Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

MNGS 41

I HEARD a noise and gently moved but a heavy object restrained me. Tumatama ang sinag ng araw sa aking mukha. Nanatili akong nakapikit dahil nararamdaman ko pa ang pananakit ng aking buong katawan. Dama ko ang mainit at munting hangin sa aking batok. May gumalaw sa ibabaw ng tiyan ko kaya unti-unti akong nagmulat.

Papalakas ang mga ingay na hindi ko maintindihan. Binalewala ko lang iyon. Pagdilat ng mga mata ko ay nakita ko ang brasong may mumunting mga balahibo. I blinked my eyes few times. Hindi ko na suot ang contact lens kaya umiiral ang pagka-myopic ko. Nang medyo luminaw na ang paningin ko ay doon ko napagtanto na may nakapulupot ngang braso at mamasel na binti sa akin.

My eyes widened when I realized where I was. Nilingon ko ang nasa likod ko at nasalubong ang guwapong mukha ni Tristan na mahimbing pa rin na natutulog.

It... wasn't a dream? My whole body stiffened. Tristan's arm wrapped around me. His legs rested on mine. He's sound asleep behind me. We slept together. We had sex last night!

"Tristan! Tristan, gising ka na ba, apo?"

Lumaki ang mga mata ko. May naghahanap kay Tristan. Mabilis kong tinapik ang braso niya.

"Tristan... Tristan, may tao," anas ko.

Umungol lang siya at mas lalo akong niyakap. Ugh! Kinikilig ako sa init ng yakap niya ngunit nakakahiya kung may makakita sa ayos namin. Tinapik ko siyang muli pero sa halip na bumangon ay hinalikan pa niya ang batok ko at isiniksik ang malaking katawan sa akin.

"Tristan..." saway ko sa kanya. Hinimas niya kasi ang dibdib ko.

Bumukas ang pintuan ng kanyang silid kaya napaigtad ako.

"Ouch!" Tumama sa ilong niya ang ulo ko. Hayan! Gising na siya.

But it was too late because we already have an audience. Ibinalot ko sa katawan ang puting kumot at napanganga sa nakita kong bahid ng dugo. This is so embarrasing!

"Tristan, apo?" Nagpalinga-linga sa amin ang matandang babae. Pamilyar ang elegante niyang anyo. I know I've seen her before.

"What's going on? Tristan, what's all this?" Katabi ng matandang babae si Zahara. Pulang-pula ang mukha nito at nakakuyom ang mga kamay. The woman was obviously desperate to yank my hair and whack me on the face.

Hawak ang tinamaan na ilong ngunit walang reaksiyon na mabilis na tumayo si Tristan at saka tumalikod. Nagsumiksik ako sa ilalim ng kumot habang nagtatapis siya ng tuwalya. He raked his hand through his messy hair.

Nakapamaywang siyang hinarap sila. "What you see is what it is. Now if you'll excuse us, magbibihis lang kami ni Lyna."

"I hate you, Tristan! Bakit mo ginawa ito? Iyang babaeng iyan pa ang pinili mo? You're unbelievable!" Zahara bellowed. Her eyes were throwing sharp daggers at me.

Hindi man lang natinag si Tristan. "Yes, I chose her. And believe it. Now, if you'll excuse us, please..." he insisted. "Lola, please..."

Salubong pa rin ang mga kilay ng matanda habang si Zahara ay parang tinadtad na kamatis sa kapulahan.

Dumapo ang kamay ng matandang babae sa braso ni Zahara. "Let's wait outside." May pagbabanta ang tingin niya kay Tristan na hindi pa rin natitinag.

Nang ako naman ang tingnan ng matanda ay nagdikit ang mga labi niya saka nagpakawala ng hangin mula sa dibdib.

Tristan locked the door before he addressed me. Lumakad ang mga mata niya simula sa kumot na nakabalot sa aking katawan papunta sa mukha ko. Yumuko ako. Nakapapaso ang kanyang mga tingin.

"Are you alright?" he asked.

I nodded without looking at him. Napaatras ako nang naupo siya sa aking paanan.

"You're still sore. But do you think you can face them? Hayaan mo na si Zah. Kahit si Lola Claudia lang. I want to introduce you to her. Kaya mo ba?"

Para namang piniga ang puso ko. Ang sweet naman kasi ng tinig niya sa hubad-umaga na ito.

I cleared my throat. "K-Kaya ko naman." Hindi naman ganoon kasakit. Kung hihingin nga niya ay puwede na ulit. Ugh, Lyna! You're really crazy! Hindi ka na nahiya sa lola at girlfriend niya.

Kaya ko nga ba? Ano'ng mukha ang ihaharap ko sa kanila? Si Lola Claudia— Tinakpan ko ang bibig nang maalala kung sino si Lola Claudia. Nadagdagan ang edad niya ngunit kagalang-galang pa rin ang hitsura. The Principal Claudia Milano!

"Lola mo si Principal Milano?" gulat na tanong ko.

"Yeah. Why?" he asked. His eyes were hovering my body.

Hinigpitan ko ang hawak na kumot. "Hindi ko alam. S-Saka paano ako magbibihis? Nasa kabilang kuwarto ang mga damit ko? Si Zahara, sasampalin ako no'n," natataranta kong sabi.

He scoffed, "Don't worry. Zahara can't touch you."

"Sigurado ka?" Eh, inagaw kita sa kanya!

"Yes. And you can wear my shirts." He stood and took one of his sport shirt. The pink one.

"Ipasusuot mo sa 'kin 'yan? Ng walang panloob?" asik ko sa kanya.

He shrugged. "Stand up and come here."

I shook my head several times. Wala akong suot na kahit ano. 'Tapos ay palalapitin niya ako sa kanya? No way!

"Huwag makulit, Lyna. Tumayo ka na riyan dahil naghihintay si Lola."

Umiling pa rin ako kaya nagulat ako nang buhatin niya ako mula sa kama. The blanket plummeted from my body. Muntik pa 'kong mawalan ng balanse kaya napakapit ako sa leeg niya.

Pagbaba niya sa akin ay agad kong tinakpan ng mga kamay ang hubad kong katawan. My cheeks were flustered.

"Now, open your arms," he instructed.

"No." Masama ang tingin ko sa kanya.

He bit his lip. Glide his eyes all over my naked body.

"Mas gusto kong ganyan ka na lang kaysa damitan ka, Lyna..." he said.

Lumunok ako nang lumapit siya sa akin dala ang shirt niya.

"But as much as I want you naked in my bed..." Marahan niyang tinanggal ang mga kamay ko na tumatakip sa maseselang parte ng aking katawan. Nahipnotismo na lang ako sa mga tingin niya. "You need to get dress."

Isinuot niya sa akin ang kanyang damit. Siya na rin ang nagbutones habang nakatitig sa mga mata ko.

He gave me a smack on my lips after. "There. Maganda ka, Lyna. Wala kang dapat ikahiya." Tumaas ang gilid ng labi niya.

Mabilis din siyang nagbihis. Simpleng puting t-shirt at khaki shorts. Hindi man lang siya tumalikod habang nagsusuot ng damit. Umandar tuloy ang mga mata ko sa pagitan ng mamasel niyang mga hita. Sobrang init ng pisngi ko nang mahuli niya ako tsaka siya napangisi.

Nakapulupot ang kamay niya sa balakang ko habang inaalalayan niya ako palabas ng kanyang kuwarto.

Wait!

Kailangan kong magising. Tama ba ang hitsura kong ito na haharap kay Principal Milano at Zahara Hizon? At ano ang sasabihin ko sa kanila pagkatapos ng nasaksihan nila?

Ugh! I need to think fast. Ano ba ang plano ni Tristan? Bakit kalmado lang siya?

Bumukas ang pintuan at napayuko agad ako dahil sa dalawang pares ng mga mata na nakatitig sa amin ni Tristan.

"Lola Claudia..."

"Maupo kayo rito, Tristan," maawtoridad na utos ni Lola Claudia.

Napasinghap ako nang halikan ni Tristan ang sentido ko. "Come on, baby. Let's tell Lola Claudia who you are to me."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro