MNGS 34
HINDI alam ni Tristan na umalis ako ng opisina. Gusto kong umalis at umiwas sa mga taong nambastos sa akin. Gusto ko, pagbalik ko ay naroon na si Kai upang ako mismo ang magpapatunay na walang katotohanan ang mga sinasabi niya.
That bastard! Dahil lamang sinabi ko sa kanya na tigilan na ako sa panunuyo niya ay siniraan pa niya ako.
Nasa isang sulok ako ng coffee shop. I feel like crying. Why I feel so alone? Wala man lang akong mapagsabihan ng problema ko. Paano kung hindi ako paniwalaan nina Zandro at Ferrer? Paano kung tuluyan nila akong bastusin? Paano kung siniraan din pala ako ni Kai kina Andrea?
Hinihilot ko ang sumasakit kong ulo nang may babaeng pumasok ng shop. Patingin-tingin ito sa paligid ngunit hindi niya man lang ako namukhaan.
"Julie..." tawag ko sa kanya. Baka itinaon ng langit na makita ko siya sa hindi inaasahang pagkakataong ito. I need someone to talk to.
Tumayo ako upang lapitan siya. "Julie!" Nilakasan ko na ang pagtawag sa kanya kaya napalingon siya sa akin.
Napanganga ako. Ngayon ko lamang siya muling nakita ng ganito. There was happiness in her eyes when she saw me. Ang kislap ng nagbabadyang luha ay naroon sa kanyang mga mata.
"Lyna? Lyna, anak!" namamalikmata niyang sabi.
I'm not sure what got into me. Perhaps it was because I missed her that my feet instinctively ran towards her and hugged her as if we hadn't seen each other in a long time.
Gumanti sa akin ng yakap si Julie. Iyong yakap ng isang ina. Hindi iyong parang nandidiri siya sa akin at parang ayaw niya ako sa kanyang tabi. She seems different and my heart suddenly filled with joy.
Magkatulad kaming maluha-luha nang bumitiw sa isa't-isa.
Niyaya ko siyang magkape. Kinumusta ko siya. Wala siyang kolorete sa mukha sa oras na iyon. Simpleng bestida lang ang suot taliwas sa mga dati niyang ginagamit. Napansin kong may malaki siyang pasa sa braso na agad niyang tinakpan. Tinanong ko kung saan niya iyon nakuha.
"Wala ito. Nabangga lang sa kusina kanina." Ngumiti siya at hinawi ang buhok ko sa noo. "Hindi mo ba pinababayaan ang sarili mo, Lyna? Hindi ka ba pinahihirapan ng boss mo? Alam mo, parating malinis sa apartment mo. Parati kong dinidiligan ang mga halaman mo. Iyong pang-grocery na ipinadala mo ay sapat-sapat na. Kaya huwag mo akong intindihin dahil nasa maayos ako, anak."
Kahit pigilin ko ay hindi mapalis ang ngiti ko habang nagsasalita siya. Umurong na ang dila ko at hindi ko na sinabi sa kanya ang kasalukuyan kong problema. Ayaw ko na masira ang kanyang saya. Hindi ako ang magiging dahilan para mawala ang ngiting nasa labi niya ngayon.
My heart was overjoyed kahit na galit ako kay Kai. Ewan ko pero gumaan ang pakiramdam ko pagkatapos kong makausap si Julie. Sana nga ay ito na ang simula ng muli naming pagkakasundo na mag-ina. Hindi ko alam kung ano ang himalang nangyari subalit ni isang pangalan ng lalaki ay wala siyang binanggit kanina.
Sa sobrang saya ay nagbalik ako sa opisina. Magdadahilan na lamang ako kay Tristan na may kinausap lang akong kliyente kaya nawala akong saglit. And by this time —in case I see Kai's face— I will just laugh at him. Kung bastusin na naman ako nina Zandro at Ferrer, siguradong makakatikim na sila ng maaanghang na salita galing sa akin. Hindi rin ako magsasayang ng laway pa para bulyawan si Kai. He isn't worth it.
"Dumating na ba si Kai?" tanong ko kay Kelly.
Sumimangot siya. "Huh? Bakit mo siya hinahanap? Ganoon ka ka-desperate?"
Uminit agad ang tainga ko. So, iba na rin ang tingin niya sa akin. "Oo eh. Ganoon ako ka-desperate." Binigyan ko siya ng ngising-aso.
"Inutusan siya ni Sir for site inspection. Kasama sina Ferrer at Zandro. Hindi ba dapat ikaw ang kasama? Nasaan ka? Iyong mga lalaki tuloy ang inutusan kaya wala sila rito."
Gusto kong sabihin sa kanya na mukha yatang baligtad. Siya yata ang desperada dahil walang mga lalaki rito ngayon while this was good news in my part.
"Nasaan ba ang phone mo? Kanina ka pa namin tinatawagan," tanong niya. Ibinagsak niya sa mesa ang lipstick na hawak. Masyado niyang pinapupula ang kanyang labi.
"Naiwan ko," simpleng sagot ko.
"Si Sir Tristan na nga lang ang pag-asa, hindi naman makausap ng matino. Parating masungit. Bumalik ka na roon para sa 'yo mabuhos ang sungit niya at hindi sa amin."
Umikot ang mga mata ni Andrea na hindi magkandatuto sa ginagawa. "Good luck na lang sa 'yo," sabi niya sa akin.
Nakasubsob din sa mga trabaho nila sina Vivian at Meg.
Binukas ko ang pintuan ng opisina. Agad na dumako ang mga mata ni Tristan sa akin.
"Where. Have. You been?" Itinigil niya ang ginagawa. Natusok yata ang puso sa talas ng mga tingin niya.
"S-Sa coffee shop lang..." Inilagay ko sa mesa niya ang dala kong kape. "May kliyente kasing kakilala ko kaya medyo nagtagal. Pasensiya na."
Pinakatitigan pa rin niya ako. Yeah. He will again say that I'm a liar. And that's true.
Inilibot ko ang mga mata sa paligid. Wala na roon ang mga sinira kong bulaklak.
"I let somebody clean it," Tristan suddenly said.
"Pasensiya na. Hindi ko napigilan ang—"
"I'm not asking for any explanation, Ms. Vergara. Just..." His jaw clenched. "Just do your work."
Huminga ako ng malalim. Dumaan sa alaala ko ang binasag niyang vase. Iyon naman ang gusto niya, 'di ba? Ang walang bulaklak sa kanyang opisina dahil may allergy siya?
Pag-uwi namin at pagkahapunan ay nagpaalam agad ako kay Tristan na maagang magpapahinga. Hindi naman siya nagkomento ng kahit ano maliban sa mga pagtitig niyang makahulugan sa akin. Kailangan ko rin naman talaga siyang iwasan hangga't kaya ko at hangga't maaga pa. Nasasanay na akong palagi siyang nakikita at nakakasama.
Alas-dose ng hatinggabi nang nagdesisyon akong isakatuparan ang balak. Babalik ako sa apartment ko para sorpresahin si Julie. Nahihiya akong magpaalam kay Tristan and the last time I came to get my stuff from my apartment, he insisted to drive me there. And that won't happen again. Hindi ko na nais pang abalahin siya lalo at alam kong pagod siya sa dami ng deadline sa trabaho.
Nagpahatid ako sa tinawagan kong taxi hanggang sa apartment ko. Nasa akin pa rin naman ang susi kaya maingat kong binuksan ang pinto. Baka kasi nagpapahinga na rin si Julie. Gigisingin ko na lang siya at sosorpresahin. May dala akong midnight snack para sa aming dalawa. We might at least bond for a few hours bago mag-umaga. Uuwi rin ako bago pa malaman ni Tristan na wala ako sa condo niya.
Kumunot ang noo ko nang may marinig akong umiiyak.
"Tama na. Tama na, hindi ko na kaya..." Boses iyon ni Julie. Tumakbo ako upang hanapin siya.
Bumaligtad ang sikmura ko sa nakita ko. Hubo't hubad si Julie habang nakatali ang mga kamay. Namumula ang balat. Tadtad ng latay. Punong-puno ng luha sa mga mata. Habang ang walang hiyang si Owen ay wala ring saplot, may hawak na maikling latigo na siyang inilalatay niya kay Julie.
"A-Ano'ng ginagawa mo?" pigil ang galit na tanong ko kay Owen. Nanginginig ang buo kong katawan.
"L-Lyna?" gulat na nawika ni Julie.
"Oh, nandito pala ang anak mo." Hindi siya nahiyang humakbang palapit.
"Lyna, umalis ka na. Pabayaan mo na kami," saad ni Julie.
"Pabayaan? Tinatanong kita! Ano'ng ginagawa mo?" sigaw ko. Umaalon ang dibdib ko.
"Ako ba ang tinatanong mo?" Galing sa ilalim ng lupa ang pagtawa ni Owen. "Nakikita mo naman. Ganito kami magmahalan ng nanay mo. Gusto mong sumali?" Lumapit pa siya at hindi na ako nagpigil. Pinagsasampal ko si Owen habang umaagos ang mga luha ko.
Minura niya ako at inagaw ang mga kamay kong walang habas sa pagsampal sa kanya. Nang mahuli niya ang mga kamay ko ay ibinalya niya ako. Parang mababali sa sakit ang likod ko.
Bago pa ako nakabawi ay sinakal naman ako ni Owen. "Tutuhugin ko kayong mag-ina. Walang makikinabang sa inyo..." Hinablot niya ang suot kong blusa. Punit agad ang damit ko at lumitaw ang suot kong panloob. Sabay kaming napasigaw ni Julie.
Lumalaban pa ako nang bigla na lang may sumuntok sa kanya. Hindi lang isa kung hindi sunod-sunod na mga suntok. Galit na galit na halos madurog ang mga kamao.
Tinakbo ko si Julie. Kinalagan ko siya. She was still weeping when I quickly covered her with a blanket while Owen already passed out. Hindi pa rin tumitigil ang sumusuntok sa kanya kaya tumakbo na ako upang pigilin ang mga kamay ng galit na galit na si Tristan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro