Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

MNGS 28

"IN MY office. Now Lyna," utos ni Tristan. Salubong pa rin ang mga kilay niya. Bigla tuloy akong kinabahan. Narinig kaya niya ang mga sinabi nina Andrea? Nakakahiya na malaman niyang ganoon ang iniisip nila.

Nagtinginan ang mga kasamahan ko at agad nagsipagbalikan sa kani-kanilang puwesto.

Pumasok ako ng silid ng Head Architect. Nakatayo si Tristan sa tabi ng table niya. Dumiretso ako sa mesa ko. Namataan ko ang lavender spray sa tabi ng incoming tray ko. Kinuha ko iyon at nag-spray sa area ko at saka nagmamadaling nilinis ang mga kalat.

My heart was beating so loud. I know Tristan was observing me. Kung may iuutos siya, dapat ay sinabi na niya. Hindi iyong ganito na naghihintay ako kaya lalo tuloy akong kinakabahan.

May tastas ba ang palda ko? Mali ba ang ayos ng blusa ko? Hindi ba pantay ang salamin ko? Nakapagsuklay ba ako?

"She's your mother," I heard Tristan say.

Lumingon ako sa kanya. "H-Huh?"

His lips formed into a thin line. "We're together," he said again. Hindi ko siya maintindihan. Parang sarili lang niya ang kausap niya.

"S-Sir?"

Dumiretso ako ng tayo nang bigla niyang inilang hakbang ang pagitan namin. Hinawakan niya ang braso ko. His chest was heaving in anger. While I was nervous to death. What did I do? Bakit bigla siyang nagalit?

Sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Kaninang magkasabay kami sa kotse niya ay wala na siyang kibo. Hindi ko naman pinansin dahil baka nga, masakit pa rin ang ulo niya dahil sa pagod at sa mga nainom niya kagabi o sa puyat dahil kasama niya ang mga kaibigan niya.

"You will not like me? Really?" he scoffed. Tumitig siya sa akin na parang pigil na pigil ang galit. He heard what I said to Andrea. Babawiin ko ba ang sinabi ko? Kailangan kong magsinungaling dahil alam kong pagtatawanan lang ako nila ako.

"You lied," he said with stern voice. "You are the most lying object I have ever met. Julie is your mother..."

I gasped. Paano niya iyon nalaman? Kailan pa niya alam? Iyon ba ang ikinagagalit niya?

"You didn't tell them you're with me..." His eyes were dark. He's staring at me like he's going to eat me. "Sa akin ka na nakatira, Lyna. Sa akin ka sumakay kanina. Pag-aari ko ang kama na tinulugan mo kagabi. Who are you to tell them I'm not going to like you? And last night, you were—" he paused.

Pulang-pula ang pisngi niya. Mahigpit ang hawak niya sa braso ko. Wala akong magawa kung hindi ang pagmasdan na lamang ang kanyang mga mata na nakatutok sa akin.

Sa likod ba ng salamin ko ay makikita niya ang kaba na nararamdaman ko? Kahit galit siya ngayon, kahit hindi ko siya halos maunawaan, kahit nalilito ako kung bakit ganito ang sitwasyon naming dalawa, ramdam ko pa rin ang kakaibang tibok ng puso ko para sa kanya.

I want his lips to mine again. I want his eyes all over me. It was him I was fantasizing about when I listened to Blue. Ayoko. Can I stop the beating of my heart? Gugustuhin ko na naman bang masaktan habang may isang babae na lilitaw diyan at masasaksihan ang paghalik sa kanya?

No. Tristan Romulo —even he's so near me now— is still so distant from me.

"F*ck it!" he muttered.

Bigla niya akong binitiwan. Nanlalamig ang mga kamay ko habang niyayakap ko ang sarili.

"I-I'm sorry. Hindi ko sinabi sa 'yo ang tungkol kay Julie. P-Pero may dahilan ako kung bakit—"

"You're not an angel as you look. You're very good at lying. Even before."

My eyes stung. Tila palaso ang mga salitang iyon na binitiwan niya. Ayoko lang naman madawit ang pangalan ni Julie sa kalokohan ni Owen.

Yumuko ako upang itago ang mga mata kong nagbabadya na ang pagluha. Tinalikuran ko siya. May tumulo na kasi mula sa mga mata ko. Pasimple kong pinahid ang pisngi ko. I can explain to him pero hindi ngayon. Mainit ang ulo niya, galit siya sa akin at emosyonal ako.

"I see you have horns and a tail too," he utter indistinctly.

I was suddenly consumed with seething rage. Bakit ba galit na galit siya? Bakit hindi muna niya alamin ang dahilan ko? Paano pa kapag nalaman niya kung gaano ko kinokontrol ang sarili kapag kaharap siya? Kapag nakatitig siya sa akin at kapag nakikita ko ang labi niya? He's right. I have horns and tail.

"Yeah, when you are in front of me!" I whispered to myself.

"Say that again?"

Natigagal ako. Halos nasa tabi ko pala siya at dinig na dinig niya ang sinabi ko.

"Say that again Lyna..." Nasa tapat na ng likod ng tainga ko ang hininga niya. Nanlambot ang mga tuhod ko.

"I'm... I'm sorry, Sir," I said, trembling in embarassment.

Biglang may kumatok sa pintuan. Sabay kaming napatingin doon. Lumitaw si Zandro. "Sir, dala ko na iyong draft." Tumingin siya sa akin, pagkatapos ay kay Tristan.

Umupo ako sa harap ng laptop na nakapatong sa table ko habang si Tristan ay tahimik ding bumalik sa silya niya. I could feel Zandro's eyes still examining me and Tristan.

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro