MNGS 33
"I EXPECT all you to do your best. And lastly, do not include any of your personal life if you still want to work here. Nagkakaintindihan ba tayo?" seryosong sabi ni Tristan habang kaharap kaming lahat. Nagpatawag siya ng emergency meeting.
Tiningnan ko ang bawat isang babae sa tabi ko habang nakikinig sa boss. Lahat sila ay halos laglag panga kahit pa magulo ang buhok ng boss. Kahit hindi nakaayos ang kurbata nito at nakabukas pa ang ilang butones ng polo. Sobrang nagmamadali yata si Tristan at hindi na naayos ng maigi ang sarili. But ugh! Why does he still looks so damn hot?
Kumikirot pa rin ang sentido ko, pero tinitiis ko. Nakatulong din naman ang gamot na ininom ko kanina maski paano. Medyo sumasakit pati na ang dibdib ko dahil tuluyan nang nakaalis si Daria. Pabalik na ang lahat sa kani-kanilang puwesto nang kalabitin ako ni Kai.
"Bakit?" nagtatakang tanong ko.
May inilabas siyang mahabang box. "Para sa 'yo," bulong niya. Pasimpleng iniabot sa akin ang kahon ng pulang rosas.
"P-Para saan ito?"
"Wala lang," nakangiting wika niya. Kasingpula ng mansanas ang kulay ng kanyang pisngi.
Baka nakatingin ang boss kaya lumingon ako sa puwesto ni Tristan. Saktong patalikod na siya kaya mabilis kong kinuha ang bulaklak galing kay Kai.
Abot hanggang tainga ang ngiti ko. Ngayon lang ako nakatanggap ng bulaklak pagkatapos akong iwan ni Dave.
Sinasapot na ang vase na natagpuan ko sa ilalim ng sink sa pantry pero nagawa kong linisin para ilagay doon ang tatlong pirasong rosas.
Itong si Kai, may pagka-sweet din pala. Mamayang break time ay makikipagkuwentuhan ako sa kanya upang alamin ang mga nangyari tungkol kagabi. Para kasing blurred ang isip ko at iilan lang ang maalala. Ang natatandaan ko ay ang matatamis na drinks na ininom namin sa bar na iba't iba pa nga ang kulay. Ito rin kasing si Tristan, walang sinasabi man lang. Pulos wala raw nangyari.
Dala ko ang plorera with three red roses at ipinatong iyon sa table ko.
"Throw that away."
Lumingon ako kay Tristan. He's sitting on his chair.
"Huh?" nagtataka kong baling sa kanya.
"I said, throw those flowers away. Ayoko ng bulaklak sa opisina ko. May... may allergy ako ngayon." Humatsing siya.
Kumunot ang noo ko. Mayroon pala siyang allergy? Nilapitan ko siya. Tinigil niya ang ginagawa at sumandal sa kanyang inuupuan. Walang sabi-sabing dinama ko ang noo niya.
"Wala ka namang lagnat, Sir. Dapat pala ay ikaw ang uminom ng gamot kanina," usal ko.
Hindi siya nakagalaw. Sinamantala ko iyon. Makaganti man lang dahil nakita niya akong naka-bra at panty lang kanina. Ganti ng kabutihan ang ibig kong sabihin. Dahil inalagaan niya ako kagabi. He took off my clothes. He let me sleep in his room. He made me breakfast. What else to thank for?
"Ganito ang ayos dapat ng kurbata mo, Sir. At ang kuwelyo mo, dapat nakaayos din. Ito..." Pinasadahan ko ng kamay ang dibdib niya. "Dapat walang lukot dito. Hanggang dito..."
Suminghap siya nang bumaba ang kamay ko sa mga butones ng polo niya. Mariposa is possessing me right, now. Although my heart is thundering under my chest.
"There. You're perfect, Sir." Inayos ko ang salamin sa mata saka ako tumikhim. Sobra-sobra ang kaba ko. Ngayon lang lumakas ang loob ko ng ganito. May ispiritu pa yata ng alak hanggang ngayon ang utak ko.
"Wala kang allergy, Sir..."
Lumaki ang mga mata niya nang makita ang plorera sa ibabaw ng kanyang mesa. Kanina ko pa iyon inilagay pero hindi naman siya humatsing.
Muli kong kinuha iyon at inilagay sa mesa ko. Hindi pa man ako nakakaupo sa silya ko nang bigla na naman siyang humatsing. Tatlong beses, may pasinghot-singhot pa.
Ano ba'ng problema niya sa bulaklak? Gulat ako at napanganga na lang nang si Tristan na ang kumuha ng vase saka niya itinapon iyon sa metallic trash can. The vase broke into pieces.
Pinanlisikan ko siya ng mga mata. Naiinis ako sa kanya but I couldn't tell that to him. He's my boss.
May gana pa siyang ngumisi. "I told you, I have an allergy."
Padaskol na lang akong umupo at galit na nagtipa sa harap ng laptop.
***
TATLONG araw ang lumipas na halos hindi kami nagkikibuan ni Tristan. For three days, hindi rin nagparamdam si Blue. I never had any chat time anyway dahil pagod na rin ako pag-uwi.
Sabay pa rin naman kaming pumasok ni Tristan at umuwi. Hinihintay niya ako palagi. Sa tuwing sasakay ako sa magara niyang kotse ay natatahimik na lang ako. When he asked something, I always gave him a short answer. Naaalala ko kasi palagi ang vase na binasag niya pati na ang bulaklak. Hindi man lang siya nag-sorry.
Baka may dumi ang salamin ko sa mata at nanlabo lang ang paningin ko. Naghihintay kasi sa table ko ang kulay lilang bulaklak. It's lavender with some white lilies.
Pumasok si Tristan at nakita niya ang hawak ko. Nagtama ang aming paningin. Ilang segundo lang ay nag-iwas din siya at dumiretso sa kanyang table.
"We're going out for an inspection today. Be ready, Ms. Vergara," he announced.
"Yes Sir." I smiled at the thought that he's okay with these flowers. Inayos ko iyon at sinipat kung may greeting card pero wala. Iisa lang naman ang alam ko na magbibigay nito.
But this is too much. Ayokong mag-abala pa at gumastos si Kai para lamang regaluhan ako ng bulaklak. Kung totoo ang sinasabi ni Zandro na liligawan ako ni Kai, dapat ngayon pa lang ay malaman na niya na wala siyang aasahan sa akin. Wala akong planong magpaligaw at hindi ko nais na magkanobyo. Ayokong matulad kina Haira at Julie. Mabuting tao si Kai. Pero mabuting tao rin si Dave na nagawa akong iwan.
Oras ng break time nang ako na mismo ang lumapit kay Kai. Saktong nasa ladies room ang mga babae at ang mga lalaki naman ay naghahanda para sa site inspection para mamaya.
Nahihiya akong hinawakan ang braso niya. "Kai..."
"Lyna," ani nito. Malapad na agad ang ngiti niya.
"Puwede ba kitang makausap?" Ibinaba ko rin ang kamay ko.
"Nag-uusap na nga tayo, 'di ba?" biro niya.
Lumawak ang ngiti ko pero agad ko ring pinalis iyon. "Kai, tigilan mo na iyong pagbigay sa akin ng bulaklak," nahihiya kong sabi. "Nagpapasalamat ako dahil napansin mo 'ko. Pero sorry, Kai. Wala kang maaasahan sa akin."
Umigting bigla ang panga niya. Tumingin siya sa paligid. Tahimik ang buong opisina. Sarado pati ang silid ni Tristan.
Mapait itong ngumiti. Tumango-tango ngunit walang sinabi kahit ano. Umiiling ang ulo niya na tila hindi makapaniwala.
Naawa ako sa kanya kaya hinawakan ko siya sa braso. "Kai, pasensiya na—"
Marahas niyang itinaas ang kamay niya para pigilin ako sa sinasabi ko, saka siya mabilis na tumalikod.
Huminga na lang ako ng malalim. Mabuti na ang gayon kaysa umasa pa siya.
Pagkatapos ng insidenteng iyon ay hindi na ako pinapansin ni Kai. Mukhang masyadong sumama ang loob niya sa naging desisyon ko.
***
NANG sumunod na araw ay napansin ko ang katahimikan sa buong opisina. Akala ko ay dahil lang iyon sa pagdating ni Tristan. Mainit na naman kasi ang ulo ng boss. May dumagdag na naman sa deadline namin kaya mag-o-open daw ng bakanteng posisyon para sa Junior Architect.
Tahimik pa rin nang lumabas ako ng silid ni Tristan para kumuha ng printed copy paper sa stock room. Napansin kong nakasunod sa akin si Ferrer.
Nagulat ako nang hawakan niya ang braso ko at isandal sa dingding. He was smiling but his eyes were dark and scary.
"Hindi ko akalain na sa likod ng kahinhinan mo Lyna, ay malandi ka rin pala."
Kinabahan ako. Nalaman ba ni Ferrer ang lihim ko? Gulat at may poot akong napatingin sa kanya. "Bitiwan mo 'ko, Ferrer," banta ko sa kanya, kahit nanginginig na ako sa kaba.
"Bitiwan? Kaya pala hindi ka tinanggal ni Sir. Hindi ba gustong-gusto mo ang hinahawakan ka?" Bumaba ang mga mata niya sa dibdib ko. "Patingin naman ako. Kahit silip lang. Matagal ko nang gustong makita ang mga iyan."
Ubod-lakas ko siyang itinulak. Nagmamadali akong tumakbo papasok ng stock room. Naabutan ko roon si Zandro na may dalang mga tracing paper.
"Z-Zandro, si Ferrer..." hirap kong sabi. Natatakot akong masundan hanggang dito ni Ferrer.
Inilapag ni Zandro ang mga dala sa table. Agad niya akong nilapitan. "Namumutla ka, Lyna. Nasobrahan ka yata kagabi..."
Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko siya maintindihan.
"Puwede bang tikman din kita? Kahit manang kang manamit, alam ko maganda ka."
Nanghina ang mga tuhod ko. Ano ba'ng nangyayari? Bakit nila ako binabastos ng ganito?
"Huwag ka nang mahiya, Lyna. Sabi ni Kai, magaling ka raw pagdating sa kama. Sh*t, gusto ko iyong kagaya mo, eh. Hindi ko lang masabi sa 'yo."
It was Kai!
Siya ang nagkakalat at naninira sa akin!
Tumakbo ako para hanapin si Kai. Nanginginig ako to the point that I wanted to cry in anger. Pero wala siya. Humarang na naman si Ferrer pero binalya ko lang siya. Pumasok ako sa silid namin ni Tristan at napanganga na lang siya nang kunin ko ang lavender flower mula sa table ko at galit na pinagtatapakan ang mga iyon.
"Lyna, what's going on?" Tumayo siya at plano pa yata akong lapitan. "I thought you like lavenders?"
"Yes! Pero kung galing din lang sa walang kuwentang tao, kanya na ang bulaklak nya!" nanggigigil kong sabi.
Kuyom ang mga palad kong bumalik sa puwesto. Pasimple kong pinahid ang luha sa mga mata ko na akala ko ay hindi tutulo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro