Kabanata 6
Kabanata 6: Her Reasons
Eve Henderson Point Of View
Nasa garden ako ni Master. Oo, ganito ka-sosyal ang dorm niya. Kung dorm pa nga bang matatawag ito. Mukha na kasing mansion sa lawak at laki. Nakahiga ako sa damuhan habang nakatingin sa kalangitan.
Kamusta na kaya sa'min? Hinahanap na kaya ako? Siguro isinusumpa na 'ko ni Papa at sobrang nag-aalala si Mama. Si Lolo naman 'di pa ko kinokontak, ano na kayang balita do'n baka nagchi-chix na naman.
Ba't nga ba ako lumayas sa'min? Napaka-istrikto kasi ni Papa at lagi yung gusto niya ang masusunod pati lovelife ko dinadamay! Gusto akong i-engage? Ni hindi ko nga kilala 'yon kaya humingi ako ng tulong kay Lolo at dahil 'di ako matiis ni Lolo ayon tinulungan akong makatakas. Bukod sa pagtakas ko sa engagement na 'yon ay mero'n pang ibang dahilan...
"What are you doing here, Chaos?"
Bumangon ako at pinanood ang paglapit ni Master. Magagalit kaya siya 'pag nalaman niyang nagpapanggap akong lalake?
"Master..."
Umupo siya sa tabi ko. Binalot kami ng katahimikan, pumikit ako at dinama ang sariwang hangin pero ilang saglit pa'y binasag ko ang katahimikan.
"Master, paano kung malaman mong niloloko ka anong gagawin mo sa taong 'yon?" nananantyang tanong ko ng hindi ito tinitingnan.
"I'm going to punish whoever it is, Chaos," pakiramdam ko nakangisi si Master ng sinabi niya 'yon.
Bad pala si Master huhuhu!
"Paparusahan mo, Master? Anong... klaseng parusa?"
"It... depends on me"
Napalunok ako ng wala sa oras.
"Sana Master kung sinu'man 'yung gumawa no'n sa'yo 'wag kang masyadong maging malupit hehehe."
"What?" natatawang tanong niya at pinanliitan ako ng mata. Ang cute.
"Basta! Wag mo masyadong pahihirapan 'yung mga taong magkakamali sayo."
"May... gusto ka bang iparating, Chaos? May ginawa ka bang kasalanan?" may himig ng pang-aakusa ni Master pero nakangiti.
"W-wala 'no!"
"Pfft~"
Umayos ako ng upo at bumuntong-hininga at humarap kay Master.
"Master... may sekreto ako at natatakot ako na 'pag dumating 'yung araw na malaman mo 'yon ay magalit ka," nagbara ang lalamunan 'ko ng sabihin ko 'yon. Unti-unting nawala ang ngiti ni Master ng makita ang takot ko.
"Wag kang matakot, ayos lang..." mahinahong sabi ni Master at sa isang iglap parang gumaan ang loob ko. Sa simpleng salita ni Master pakiramdam ko kahit anong pagkakamali ko o kahit ano pang tinatago ko ay maiintindihan niya at matatanggap.
"...hihintayin 'kong sabihin mo sa'kin 'yan 'pag handa ka na," mahinang kinurot ni Master ang ilong ko.
"Salamat... Master! You're awesome! The best ka talaga!"
Ginulo ni Master ang buhok ko. Ang sarap sa pakiramdam t'wing nakikita ko ang masayang mukha ni Master.
~*~
April 8 na pala ngayon. Ang bilis ng panahon. Pero ito ako matamlay na naglalakad sa hallway. Itong araw na ito... Kinasusuklaman ko.
"Clarky!" saglit na tiningnan ko sila Rage, Aki, at Yuan na patakbong lumapit sa'kin. Walang ganang nagpatuloy ako sa paglakad.
"Woi! Ayos ka lang?" tanong ni Rage
"Ayos... lang" sagot ko.
"Ang weird mo, may problema ba?" tanong naman ni Yuan
"May sakit ka ba?" tanong rin Aki.
Walang ganang umiling ako at nilagpasan sila. Hindi ko maitago ang lungkot ko t'wing dumadating ang araw na 'to.
"MR. DIAZ? Are you listening?"
"Sir, pwede po bang mag excuse? Hindi po maganda ang pakiramdam ko."
"Gano'n ba? Kung gano'n ay pumaliban ka muna at magpunta sa clinic."
"Sasamahan ko na siya, Sir," presinta ni Aki. Nakaambang hahawakan na niya ako nang may humila sa braso ko at hinila palabas.
"Master!"
"Kung masama ang pakiramdam hindi ka na dapat pumasok."
Tumigil ako sa paglakad na siyang kinatigil din ni Master.
"Damn it, Chaos you're making me crazy worried."
"Master p-pwede 'bang umalis ako saglit?" pakiusap ko habang nakatingin sa mga mata niya ng diretso. Matagal bago ito nakasagot.
"Bumalik ka, maghihintay ako. 'Pag hindi ka dumating hahanapin kita"
Mabilis akong tumango at tumalikod palayo. Sumakay ako sa kotse ko at nang silipin ko ang side mirror nandoon pa rin si Master. Nakapamulsa itong nakamasid sa’kin.
Parating na 'ko... Sunny.
~*~
Third Person Point Of View
P
anaka-nakang tumitingin si Eros sa relong pambisig niya. Alas-onse na ng gabi pero hindi pa dumadating si Chaos, hawak niya ang cellphone niya at nakita niyang hindi pa rin umaalis ng lugar si Chaos, lingid sa kaalaman ng dalaga ay kinabitan ng tracking device ang kotse nito pati na rin ang ilang gamit nito.
Nang gumalaw na ang dots ay napaayos siya ng upo at pinanood itong tinatahak na ang direksyon ng University.
"This girl is driving me crazy..." na-iiling na sabi niya sa sarili.
Makalipas ang sampung minuto ay dumating na rin si Chaos.
"Chaos-"
"Master pwede bang uminom tayo? Ngayon lang."
Humugot ng malalim na hininga si Eros at pinagmasdan ang babaeng nasa harapan niya. Ano pa nga bang magagawa niya? Kahit ano namang hilingin nito ay gagawin niya, kung kaya niya o pwede ibibigay niya.
Nakita na lang niya ang sarili niyang kumukuha ng alak sa cabinet niya, galing pa ito sa kanyang Ama, ang mga alak na kahit gaano kataas ang tolerance ng iinom ay babagsak sa tapang.
"Here..." pinanood niyang nagsalin ang dalaga sa maliit na baso at ininom 'yon ng diretso.
Nakaka-anim na baso na si Chaos ng magsalita ito.
"Master... dinalaw ko 'yung kakambal ko kanina."
Nanatiling tahimik si Eros at tahimik rin’g nakikinig.
"Nakangiti siya pero pakiramdam ko ang lungkot niya do'n"
Dahil sa tama ng alak ay nagtuloy-tuloy ito sa pagkukwento habang umiiyak.
"Dapat ako 'yung nandoon! Hindi siya! Sana siya na lang 'yung nabuhay. Sana ako na lang 'yung tinamaan ng balang 'yon. Sana nandito siya ngayon. Sana-"
"Fuck! Please don't cry I hate to see you like this..."
Kinabig niya ito ng yakap na mas lalong kinahagulhol ng dalaga.
"Miss na miss ko na siya, Master," nanghihinang sabi ni Chaos.
Pinunasan ni Eros ang pisngi nito ng kumalma na sa pag-iyak.
"Nu'ng bata pa ko madalas kaming ma-kidnap..." humigpit ang yakap niya ng marinig 'yon.
"Dahil do'n namatay ang kakambal kong si Sunny. Galit na galit ako sa pamilya ko dahil hinayaan nilang mawala ang kakambal ko... kung sinunod lang sana nila ang hinihingi ng mga kumidnap sa'min hindi aabot sa puntong masasaktan kami. Nagrebelde ako simula no'n hanggang sa lumayas na 'ko ng tuluyan kasi... kasi... g-gusto nila akong ipakasal sa taong hindi ko kilala..."
"What!"
Hindi maiwasan ni Eros na makaramdam ng galit. Namumungay na nag-angat ng tingin sa kanya ng dalaga na malakas na ang tama ng alak.
"Mas gugustuhin ko pang ikasal sayo, Master kaya itago mo 'ko ah?" nakangusong pakiusap ng dalaga na kinangisi ni Eros.
"Gusto mong makasal sa'kin?"
"Oo naman kasi mabuti kang tao at 'di mo ko pababayaan, di'ba?"
"Ofcourse..."
"At isa pa ang gwapo mo, gustong-gusto talaga ki-"
Hindi na natapos ng dalaga ang sinasabi nito nang angkinin ni Eros ang labi ng dalaga.
"hmm.." ungol ni Chaos ng maramdaman niya ang mainit na labing nakalapat sa kanya.
Umangat ang dalaga habang nakapulupot ang braso sa leeg ni Eros. Masuyong hinahalikan niya ang dalaga hanggang sa maihiga niya ito sa sofa.
"Master..." bumagsak ang mga mata nito at mabilis na nakatulog.
Nakangiting pinagmasdan ito ni Eros.
"It's addicting..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro