Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

MNGS 47

Pinilit kong imulat ang mga mata. Muli akong napapikit dahil sa pagtama ng liwanag. I counted in my head from one to three while remembering where I was or what happened last night.

Pasimple kong kinapa ang nasa gilid ko. Walang laman, maliban sa malamig na kama. I opened my eyes and found out I was really alone in bed.

Marahan akong bumangon. Kailangan ko siguro ng pain killer dahil nananakit ang buo kong katawan, especially down there. Tristan was remarkably huge. I couldn't even imagine how I was able to take him.

I took a quick shower. Isinuot ko na lamang ulit ang damit ko kahapon. Hindi ko naman kasi alam na matutulog kami rito sa villa. Sana man lang ay nakapagdala ako ng pamalit.

The wall mirror was like an antic display. Iba't-ibang hugis ang nakadisenyo sa paligid nito. I looked at my reflection and realized that my cheeks were a bit red. Parang may nakalagay na blush on sa pisngi ko kahit kagigising ko lang. Must be the heat from the shower. Hinayaan kong nakalugay ang basang buhok ko. Sinipat ko rin ang suot kong contact lens. It was an extended wear kaya unti-unti na akong nasasanay na suot iyon.

Tristan might be waiting for me kaya nagmadali na akong bumaba. Pagbukas ko pa lamang ng pinto ay dinig ko na ang tawanan, marahil mula sa kusina. They were having a joyful conversation. Baka kung magpakita ako masira lamang ang kasiyahan ng pamilya.

Huminga ako ng malalim at marahang bumaba mula sa hagdanan. Mas naging malakas sa pandinig ko ang usapan nila.

"Naalala n'yo noong bata pa sila Tris at Zah habang naghahabulan sa pool?" Tinig iyon ni Tita Bridget. "'Tapos ay nadapa si Zah at umiyak nang umiyak? Si Tris lang ang nakapagpatahan sa kanya. Bata pa lang kayo ay ang sweet-sweet n'yo na. Siguradong ang cute ng mga magiging anak n'yo kapag nagkatuluyan kayo..."

Parang piniga ang puso ko sa narinig kong iyon. Tanggap ng pamilya ni Tristan si Zahara. Noon pa man, sila na ang nababagay. I was his stalker before. But there's so much about him I still don't know. Ano ba kasi ang ginagawa ko rito? Bakit ito ginagawa ni Tristan? He can pick the girl he really wants. Bakit ako? Bakit ginagamit niya 'ko?

Napalingon ako sa hardin na nasa pagitan ng pintuang yari sa salamin. Nakaeenganyong pagmasdan ang mga bulaklak at halaman na naroroon. Tristan might still be busy and he doesn't need me. Lumabas ako patungong hardin at hinayaang liparin ng hangin ang laylayan ng suot kong bestida.

Ang mundo ko ay nagbago simula nang muling magkrus ang landas namin ni Tristan. Nais ko man na ibalik ang dati, marami na ang nangyari. Ilang ulit na akong nagpaubaya sa kanya. Hinayaan ko na mahulog ako ng tuluyan sa kanya kahit pa sinubukan ko naman na huwag. My world will never be the same from now on. Tristan will now become part of me. Kaya masakit kapag natapos na ang lahat ng ito.

Pumikit ako upang pigilin ang nagbabadyang pagpatak ng luha. I've always been emotional, insecure and embarrassed. In every difficulty I experienced, I always keep it to myself.

Bigla akong nakaramdam ng init sa aking katawan. May yumakap sa akin kaya agad akong napamulat.

"Lyna... Miss na miss na kita, Lyna."

Lumaki ang mga mata ko nang marinig ang boses na iyon. Pilit kong kumawala sa kanya subalit mas humigpit ang yakap niya sa akin.

"D-Dave. Anong ginagawa mo rito?" Tinatanggal ko ang kamay niyang nakapulupot sa akin pero hindi niya hinayaang magtagumpay ako.

"Sinundan kita. Kagabi pa 'ko naghihintay sa 'yo..."

"Ano'ng sinasabi mo? Alam ba ni Lola Claudia na narito ka?" inis na tanong ko.

Iniharap niya ako sa kanya. "Hindi ko kailangang magpakita sa kanila dahil ikaw lang ang habol ko." Seryoso niya akong tiningnan. "Lyna, umalis na tayo rito. Let's talk. I'll explain everything to you..."

"Hindi mo 'ko dapat sinundan. Ano ang iisipin ng pamilya ni Tristan?" nalilitong tanong ko.

"Tristan? You're calling him by his first name?" Nagsalubong ang mga kilay niya. "Hindi ba dinala ka niya rito dahil sa trabaho? May namamagitan ba sa inyong dalawa?"

Nataranta ako sa tanong niya. So, I denied. "Wala! Walang namamagitan sa amin. Sa tingin mo ba magugustuhan niya ako? Hindi mangyayari iyon 'di ba?" May pait sa tinig ko.

Hindi siya agad nakapagsalita. Halata ang puyat sa kanyang mga mata.

"Please, Dave umalis ka na."

"Umalis ako noon para mag-ipon. Umalis ako para patunayan na may mararating din ako..."

I scoffed. Bakit ngayon lang siya nagpapaliwanag? "Bakit? Sa tingin mo ba, wala kang mararating habang kasama mo ako? Tingin mo, pipigilan kita sa pangarap mo? Aalis ka ng walang sabi-sabi? Hindi ka tumawag. Hindi ka nagpakita. Wala kahit ano. So ano iyon?" sumbat ko sa kanya.

"Kaya nga nandito ako para magpaliwanag sa 'yo. Para pakinggan mo 'ko." Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko. "Ako pa rin naman 'di ba? Nakita ko ang cellphone mo. Ako pa rin."

Umiling ako nang ilang ulit. Dapat ay matagal ko nang binura ang lintik na picture na iyon! Kung totoong mahal niya ako noon, hindi siya aalis nang walang paalam. Hindi niya ako pinagmukhang tanga.

"Umalis ka na, Dave." Wala na akong panahon pa na makinig sa kanya.

Bigla niya akong muling niyakap. Mahigpit. Hindi ko magawang gumalaw.

"Please, Lyna. Kunin mo ulit ako sa buhay mo. Pangako ko sa 'yong hindi na kita iiwan ulit..."

Nanigas ang panga ko. Iniyakan ko na siya noon. Iiyak pa rin ba ako ngayon? Tapos na akong magluksa sa kanya.

"Mahal pa rin kita. Ikaw lang ang babaeng minahal ko, Lyna..."

I was alarmed when he suddenly kissed me on the lips. He even dares his hands to touch my bre*st. I suddenly remember why he left me back then. Because I did not give him what he wants.

Muntik akong mapasigaw nang may biglang sumuntok sa kanya. Agad na napahiga sa lupa si Dave.

"What are you two doing?" It was Tristan. Nanginginig siya sa pinipigilang galit. "What!"

Napapikit ako sa lakas ng pagsigaw niya.

"Sinasabi ko na nga ba at hindi mapagkakatiwalaan ang babaeng iyan..."

Pagmulat ko ay noon ko lamang napagtanto na naroroon din silang lahat. Si Tita Bridget at ang kanyang asawa, si Zahara at Lola Claudia. Gusto kong kainin na lamang ako ng lupa.

"T-Tris—"

"I knew you're a nympho, Lyna. Dinala mo pa rito ang lalaki mo?" Nang-uuyam ang mga mata ni Zahara.

Panay ang pag-iling ko. Nanatili ako sa aking kinatatayuan habang si Dave ay hindi pa nakakabawi sa malakas na pagsuntok sa kanya ni Tristan.

"Mag... Magpapaliwanag ako..." Pero paano ko magagawa iyon kung hindi ko maibuka ng maayos ang bibig ko?

Tristan was still looking at me darkly. Nakakuyom ang mga palad niya.

"There are two kinds of woman in this world. A lewd and a liar. Do you believe it now Tristan?" Nakangising tanong ni Tita Bridget. Hinawakan ni Tito Lucas ang kamay ng asawa. Tila sinasabi nitong huwag nang makialam.

Hindi sumagot si Tristan.

"W-Wala kaming ginagawang masama ni Lyna. Ako ang totoong kasintahan niya. Matagal na kami—"

"Tama na, Dave!" Halos mapasigaw ako para pigilin siya sa mga sinasabi niya. Pumatak na ang aking mga luha. Lalo na nang makita ko ang malungkot na mga mata ni Lola Claudia.

"Tristan..." Napalunok ako nang salubungin ko ang matalim niyang mga titig. Hindi pa siya tapos. Parang gusto pa rin niyang suntukin si Dave. O saktan ako.

"I can... explain..."

"Huh!" Umikot ang mga mata ni Tita Bridget. "Ang kapal ng mukha!"

"Bridget, tama na!" saway ni Tito Lucas sa kanya.

Lumapit si Zahara. Hinawakan nito ang kuyom na kamay ni Tristan. He didn't move and let her hold his hand. A dozen arrows pierced my heart.

"Ano pa ang ipaliliwanag mo? Umalis ka na, Lyna. Huwag mong ipilit ang sarili mo kay Tristan. Tama si Tita Bridget. Hindi dapat ikaw ang pinili ni Tristan."

My shoulders trembled. I wanted to run but I couldn't move. Dave held my hand. He was already standing and took me on his shoulders.

"Umalis na tayo, Lyna."

Panay pa rin ang iling ko kasabay ng walang hanggang pagluha ko. Kumilos si Dave at hinila ako. Muli kong hinanap sa aking paningin si Tristan. Wala siyang planong kunin ako kay Dave. Hindi siya maniniwala anoman ang sabihin ko.

"I'm... sorry..." I whispered.

I saw the redness in Tristan's eyes. But he immediately averted his gaze. Dave and I left. And I never looked back while my heart was aching.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro