KABANATA TATLO
Kabanata Tatlo
THIRD PERSON'S POV
Gumising nang maaga si Ayessa. Ginawa nya lahat ang gawain ng isang normal na tao kapag umaga. Nagsepilyo, naligo, at kumain. Pero, hindi pa rin siya mapakali dahil sa nangyari kahapon.
Lutang si Ayessa pumasok sa St. Angelica School. Hindi niya namalayan na nasa quadrangle na siya at naglalakad papunta sa kanilang room.
Palinga-linga siya baka makita niya si Stefanie. Pero nabigo siya. Laking pasasalamat nalang niya na matandaan pa niya kung saan sila dumaan kahapon.
Nasa koridor na siya ng makita niya ang tatlong babae na seksi ang mga suot na uniporme at sobrang taas na heels. Tinignan niyo ito pero agad din niya binaw. Hindi na lang niya ito pinansin. Nagpatuloy lang siya paglalakad na iniisip pa ang nangyari kahapon.
Pagkadaan niya sa grupo nila. Nagsalita agad ang nasa gitnang babae, "Akala mo kung sinong anghel, demonyita naman. Tsss."
"Huh? Sino ka?" Pagtatanong ni Ayessa. Bakas sa mukha ni Ayessa ang pagkakalito.
"Nagkaroon ka ba ng amnesia, Ayessa? Kaya 'di mo kami matandaan?" Sabi ng babaeng nasa gitna.
"Ako si Aubrey. Siya naman si Bubbles," sabay turo niya sa kanan niya. "At, siya naman si Sasha," turo niya sa babaeng nasa kaliwa niya. "Ako lang naman ang girlfriend ni Luigi pero dahil sayo nakipag-break na siya akin. Kaya, akala mo kung sinong anghel, demonyita naman!" Dugtong na sabi ni Aubrey.
Napaisip bigla si Ayessa. 'Siya iyong pinag-uusapan nila kahapon. Ang ex-girlfriend ni Luigi - ang babantayan ko.' Tinig niya sa isip niya.
Biglang lumingon si Ayessa kay Aubrey na nanlalaki ang mga mata "A-alam mong A-anghel ako? Saka 'di ko kasalanan bakit naghiwalay kayo!" sabi niya na hindi mapaniwala.
"Yes, my dear. Anghel-anghelan ka lang naman eh. Akala mo kung sino, porket boyfriend mo si Cedrick. Saka, hindi mo kasalanan? Kasalanan mo lahat! Malandi ka!"
"Ah. So, hindi ko kasalanan kung mala-anghel ang mukha ko. Saka hindi ako kumakapit kay Cedrick nuh. At lalong hindi ako malandi! Baka ikaw?" Sagot ni Ayessa at pinasadahan ang damit ng tatlo.
Sa kabilang banda, nakahinga ng maluwag si Ayessa ng malaman na iba pala ang tinutukoy ni Aubrey.
"Mang-aagaw ka. Because of you, Nakipag-hiwalay si Luigi sa akin. I hate you."
'Hindi ko na kasalanan kung bakit sila naghiwalay ni Luigi. Naku, Ayessa matapos ko lang 'tong misyon na ito aalis na agad ako.' Sabi ni Ayessa sa sarili niya.
"Akala ko naman..." Hindi pa natatapos magsalita si Ayessa ay sinabunutan na agad siya ni Aubrey.
"You b*tch. Mang-aagaw. Wh*re. Sl*t. May Cedrick ka na aagawin mo pa si Luigi sa akin!" Gigil na Gigil na sabi ni Aubrey kay Ayessa.
Hindi maka-ganti si Ayessa dahil mas malakas si Aubrey sa kanya. Pero pinipilit niyang maka-ganti sa babae.
"Hey, Aubrey stop that! Baka makita pa tayo nila Cedrick!" Sabi ni Bubbles sa kaibigan habang pinipigilan ito.
Pero, hindi nagpaawat si Aubrey. Sinabutan siya ng husto nang dalaga. Pilit man hilain ni Bubbles ang kaibigan pero hindi niya ito mahila dahil sumali na rin sa gulo ang kaibigan nila na si Sasha.
"T-tulong... tulongan niyo ko!!" Humihinging saklolo ni Ayessa sa mga estudyanteng nakakakita sa kanila pero ni isa ay walang tumulong sa kanya.
Pilit lumalaban si Ayessa kina Aubrey, Sasha at kay Bubbles - na sumali na rin sa away.
Bago siya mahimatay may nakita siya na pamilyar sa kanya.
"Ikaw si..."
CEDRICK' POV:
Tsk. Badtrip naman oh. Ang aga kong gumising para pumunta sa bahay ni Ayessa pero wala na pala sya doon. Hays!
Mas nakaka-badtrip kanina ko pa siya tinetext at tinatawagan. Wala naman sumasagot. Nasa'n na ba siya?
Iritadong binalibag ko ang pinto ng kotse ko. Ang nakakabwisit pa nito pinagtitinginan na naman ako ng mga ka-schoolmates namin. Gusto kong magmura. Tsk!
Maglalakad na sana ako papuntang room na may biglang umakbay sa akin "Bro, Umagang-umaga badtrip na badtrip ka ah." sabi ng magaling kong bestfriend - Luigi. Hindi ko siya sinagot. Nabibwisit pa rin talaga ako. Nag-aalala na ako kung nasa'n si Ayessa.
"Uy! Bro, ano ba problema mo?"
"Si Ayessa kasi eh. Hindi ko ma-contact. Nag-aalala na ako sa kanya."
"Nandito na siguro si Ayessa. Baka kasama na naman niya yung kapatid ko." sabi niya habang nagpapatuloy kami sa paglalakad.
May nakikita kaming mga tumatakbo na mga estudyante. Wait, Bell na ba? Bakit parang hindi namin narinig. Napatingin ako sa wristwatch ko. Hindi pa naman ha. Baka late naman 'to.
"Luigi, Bell na ba? Ba't mga tumatakbo sila?" pagtatanong ko dito baka kasi late pala talaga tong relo ko.
Tumingin siya sa kanyang relo "Bro, hindi pa naman. 6 minutes before the bell."
"Wait..." magsasalita pa sana ako ng may hinila si Luigi ng isang lalaki na tumatakbo.
"What's happening? Ba't kayo mga tumatakbo?" Maangas na tanong niya sa sophomore na student. Parehas sila ng kakambal niya pagganyan siya.
"A-ano kasi m-may a-away doon sa building ng marketing eh. Sige mauuna na ako." Utal-utal na sinabi ng lalaki sabay karipas ng takbo.
Wait, may away sa building ng marketing. Wag mong sabihing... hindi pwede!
Dali-dali akong tumakbo sa building ng marketing. Sumisigaw si Luigi sa akin kung anong nangyayari sa akin kung bakit ako tumatakbo. Shet! Sana mali yung iniisip ko. Wala na akong pakealam kung may nababangga man akong mga estudyante. Ang nasa utak ko ngayon ay sana mali yung naiisip ko. F*ck! F*ck!
Pagkarating ko sa building ng Marketing wala akong nakitang gulo. Akala ko ba may away rito?
Hindi ako mapakali kaya pinuntahan ko ang classroom nila Ayessa.
Pero, wala si Ayessa doon maski si Stefanie wala.
Pabalik-balik ako sa paglalakad. Nag-iisip kung san ko mahahanap si Ayessa. Nang may biglang kumalabit sa akin.
"Bro, si Ayessa nasa clinic," sabi ni Luigi sa akin, "Kasama niya si Stefanie." Pagdugtong niya.
I run as fast hangga't maaari. Naririnig ko rin ang pagtakbo ni Luigi.
Nang makarating kami sa clinic. I see Ayessa lying in clinic bed. She's asleep. Nasa gilid niya si Stefanie na binabantayan siya.
Lumapit agad ako sa kanila "Is she okay? What happened to her?"Sunod-sunod na tanong ko kay Stefanie.
"Yes, she's okay. Medyo nahilo lang daw siya sabi ng mga nurse. Pero, hindi ko alam kung anong nangyari talaga." Sagot ni Stefanie.
"W-what? Paanong hindi mo alam?" takang tanong ko sa kanya.
"Tinawag lang ako ng classmate namin kanina na... pinagtutulungan nila Aubrey si Ayessa. Then dito ko na sya na abutan. Sabi ng mga nurse, may tumulong daw sa kanya na babae." Aniya
Urgh! That's btch. Ayokong pumapatol sa mga babae pero sinasagad nila ako.
Aalis na dapat ako pero naalala ko yung sinabi ni Stefanie "Sinong babaeng nagdala sa kanya?"
"I don't know. Hindi raw nagpakilala sabi ng mga nurse."
Pagkatapos niyang sabihin, aakmang lalabas na dapat ako para sugurin sila Aubrey "Ako na Bro. I know what you thinking now. Ako bahala. Bantayan mo na lang si Ayessa." Sabi ni Luigi sa akin. Tututol pa sana ako pero lumabas na siya ng clinic.
Maya-maya lumabas na rin si Stef para sabihin sa mga prof nila na hindi makakapasok si Ayessa. Kaya ngayon, ako lang nandito sa clinic. Binabantayan ang magandang dilag na ito. Ang dami niyang kalmot sa mga braso nya, halatang-halata pa naman dahil sa kaputian ni Ayessa.
Naalala ko nun kung paano naging kami. Kung paano ko siya niligawan. Kung paano niya ako sinagot kahit na...
Flashback
2 yrs ago.
"Ayessa, wait lang." Habol ko sa kanya. Freshmen palang siya nun, nung unang araw na niligawan ko siya. Since we're kids we know each other. Magkaibigan ang mga parents namin kaya naging magkaibigan din kami. Pero ngayong college lang ako umamin sa kanya.
"Bakit kuya Cedrick?" sagot niya ng mahabol ko siya.
"Kuya na naman? Hays! Ayessa naman eh. Nakakasakit ka ng puso." Sabay hawak ko sa kaliwang dibdib ko.
"Ewan ko sayo. Aalis na ako. Mala-late pa ako sayo eh." sabay lakad nya ulit.
"Hahaha. Sabay tayo kakain ha."
"Oo na. Babye" sabi ni Ayessa sabay dumiretso sa building nila. Ako, lumihis na ako ng lakad kasi nasa kabila ang business management building. Yung marketing building nasa kabila.
Hindi pa ako nakakalayo sa kanya. May sinabi siya na nagpakilig sa akin.
Sabi na nga ba eh. Aagawin ko siya sayo...
End of flashback
Biglang gumalaw si Ayessa sa pagkakahiga. Nilibot niya ang kanyang paningin. Maya-maya humagulgol siya ng iyak.
Wala akong nagawa kung hindi yakapin siya ng mahigpit. Biglang dumiin yung mga kamao ko. 'Humanda ka Aubrey.'
UNKNOWN'S POV
Buti na lang sinusundan ko siya. Buti na lang maaga ako pumasok. Buti na lang na-agapan ko agad siya. Buti na lang hindi siya napuruhan kung hindi mata lang nung babae n'yon ang walang latay.
Malaki ang respeto ko sa mga kababaihan pero kanina, muntik na mandilim ang paningin ko.
Malaki ang pasasalamat ko sa babae kanina, siya na yung nagdala kay Ayessa sa clinic.
Balang araw, magpapakilala na rin ako sayo. Magpapakita at kukunin ang akin.
Ipagpapatuloy...
VOTE. COMMENT. SHARE. FOLLOW.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro