Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA LABING-ISA

Kabanata 11

THIRD PERSON'S POV

Nang makauwi si Ayessa sa bahay nila, niyon pa rin iniisip niya.

Kaya pala minsan may naririnig si Ayessa kay stef na kay kuya, kakambal at susumbong kita kay kuya. Niyon pala may kakambal si Luigi - na siyang kaibigan ni Cedrick at kasama nila sa school at, ang Luigi na alaga niya ay hindi pa niya nakikita.

Ginawa ni Ayessa ang lahat ng kailangan niyang gawin. Gumawa ng assignment, inayos ang mga kwarderno niya at nagbasa ng mga notes niya para bukas.

Hindi niya muna inisip ang mga sinabi ni Hillary sa kanya kahit niyong naputol na sasabihin ni Hillary bago umeksena si Cedrick. 

Basta ang nasa isip niya 'makikita ko rin si Luigi. Si Luigi na alaga ko at kailangan bantayan ko.'

Nilaan niya ang kanyang oras sa pag-aaral niya. Ginawa niya ang mga bagay na hindi niya nagagawa sa Hardin ng mga Anghel.

'Ang sarap pala maging tao. Ang sarap sa feeling, parang ayoko na tapusin ang misyon ko. Gusto ko na dumito.' Tumatakbo sa isip ni Ayessa. 

After 1 week

Naglalakad si Ayessa papunta sa library, may pinakuha kasi sa kanya  ang propesor nila.

Habang naglalakad, narinig niya ang mga kababaihan na nakatambay sa hagdanan papuntang library.

"Omg! Ang gwapo ng bagong transferee." -girl 1

"Ang gwapo niya sobra." -girl 2

Dinaanan niya ang mga kababaihan pero bigla na lang siya napahinto dahil sa sinabi ng isa pang babae.

"Kamukha niya si Luigi, niyong sa business course."

"Oo nga, si Luigi Cordova kamukha nga niya."

"Ano niya niyon? Kakambal niya?"

Lumapit siya sa kumpol ng mga babae, "Hi! S-san niyo nakita niyong kamukha ni Luigi?" tanong ni Ayessa sa mga ito.

Naguguluhan at nalilito man ang mga babae sumagot na lamang sila.

"Doon, malapit sa garden ng school. Niyong bandang education building." sabi ni girl #1 sa kanya.

Imbis na dumiretso sa library, tumakbo siya papunta sa garden kung  saan sinabi ng babae.

Binilisan niya ang pagtakbo para maabutan ang pakay niya. Tumatakbo siya na hindi alintana ang sikat ng araw.

Pagkarating niya sa lugar kung saan sinabi ni ate girl, hinanap niya agad ang kakambal ni Luigi.  Ang kanyang alaga. 

Hindi niya 'to makita. Naglakad siya papasok sa garden.

May nakita siyang anino ng dalawang tao nag-uusap malapit sa malaking puno dito sa garden.

Lumapit siya kaonti sa mga ito, nang makita niya kung sino ang mga ito, lalapitan na sana niya, nang may humila sa kanya pabalik sa pwesto niya.

Nagulat siya ng makitang si Hillary pala ang humila sa kanya.

Tinakpan agad ni Hillary ang bibig ni Ayessa para hindi na ito makagawa ng ingay.

"Ssssshhhhh... 'Wag kang maingay, makinig ka Ayessa. Pakinggan mo ang mga sasabihin nila." Sabi ni Hillary sa kanya.

Hindi alam ni Ayessa kung para saan ang sinasabi ni Hillary, ginawa pa rin niya ang sinabi ng dalaga kahit may katanungan siya kay Hillary, kung bakit ito nandirito.

Pinakinggan mabuti ni Ayessa at Hillary ang dalawang lalaking nag-uusap malapit sa kanila.

"Hindi mo siya makukuha sa akin,Ranz! Tandaan mo niyan!" galit na galit na sabi ni Cedrick sa kausap niya.

"Siguraduhin mo lang,Cedrick. Marunong din ako magtalo kahit kaibigan ko pa, ikaw pa kaya ng kaibigan ko dati? Bantayan mo siyang mabuti!" sagot ng kausap ni Cedrick.

Hindi alam ng dalawa na may nakikinig sa mga usapan nila.

"Ano ba ang hindi mo alam! Wala na niyong Ayessang mahal mo! Hindi ang nakikita mong Ayessa, ang sayo! Ano ba problema mo ha?!" sigaw ni Cedrick.

'Ayessang mahal mo? Ayessang nakikita mo? Anong sinasabi nila?' Sabi ni Ayessa sa isip niya.

"Siya! Siya yung Ayessang minahal ko. Siya niyon!" sigaw din ni Luigi...

Napatago ang dalawang dalaga ng lumingon sa kanila si Luigi.

Buti na lang hindi sila nakita.

Nag-usap ulit ang dalawa. Na parang walang taong nakikinig sa kanila.

Umalis sila Ayessa at Hillary sa pwesto nila.

Naglalakad sila papuntang canteen para pag-usapan ang nangyari kanina.

Hindi na inalala ni Ayessa ang utos sa kanyang prof, hindi na rin siya pumasok sa klase niya. Maski man si Hillary ay hindi pumasok sa subject niya.

Nang makarating sa canteen, dumiretso sila sa dulo ng canteen para walang makarinig sa kanilang pag-uusapan.

"P-paano ka nakarating doon Hillary?" Pagninimula ni Ayessa sa usapan nila.

Hindi niya pa rin alam kung paanong nasa likod na niya si Hillary kanina.

"Papunta na sana ako sa susunod na sabjekt namin ng makita kitang tumatakbo papunta sa garden. Kaya hinabol kita, susunod nga rin dapat si Raegan pero ang sabi ko 'wag na." sagot ng dalaga sa kanya.

Tumango naman ang dalaga sa sinabi ni Hillary, nang makapag-isip, nagtanong ulit siya "A-ano niyong pinag-uusapan nila kanina? A-ano niyong Ayessang noon at ngayon? Nalilito ako sa usapan nila? Niyong kausap ba ni Cedrick, siya ba niyong a-alaga ko? Siya ba si Luigi Ranz Cordova?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ayessa kay Hillary.

"Oo Ayessa. Siya si Luigi Ranz Cordova. Siya niyong babantayan mo at ang aalagaan mo. Siya niyon! Ang dapat mo pang malaman..."

Naputol ang sasabihin ni Hillary ng may sumigaw ng napakalakas.

"Ayessaaaaa! Oy! Bestfriend!!"

Napalingon ang dalawang dalaga sa sumisigaw ng pangalan ni Ayessa.

Nakita nila si Stef na tumatakbo sa pwesto nila kasama si Cedrick, Luigi o madaling sabihin si Franz - kakambal ng alaga ni Ayessa at si Raegan.

"Oy girl, hindi ka na bumalik sa classroom. Nagalit si ma'am sayo, buti na lang sinabi ko na nagtext ka sa akin na pupunta ka sa clinic kasi nahilo ka kung hindi lagot ka sa kanya bukas." sabi sa kanya ni Stef pagkarating sa pwesto nila.

Nakasunod naman sa kanya ang tatlong lalaki, bitbit ni Cedrick ang bag ni Ayessa na binigay sa kanya ni Stef kanina ng makasalubong niya ito.

Umupo ang tatlo sa kabilang side ng lamesa.

"Saan ka ba talaga nanggaling,Ayessa?" tanong ni Stef kay Ayessa.

"S-sa clinic, nahilo nga ako. Buti na lang nakita ako ni Hillary papuntang clinic kaya sinamahan niya ako. Nahilo talaga ako, gaya ng sinabi mo kay ginang." sagot ni Ayessa kay stef.

"A-ayos kaba? Dapat tinawagan mo ako Ayessa! P-paano kung hindi ka nakita ni Hillary? Anong mangyayari sayo ayessa?" Pag-aalala ni Stef sa kanya.

"Oo nga naman ayos kana ba Ayessa?" tanong ni Cedrick at lumapit sa pwesto ni Ayessa at hinipo ang noo ng dalaga.

"Hindi ka naman mainit? Baka dala lang ng init ng araw." Dugtong naman ni Cedrick.

"Okay na ako. Pinainom na ako ng gamot nang nars sa clinic,diba Hillary? Saka, Stef naiwan ko niyong phone ko sa bag ko. Nakalimutan kong dalhin." sagot ni Ayessa sa kanila.

Binuksan ni Cedrick ang bag ni Ayessa, nakita nga niya ang cellphone ng dalaga sa loob.

"Nandito nga niyong phone niya." Sabay pakita ng cellphone ni Ayessa at binigay ito sa dalaga.

"Ikaw din Hillary, hindi ka man lang nagsabi na nakita mo pala si Ayessa kanina kaya pala tumakbo ka." singit naman si Raegan sa usapan.

"Hindi ko alam na nahihilo pala si Ayessa nang makita ko, buti na lang nilapitan ko pa rin siya." sabi ni Hillary.

"O, Tama na niyan guys! I'm hungry! We all hungry! Come on! Kainan na!" Pasigaw na sabi ni Franz sa kanila habang nakahawak sa tiyan na kumukulo na yata dahil sa gutom.

Nagtawanan ang lahat ng dahil kay Luigi Franz.

Nagkanya-kanya na tayo ang tatlong lalaki para makabili ng makakain.

Simula ng ipakilala ni Ayessa sina Hillary at Raegan sa kanila, lagi na silang sabay kung kumain. Parehas kasi sila ng breaktime.

* * * * *

Bumalik sa klase ang mga ito, pagkatapos mga kumain sa canteen.

Habang naglalakad sina Ayessa at Stef papuntang classroom, may napansin siyang may nakatingin sa kanila.

Nilibot niya ng tingin ang corridor pero wala siyang napansin na kakaiba.

"Ayessa! Yuhooo!" kumakaway na sabi ni Stef sa kanya.

"Anong nililibot ng tingin mo dyan? May hinahanap ka ba? Ikaw ha! Hahaha!" natatawang sabi ni Stef sa kanya.

"W-wala! A-akala ko kasi may tumitingin sa atin. Wala pala! Tara na!" hila ni Ayessa kay stef para makalakad na sila.

.
.
.
.

- end of chapter 11 -

VOTE. COMMENT. FOLLOW. SHARE. LET'S SPREAD ANGELS!

Thank you!❤

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro