MNGS 48
Warning: R18 - Offensive language and sexual connotation.
***
Ayaw matapos ng luha ko. Tuloy-tuloy ang pagpatak. Parang hindi nauubos.
Mainit ang palad ni Dave habang hinahagod ang likod ko. Nakasakay ako sa kotse niya at pabalik na kami ng Manila. Huminto lamang siya dahil hindi ako tumitigil sa pag-iyak.
Kahit ayaw ko, makulit ang luha ko. Lalo na kapag naaalala ko ang poot sa titig ni Tristan. Huwag na lang iyong malungkot na mga mata ni Lola Claudia. Huwag din 'yong mapanlait na tingin ni Tita Bridget at Zahara. The way Tristan looked at me was difficult to forget. He was enraged. Furious.
"Tahan na, Lyna. Ano ba kasi ang relasyon ninyo ni Sir? Bakit ganoon na lang ang paghusga nila sa 'yo? Bakit niya 'ko sinuntok?" sunod-sunod na tanong ni Dave.
Suminghot ako. "W-Wala..." I shook my head. "Wala kaming relasyon," hirap na pag-amin ko. Totoo naman iyon. Kailan ba sinabi sa akin ni Tristan na gusto niya ako? Gusto niya ako sa kama. Iyon lang! Lalong sumasakit ang dibdib ko.
"The way he looks at you, Lyna..." He let out a deep sigh. "I don't know. Now that you're still crying and—"
"D-Dave, alam mong wala na tayo..."
"But I thought..."
"Ikaw ang tumapos sa kung ano ang mayroon tayo."
"Pero hindi kita makalimutan, Lyna."
Mapait akong natawa. "Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Dave? Nananahimik na 'ko bago ka pa dumating."
"Lyna, hindi na ba talaga puwede?" tanong niyang may panghihinayang.
Biglang tumunog ang cellphone na nasa bulsa ko. Hindi ko pinansin subalit hindi iyon tumitigil. Kinuha ko para patayin nang mabasa ko ang pangalang rumehistro.
Blue calling...
Ipinikit ko ang mga mata. Gulong-gulo ang utak ko. Hindi ako makapagdesisyon. Pero wala namang kasalanan si Blue sa nangyayari sa buhay ko. He was there when I want someone to listen to me. I even used him for my personal fantasy. And fantasy is constant. It's an illusion. It will never come true.
I decided to answer the call.
"Hello... B-Blue?" I mumbled.
He did not answer. But I know he's listening on the other line. I could hear him breathing.
"Sino iyan, Lyna? Si Sir Tristan ba?" Kumunot ang noo ni Dave.
"N-No!"
"Huwag kang magsinungaling sa 'kin. That man was so into you," mariin niyang sabi. Hinawakan niya ang panga na tinamaan ni Tristan kanina. "Nangako tayo noon sa isa't-isa. Pakakasal tayo. Gagawa tayo ng pamilya. Lyna, hindi ko iyon nalilimutan. And I'm here to prove that to you because I still love you!"
Biglang nawala ang nasa kabilang linya. Great. Now Blue knew the drama of my life. Pinatay niya ang tawag dahil hindi na niya nanaisin pang sumawsaw sa buhay ng isang hindi niya nakikilalang babae. And he already knows my real name. Just so great!
Ibinulsa kong muli ang cellphone. My life has always been a mess.
"Ihatid mo na 'ko, Dave." Pinunasan ko ang mukha ko. Ilang ulit akong bumuntonghininga. "Kung hindi pa tayo aalis, bababa na 'ko."
His lips formed into a thin line. He exhaled roughly and turn the engine on.
Nagpahatid ako sa condo ni Tristan.
"Thank you," walang buhay na sabi ko nang huminto ang sasakyan ni Dave.
"Gusto kong samahan ka, Lyna."
"No. Hindi na kailangan, Dave."
Pinigilan niya ang kamay kong bubuksan sana ang pintuan ng sasakyan. "I said, I still love you, Lyna."
Hindi ko siya tiningnan. Hinila ko ang kamay ko sa kanya.
"Keep your love to yourself, Dave," I said. Mabilis akong bumaba at halos takbuhin ko ang paakyat ng condo ni Tristan.
Ayaw kong maabutan niya ako. Wala akong mukhang ihaharap sa kanya. Ni hindi ko alam kung may trabaho pang naghihintay sa akin. Sa nakita kong galit sa mga mata niya kanina, sigurado akong ayaw na niya akong makita pa.
Nakakatawa. Hindi ko naman ipinagpilitan ang sarili ko sa kanya. He was the one who offered me to work for him as his Personal Aide. If he wants me in prison, dapat matagal na niyang ginawa. Pero mas malaki nga namang kabayaran sa utang na loob ko sa kanya ang lahat ng nangyari sa aming dalawa. He used me. He humiliated me. He broke my heart.
Halos ibato ko sa loob ng maleta ang mga gamit ko. Wala pang sampung minuto ay binabagtas ko na ang patungong lugar kung saan naroon si Julie.
Bago ako bumaba ng taxi ay siniguro kong maayos ang mukha ko. Walang bakas ng pagluha. Walang dinaramdam. Marami na ang sakit ng kalooban ang naranasan ni Julie. Hindi na niya dapat pang malaman ang nangyari sa amin ni Tristan. She always considers him to be his angel. The person who came through for us when we needed it the most.
Parang gusto ko nang bumigay agad pagkakita ko sa kanya. She looks serene. Happy. Content. Ngayon ko lamang siya nakitang ganito. Hindi ko pinigilan ang sarili ko na yakapin siya.
"J-Julie..." bulong ko. Kinagat ko ang labi upang huwag mapaluha.
"Sandali..." Bumitiw siya sa yakap ko at pinagmasdan ang aking mukha. "Wala kang salamin." Bumaba ang tingin niya sa suot kong bestida. "At ang ganda ng suot mo. Bagay na bagay sa 'yo..." Pilya ang sumunod niyang ngiti. "Nasaan si Tristan? Hindi ba niya ako dadalawin?"
Nag-iwas ako ng tingin. "U-Umuwi siya sa Lola niya."
"Ganoon ba? Sayang. Gusto ko pa naman ulit magpasalamat sa kanya. Alam mo ba na hindi ko na kailangang tapusin ang therapy ko?"
"Huh? Bakit?" nagtatakang tanong ko.
Iginiya niya ako sa isang upuan. Noon ko lamang napansin ang malinis na silid na tinutuluyan niya rito. Kumpleto sa TV, ref at kama. May mga pasyente na galing din sa mga traumatic experiences na nasa mga kabi-kabilang silid. Sa pagkakaalam ko ay may mga activities din sila rito para makalimutan ang mga masasamang pangyayari sa buhay nila. Natawa ako sa naisip ko na baka dumating ang panahon na makasama rin nila ako sa lugar na ito.
"Dahil nakitaan agad nila ako ng improvement. Alam mo ba na pinagtuturo nila ako ng sayaw bukas?" May kumislap sa kanyang mga mata. "Maganda rin palang therapy ang pagsayaw, anak. Iyong iba rito ay kumakanta. Iyong iba ay nag-aaral ng gitara, o kaya ay manahi. Hindi ko inasahan na magkakaroon pa ng saysay ang buhay ko..." Bahagya siyang natawa. "Dahil iyon sa 'yo, Lyna at kay Tristan. Masuwerte ka na nakilala mo siya."
I bit my lower lip and just look at her. Tinawag niya akong anak. Sasayaw siyang muli. Julie has always been an excellent dancer. She enjoys moving to the music. I haven't seen her dance in a very long time.
Ngumisi siya habang inaayos ang hiblang tumakip sa mukha ko. "Hindi pa siya nagtapat sa 'yo?"
"N-Nagtapat?" takang tanong ko.
"Si Tristan. Babae ako, Lyna. Alam kong gusto ka niya."
Umiwas ako ng tingin. "Hindi mangyayari iyon."
Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko. "Bakit ba napakababa ng tingin mo sa iyong sarili? Maganda ka, anak. Matalino at mabuting babae. Hindi ka kagaya ko. Sobrang sama kong ina sa 'yo. Pati na sa itay mo..."
Gumaralgal ang tinig niya. Kahit ayoko ay may bumara na rin sa lalamunan ko.
"Nagpapasalamat nga ako sa 'yo dahil hindi mo ako sinukuan. Nagkakamali ka kung inaakala mo na duwag ka. Matapang ka, Lyna. Mas matapang ka kaysa sa akin. Gamitin mo ang tapang na iyon para maabot mo ang gusto mo."
Hindi ako agad umalis nang hapon na iyon. Marami kaming pinagkuwentuhan ni Julie. Sumali ako sa mga activities nila. Hinayaan ko na makalimutan ko ang sakit na nararamdaman ko sa tuwing maaalala ang matatalim at mapanghusgang mga titig ni Tristan.
It was nearly midnight when I decided to go back to my apartment. Pagod ang isip at buo kong katawan. Nagbabad ako sa ilalim ng tubig habang binubura ang mga nakadikit na bakas ng mga halik ni Tristan. Pero kahit ano'ng gawin ko, nararamdaman ko pa rin ang init niya.
Naalala ko si Blue. Sinilip ko ang cellphone ko pero walang tawag na galing sa kanya. Ipinilig ko ang ulo. Dahil ang katotohanan ay tinig ng nag-iisang tao lang ang gusto kong marinig. Tristan's voice. The way he whispered in my ears. The way he groaned when he was inside me. The way he called out my name.
Sh*t!
I took my chat device out to divert my attention. Pagbukas ko ay agad na may nag-pop na pangalan. Hudson.
Sumandal ako sa headboard ng kama at hinayaan na tumunog nang tumunog ang tawag. Hinilot ko ang mga sentido ko at napapikit. I saw Tristan kissing my lips. Massaging my bre*st. Licking my most private part.
Idinilat kong bigla ang mga mata at agad na pinindot ang answer button.
"Mariposa speaking. What's your greatest fantasy?" I almost yell.
"O, Mariposa. Bakit ang tagal mong sumagot? Kanina ko pa gustong marinig ang boses mo."
"I'm sorry Hudson," I started. "Tell me, what's your greatest fantasy?"
"Fantasy ko ang makita ka sa personal. 'Tapos ay kak*ntutin kita hanggang mawalan ka ng malay. Ipapakain ko sa 'yo ang tam*d ko... Pagsasawaan ko ang katawan mo. Iiwan ko ang asawa ko para sa 'yo. Ohhh... Mariposa... Mariposa..."
I clenched my fists when I heard him groaned. Tumayo ang mga balahibo na dati naman ay hindi ko nararamdaman. I feel so dirty. Nandidiri ako sa sarili ko.
"P*tangina mo ka! Sinong Mariposa iyan, ha! Hayop ka. Niloloko mo 'ko..."
Kumunot ang noo ko dahil may narinig akong boses ng babae.
"Hoy, sino ka mang put* ka! Humanda ka dahil hahanapin kita. Makikita mo ang hinahanap mong malandi ka!"
"Hon, ano ba? Tumigil ka nga. Ibalik mo sa 'kin 'yan!" boses ni Hudson habang nakikipagtalo sa babae.
"Anong tumigil? Humanda ka dahil gaganti ako sa babae mo..."
I immediately pressed the end call and pulled my hair in desperation.
This is not happening. I don't want to do this anymore.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro