Kabanata 9
Kabanata 9: The Truth
Eve Henderson Point Of View
"Apo..."
Hindi ko pinansin ang pagtawag ni Lolo. Masama ang loob ko sa ginawa nila! Hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa nila kahapon!
"Wala akong naririnig," nagpunta ako sa kusina at napabuntong hininga nang makitang kompleto sila do'n.
"My Precious..." lumapit ako kay Mama at humalik sa pisngi niya at kahit hindi kami medyo magkasundo ni Papa ay humalik pa rin ako sa pisngi niya. Umupo ako sa tabi ng kuya kong si Sky. Yeah may kuya ako at isa siyang doctor hehehe kaya idol ko siya eh!
"Long time no see, doc!" natutuwang bati ko at ginulo niya ang buhok ko na kinasimangot ako. Psh!
"My troublemaker sister is back..."
"Aist! 'Di ko pa rin nakakalimutan 'yung ginawa niyo! Ba't niyo ko kinidnap-"
"Lower down your voice!" saway ni Papa.
"I'm sorry Eve I didn't know that..." paliwanag ni Mama.
"Hahahaha! Tomorrow is your day, apo opisyal ka na naming ipakikilala~"
"He! Tampo pa rin ako! Sana man lang sinabi niyo ng maayos para nakapagpaalam ako kanila Master!" pagta-tantrums ko.
Waaah! Si Master!
"Dad, why did you enrolled her in that school?" halata sa tono ni Papa na hindi niya 'yon nagustuhan at walang alam.
"In that way hindi nila ma-iisip na naroon siya..." nakangiting sabi ni Lolo.
"Lolo the best ka talaga hehehe fist bump!"
Pinagdikit namin ni Lolo ang kamao namin habang natatawa. I love this tanda talaga hohohoho.
"'Di ka nagkamali Lolo! I'm so proud of you!"
"Hahahahaha! Ako pa ba?"
Natatawang nakatingin sa amin si Kuya Sky at Mama. Si Papa naman ay tipid na ngumiti lang.
"Wala ka namang ginawang kalokohan do'n?" tanong ni Papa. Sumubo muna ako ng pagkain bago sumagot.
"Behave ako do'n! Ang saya nga do'n! Gusto ko doon na lang ako hehehe! Ang babait nila! Lalo na si Master! Ang gwapo niya pa staka hot!"
Sabay-sabay silang nabulunan sa sinabi ko.
"Apo, dalaga ka na?"
Parang sira na ngumisi ako. Kung alam lang nila...
"Hindi ka pwedeng manatili doon. Babae ka at puro lalake ang nandoon!" kontra ni Papa na kinanguso ko.
"Iiih! Doon lang ako!"
"Tama na 'yan, magsikain na muna kayo. Mamaya na natin 'yan pag-uusapan. Kumain ka pa Eve.."
"Pero-"
Tumikom na lang ako at kumain nang sabay-sabay nila akong binigyan ng warning look. Psh. Sabi ko nga, mamaya na lang.
Nang matapos na kaming kumain ay umakyat na 'ko sa kwarto ko at binagsak ko ang sarili ko sa kama. Nag-uusap sila para sa gaganapin na kaarawan ko bukas ng gabi. Ang sabi nila opisyal na ipapakilala ako kaya paniguradong doble ang dami ng mga pupunta dahil nandoon ang mga kasosyo ni Papa, ang buong angkan nila Mama at Papa, mga katrabaho ni Kuya, mga kakilala ni Lolo. Wala naman akong kaibigan bilang Eve, pero kaaway marami.
Speaking of kaibigan! Bakit kaya hindi ko imbitahan ang lahat ng taga-Thurston University! Lumundag ako sa kama ko at lumabas ng kwarto at nakita ko sila sa labas ng garden na busy sa pagpaplano may mga 'di pamilyar na nakatayo sa mga gilid nila. Siguro sila 'yung naka-assign para bukas.
"Waaaah! Hep! Hep! May iimbitahan ako!" nakangiting sabi ko na kinagulat nila. Dahil ito ang unang beses na may iimbitahan ako.
"Sure, baby... sino?" excited na sabi ni Mama.
Humugot ako ng malalim na hininga at tiningnan ang sarili ko. Nakasuot ako ng dress at natatanaw ko na sa harapan ko ang Thurston University. Bumilis ang tibok ng puso ko. Nakita 'kong bumaba na ng kotse ang buong pamilya ko. Natatakot akong humarap sakanila lalo na kay... Master.
Lunok.
Nakita 'kong kinausap nila 'yung guard at pagkatapos 'non ay bumukas ng malaki ang gate. This is it!
Pagtapak ko pa lang ng kotse ko ay nagtinginan na ang lahat sa amin. Ba't ganito ang tingin na ibinibigay nila sa akin? Para bang hindi sila makapaniwala at malungkot. Hahakbang na sana ako nang may maapakan akong papel.
Clark Diaz is a girl.
"Ano 'to?"
"Yan din ang gusto naming malaman, Clarky ay hindi pala... Eve Henderson," sabi ng boses mula sa likuran 'ko. 'Pag harap ko ay nakita ko ang tatlong una kong mga naging kaibigan.
"Aki... Rage...Yuan,"
"M-Magpapaliwanag ako-"
"Hindi mo na kailangan pang magpaliwanag!" malamig na sabi ni Aki.
"Hey, is everything alright?" nag-aalalang tanong ng pamilya ko. Sinenyasan ko si Lolo na lumayo muna sila.
"Ipapasyal ko muna kayo..." yaya ni Lolo. Napansin kong nag-alisan na rin ang iba at ang tanging natira lang ay sina Aki.
Nang balingan ko silang tatlo ay mga seryoso lang itong nakatingin sa'kin.
"Paano mo nagawang lokohin kami!" Sabi ni Aki.
"S-sorry huhuhu 'di ko naman gustong lokohin kayo! Napilitan lang ako! Maniwala naman kayo sa akin!"
Hindi sila nagsalita kaya mas lalo akong kinabahan.
"Balak ko naman talagang sabihin ang totoo kaya lang natakot ako."
Wala pa rin silang sinasabi kaya parang gusto ko ng umiyak.
"Staka ang sabi niyo pa na mapaparusahan kapag nalaman na may babae dito huhuhu sabi pa ni Master patay na yung babae!"
"Ha?" gulat na tanong nila.
"Oo. Tinanong ko sabi niya patay na daw."
"Ano pang sabi ni Master? Ba't namatay?" usosyo nila habang nanlalaki ang mga mata.
"Malay ko? Ba't 'di niyo itanong?"
"Ikaw na lang mas close kayo eh," Rage.
"Staka biro lang namin 'yon na may babaeng nakapasok dito..." Sabi ni Yuan. Nanlaki ang mga mata ko. A-ano?
"Staka biro lang namin na galit kami..."
Mas nanlaki pa lalo yung mata ko.
"Haaaaa?"
Tinapik nila ang balikat ko.
"Yari ka kay Master!"
Kinabahan naman ako doon oo nga pala, si Master. Waaaaaahh!
"Matagal na naming alam na babae ka..."
A-ano? A-alam nila?
Eeeeeeeh?
Nagsimula na silang magkwento ng nangyari.
Flashback
Akiro Martin's Point Of View
Nakikita ko sa gilid ng mga mata 'ko ang matalim na tingin ni Master sa hawak niyang wine glass nang bigla na lang niya itong binasag sa palad niya. Alam kong hindi lang ako ang namamatay sa sobrang kaba pati na rin ang lahat ng kasama kong nakahanay.
Si Master na naka-upo at sa harap niya na kaming lahat na nakahanay. Nagising kaming lahat ng umalingawngaw ang tunog ng 'Warning Bell' at para kaming mga robot na dali-daling bumangon dahil sa loob ng anim na taon ngayon na lang muli ito tumunog.
Isa lang ang ibig sabihin nito may ibibigay na misyon si Master. May pinindot na remote si Master. May lumabas na imahe ng isang magandang babae sa ere.
"I want you all to meet my girl..."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Master. T-totoo ba? May g-girlfriend na si Master?
Napahilot sa sentido si Master at napabuntong-hininga.
"Panatilihin niyong ligtas siya kahit anong mangyari," Madiin na utos ni Master.
"Masusunod Master!"
Ba't parang pamilyar ang girlfriend ni Master?
"Ah Master? Nasaan siya?" lakas loob kong tanong na kinangisi ni Master.
"She's always with me... my Chaos"
"Si Clarky? Master!"
End of Flashback
Kaya naman hindi na kami nagtataka sa trato ni Master sa kanya at wala siyang kaalam-alam na alam namin kung ano at sino siya.
"Kaya alam na naming babae ka," sabi ko.
Nakakapanibago ang itsura niya pati ang pananamit.
"Puntahan mo na si Master. Inaantay ka niya..." pagkasabi ko no'n ay mabilis niya kaming nilayasan.
Nice to meet you... Eve Henderson.
Eve Henderson Point Of View
Wala akong inaksayang pagkakataon at tumakbo patungo sa dorm ni Master. Laking gulat ko nang makitang lumabas ang pamilya ko do'n. Anong... ginagawa nila do'n?
"Apo, hinihintay ka niya sa loob..." nakangiting sabi ni Lolo na kinakaba ko.
"Kapatid, hindi na rin masama," nakangiting sabi ni Sky na kinataka ko.
"Ha?"
Naguguluhang nagtatatakbo ako papunta kay Master at naabutan ko itong naka-upo sa sofa habang umiinom ng kape.
"You're here..." walang lingon na sabi ni Master. Mag-behave ka nga heart.
Tumayo ito at unti-unting humarap sa akin. Ang puso ko, nagwawala. Pinasadahan ako nito ng tingin at nakapamulsang lumapit sa akin.
"M-Master..."
Napaatras ako hanggang sa mapasandal ako sa pader.
"Hinintay kita 'di ka dumating..."
"M-Magpapaliwanag ako."
"Are you ready to face your punishment, Chaos?" nanlamig ako sa sinabi ni Master. Ito na ba 'yon?
"Alam mo?" naguguluhang tanong ko. Napapitlag ako nang haplusin ni Master ang pisngi ko na parang ingat na ingat.
"You still don't remember your patient?" nakangiting tanong niya.
Patient?
"Ikaw... yung walang utang na loob na pasyente ko? Yung nilayasan ako ng 'di nagpapasalamat?"
Kaya pala everytime na nakikita ko ang berde niyang mga mata ay pamilyar.
"Bumalik ako pero wala ka... hinintay kita."
Naalala ko na umalis din agad ako sa tinutuluyan ko at pumasok sa eskwelang 'to. Hindi ako makapaniwalang siya 'yon. Bumalik sa isipan ko ang sugat niya.
"I'm sorry, Master..."
"Hindi ko matatanggap ang paghingi mo ng tawad..."
"P-pero Master naman!"
"Kailangan mong maparusahan..." nakangising sabi niya pa at mas lalong lumapit.
"Waaah! 'Di mo ko papatayin di'ba?"
"What? Who told you that?" kunot-noong tanong niya.
"D-Di'ba sabi mo namatay yung babaeng unang pumasok dito sa eskwelahan mo?"
Huminga siya ng malalim at mahinang pinitik ang noo ko.
"That's true pero kailanman hindi ko 'yan magagawa sayo..."
"T-Talaga?"
"Hmm..." tumango si Master bilang pagsang-ayon.
"...Are you ready for your punishment?" ngising dagdag niya na kinalunok ko. At biglang bumaba ang mata ko sa labi nito ng dilaan niya at kagatin.
"A-ano?"
"This..."
Sa isang iglap ay naramdaman ko ang paglapat ng labi ni Master sa labi ko. Nangyayari na naman ba 'to? Hindi siya nakainom di'ba? Nanatiling nakabukas ang mga mata ko habang diretsong nakatingin ang berde niyang mga mata habang hinahalikan ako. Ang sarap tingnan ng mga mata niya at nakakapanghina.
Ipinikit ko ang mga mata ko at ginalaw ang labi ko at sinundan ang pag galaw ng labi niya. Kung ito ang parusang sinasabi ni Master ay handa akong magpaparusa sa kanya... naramdaman ko ang pag-angat ko sa ere at paghaplos ni Master sa hita ko at pinulupot niya ito sa balakang niya. Nilagay ko ang mga braso ko sa leeg niya. Saglit akong humiwalay para makalanghap ng hangin. Nang idilat ko ang mga mata ko ay naka-upo na pala ako sa mesa, nagkatinginan kami at parang may kung ano sa tiyan ko at sobrang lakas ng pintig ng puso ko habang nakatingin sa mga mata niyang may bahid ng ngiti.
Hindi ko alam kung saan galing ang lakas ng loob ko nang ako mismo ang humuli sa mga labi ni Master at humalik. Naramdaman ko ang pagsilay ng ngiti niya nang gawin ko 'yon na kinatuwa ko. Mas hinigpitan ko ang pagkakakapit sa kanya na para bang miski ang hangin ay wala ng pwesto.
Sumagi sa isip ko ang girlfriend ni Master kaya humiwalay ako...
"Master..."
"Hmm?" umambang hahalikan ako nito ng iharang ko ang palad ko na kinanguso niya.
Cute, hihihi!
"M-May girlfriend ka na hindi ba? B-ba't ginagawa mo 'to, Master?"
Tinitigan ako ni Master na para bang pinag-aaralan ang reaksyon ko.
"I told you you're not aware..."
"H-Ha?"
Kinuha ni Master ang kamay ko at nilagay sa dibdib niya. Naramdaman ko ang mabilis at malakas na pagtibok ng puso nito kaysa sa akin.
"You need to be responsible for this, my dear girlfriend..."
Natulala ako sa sinabi ni Master. Mabilis niya akong hinalikan at ang sunod niyang sinabi ang kinadiwang ng buong pagkatao ko.
"...and that's your punishment."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro