MNGS 19
SINONG makatutulog pagkatapos ng nangyari sa amin ni Tristan? Pagkatapos kong muling matikman ang halik niya? God! It was like glue stuck in my entire being. Hindi ko malimutan ang kanyang anyo. Nakapikit siya na tila ninanamnam ang paghalik sa labi ko. And the way he palmed my breast makes my underwear damp in a flash.
Ipinilig ko ang ulo at inayos ang sarili. Sinipat ko ang repleksiyon sa wall na made of mirror dito sa loob ng elevator. I don't have any idea how am I going to face Tristan today.
Kagabi, hindi ko sinagot ang mga tanong ni Julie pag-uwi ko. Nangulit siya pero gusto ko kasi siyang bulyawan pero hindi ko magawa. Maraming buhay ang sisirain ng Owen na iyon. Kailangan kong ipamukha sa kanya na maling lalaki na naman ang pinili niya. But I decided to keep silent last night. Nagkulong lang ako sa silid habang paulit-ulit na nakikita ang paghalik ni Tristan sa labi ko.
I blew out some air and strode out from the elevator when it opened. Pinagkakaguluhan nila ang Head Architect. Pinagigitnaan ng mga kasamahan ko habang tila mayroon itong nakatatawang kuwento. I don't remember any meetings that he scheduled. Ah, I forgot that he doesn't follow schedules.
Tumungo ako nang dumako sa direksyon ko ang mga mata ni Tristan. May gumapang agad na kiliti sa buong sistema ko. The man has this freaking effect on me that's hard to control.
"Good morning, Lyna," he said. The smile on his face quickly faded when he saw me. Gusto kong kaawaan ang sarili. Buong gabi ay hindi ako nakatulog dahil sa masakit na sinabi niya at sa mainit niyang mga halik. While he's here expressing friendliness towards other girls.
"Good morning," sagot ko na nakatuon sa iba ang tingin.
"Uy, Lyna. Congratulations, ha. Ni-promote ka pala ni Sir Tristan," sabi ni Andrea. Hindi siya umalis sa tabi ni Tristan. Nasa bandang kaliwa sila ni Kelly at sa kanan ni Tristan ay sina Meg at Vivian, pawang mga Project Assistant dito.
Kinantiyawan nila ako. Alam na nila na ako ang bagong PA ni Tristan. Matutuwa ba ako o mahihiya? Tama ba na ipagyabang niya iyon sa mga kasamahan ko? Ah, upang ipangalandakan sa kanila ang pagkakautang ko. Na iyon lang ang paraan upang makabayad ako.
He kissed you, Lyna. Without permission. Hindi pa ba sapat na bayad iyon?
"Pasok na 'ko sa loob," paalam ko sa kanila.
"Samahan mo muna kami, Lyna," pigil ni Kai sa akin. Katabi niya sina Ferrer at Zandro na katulad niya ay mga Draftsmen.
"Oo nga naman. Ikaw ang ibinibida ni Sir 'tapos bigla ka na lang iiwas. Sabagay, ganyan ka naman palagi. You know? Pa-demure," sabay tawa ni Kelly.
Ngumisi lang ako at saka sila nilampasan. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko ngayon. Lalo na at nakikita kong pahawak-hawak sa braso ni Tristan ang mga kamay ng tatlong babae. Habang si Tristan ay kunwari nakapamulsa lang pero ini-enjoy naman ang pagkakataon.
Ugh! Bahala kayo riyan!
Pumasok ako sa silid ng Head Architect at mabilis na binuksan ang laptop para makapagtrabaho na. I want this day to pass quickly.
Ka-o-open ko lang ng email inbox ko nang tumunog ang cellphone.
"Hello?" Nakatuon ako sa harap ng monitor.
"Ms. Vergara. Irvin here."
"Mr. Arellano?" Nabitiwan ko ang hawak na mouse. Biglang nanginig ang mga kamay ko.
"I suspected you have met Romulo? I mean my boss?"
"Uh, si Mr. Tristan Romulo..." sagot ko.
"I have your contract here with me. Aside from your agreement regarding Hawk— I mean Mr. Salazar, another agreement was written here with your consent..."
"Ano'ng another agreement?" Hininaan ko ang boses dahil pumasok na rin dito si Tristan. Papito-pito pa siya na parang kaysaya niya.
"It's about Owen Dalmasio. Sabi ni Tristan ay pumayag ka raw sa lahat ng kondisyon dito..."
Hindi ko masyadong narinig ang sinabi ni Atty. Arellano. Nagtanggal kasi ng suot niyang asul na polo si Tristan at ang natira na lang ay ang fitted white t-shirt niya. His biceps flexed and I couldn't help but look at his nippl*s na nakabakat doon. Tumalikod siya at nagtungo ng pantry kaya medyo nakahinga ako.
"U-Uh, yes, attorney..." Parang pinagpapawisan yata ako kahit malakas ang aircon.
"You'll get a big salary incentive and free board and lodging, provided with food and all your needs..."
Lumabas ulit si Tristan at may dala na siyang bottled water. Agad niyang tinungga iyon at nahuli ko ang pagpatak ng tubig na umagos sa kanyang labi patungo sa kanyang leeg.
"You'll especially assist him with his needs as part of the conditions of your job..."
He wiped himself with his knuckles. I swallowed very hard while watching him from my peripheral vision.
"Y-Yes..." I said.
"And he wants you to officially start tonight..."
Pagbaba ng bote sa mesa ay hinagod ni Tristan ng kanyang mga daliri ang basa pa niyang buhok. Saka siya napapikit habang pinatutunog ang leeg. Bahagyang nakabuka ang labi niya. His sex appeal is oozing like hell. Hindi tuloy ako mapakali sa kinauupuan ko.
"Y-Yes. Yes, attorney."
"Well then. I'll be sending you your copy the soonest."
Tristan turned around again and walked away. Bumaba ang tingin ko sa kanyang likuran. Napakurap-kurap ako at napalunok ng ilang beses. He's a temptation indeed!
"Goodbye Lyna. Remember what I told you, 'do as the boss says'."
"Bye— What? Hello?"
Nawala na ang kausap ko na hindi ko man lang namalayan. Bigla kong nahilot ang mga sentido at huminga ng malalim. Bakit ba ako ganito kapag malapit si Tristan?
Lumipas ang buong maghapon na subsob ako sa trabaho. Wala na nga sa oras pati tanghalian ko. I decided not to buy our food this afternoon and pretended to be very busy, kahit totoo namang marami akong tinatapos. Mabuti na lang at tinawag ako ni Andrea at nagpa-pizza raw si Sir Tristan. Napatingin pa nga ako kay Tristan na parang inosente siya. Hindi ko napansin na nakapag-order na pala siya ng pizza para sa buong department.
Inaayos ko na ang mga gamit ko para umuwi. Nagmamadali ako dahil gusto kong masinsinan na kausapin si Julie ngayon. Gusto kong malaman kung alam niya ang mga modus ni Owen at para na rin ipagtapat sa kanya na hindi ko sila kukunsintihin. If Tristan wants to put him in jail, so let it be. Pero ipaglalaban ko si Julie. Alam ko at ramdam ko na nauto lang siya ng Owen na iyon.
"Are you done, Lyna?"
Halos mapatalon ako nang biglang lumitaw si Tristan mula sa labas ng silid. Ang akala ko kasi ay nauna na siyang umalis kanina.
"U-Uhm... Oo," sagot ko habang nakatungo. Inayos ko ang bitbit na bag pati na rin ang salamin sa mga mata ko.
"Then let's go." Kinuha niya ang hand bag ko at isinukbit iyon sa balikat niya. Napatanga ako.
"What are you waiting for? May hinihintay ka pa ba?" he asked.
"H-Ha? Wala."
Muntik na akong himatayin nang kunin niya ang palapulsuhan ko.
"Wala naman pala. Iuuwi na kita."
What the! Saan niya ako iuuwi?
Hindi na ako nakapagsalita dahil hinila na niya ako palabas ng opisina niya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro