Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

MNGS 25

IT WAS early afternoon when Tristan's friends came by his condo. Nagmukhang napakaliit ng lugar sa kanilang apat na magkakaibigan. Pulos sila matatangkad, walang itulak-kabigin pagdating sa pangangatawan at higit sa lahat, all of them were gloriously handsome.

They asked him to went out someplace —although hindi ko alam kung saan— and have some fun. Ngunit hindi pumayag si Tristan.

"I just arrive, Tris. You might at least welcome me and celebrate with me."

"You're not celebrating. You're mourning River. I told you to move on. Huwag mo nang balikan ang anak ni Professor Pulumbarit. Masasaktan ka lang kagaya ng ginawa sa 'yo ni Amy," Tristan said. Nagbuhos siya ng whiskey sa baso niya. "You were both used by two women."

"Shut up," River muttered.

"F you Tris. Don't mention those two girls to River here. Baka sapakin ka nito," sabi ni Hero. Binuhusan niya ang baso ng tinawag na River. Hinagod pa niya ang buhok. Singtakad marahil siya ni Tristan. He's wearing a slim white shirt partnered with tight jeans, and all his bodily muscles were very visible. Kaya nanatili akong nakayuko lamang dito at naghihintay ng utos ni Tristan. They are overwhelming to look at.

"And what about you? Ano'ng gagawin mo rito? Are you done playing?" sunod niyang tanong kay Tristan.

Napansin kong sinulyapan ako ni Tristan ngunit nagbawi rin agad. Hindi niya sinagot ang tanong ni Hero. Sa halip ay si Hawk ang nagsalita. Tingin ko, siya ang pinaka-mature mag-isip sa kanila. Seryoso at pangiti-ngiti lang sa mga biro ng mga kaibigan. "I miss Lola Claudia."

"Oh yes. I miss Lola, too," Hero said. "Puntahan kaya natin siya? Three hours ride lang naman iyon."

"Huwag n'yong guluhin si Lola," Tristan said before he looked at me. "Lyna..." Napakislot ako sa kinatatayuan. "Give us some more ice, please."

Tumahimik sila. He hasn't introduced me to them yet kaya lalo akong nahihiya rito. Ngunit nasisiguro kong kabilang sila sa mga estadong nasa itaas. The way they speak, the way they talked about business and politics and of course... women. Pakiramdam ko ay isa akong outcast.

"Sir," sabi ko habang inilalagay sa mesa ang ice tray.

"You haven't introduced us to this lady. Hi, I'm Hero." Naglahad ng kamay si Hero. "Engineer Hero Navarro." Nakangiti siya at pantay-pantay talaga ang mga ngipin niya. Wala akong nagawa kundi makipagkamay din sa kanya habang namamalikmata yata ako dahil sa kaguwapuhan niya. Mabuti na lang at may suot akong salamin sa mata at hindi niya mahahalata na halos hindi na ako kumukurap.

"This is Engineer River Andrada..." pagpapakilala niya sa katabi. Halata kong tahimik lang si River habang nakararami na ng iniinom. He seems preoccupied with something.

"And Engineer Hawk Salazar..."

"Salazar?" Bigla kong nasabi. Naalala ko ang pangalang iyon. Siya kaya ang binanggit ni Tristan na kausap niya noong na-miss namin ang isang napakalaki at napakamahal na transaksiyon? The reason why I'm here serving the Head Architect as his Personal Aide.

Ibubuka ko na sana ang bibig para magtanong kay Hawk nang agawin ni Tristan ang kamay kong hawak ni Hero. "That's enough." His face was flustered. Tumayo siya at kinuha ang jacket na nakasampay sa likod ng couch. "I changed my mind. Let's go to your bar, River." Isinuot niya ang leather jacket habang tila nagtaka naman ang tatlong nanonood lang sa kanya.

"Go to your room, Lyna. We're going out."

Hindi pa rin kami kumikilos. Hindi ko rin maintindihan ngunit nahawa na yata ako sa tatlo niyang guwapong kaibigan na nagtataka na rin. Pulang-pula kasi ang pisngi ni Tristan na tila may nakaaway.

"H-Hindi mo ba ako isasama?" tanong ko. Sinabi naman niya iyon na kahit nasaan siya ay naroon din dapat ako.

"What?" he asked, stunned. "Hell no! You stay here."

Napahiya ako at natahimik na lang.

"And you three, what else are you waiting for? Umalis na tayo!" utos niya sa mga kaibigan. He seemed pissed.

Napansin kong napangisi si Hero habang iiling-iling naman si Hawk. Si River ay umisang lagok pa ng whiskey. Pagtayo niya ay sumuray agad siya. Naalalayan naman siya ni Hawk na lalong napailing.

"Women," Hawk said.

Wala akong maunawaan sa mga reaksiyon nila. It should be men. Even if I was a virtual sex goddess, I still couldn't grasp men when they act and have a common understanding of each other.

***

I WOKE up to find Tristan still gone. Hindi siya umuwi kagabi. Baka doon na siya natulog sa sinasabi nilang hotel ni Engineer River Andrada. Gusto ko man siyang tawagan at alamin kung nasaan siya o kung ano ang nangyari sa kanya ay hindi ko magawa. Hindi naman ako girlfriend o asawa para magtanong sa kanya.

Mag-isa akong kumain ng almusal. Naligpit ko na rin at nalinis ang mga ginamit nila kagabi. Kapag may pagkakataon, plano kong kausapin si Engineer Hawk Salazar. May pakiramdam akong siya ang tinutukoy ni Tristan.

Tinawagan ko si Julie. Nakahinga ako ng maluwag nang malaman kong nasa apartment ko siya natulog. Nangako siyang mananatili roon. Sana nga ay tuparin niya. Sayang nga lamang na kung kailan na puwede na kaming magkasama na mag-ina ay saka naman ako kailangang lumayo. Iniisip ko pa kung paano ipakikilala si Julie ng tama kay Tristan. Iniisip niya na ulila na kaming magkapatid. Hindi ko naman maitama hangga't hindi ako nakasisigurong ligtas na nga si Julie at hindi na makukulong. I will also ask her to settle her connection with Owen Dalmasio once and for all. I want her to break up with that drug pusher.

It's Sunday and I found out that there's a church near Tristan's condominium. Nagbihis ako. Pinili ko ang puting-puting damit na bestida na lagpas tuhod ko. Ipagdadasal ko si Julie. Ang aming relasyon bilang mag-ina pati na ang kaluluwa ni Itay.

Pag-uwi ko ng condo ay napakadilim ng sala. Mukhang wala pa rin si Tristan. Ginabi na rin ako dahil naglibot pa ako upang maging pamilyar sa paligid. Dumaan din ako sa flower shop at bumili ng lavender flower para sa kuwarto ko rito. First time kong bumili ng ganito kamahal na bulaklak. This will be my lucky charm while I stay here with Tristan. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako rito. But God knows until when. Maybe I can stay here with him permanently. Or I can just be his friend somehow. Kahit maging malapit lang kami bilang magkaibigan. Although my mind keeps telling me that's impossible.

Pinili ko ang kulay lila na bestidang mahaba para siyang isuot ko ngayong gabi. Hanggang siko ko ang haba ng manggas at kahit dumating si Tristan at makita ako sa ayos kong ito ay siguradong aatras at hindi na ako muli pang hahalikan.

He was only forced to kiss me that time because of anger. I slapped him in his face, for pete's sake! Baka nga ginagantihan niya ako kaya panay ang utos niya kahit na personal na mga bagay. Gaya na lang ang pagpunas ng pawis niya. Iyong pagtapat ng katawan niya sa akin habang basang-basa ng pawis o kaya paglalantad ng katawan niya pagkatapos niyang maligo. Ugh! I know he could feel his effect on me and he's taking advantage of that.

Sinapo ko ang ulo upang kalimutan ang mga pangyayaring iyon. No, I'm not going to be tempted by his charm! I have to control myself while I'm staying here with him.

Namataan ko ang bag na naglalaman ng mga gamit galing apartment ko. Minabuti kong ayusin na lamang iyon habang naghihintay kay Tristan. Buong araw na siyang wala. Ganito ba siya tuwing sasapit ang weekend?

Kagat-labi kong binuksan ang chat device ko. Tila may nagtutulak sa akin na buksan iyon at dalawin ang account ni Mariposa.

Hindi nga ako nagkamali. Aside from the calls coming from random men, Blue called me six times. My heart pounds so fast when the device rang. It's Blue calling.

I feel nervous. Sasagutin ko ba? Paano kung dumating si Tristan?

Ilang beses akong huminga ng malalim. Hindi tumitigil ang tawag.

I searched for my head phone. I took the device on the bed and prepared myself. I will answer him.

Pagsuot ko ng head phone ay agad kong pinindot and accept sign. Kinakabahan akong sinagot ang tawag.

"Good evening, Blue. Mariposa here. What's your greatest fantasy?" I asked, almost panting.

"F*ck, Mariposa! I've been dying to hear your voice. I want you to magine yourself as an old-fashioned lady wearing your long, white church dress. Then I'll lock you inside my room and ripped all your clothes into pieces and f*ck you hard!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro