Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 4

Kabanata 4: My Chaos


Someone's Point Of View

Ibinaba ko ang tsa-a na sinisimsim ko at binalingan ang mga nilalang na kasama ko sa mahabang mesang inu-okupan namin.

"You're saying that he give that gun to one of his follower?" ulit ng iritang si Rebecca Foster sa messenger na inutusan niya.

"Yes, Madame."

"That's... insane! How could he do that?"

Maging ako ay naguguluhan at nagulat sa aming nalaman. Who's that lucky boy?

"Interesting eh? I want to meet that boy!" ani ng nakangising si Morgan.

"Don't tell me you're jealous, Rebecca? Over a boy? Seriously?" pang-aasar ni Peter.

"Oh! No way! Hmmp!"

Sigh. Here we go again. Tsk.

Eve Henderson Point Of View

Naiwan sa ere ang hawak kong arnis nang may kumalabit sa'kin.

"Oh, Rage?"

"May naghahanap sayong chix!" ngising turan nito.

Ano daw?

"Pakilala mo naman kami sa chix mo, Clark!"

Iniwan ko ang mga kasama ko at pinuntahan ang babaeng sinasabi nila. Hindi naman ako nahirapang makita ito dahil agaw pansin ang pulang dress nito at pagkataas taas na heels. Maraming napapatingin pero hindi lumalapit, napangiti ako sa mga ito. Marespeto talaga sila. Nilapitan ko naman ito.

"Ah, hinahanap mo daw ako?"

"Ikaw si..."

"Clark Diaz, anong maitutulong ko? I mean anong kailangan niyo sa'kin?"

Pinakatitigan ako nito.

"Are you close with my Eros?" taas kilay na tanong pa nito? Sinong Eros? Si...

"Si Master?"

"U-huh?"

"Malapit siya sa'min, ba't mo tinatanong 'yan? At sino ka?"

"Oh? Really? Tch. He's not. Anyway I am Rebecca Foster," inilahad nito ang kamay niya na agad kong inabot.

"I'm his fiancee."

"F-Fiancee?"

May fiancee pala si Master?

"I'll go ahead, dumaan lang ako para makita ka."

Nagmartsa na ito paalis. Anong ibig niyang sabihin? Pumunta siya para makita ako?

"Woi! Clark, sino yung chix na 'yon?" tanong nila ng bumalik ako sa practice room.

"Fiancee daw ni Master? May fiancee ba si Master?"

Napatigil silang lahat sa sinabi ko.

"Hahahahaha! pang-ilang babae na ba ang nagsabi niyan?" natatawang sabi ng iba

"Sikat sa mga babae si Master! Kulang nalang lumuhod at maghubad kung sambahin siya," paliwanag ni Aki na kinatango ko.

"I see..." napapakamot sa ulong sagot ko.

Nagkaroon ng break kaya nagpahinga kami sa lapag, nang bumukas ang malaking pinto ng practice room at iniluwa no'n si Master. Napatayo ako nang maalalang may pupuntahan pala kami, nakalimutan ko! Huminto ang tingin nito sa sa'kin at kunot noong tiningnan ako na pawisan. May nagawa ba 'kong mali? Maging ang mga ka-block ko ay nagtataka.

"Chaos, follow me," malamig na sabi nito at tinalikuran kami.

Chaos. Ang tawag ni Master sa'kin, ewan ko ba sakanya. Parang kung itawag sa'kin gera? Gulo? Delubyo? Ewan! Tinanong ko nga kung bakit pero nginisihan lang ako. Ang hot niya pag ngumingisi. Wala sa sarili akong napalunok. Shet!

Sumunod ako kay Master hanggang sa makarating kami sa dorm naming... dalawa. Opo, kaming dalawa lang. Ang sosyal nga eh.

Napatalon ako sa gulat nang may ipatong ito'ng towel at punasan ang pawis ko. Di ko maiwasang mapatulala kay Master. Ang lapit namin sa isa't-isa pati ang paghinga nito ay ramdam ko, feeling ko mas lalo akong pinagpapawisan. Nahigit ko ang hininga ko nang magtama ang mga mata namin, kahit anong gawin ko hindi ko maalis ang tingin sa mga mata ni Master at pakiramdam ko pulang-pula na ang mukha ko! Waaah!

"Hehehe! A-Ako na Master," sabay kuha ko sa kanya ang towel. Hindi nakatakas sa gilid ng aking mga mata ang pagngisi nito. Hingang malalim. Kaya mo yan, Eve. Layuan natin si Adan.

"Anong gusto mong kainin?" malambing na tanong nito sa likuran ko. What? Malambing? Eraseee! Kailangan ko na atang magtanggal ng tutuli!

"Hehehe kahit ano!"

"Kahit ako?"

"Ha?"

Matagal tagal na akong 'di nakakapagtanggal ng tutuli. Hindi magsasalita ng gano'n si Master. He. He. He.

"Pfft. Mag-shower ka na."

"Sige hehehe."

Yun talaga ang plano ko, Master. Naglakad na ko papunta sa kwartong nakalaan sa'kin. Kumpara sa dorm namin nila Aki ay 3 times na mas malawak at malaki ito. Nakakapagtaka dahil kami lang ni Master ang nandito at kung ba't ako nandito pero mas maganda na rin dito dahil mas mahigpit ang security I mean mas malaya ako. Hindi ako mapaparanoid na gumising ng maaga para hindi makasabay sa pagligo yung tatlong kulugo na 'yon. Dito may bathtub pa, makakapagbabad pa ako.

Hulog ng langit si Master.

Lalalalalalala~

Natapos na 'kong mag shower. Pagbaba ko ay naamoy ko agad ang masarap na niluluto ni Master.

"Chicken Curry?" napapalakpak ako pag-upo ko nang makitang tama ang hula ko.

"Hinay-hinay" nakangiting sabi ni Master.

"Ang sarap! The best ka talaga, Master!"

"Talaga?" nguyang tanong nito. Ang cute. Hihihi.

"Master, wait," umusog ako ng konti at pinunasan ng daliri ko ang kalat sa gilid ng labi nito.

Bumalik ako sa pagkain ng matapos kong gawin 'yon. Natigil ako sa pagsubo nang mapansing nakatingin lang si Master sa'kin.

"May problema ba, Master?"

Hindi ito sumagot at ngumiti lang staka nagpatuloy sa pagkain. Ako naman ngayon ang natulala sa saglit na pagngiti nito.

Nang matapos naming kumain ay...

"Saan tayo pupunta, Master?" tanong ko dahil ang sabi niya pagkagising ko ng umaga ay may pupuntahan kami.

"Tinatamad akong umalis..."

Napanguso ako sa sagot nito. Nang bigla nalang itong mahinang napamura at huminga ng malalim, ang weird nga eh. Ganyan talaga siya minsan. Pag tinatanong ko kung anong problema nilalayasan ako. Kaya 'di ko na tatanungin baka layasan ulit ako.

"Nood nalang tayo!" sabi ko at gumapang sa mga nakahilerang tape.

"Shit."

'Di ko nalang pinansin si Master at nagtitingin tingin pa. Ano ba 'tong si Master halatang 'di pa nasasalang ang mga ito miski isang beses. Ginagawang pang display lang!

"Anong gusto mo, Master?"

"Your choice."

"Sabi mo 'yan ah! Baka magtitili ka 'pag horror ang pinili ko!" pananakot ko pa dito pero para sa'kin talaga ang babala na 'yon huhuhu!

Isinalang ko na. Namatay ang ilaw. Pagtingin ko may hawak na remote si Master, tinapik niya ang gilid niya na para bang pinalalapit ako. Napalunok ulit ako ng wala sa oras.

Lalake ako! Tama. Lalake ako.

Umupo ako sa tabi ni Master. Nabasa ko 'yung title. Train to busan? Dumampot ako ng unan at niyakap ko ng mahigpit.

"Ang swerte ng unan..." bulong ni Master na hindi ko naman narinig.

Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na kaming nanonood. Halos masira ko na yung unan sa pagkakayakap ko. Nagsisigawan na yung mga casts at hinahabol na sila ng mga zombies. Waaaah! Feeling ko naka-live sa laki ba naman ng screen at naka HD pa huhuhu.

Nang matapos na yung palabas.

"Master, 'wag mong buksan yung ilaw"

"What?" natatawang tanong nito.

Baka makita niya ang itsura ko. Pawis na pawis. Jusko. 'Di na muli ako manonood ng ganito! Hay. Grabeng palabas 'yon.

"Master, paano kung totoong mangyari 'yang Zombie na 'yan. Anong gagawin mo?" wala sa sariling tanong ko.

"That's not true."

"Iih! Kunwari nga! Pa'no kung maging Zombie ako tapos susugurin kita, magpapakagat ka ba?"

Naghari ang katahimikan sa paligid namin. Ewan ko ba.

"Master? Yuhoo!"

"Magpapakagat ako kung ikaw lang rin naman."

Nanlaki ang mga mata sa sinabi ni Master. Bumalik lang ang diwa ko nang biglang may tumunog na cellphone. Di ko alam kung anong ginawa niya, o pinindot dahil bumukas na yung ilaw. At heto ako, nakatulala sa aming Master.

Napabuntong-hininga si Master at inis na tiningnan ang telepono niya at itinapat sa tainga niya. Halata ang pagbabago ng ekspresyon nito, nagtagis ang bagang na mas lalong nakapagpa-hot sakanya. Ilang sandali pa'y pinatay na niya ang telepono niya.

"May pupuntahan ako."

"Sige, Master ingat hehehe."

"Magbihis ka. Sasama ka sa'kin"

With that, nawala na lang ito bigla sa paningin ko. Napakamot naman ako sa batok ko, isasama niya ako? Saan naman? Hay! Makapagpalit na nga!

~*~

Lihim napangiti si Eros habang pinagmamasdan ang 'kanyang' Chaos. Itinuturing na niya itong kanya at para sa kanya lamang. Alam niya ang katauhan ng dalaga at wala siyang pakialam kung anuman ang dahilan nito.

Sa mga ilang buwan na nawala siya ay iginugol niya iyon sa paghahanap sa babaeng tumulong sa kanya kaya naman namalagi siya sa tinutuluyan ng dalaga, lagi siyang naghihintay sa pagdating nito ngunit wala. Lagi niyang ipinagluluto, sa pagbabasakaling bigla itong dumating at gutom. Hanggang sa isang araw, pababa na sana siya sa kanyang kotse nang dumating ito na labis niyang kinatuwa.

Lalo na ng makita niya ang kabuohan nito na naka-anyong lalake, at nalaman niyang nag-aaral ito sa eskwelahan niya dahil sa ID na suot nito. Nakaramdam siya ng inis ng malamang isang buwan na siyang may kasamang mga lalake sa isang kwarto at nalaman niya 'pang pinagluluto niya pa ang mga ito na ni minsa'y hindi niya pa natikman.

Napabuntong-hininga siya, kung sana'y nalaman niya ng mas maaga ay hindi niya 'yon hahayaan, kaya naman pinalipat niya ito sa tinutuluyan niya'ng dorm din na di gaya ng iba'y mas mahigpit ang seguridad at walang sinuman ang basta na lang nakakapasok.

"Master, saan ba tayo pupunta?"

Napailing siya sa kakulitan nito, pang limang beses na niya itong paulit-ulit na tinatanong.

"Malapit na."

"Puro ka malapit, oh! Nga pala Master pumunta yung Fiancee mo kanina."

Kumunot ang noo niya sa sinabi nito.

"Ang weird nga eh. Imbis na ikaw yung puntahan, ako yung dinaanan para makita! Pero alam ko namang hindi mo type yung mga gano'n hehehe"

"Pfft~"

"Yieeh! Natatawa si Master oh!"

Huminto na ang kotse at pinagbuksan sila ng kanyang mga tauhan. Hinintay ni Eros na makarating sa tabi niya si Chaos.

Lahat ng madaanan nila ay yumuyuko at sabay-sabay na bumabati ng...

"MASTER!"

Inilibot naman ni Chaos ang tingin sa dinadaanan nilang palasyo at sa mga armas na dala ng mga tauhang kasama at nadadaanan nila. Sinilip niya ang mukha ng kanyang Master na walang emosyong nakatingin sa harap, pilit naman niyang ginagaya ito kaya lang 'di niya magawa.

Huminto sila sa pulang pinto na may gintong door knob. Pinagbuksan sila at bumungad sa kanila ang ilang mga panauhin.

"Oh! Master Thurston," ngising bati ni Morgan.

"And we have a... unwelcome guest?" mataray na wika ni Rebecca Foster ng malipat ang tingin sa likod ni Eros.

"He's my person and I don't owe you a damn explanation. Don't mind my own business, Rebecca Foster," malamig na pahayag ni Eros. At ang kinabigla pa nila ay ang matalim na tingin na ibinigay nito sakanila na ngayon lang nangyari.

"I-I'm sorry, Eros," nauutal na sagot ni Rebecca Foster na nabibigla parin at naguguluhan sa inaasal ni Eros.

"You don't have any rights to call me by my name, know your place."

"M-my apology, M-Master Thurston..." nanginginig na paumanhin ulit ni Rebecca.

'Di malaman ni Eve ang gagawin at mas piniling manahimik nalang dahil baka madamay sa galit ng kanyang Master.

"Sit down, Chaos."

Umupo naman siya ng maayos sa likod kung saan may sofa.

"Not there."

"Hehehe saan ako pupwesto, Master?"

"Sa tabi ko, dito ka sa tabi ko"

Mas lalong nagulantang ang mga nasa silid sa sinabi ni Eros.

"Don't look at my person," inis pa na sambit ni Eros na kinalihis ng mga tingin nila. Nang makaupo na si Chaos ay saka pa lamang kumalma si Eros.

"Start," pagkasabi niya nito ay sumeryoso ang paligid.

Tumayo si Rebecca Foster at ibinahagi ang limang folders.

"He is Lance Xiao, 35 is the age. He's into human trafficking and illegal drugs," Namilog ang mga mata ni Eve sa narinig kay Morgan Tiu.

"The authorities know this too well but they are lack in evidence, hindi nila ito makulong kulong dahil malakas ang kapit nito sa gobyerno," pagpapatuloy ni Peter.

"Government?"

"President Chavez,"

~*~

Eve Henderson Point Of View

Feeling ko ang daming question marks ang nagkalat sa ulohan ko. Pero may pumapasok ng ideya sa isip ko. Ang sabi ni Master hindi siya pulis, kung ganoon ano siya? Hmm~

Natapos na ang topic nila about do'n sa may Lance Xiao at may mga ilang tao pa silang pinag uusapan na kaugnay sa human trafficking, illegal drugs, threats, etcetera.

Pero napantig ang tenga ko at nagising ang katawang lupa ko nang may marinig akong pamilyar na pangalan...

"Eve Henderson, 18 is the age. She's... missing?"

Namutla ako nang narinig ko ang pangalan ko. Napalunok pa ako ng tatlong beses.

"Ba't may ganito dito?" Takang sabi nung Jacob.

'Yun nga rin ang kinatataka ko! Bakit naliligaw ang pangalan ko diyan? Sa pagkakaalam ko hindi naman ako nagbebenta ng droga at kung ano pang ilegal na gawain.

O 'di kaya may gusto ng tumumba sa'kin? Yung mga umaaway sa'kin, oo umaaway! 'Di naman talaga ako palaaway sila nagsisimula no'n!

"Bakit walang kahit anong litrato?" Humaba ang leeg ko para silipin ang hawak na folder ni Master dahil sa narinig kong sinabi nung Rebecca.

Wala nga, yehey!

"What are you doing, Chaos? Do you know her?" Kunot noong tanong ni Master. Halaaaa.

"Ah kase parang pamilyar lang yung pangalan niya hehehe"

"Really?"

"Yeah, yeah, yeah it is really really it is hehehe."

"Pfft~!"

"Wth? Pfft~"

Umayos na 'ko ng upo at nag peace sign. Nakakalimutan kong lalake ang katauhan ko dapat. Napabuntong hininga si Master at umiling-iling, napatayo ako ng tumayo na ito.

"Tayo na."

Walang paalam na lumabas ito kaya sumunod narin ako. Nang makasakay kami sa kotse niya.

"Master? Ano ba talagang trabaho niyo?"

Ngumisi ito at dumekwatro. Magkaharapan kami ngayon at live na live ang ka-hot-an niya sa'kin. Biglang bumilis ang tibok ng puso. Shet! Ano ito?

"Guess it."

"Ahmm~ siguro isa kayong sekretong organisasyon na pumoprotekta ng mga sibilyan! Di'ba? Di'ba? Tama ako 'no?"

"Pfft~ paano mo naman nasabing pumoprotekta kami? Hindi mo ba naisip na gumagawa rin kami ng ilegal?" May panghahamon sa tono ng pananalita nito at humilig at nag-cross arm.

"Iiiih! Hindi kaya! Alam ko hindi mo 'yon magagawa, Master!" Nakangiting sabi ko dito.

"...Hindi mo magagawang gumawa ng masama!" Dagdag ko pa na kinaseryoso ng mukha nito. Bakit kaya?

"At bakit? Paano mo nasabing hindi ko 'yon magagawa?" Seryosong tanong niya na kinalunok ko.

"D-Dahil si Master ay mabuting tao. Alam ko 'yon, nararamdaman ko," mahinang sagot ko.

Nakita kong saglit itong natigilan at napatitig sa'kin.

"Damn it, my heart is in chaos again..." bulong ni Master na hindi ko nadinig.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro