Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

MNGS 20

A/N: This is the unedited/ incomplete version. Buy the published book on shopee.ph for a better reading experience plus chapter never have read before. UNDER IMMAC PUBLISHING.

Thank you for reading. Keep on dreaming.
My Naive Girl Stalker ©
By Mar Mojica

---

HINILA ko ang kamay ko nang nasa loob na kami ng elevator ni Tristan. Mabuti na lang at nakaalis na sila Andrea kundi ay siguradong magtataka ang mga iyon kung bakit kasabay ko si Tristan at hawak pa ang kamay ko.

"S-Sir, saan tayo pupunta?"

"Sa condo ko," kaswal niyang sagot. I felt the dancing butterflies inside my belly. It was like there's something going on between us.

Ugh, Lyna! Huwag kang mangarap!

"B-Bakit? Hindi puwede," protesta ko.

"Nakausap mo na ang abogado ko?"

"Yes."

"Good."

"Good what?"

"We're going home." Pinindot niya ang numero patungong basement kung saan naka-park ang kotse niya.

Pinindot ko naman ang patungong ground floor kung saan may nag-aabang na mga taxi.

"H-Hindi ako papayag," nauutal na sabi ko. Ano'ng akala niya sa akin? Madaling makuha? Oh sh*t! What am I thinking?

"Hindi ka papayag?" Nagdikit ang labi niya. There's an urge within me to taste that lips. Kaya nag-iba ako ng tingin para pigilin ang sarili.

"Hindi ako papayag," ulit ko.

"You're now my stay-in Personal Aide, Lyna. I've given you enough time." Nakapamulsa ang mga kamay niya. Kalmado at parang wala lang sa kanya ang pinag-uusapan namin. Samantalang ako ay parang sasabog na ang puso. Isipin na lang na nandoon ako sa condo niya ngayong gabi. How can I stop myself from turning into a virtual goddess when he's near me?

"Hindi ako papayag na maging stay-in Personal Aide mo or whatever you want!" matapang na sabi ko.

"Nakapirma ka na, Lyna. Don't you remember what we've discussed? You'll report to me kahit saan." Pinagmasdan niya ang mga umiilaw na numero sa ulunan namin. "You said you'll do anything."

Hindi ako nakakibo. Tama kasi siya. Pumirma ako ng kontrata at sinabi ko ang lahat ng iyon. Pero iyon ay noong hindi pa niya ako hinalikan.

"Unless you've changed your mind. Well then, that's fine with me. Ipakukulong ko na lang si Dalmasio..." Bumukas ang pintuan ng elevator. Nasa basement na kami at hindi ko namalayan kung huminto kami sa ground floor.

Tumalikod siya at nauna nang naglakad palabas. Then he continued saying, "Pati na ang mga kasabwat niya."

Natigagal ako. Kasabwat. And that includes my mother.

Napasunod ako sa kanya. "Wait!" pigil ko sa kanya.

Nilingon niya ako.  "Hmm?" Umangat ang mga kilay niya.

"W-Wala akong dalang mga gamit. Hindi ako handa. I thought—"

"You thought this is only a joke, Lyna? For your information, I've never been this serious before." Nakatitig siya sa mukha ko. "Hindi problema ang mga gamit. I have everything ready for you."

Tumunog ang magarang kotseng makintab at kulay itim, hindi kalayuan sa kinatatayuan namin. He walked in that direction and I still followed him. Parang naglalakad ako sa mga ulap.

Binuksan niya ang pintuan ng kotse. Doon sa puwesto ng passenger's seat. Kumurap-kurap ako. Pinagbuksan ako ng kotse ng isang Tristan Romulo! Parang mawawalan yata ako ng ulirat. Hindi ko alam kung tatalon ako sa tuwa o tatakbo dahil sa sobrang kaba.

"You're scared, Lyna?" biglang tanong niya. Nakatulala lang kasi ako sa pintuang binuksan niya.

"H-Huh? O-Of course... not," pagsisinungaling ko. Hinila ko ang mga paa ko upang makasakay sa magarang kotse ng Head Architect. This... is like a dream come true.

Pagsakay ko ay nakita kong iniikutan ni Tristan ang sasakyan saka niya binuksan ang driver's seat side. Walang-wala sa hinagap ko ang mararanasan ang ganito. My heart was beating like crazy and my mind was in chaos.

Pumikit ako habang nilalanghap ang amoy ng sasakyan at ilang segundo lang ay siya naman ang naamoy ko. The manly scent I always wish to smell before I go to bed.

Napamulat ako nang marahan niyang ipatong sa mga hita ko ang bag ko. "Here."

"T-Thank you," sabi ko.

"Music?" He turned on the car stereo before he switch the engine on.

Umalingawngaw ang awit ni Tootsie Guevara na tila sinasabayan ang napakabilis na pintig ng puso ko.

'Di ko malaman ang nadarama
Sa tuwing ika'y aking nakikita
May kung ano sa damdamin
At abot-abot ang kaba...'

Nagtayuan ang mga balahibo ko. He's whistling the song while driving beside me.

Niyakap ko ang sarili at nilukot ang damit na suot. I need to get a grip to be strong. To control the urge inside me that's already building up since I sat here and inhaled his perfume. God, I want to sit over his lap and just ride him.

Now.

"Are you cold? Gusto mong patayin ko na ang aircon?" tanong niya. Ang isang kamay ay nasa steering wheel, while the other is playing the side of his lips.

Lumunok ako bago nag-iwas ng tingin. "O-Okay lang ako, Sir Tristan."

"Really?" he smirked. "Let's see about that."

Sumandal ako sa malambot na upuan saka tumingin sa labas ng bintana habang pinakikinggan ang kanta.

'Di makatulog sa gabi sa kaiisip
Sa diwa ko'y ikaw ang aking panaginip
O bakit ba ikaw ang siyang laging laman ng isip ko?'

Gusto kong tawagan si Julie. Sabihin sa kanyang heto na. Maliligtas na ang pinakamamahal niyang si Owen mula sa illegal nilang gawain.

Gusto ko ring magpaalam sa mga customers ko. Mahihirapan na akong mag-chat sa gabi. I don't even know if I'll have my own personal space. Saka ko na iisipin. Gusto ko na munang i-absorb ang lahat ng ito. Iyong mapalapit ako kay Tristan ng ganito kahit alam kong mali.

'Sa bawat sandali ay nais kang makita
Kapag tumitig na sa akin ay ligaya
Anong hiwaga ang nadarama anong kaba...'

I know this will not last. Magsasawa rin siya sa larong ito at darating ang araw na siya na mismo ang sisipa sa akin palayo sa kanya.

A Tristan Romulo won't persevere for a woman like me. Old-fashioned, conservative and naive. Not to mention a scaredy-cat, low-self esteem and insecure secretary.

Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya. If I could only read his mind. Kung bakit siya magtitiyaga sa akin. I was only his stalker in High School. Now a low class secretary. A nobody. Turn to be his personal aide.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro