong sabihin, Ms. Vergara?" He smirked at me. "Ayaw mo ba 'kong kasama sa iisang kuwarto?"

"N-No. Hindi sa ganoon." Umiling ako.

"I want a secretary that I can depend on anytime. To order, foresee and call if I need to. Shall I call you Lyna?"

He must have seen my profile. Tumango ako. Tila nahihipnotismong napatitig sa mukha niya.

Dahan-dahang umangat ang gilid ng labi niya. "I don't think there's a reason to celebrate being here. Pakiramdam ko kasi..." Inayos niya ang suot na kulay asul na kurbata. "I was back from High School again upon seeing you. My girl stalker."

Nawala ang dugo sa bawat himaymay ng katawan ko. Kung kukuhanan ako ng blood pressure, siguradong walang masusukat dahil wala na akong dugo sa pagkaputla.

Mali ang inaakala ko. Kilala ako ni Tristan. Kilala pa niya ako. Ugh!

Tristan opened his drawer and took some folders. Iniabot ang mga iyon sa akin. "This will be our first day together Lyna. Work with me, not chase me like you did before. Baka hindi tayo makapag-concentrate parehas kung babalikan natin ang nakaraan. For now, transfer all your things because I want you here inside my office. Like it or not, I'll be your boss. I expect you to do as I say."

Hinigit ko ang hininga. Dama ko ang panlalamig ng aking mga palad. He's right. He's my boss. Hindi na kami High School students. We are now both professionals. So hindi na dapat binabalikan ang nangyari sa amin noon. Hindi na dapat pang ipaalala sa akin ang katangahan ko noon. Pero bakit ganoon pa rin ang kabog sa dibdib ko? Hindi na ako bata na natataranta kapag kaharap ang crush niya. For pete's sake, I'm twenty-three years old and an adept secretary. I have to act like one.

"Y-Yes, sir." Kinuha ko ang mga folder. Tumayo ako para sana sabihin na ililipat ko na ang mga gamit. Pero natigilan ako dahil lantarang nakatutok sa aking dibdib ang mga mata ni Tristan. Bahagya pa namang nakabuka ang blusa ko sa pagitan ng mga butones dahil sa dalawang nakaumbok na dibdib na gusto yatang kumawala. Agad kong tinakpan ng folder ang aking harapan.

"Don't pretend hiding what you really wanted to show. Besides, I've seen those before." Muntik na akong mabulunan sa sinabi niya.

"W-What?" Nanlaki ang mga mata ko.

Tristan shrugged and he looked away. Binuksan niya ang nakahandang laptop sa ibabaw ng mesa.

Wala akong nagawa kundi ang talikuran siya. My heart was beating so fast. I swore I got wet down there. More than Blue could have ever done. Kailangan ko bang magdala ng extra underwear? But that was embarassing! Iniisip niyang sinasadya kong ipakita ang nakatago sa suot ko. Is it because I get naked in front of him six years ago? And he thought I was the same High school Lyna who will do anything mapansin lang niya.

Nayakap ko ang sarili. Ano ba itong napasukan ko? Sana magbalik na lang si Mr. Horacio. Para hindi na magbalik itong kagagahang nararamdaman ko para sa isang Tristan Romulo.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro