Kabanata 8
Kabanata 8: Forbidden?
Eve Henderson Point Of View
Natapos ang Midterm Exam at nakapasok ako sa top 5 hehehe! Sa tulong ni Master na rin dahil inensayo niya ko ng mabuti feeling ko ang lakas lakas ko na.
"Ang sarap ng luto ngayon ah? Sinong cook?" tanong ni Yuan habang nakain ng sinigang. Pansin ko sa tatlong 'to puro heavy meals ang laging kinakain.
"Oo nga 'no?" sang-ayon ni Aki na nakitikim sa ulam ni Yuan.
"Ang balita ko bago na daw 'yung cook natin pinalitan ni Master," napatingin ako kay Rage na nakatingin sakin habang sinasabi 'yon.
"Oh? Anong tinitingin-tingin mo?"
"Naalala ko kasi 'yung text mo kay Master, hindi kaya dahil do'n kaya niya pinalitan ang cook kasi sinabi mo kay Master na hindi masarap ang luto dito..."
Natahimik ang mesa namin.
"Tapos bigla pang nagkaroon tayo ng cooking class..." dagdag pa ni Aki.
Naalala ko na na-ikwento ko kay Master kung gaano katamad at hindi marunong ang tatlong 'to at sinabi ko na sana magkaroon ng subject tungkol sa pagluluto para lahat katulad niya.
"Helpful naman 'yon eh hehehe."
"Sinasabi ko na nga ba eh!" pang-aakusa nila sa'kin
Sumusukong tiningnan ko sila pero talaga bang ginawa 'yon ni Master para sa'kin? Parang sira na napangiti ako.
"Alam niyo bang may girlfriend na si Master?" biglang tanong ko sakanila. 'Di talaga 'yon mawala sa isip ko at 'pag na-iisip ko 'yon nalulungkot ako. Nung una akala ko simpleng paghanga lang ang nararamdaman ko pero habang tumatagal lumalalim 'yung nararamdaman ko.
"What? 'Di nga? Talaga?" tumango ako sa tanong ni Aki na hindi makapaniwala.
"Na-ikwento niya sa'kin nu'ng nakaraan pa. May ideya ba kayo kung sino 'yon?"
Nakita ko silang umiling.
"Wala kaming ideya."
Masyadong misteryoso talaga si Master...
"Maraming nali-link kay Master mero'n pa ngang babaeng pumasok dito na nagpanggap na lalake..." nasamid ako sa narinig kong sinabi ni Rage.
"May....babaeng nakapasok dito?"
"Gano'n na nga," sabi ni Aki
"Tapos anong nangyari?"
"Nagtagal ng isang linggo 'yung babae..." pabitin na kwento ni Aki.
Nakikinig lang naman 'yung dalawa habang abala sa pagkain.
"Nawala ng parang bula yung babae nang malaman ni Master 'yon..."
"Anong... nangyari do'n sa babae?"
"Hindi namin alam... alam mo naman sigurong all-boys-school ito kaya bawal ang 'babae' dito..."
Napalunok ako sa sinabi ni Aki.
"Hindi namin alam kung naparusahan yung babae..." dagdag ng ngumunguyang si Rage
"P-Parusa? Anong parusa?"
"Depende kay Master..."
"S-Sa tingin niyo... ano kayang parusa ang binigay ni Master do'n sa babae?"
"Lalake pa rin naman si Master malay mo..."
Binato ko ng french fries si Aki bago niya pa matapos ang sinasabi niya. Kahalayan ng tukmol na 'to!
"Hindi magagawa ni Master 'yon!"
"Hahahahaha biro lang! Masyado ka naman kasing seryoso!"
Madadagdagan na naman ang iisipin ko. Aist!
Bigla na lamang tumunog ang phone ko kaya agad ko itong tiningnan.
Calling...
Unregistered Number
Accept Decline
Tinapat ko ang cellphone ko sa tenga ko habang hinihigop ang vanilla shake ko.
"Hello?"
Pero hindi sumagot ang nasa kabilang linya. Tiningnan ko kung naka-connect pa dahil walang sumasagot. Naka-connect naman.
"Hello? Sino 'to?"
"Let's meet... Eve Henderson."
Natigilan ako ng marinig ang sinabi nito.
"Sino 'to?" ramdam ko ang panlalamig ng kamay ko at pinilit kong 'wag ipahalatang kinakabahan ako.
"Nagkita na tayo kailan lang, ang bilis mo naman 'atang makalimot"
"Anong kailangan mo? Sino ka?" napapikit ako ng marinig ang pagtawa nito.
"Lumabas ka ng malaman mo..."
Bigla na lang nitong pinatay ang tawag. Natulala ako saglit at nabalik lang ako sa sarili ng kumaway sa mukha ko ang kamay ni Yuan.
"Namumutla ka, may problema ba?"
Halata sa kanila na nagtataka sila at parang nag-aalala.
"May kailangan akong puntahan saglit... n-na-aksidente 'yung kaibigan ko! Babalik ako mamaya!"
Napapagilid ang mga nadadaanan ko ng makitang nagmamadali ako. Nang makalabas ako ay saktong may humintong van sa harapan ko. May hihila na sana sa'kin nang may naunang humila sa'kin.
"Master!"
Humarurot paalis ang van. Hinarap ako ni Master na seryosong nakatingin sa'kin.
"Sino ang mga 'yon at saan ka pupunta?"
"Master..." mahinang tawag ko. 'Di ko alam ang gagawin 'ko.
Napabuntong-hininga si Master at marahan akong hinila sa bisig niya.
"Master... anong nangyari do'n sa babae?"
"What?"
"Sa babaeng pumasok dito... n-nasaan siya?"
Matagal bago nakapagsalita si Master na kinatakot ko pero ng sagutin niya ang tanong ko ay para akong tinakasan ng kulay.
"She's... dead."
~*~
Nakahiga ako sa kama ko habang nakatulala sa kisame. Hindi ako madalaw dalaw ng antok dahil sa mga nangyayari ngayon.
Sino yung tumawag sakin kanina? Ba't namatay 'yung babae? Anong kinamatay? O sino ang... pumatay?
Hindi 'yon magagawa ni Master...
At isa pa sabi nila Aki nagtagal ng isang linggo 'yung babae samantalang ako magdadalawang buwan na, dapat ko bang ikatuwa 'yon?
Nagpasya akong magtungo ng kusina para uminom ng gatas baka effective hehehe.
Medyo madilim sa kusina nang may makita akong anino.
"Master?"
Nakita ko si Master na umiinom mag-isa. Napalunok ako ng makitang topless ito at naka-boxer lang. Super Gulp. Shet ang gwapo niya hihi.
"My Chaos..." ang sexy ng boses ni Master.
"K-Kukuha ako ng gatas 'di kasi ako makatulog hehehe..."
Nakatitig lang ito sa'kin gamit ang namumungay nitong mga mata. Ito na naman si heart.
"Come here..." nanlaki ang mga mata ko ng tapikin nito ang hita niya.
Nanlaki ang mga mata ko at nakaramdam din ako ng pag-init ng pisngi ko.
"N-nakainom ka na 'ata Master hehehe," napapaatras na sabi ko huhuhu ba't ganyan ka Master?
"Come here My Chaos... please"
PLEASE? Please daw! Waaaaah!
Para akong robot na naglakad patungo kay Master.
"Perfect... hmm," niyakap ako nito at siniksik ang mukha sa leeg ko. Higit-higit ko ang paghinga ko sa mga oras na 'to. Waaah!
"M-Master..."
Kinulong ni Master ang magkabilang pisngi ko, para akong nahihipnotismo sa mga magaganda niyang mga mata. Nakita ko ang paglapit ng mukha ni Master at naramdaman 'ko ang malambot na labi niya na nakalapat sa labi ko.
Nanatiling nakadilat ang nanlalaki kong mga mata habang nakatingin kay Master na nakapikit.
"Kiss me back..." bulong nito sa tenga ko.
He kiss me again, a passionate one. At hindi ako makapaniwalang sinunod ko si Master. I kiss him back...
My both hand is in his broad shoulders down to his hard chest. My heart pounds even faster when I felt his lips to my neck.
"M-Master..."
Bumagsak ang ulo nito sa leeg ko. Mukhang nakatulog na siya.
"Master?"
Umalis ako sa pagkaka-upo sa hita niya at napahawak sa dibdib kong mabilis ang tibok.
Huminga muna ako ng malalim at inalalayan itong ihiga sa sofa buti na lang hindi ako nahirapan akala ko mahihirapan pa ko. Pinagmasdan ko si Master na payapang natutulog. Sa makapal niyang kilay, mahabang pilikmata, matangos na ilong at sa labi niyang kanina lang ay nakalapat sa'kin.
Hinalikan ko ang noo nito bago bumalik sa kwarto ko at isang desisyon ang napag-isipan ko.
Aamin na 'ko. Bahala na kung ano man ang kalabasan o kahinatnan, ayokong sa iba pa nila malaman...
Nagising akong kulang sa tulog. Bumangon ako ng maaga para sana ipagluto si Master ng mainit na sabaw kaya lang naabutan ko itong nasa kusina na at nagluluto.
Napakagat ako sa labi ko nang maalala ang nangyari kagabi.
"Master...m-may sasabihin ako sayo mamayang g-gabi..."
Humarap si Master sa'kin at tinitigan ako na para bang inaalam ang nasa isip 'ko.
"Prepare the plates, Chaos."
"Ha? Ah oo hehehe."
Inayos ko ang hapag at kumuha ng plato. Umupo ako nang ihain na ni Master ang niluto niya. Fried rice, bacon, scrambled egg, hotdogs, at coffee.
"I'm going to be late later..." napatingin ako kay Master ng sabihin niya 'yon. Nakatingin siya sa hawak niyang diyaryo.
Male-late siya?
"Maghihintay na lang ako hehehe."
"Are you really sure?"
"Oo hehehe."
"Importante ba talaga ang sasabihin mo para hindi mo 'ko mabati ng 'good morning'?"
"Hehehehehe belated good morning, Master," umangat ang dalawang sulok ng labi ni Master at nilapag ang hawak niyang diyaryo.
"Let's eat..." nakangiti niyang sabi. Nawala bigla ang uneasiness ko at maganang kumain kasama si... Master.
~*~
Malapit na ako sa room ko nang tumunog ang cellphone ko. 'Yung number na tumawag kahapon 'di ko ito sinagot at in-off ang cellphone ko. Napahinto ako sa paglakad ng may maramdaman akong mga nakamasid sa'kin. Matagal na rin bago ko ulit maramdaman 'to.
May humarang sa harapan 'ko at sigurado akong hindi sila mga estudyante dito.
"Sino ka-" 'di ko na natapos ang sasabihin ko ng may magtakip ng panyo sa ilong ko at nakalanghap ako ng nakakahilong amoy.
Master...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro