Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 5

Kabanata 5: Favorite Boy?


Rebecca Foster Point Of View

I still can't believe it! Ano bang mero'n sa lalakeng 'yon? Ngayon lang 'to ginawa ni Eros sa amin at mas lalo na sa’kin!

"Move on, Rebecca."

"Shut the fuck up, Peter!"

"Hahahahaha!"

Padabog na nagmartsa ako palabas. Hindi ko maintindihan pero may kakaiba sa Clark Diaz na 'yon. Kailangan itong malaman ng kanyang Ama!

Mabilis akong nagtungo sa opisina ni Tito at marahas na kumatok.

"Come in," malamig na tinig ng nasa loob. Pumasok ako at nakita kong may kausap ito. Sa pagkakaalam ko Disciplinary Officer ito ng Thurston University.

"Rebecca, what brings you here? Have a sit."

"Tito..." sinulyapan ko ang kaharap nitong hindi pa umaalis.

"Go ahead, don't mind him."

"Tito, Eros is acting weird."

"Weird? What happened?"

"Hindi ko masabi kung ano pero ang weird niya. Kanina sa meeting room pinahiya niya ako at ginamitan niya pa kami ng matalim na tingin! Hindi naman siya gano'n! He's always calm and compose but now? Just because of that boy! Arrgh!"

"Are you also referring to this 'Clark Diaz' boy?" manghang tanong pa ni Tito.

"H-How? Paano niyo nalaman?"

He know that boy?

"Mr. Raul, can you explain to her what brought you here also?"

"Yes, Sir. Madame Rebecca, yesterday Morning ay pinatawag ko ang Clark Diaz na tinutukoy niyo."

"U-huh?"

"Every month ay nagkakaroon ng inspection sa bawat dorm at nakita namin sa ilalim ng unan nito ang baril ni Master Thurston,”

"Isa pa 'yan sa kinatataka ko!"

Ang baril na 'yon ay pag-aari ni Eros, iniingatan 'yon ng buong angkan nila.

"I see.." tanging sagot ni Tito.

"Tito, you need to do something!"

"Rebecca, hindi ako nangingialam sa mga personal na bagay ng aking anak. Kilala mo ang aking anak, hindi ito makokontrol ng kahit sino at mas lalong ayaw niyang pinapakialaman o pinanghihimasukan ang mga desisyon niya," may kakaiba sa ngiting sabi ni Tito. W-what?

"P-pero tito-"

"Kung wala na kayong sasabihin ay makaka-alis na kayo."

Tulalang lumabas ako. Gosh! What's happening? Pati ba naman si Tito? Something's fishy and I'm going to find this out! Mas lalo akong nakakaramdam ng inis sa lalakeng 'yon.

"Mr. Raul," agad na huminto ito ng tawagin ko.

"Keep an eye on that boy."

"Masusunod! Madame Rebecca, ngunit mahihirapan nga lang ako dahil nasa dorm na ito ni Master Thurston tumutuloy."

"W-WHAT?"

"I-I'll take my leave, Madame Rebecca."

Is this for real? Aaargh! Why him? Ako na matagal na niyang kilala at kasama mula pagkabata hindi niya pinapatuloy sa dorm niya? Ni wala pang nakakapasok na iba do'n! Pero siya? Fuck it! Aaah! Shit!



Eve Henderson Point Of View

"Aaachiiing!" pang-ilang bahing ko na ba ito?

"Bentang-benta ka, Clarky ah! Hahahahaha nakaligo na kami wag mo kaming paulanan dito!" umamba akong babatukan ko 'tong baliw na si Aki na agad na tumakbo palayo.

Hmmp!

Nandito kami sa canteen at kumakain. Kasama ko si Aki, Rage at Yuan. Bumalik naman sa kanyang inuupuan si Aki na nakabelat. Psh! Isip bata!

"Clarky, nasaan si Master?" tanong ng ngumunguyang si Rage.

"Ba't mo tinatanong sa'kin? Malay ko!"

"Ikaw ang lagi niyang kasama at lagi ka ring nakabuntot sa kanya, kasama ka sa lahat ng lakad niya at higit sa lahat magkasama kayo sa dorm niya!" mabagal na paliwanag ni Yuan na isa ring mongoloid. Parang hirap na hirap pa siyang ipaliwanag 'yon sakin. Sarap batukan.

Pero tama sila. Lagi nga kaming magkasama ni Master hehehe at bumubuntot pa 'ko sa kanya. Hindi naman siya nagrereklamo eh.

"Clarky, sabihin mo nga sa'min. Kamag-anak ka ba ni Master? Iba kasi ang trato niya sayo," kuryosong tanong ni Aki ng may biglang sumabat sa kabilang mesa.

"Oo nga, Clark! Anong relasyon niyo?"

"Junior Clark, para ka namang others!"

Others? Pfft~!

"HAHAHAHAHA!" tanging tawa ko lang ang naririnig sa buong canteen.

"Ano natuluyan ka na?" natatawang tanong ng isa pang Junior na 'di ko kilala. Ang saya talaga dito sa eskwelahang 'to.

"Sabihin mo nga sa'min ba't paboritong-paborito ka ni Master?"

"Paborito? Mabait lang sa'kin si Master! Gwapo kasi ako!"

"Ikaw gwapo? Nahihibang ka na!" kontra agad ng kulugong si Aki.

"'Wag na kayong magtalo! Ako ang pinakagwapo! Shut up kayo!" 'di nagpapatalong sabat ni Rage at Yuan.

Napuno ng tawanan ang canteen ng magbatuhan ng kinakain nila si Rage, Yuan, at Aki.

"Oh shit!" napuno ng iba't-ibang mura ang canteen ng matamaan sila ng mga pinagbabato nila Aki at namalayan ko na lang na nakikisali na 'ko. Hahahahaha!

"Ito pa! Ayan! Hahahahaha!"

Ang dudungis na namin. Pinagtatawanan lang kami ng mga nanonood sa'min.

"Chaos, you're really a chaos,”

"MASTER!"

Shet! Bigla na namang bumilis ang tibok ng puso ko.

"M-Master hehehe!" nagulat ako ng nasa harapan ko na ito. Ang bilis?

T-teka? Paano nangyari 'yun? Pinagmasdan ko siya at nakita kong naka-tuxedo ito saan siya galing? Ang hot niya talaga.

"Let's go," sabi nito at hinila ang braso ko. Nagyari sign ako kanila Aki na kinaputla nila hahaha!

"Wash yourself, Chaos"

"Aja! Master!"

Tumakbo ako patungong kwarto ko at naligo. Tinanggal ko ang chest binder ko at dahil do'n ay nakahinga ako ng maluwag. May mga panahon na nahihirapan na 'kong huminga dahil dito kaya naman t'wing gabi ay tinatanggal ko ito.

Nagbabad ako sa bathtub hanggang sa hindi ko na malayang kinain na ako ng dilim.

Nagising na lang ako dahil sa malakas na kalabog mula sa labas.

"Chaos! Chaos! Are you alright? Open this door!"

Patay! Di ko namalayang nakatulog ako! Waaaah! Natataranta akong tumayo sa bathtub at kumuha ng roba.

"M-Master! Buhay pa ko! Diyan kalang! Magbibihis na 'ko!"

Pagkasabi ko no'n ay wala na 'kong narinig na kalabog at boses ni Master. Nagbihis ako ng mabilis at maya-maya pa'y lumabas. Napalunok ako ng makita si Master na kunot-noong nakatingin sa'kin.

"Master..."

"What took you so long? Kanina pa kita kinakatok."

"Na-nakatulog ako sa bathtub," sabi ko habang ngumunguso.

"'Wag mo na ulit gagawin 'yon pinag-alala mo 'ko."

"Sorry," nakayukong sabi ko. Nakaka-guilty.

Laking gulat ko ng may kumulong na mainit na yakap sakin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Napalunok ako ng mas humigpit ang yakap niya sakin ngunit sa paraang hindi ako nasasakal o nasasaktan. Laging ganito, tuwing malapit si Master para akong hinahabol ng kabayo.

"I'm hungry, Chaos," feeling ko matutuyuan ako ng lalamunan sa bulong niya sa tenga ko at 'di ko alam kung guni-guni ko na naman ito pero inaamoy niya ba buhok ko.

Hindi ko mapigilang mamula.

"G-Gusto mo ipagluto kita? Hehehe."

"That would be great..."

Humarap ito sa'kin ng nakangiti. Nakahinga ako ng maluwag dahil do'n. Green? Parang may sariling isip ang mga kamay ko nang hawakan ko ang gilid ng mga mata ni Master.

"Ang ganda ng mga mata mo, Master at parang nakita ko na ito..."

Saglit na ngumisi ito at hinuli ang kamay ko at hinila palabas ng kwarto. Teka...

"Master? Paano ka nga pala nakapasok ng kwarto ko?"

"Nakalimutan mo'ng i-lock. Cook something, magpapalit lang ako."

Nakalimutan ko? Ni-lock ko 'yon! Aah! Nakalimutan ko nga siguro!

Makapagluto na nga! Nananananana~

Napagpasyahan kong magluto ng sinigang na bangus.

Natapos na 'kong magluto at napatalon ako sa gulat ng makitang naka-upo pala si Master at mukhang kanina pa 'ko nito pinanonood.

"Mukhang masarap ah?" nakangiting sabi niya.

"Hehehe mas masarap ka este mas masarap yung luto mo."

Biglang namula ang tenga ni Master. Hala!

"Master? Ayos kalang? Namumula ka! May sakit ka ba?" sunod-sunod na tanong ko.

"I'm fine. Ugh! Wait," umalis na lang ito bigla. Ano nangyari 'don? Hmm. Hinanda ko na lang ang mga plato sa mesa at sinandok ang niluto ko. Hindi rin nagtagal ay bumalik na si Master na mukhang naghilamos.

"Kain ka na, Master."

Pinanood ko siyang tikman ang sinigang na gawa ko.

"Sarap 'no? Kain ka pa," pinagsandok ko si Master ng kanin.

"Yung gitnang parte na lang para 'di masyadong matinik,"

Umupo na 'ko ng maayos ng matapos ko itong pagsandukan. Hindi ko alam pero tuwang-tuwa ako dahil nagustuhan ni Master ang luto ko, maraming pumupuri sa mga niluluto ko pero si Master wala man siyang sinasabi ang saya ko na.

"Master? Ba't naka-tuxedo ka kanina? May party ka bang pinuntahan?"

"Naaalala mo ang pangalang 'Lance Xiao'?"

"Oo naman! Yung sangkot sa human trafficking at Illegal drugs?"

"Nakipagkita ako sa kanya."

"Aaah~"

"You're not going to ask 'why'?" ngiting tanong niya habang pinagmamasdan ako.

"Hindi mo naman kailangan ipaalam o sabihin sa'kin, Master."

"But... I want you to know everything about me," seryosong sabi ni Master na kinabilis ng tibok ng puso ko.

"M-Master..."

"Nagpanggap akong kliyente niya, ang gagawin lang namin ay magkaroon ng malakas na ebidensya na ipapasa namin sa pulisya pati na'rin ang pakikipagsabwatan ng Presidente."

"E-Eh? 'Di ba 'yan masyadong delikado, Master?" napangiti siya sa tanong ko.

"Are you worried?" napasimangot ako sa tanong niya.

"Natural! Isama mo na lang ako diyan sa lakad mo, Master!"

Tumigil ito sa pagsubo at halata sa kanya na hindi niya nagustuhan ang suhestyon ko.

"Humiling ka na ng iba, Chaos 'wag lang 'yan"

"Master..."

Hindi na ako muling kinausap ni Master. Nang matapos na kaming kumain ay siya na mismo ang kumuha ng pinagkainan ko at naghugas no'n.

Galit ba siya? Hala! baka nakukulitan na siya sa'kin o baka naiinis? Naiirita? Waaah!

"Master, 'di mo naman ako palalayasin di'ba?"

"Dito ka lang, walang aalis, 'di ka aalis."

"Sabi mo 'yan Master ah!"

"Balak mo bang umalis?" huminto siya sa paghuhugas at kinunutan ako ng noo. Ba't gano'n? Lahat ng isuot, gawin, at reaksyon niya napakaperpekto.

"Chaos..." napa-ayos ako ng upo nang marinig na seryosong tinawag ako nito.

"Anong sabi mo, Master?"

"Psh!" tumalikod ulit ito at pinagpatuloy ang paghuhugas.

"Kung aalis o may pupuntahan ka ipaalam mo sa'kin para masamahan kita."

"Pero..." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang maalala ang sinabi niya kaninang 'But... I want you to know everything about me' baka 'yon ulit ang maging sagot niya.

Matatameme na naman ako.

"Master, ba't mag-isa ka lang dito?" pag-iiba ko ng usapan. Pero gusto ko talaga 'yon malaman.

"Mas komportable ako..."

Kung mas komportable pala siyang mag isa bakit dito niya ako pinatuloy? Gusto kong itanong pero hindi ko mabuka ang bibig ko para itanong 'yon.

"Eh Master ba't nawala ka ng mga ilang buwan? Totoo bang may tama ka sa katawan? Malala ba ang tama mo no'n kaya hindi ka agad nakabalik?"

Pinagmasdan ko ang likod ni Master. Kitang-kita ko ang pag-flex ng muscles niya. Gosh! Eve makasalanan ka na! Kailan pa 'ko naging manyak? Ha? Ako? Manyak? Hindi! Observant lang ako! Tama! Observant hehehe!

"Tinamaan talaga ako..." sinilip ko ang mukha ni Master dahil parang iba ang tono ng boses niya... parang masaya na 'di makapaniwala?

"Si Master talaga! Natutuwa ka pang tinamaan ka! Dapat umiwas ka!"

"Nawalan ako ng depensa," Nakangising humarap ito sa'kin at mukhang natapos na siya sa paghuhugas. Umupo siya at sumandal. Hindi pa rin naaalis ang ngisi niya. Ang angas at ang lakas ng dating niya pag gumaganyan siya...

Bumilis na naman ang tibok ng puso ko.

"Pero ang sabi nila nanalo ka daw..." may kahinaang sabi ko at napapalunok sa tingin na binibigay ni Master.

"Pagkatapos ng pagkapanalong 'yon may hindi inaasahang laban akong hinarap..." mabigat na sambit niya.

Hindi inaasahang laban? Wala akong alam sa bagay na 'yon wala akong naririnig na gano'n.

"Natalo ka?"

Ngumisi siya at aaminin ko na medyo kinilabutan ako.

"Natalo ako, sa kauna-unahang pagkakataon... natalo ako at sa lahat ng pagkatalo 'yon na ang pinakamasarap na pagkatalo..."

---

Alam niyo yung pakiramdam na may nakamasid sayo? Kahit anong lingon at hanap ko hindi ko mahuli.

"MASTER!"

Napalingon ako kay Master na naglalakad sa hallway. Isa pa 'tong si Master hindi ako pinapatulog ng mga sinabi niya, masyado akong naaapektuhan. Pinagmasdan ko ang kabuohan ni Master, paanong lahat nasalo ni Master ang lahat ng biyaya sa mundo? Ang buong pagkatao niya... nakakamangha.

"Chaos!" dahil nakayuko ako ay nakita ko ang pares na sapatos ni Master sa paningin ko.

"Master! Hehehe good morning?" ngiting bati ko. Sumunod naman ako sa kanya nang magtuloy ito sa paglakad, 'di ko alam kung ba't sumunod pa 'ko parang may sariling pag-iisip ang mga paa ko.

Nilibot ko ang mga mata ko at nakitang parang abala ang lahat. Anong mero'n?

"Are you ready?" biglang tanong ni Master. Ready saan?

"For the Midterm Exam..."

"Aaah! Magre-review na lang ako mamaya!"

Napabuntong-hininga si Master na parang may problemang naalala.

"You're still not familiar about the system."

"Ha?"

Pinatong ni Master ang dalawang kamay niya sa balikat ko at pinantay ang mukha sa'kin.

"Listen, in every quarter we are giving an exam for individual, Chaos. Not only in mentally but physically," may pag-aalalang paliwanag ni Master.

"Physically?" manghang tanong ko.

"Damn... it looks like you're excited," napapahilot sa noo na sabi ni Master.

"Ibig sabihin? Wow! Maglalaban-laban kami? Ang galing!"

"I don't want you hurt, Chaos... baka makapatay pa 'ko," hindi ko na naman narinig ang huling sinabi ni Master. Nakakaugalian na talaga niya 'yan.

"Wag kang mag-alala, Master! Gagamitin ko ang lahat ng natutunan ko! Maa-amaze ka sa'kin!" may pasuntok-suntok sa hangin na pagyayabang 'ko.

Umiling lamang si Master at nakapamulsang tinalikuran ako. Eto naman ako bumuntot na naman.

Napatingin ako sa isang puno kasi parang may anino ng tao 'don. Huminto ako at mas pinakatitigan 'yon. Huminto rin pala si Master at tiningnan ang tinitingnan ko.

"Ang weird... parang may nakatingin sa'kin at nanonood," wala sa sariling sabi ko.

Napatingin ako kay Master at nahuling seryoso ang tingin sa'kin.

"Kailan pa?" malamig na tanong niya na kinalunok ko.

"S-simula ng magising ako pero baka guni-guni ko lang 'yon!"

Tinitigan ako ni Master. 'Yan na naman si heart.

"I will keep you safe, Chaos..." kinulong ni Master ang magkabilang pisngi ko ng mga kamay niya. Mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko.

Master...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro