MNGS 35
OWEN Dalmasio was thrown into prison. Marami pala siyang kaso. Patong-patong na. At nagagalit ako sa sarili ko kung bakit ako napaniwala ng hayop na iyon. Sinaktan niya si Julie. Hinding-hindi ko siya mapapatawad.
Inilabas na rin mula sa ospital si Julie. Ginamot ang mga sugat niya at binigyan ng mga reseta. Sa makalawa ay pupunta siya sa Psychiatrists upang magpa-therapy. Lahat iyon ay gastos ni Tristan.
Nagpapahinga na sa kuwarto si Julie nang matagpuan ko si Tristan na naghihintay pa rin sa sala. Nasa kanyang mga bulsa ang mga kamay niya. Pinanonood niya ang larawan naming pamilya na nakasabit sa dingding.
"Hindi ko alam kung paano magpapasalamat, S-Sir..." May bumara sa lalamunan ko. Napakalaki na ng utang ko sa kanya.
"Tayong dalawa lang dito, Lyna." Nilingon niya ako. Kasama namin siya nang mag-report kami sa pulis, sa ospital hanggang pabalik dito sa apartment ko. Hiyang-hiya ako sa nakita niyang gulo ng pamilya ko. God, how can I face him like this?
Kinagat ko ang labi ko nang tanggalin niya sa kanyang bulsa ang mga kamay at makita ko ang nakabenda niyang daliri. Nagkasugat siya dahil sa pagtatanggol sa amin. Paano kaya kung hindi niya ako sinundan? Baka pareho kaming napahamak ni Julie.
"T-Tristan..." Lumunok muna ako. "Sabihin mo lang kung may kailangan kang ipagawa. Kahit ano, gagawin ko. Makabayad lang sa mga kabutihan mo sa aming mag-ina..."
Yumuko ako. Pinipigilan ko naman subalit makulit ang mga luha ko. Umagos na lang sila kahit ayaw ko sanang makita iyon ni Tristan.
"Your not just my employee, Lyna. Bakit iba pa rin ang tingin mo sa 'kin?"
Hindi ako nakapagsalita. Ano nga ba ang relasyon naming dalawa? Boss ko siya. Pero nahalikan na niya ako. Tinutulungan niya ako. Nandito siya ngayon. Dinamayan ako, ipinagtanggol at hindi iniwan. Paano ako ngayon makaaahon sa mga utang na loob ko sa kanya? At paano na hindi tuluyang mahulog sa kanya?
"Sa susunod, huwag mo na 'kong tatakasan. Kung may problema ka, hindi mo kailangang solohin iyon."
"Nakakahiya ang nakita mo..." Halos hubad ako, at si Julie...
Lalo akong naiyak. Suminghot na ako dahil hindi ko na mapigilan.
Huli na para magprotesta. Bigla niya akong kinabig sa kanyang dibdib. Sumalubong sa akin ang kanyang bango. Naramdaman ko ang init niya. Gusto ko siyang sisihin kung bakit siya ganito. Dahil kahit sinong babae ay magkakagusto talaga sa kanya. Lahat ng katangiang hanap ko ay taglay niya.
"Stop crying. You're safe now," he whispered.
Hinaplos ng kanyang mga salita ang puso ko. I finally know this isn't just a feeling of admiration. Not that I'm infatuated with him. Alam ko, mas higit pa roon ang nararamdaman ko para sa kanya ngayon.
"S-Salamat Tristan. M-Masusuklian ko rin ang lahat ng ito..." Hinayaan ko ang mga kamay ko na yakapin siya. Hinayaan ko na yakapin niya ako ng mahigpit.
I heard his soft laughter that touched my heart. "You can keep the change, Lyna."
I hugged him tighter. Suminghot ulit ako.
"But I might ask you something in the future that you have no other choice but to say, yes."
Tumawa ako kahit tigmak pa rin ng luha. Ilang sandali kaming ganoon ang ayos. Hindi niya ako iniwan hanggang makalma ang kalooban ko.
I stayed with Julie. Hindi ko siya maaaring iwan. Pagod pa rin ang isip at katawan ko hanggang dumating ang araw ng therapy ni Julie. The doctor recommended her to stay in the institution for some more test. Hindi ko alam kung hanggang kailan iyon kaya sobrang sumasakit ang dibdib ko kapag naaalala ko nang maghiwalay kami ni Julie. She assured me that she'll be fine. Hindi ko pa rin matanggap na pagdadaanan niya ito. Kasalanan ko. Sana ay nabantayan ko siya. Sana ay hindi ito nangyari sa kanya.
I owe Tristan our lives. Dahil sa kanya ay nakakulong na ngayon ang hayop na si Owen. Siya at si Atty. Arellano ang nag-asikaso habang binabantayan ko si Julie. Hindi na kami malalapitan ng Owen na iyon kahit kailan.
It was after three days when I went back to work. Walang gana ang buo kong katawan ngunit kailangan kong maging matibay.
Kahit nanghihina pa ang isip at katawan ko dahil sa pangyayari at sa mga nagdaang-araw ay napapangiti pa rin ako. The way Tristan embraced me that night was so memorable. Sa gitna ng trahedya ay nakasama ko siya. Sa balikat niya ako umiyak. Hindi ko tuloy matanggal sa isip ko na baka may iba na rin siyang pagtingin sa akin. Hindi kaya nahuhulog na rin sa akin si Tristan? Gusto na rin kaya niya ako gaya ng pagkakagusto ko sa kanya?
Maingay pa ang mga kuliglig sa katahimikan. Agad na nagtinginan ang mga lalaki sa opisina pagpasok ko pa lamang ng pinto. Hinanap ng mga mata ko si Kai at parang nakita ko sa kanya ang pagngisi ni Owen. Kinilabutan ako kaya mabilis akong naglakad upang lagpasan sila. Darating din ang tamang panahon sa pagtutuos namin ni Kai.
Napatunayan kong mali ang iniisip ko kanina bago pumasok. I arrived at the Head Architect's office to find Zahara at Tristan's table. Prente siyang nakaupo sa ibabaw ng mesa habang nakalabas ang seksing mga hita. Habang si Tristan ay nakaharap sa kanya at tawa pa sila nang tawa. Sumakit agad ang puso ko.
"Good morning, Ms. Vergara," nakatawa pa ring tanong ni Tristan.
"G-Good morning, Sir."
Tumaas ang dalawang mga kilay ni Zahara.
"How's Julie?" tanong ni Tristan.
"She's... fine." Hindi ako makatingin sa kanila.
"Good to know," aniya.
Umismid si Zahara pero hindi iyon napapansin ni Tristan.
"Can you prepare the papers for the Horowitz Building? Para ma-revise namin ni Zah?" malambing na tanong ni Tristan.
Tumango ako. Parang tinutusok ang puso ko ng karayom. Tumayo si Zahara at umikot. May ibinulong siya kay Tristan na napangiti naman.
Kung kanina ay karayom, parang naging palakol ang tumama sa dibdib ko. Inayos pa ni Zahara ang nagulong buhok ni Tristan.
Ang bobo ko. Kahit kailan ay bobo ako pagdating sa puso. Hindi ko dapat binigyan ng maling kahulugan ang kabutihan ni Tristan. He was kind to me because I was one of his employee. He just did what a good boss should do.
Ibinuhos ko maghapon sa trabaho ang paninibughong nararamdaman. I pretended like I could not hear or see them. I did what was asked from me. Kailangan kong ilugar ang sarili ko.
Nasa likod ako ng sasakyan ni Tristan nakaupo. Para akong third wheel or nerd chaperone rito sa likod. Ihahatid daw ni Tristan si Zahara sa unit nito bago kami umuwi. Dinaing na ang puso ko sa sobrang tuyo. Ubos na ang dugong dumadaloy sa ugat dahil sa inggit at selos. Ako sana ang katabi ni Tristan. Ako rin sana ang kausap niya. But to my dismay —for the whole trip— he even didn't glance at me.
Hinatid nga namin si Zahara sa napakalaking unit nito sa Makati. Hindi ako kumikibo hanggang makarating kami sa condo ni Tristan.
"Nakakatulog na ba ng maayos ang inay mo?" Nagulat ako nang nasa elevator na kami ay tinanong ako ni Tristan.
"Yes, I think. Thanks to you," I said. Mahusay ang kakilala niyang doktor na tumitingin kay Julie.
Kinagat ko ang labi nang mamataan ko ang galos sa kanyang kamao. Pumikit ako at huminga ng malalim ngunit muling napamulat nang may maramdamang init. Lumayo ako ng bahagya sa kanya upang hindi magdikit ang aming mga braso.
Tumaas ang gilid ng labi niya. Saka siya uminat at pinatunog ang leeg. His sex appeal is oozing when he does that.
"It's a busy day. Palagay ko, makakatulog ako ng mas maaga tonight."
Tumango lang ako. We had our dinner from the office. Biniyayaan naman nila ako ng hapunan kanina maski paano.
"You can do what you want tonight, Lyna. Basta huwag kang aalis ng walang paalam. Call your mom. You can... have a chat..."
My heart is suddenly hammering inside my chest. Uminit agad ang batok ko sa huling salitang sinabi niya.
"Chat with your friends, Lyna. Tell them you're fine since you've started being with me."
I nodded once again. Hindi ako makapagsalita.
Bumukas ang elevator at nauna na akong lumabas. I key in 'always and forever'. Lakas-loob kong binuhay ang mga ilaw pagpasok ko sa loob. Nakasunod sa likuran si Tristan.
"I... Mag... Magpapahinga na rin ako, Tristan. Kung may iuutos ka, katukin mo lang ako."
Ngumisi siya at tumango. His eyes darted on my lips while my heart still trying to find it's normal breathing.
Hindi ko pa man nahuhubad ang mga suot ko ay binuksan ko na ang chat device. May nagtutulak sa akin na buksan iyon.
Kamamadali ay napindot ko kaagad ang isang standby user name, Hudson. Huli na para i-drop ang call. Nag-echo ang boses kaya mabilis kong in-off ang speaker at isinuot ang head set.
Nakipag-chat ako kay Hudson. Hinayaan ko ang isip na muling gumawa ng daan upang makatakas sa tunay na mundo. We sex chat. We dirty talk. Sobrang bastos ng bibig ni Hudson. We had some casual talks and he told me to be sexy all the time at huwag ikahiya ang trabahong ito. But I couldn't feel from him what Blue can do to me. Then a red circle popped up in a flash from the monitor.
Blue calling.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro