Kabanata 2
Kabanata 2: One Month Later
Eve Henderson Point Of View
Masasabi kong hindi naman masama ang pananatili ko sa eskwelahang 'to dahil bukod sa payapa at disiplinado ang mga estudyante dito ay mababait pa isa sa pinagbabawal dito ay ang paglikha ng gulo at dapat pagtuunan ng pansin ang pag aaral. Nakakatuwa nga dahil tuwing weekend's ay nagtuturo sila ng mga self defense like taekwando, kung-fu, martial arts at mero'n pang tinuturuan din kami kung paano gumamit ng baril! Pero hindi daw dapat 'yon ginagamit para lumikha ng gulo o gamitin sa masama.
Sa pananatili ko dito mas humahanga ako sa tinatawag nilang "Master"
Gusto kong makilala ito pero hindi ko pa nasisilayan ni anino.
"Whoaa! Ang bango niyan cutie ah?" nauulol na sabi ni Rage.
"Lahat naman masarap para sainyo."
Naisalin ko na ang niluto kong menudo at nakita kong naka-ayos na ng upo yung dalawa. 'Di pa ko nakakaupo nag unahan ng magsipagsandok.
"San tayo ngayon?" ngumunguyang tanong ko. Naalala ko kasing every Friday wala kaming pasok at pwede kaming lumabas.
"Bar na lang ulit tayo," ngising suhestyon ni Aki na kinairap ko. Nasabi ko na bang isa't-kalahating tado ang mga 'to pag nasa labas na?
"Call! Hahahahaha!" sang-ayon ni Yuan.
Wala rin naman akong maisa-suggest kaya sumang-ayon na rin ako. 'Di na bago sa'kin ang mga 'to buti na lang mataas ang tolerance ko sa alak.
"Pag nandoon na tayo dumistansya kayo sa'kin alam niyo na?" hay ito na naman sila.
"Wag kang ano diyan Yuan! Padamihan pa tayo ng babae!"
"Alam mo pareng Aki, alam kong insecure ka lang sa gandang lalake ko dahil pag nagtabi tayo walang lalapit sayo kasi mas pinipili ako,"
"Magsitigil kayo mga ungas! Maawa kayo sa mga sarili niyo!"
Isa pa 'tong Rage na 'to akala ko matino. Tch! Sa bawat araw na dumadaan 'di nawawalan ng habagat dito.
Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa Fire Body Bar. It was a typical bar. Malakas na music, mga wild na sumasayaw sa dancefloor, umiinom, mga nagme-make out sa madidilim na sulok at 'di na rin mawawala ang usok ng sigarilyo.
"Easy girl's~"
Nang tingnan ko ang mga kasama ko ay may mga kanya-kanyang babae ng mga nakapulupot sakanila.
"Hi handsome~" 'di na bago ang eksenang katulad ngayon may mga lumalapit din sa'kin. Sa katunayan mas maraming babae ang lumalapit sa'kin. Nginisihan ko ang mga kasama kong insecure na naman. Anong magagawa ko?
"Sorry girls I'm not interested," hindi naman na sila nagpumilit pa. Napabuntong hininga na lang ako at umupo sa stool bar.
"The usual?" nginisihan ko si Candice na bartender.
"How's life?" tanong ko dito.
"I'm fine now, nakita na kita e hahaha."
"Ba't kasi 'di ka pa lumipat ng work."
One time kasi naabutan ko siyang binabastos na ng mga customers nila dito. Mukha namang sanay na siyang ginagano'n. Kaya everytime na may lumalandi sakanya pinapakilala niya akong boyfriend niya. Wala naman sa'kin 'yon dahil nakikinabang rin naman ako para wala ng lumandi sa'kin.
Napatigil ako sa pag inom ng maabutan ko siyang titig na titig sa'kin.
"May problema ba?" takang tanong ko dito.
"Hmm~ you're such a nice guy I'm wondering wala ka ba talagang girlfriend?"
"Not interested."
Napabuntong hininga ako. Wag mo sabihing...
"Ano bang gusto mo sa babae?"
Napangiwi ako sa sinabi niya. Aist!
"You know Candice kase-"
Naputol ang sasabihin ko nang may marinig akong nagkakagulo.
"SHIT!" teka? Boses ni Aki 'yon ah?
"Clark wait!" 'di ko na pinansin ang paulit-ulit na pagtawag ni Candice at pinuntahan ang pinagkakaguluhan ngayon.
"Teka? Estudyante yan ng Thurston University ah?"
"Kaya naman pala eh mga mayayabang"
"Ba't nagkakalat ang mga 'yan dito?"
Naabutan kong nakikipagsapakan na yung tatlo. Anong gulo 'to?
"Aki! Shit!" sigaw ko ng makitang hinampas siya ng bote sa ulo!
"Fuck!"
Nag-init ang ulo ko sa nakita ko at dumampot din ako ng dalawang boteng may laman pa at binasag sa ulo ng umatake kay Aki.
"Aaaaah!" sinipa ko ito ng malakas na kinatalsik nito. Mabilis na nag-atrasan ang mga nanonood lang. Bangis!
"Ano bang gulo 'to?" kunot noong tanong ko dahil hindi naman nila ugaling gumawa ng gulo. Baka ako pa? 'Di na kataka-taka 'yon.
"Namukhaan kami..." hingal na sabi ni Yuan at hinila ako palabas. Nakasunod naman yung dalawa
"Anong namukhaan? 'Di na ba pwede ang mga shokoy sa bar?"
"'Tado! Hahahahaha!"
"Kung gusto niyo ng trouble dapat sinabi niyo na ng mas maaga," sabi ko sa mga ito.
Naglalakad kami ngayon sa isang madilim na eskinita at mayayabang na naglalakad pero hindi ako kasali sila lang. Parang mga sira pang inuunat nila ang mga ulo nila na akala mo galing sa gera.
Nang biglang may dumaan na nag uunahang naka-motor.
Hmm.
"Sino ba ang may laban ngayon?" napatingin ako kay Rage.
"May drag racing dito?"
"Mero'n bunso gusto mo manood?"
"Sige!"
Gaya nga ng sinabi nila ay nagtungo kami do'n. Napakaraming nanonood. Sa wakas! May matinong lugar na rin kaming mapupuntahan.
"Witwew!" napapairap nalang ako sa mga kasama kong naglalakbay na naman ang mga mata sa mga nagse-sexy-hang babae at ako sa mga kotseng nakikita ko nakadikit ang mga mata ko.
Iniwan ko muna ang mga kasama ko ng hindi nila namamalayan at umupo sa harapan. Damn! Ang astig! Kanina pa pala nagsisimula ang laban at ngayo'y nakikita ito sa malaking mga screen. Mga pamatay ang mga dinadaanan at may mga patibong rin. Isa sa mga hilig ko ang mangolekta ng magagarang sasakyan. Sila ang aking kayamanan~ namimiss ko na ang mga babies ko huhuhu.
Nalipat ang tingin ko sa isang B-BUGATTI VEYRON SUPER SPORT - 268 MPH? Waaaaah!
"Pfft!" rinig kong tawa ng katabi ko.
May sayad ata.
"You seem interested to that car huh?"
"Mahilig akong mangolekta ng kotse at wala pa 'ko niyan..." wala sa sariling sabi ko habang nakatingala pa rin. Wala na ang atensyon ko sa nagkakarera.
"Whooooo!"
"The winner! HADES!"
"Damn talo!"
"I love you, HADES!"
Nagtaka ako ng unti-unting bumaba yung Bugatti.
"That's his reward. Kung sino ang manalo sa kanya na ang sasakyang 'yan," sabi ng katabi ko
"Gano'n kadali?"
Nginisihan ako nito.
"Wanna try? Nakikita mo ba ang kotseng 'yon?" sinundan ko ng tingin ang tinitingnan niya. At napanganga ako ng makita ang...
"KOENIGSEGG AGERA R - 273 MPH! THE FASTEST CAR IN THE WORLD?"
Wala na 'kong pakealam sa itsura ko. Damn! Ba't nandito ang sasakyang yan? Wala pa 'yan sa Pilipinas!
"Makukuha mo ang kotseng 'yan," mabilis na lumaki ang tenga ko sa narinig ko at tiningnan ang katabi kong nakangisi sa'kin.
"Paano?"
"Makipagkarera ka."
Bumagsak ang balikat ko.
"Wala akong kotse..." malungkot na sabi ko dito.
"Ipapahiram ko ang kotse ko sayo."
"Talaga? Pero teka ba't mo naman ako tutulungan?"
"Trip ko lang hahahahaha!"
E'di sakyan ang trip niya! Hahaha!
"Game!" agad kong pagpayag! Blessing 'to!
"Dahil bago ka pa dito sasabihin ko na sa'yo na delikado ang karerang 'to bukod sa kotseng 'yan may dalawang milyon ka pang makukuha"
Tumango-tango ako sa sinabi niya.
"Sa'yo na yung pera akin yung kotse," sabi ko dito ng seryoso.
Nginisihan ako nito.
"Easy boy! Legendary champion ang isa sa mga makakalaban mo!"
"Sa kanya na yung titulo niya. Akin yung kotse. Sayo yung pera," tumayo na ko na kinataka niya.
"Nasa'n yung kotse mo?" napailing lang ito sa tanong ko at iginaya ako sa kotse niya. 'Di na rin masama isang MCLAREN F1 - 241 MPH.
'Di na 'ko nagulat dahil mero'n na 'kong ganito. Pangpito ito sa pinakamabilis na kotse. Pinasadahan ko ito ng kamay at pumasok sa loob.
"Sino 'yang bata mo Finn?" tanong ng malaking mama sa kasama ko. Finn pala ang pangalan niya.
"Bagong manok ko HAHAHAHAHA!"
Pinatunog ko ang kotseng gagamitin ko at dahil mabuhangin ay napa-ubo silang dalawa. Hala... nilabas ko ang ulo ko at...
"Sorry!" hinging paumanhin ko.
"Sigurado kang ilalaban mo yan, Finn?"
"Hahahahaha! Oo pustahan mo naman."
Sumandal ako sa kotseng katabi ko at sinuyod ng tingin ang mga manonood. May mga napapatiling mga kababaihan pa at nagtatakang nakatingin sa direkyon namin. Mukhang abala pa yung tatlo sa pambababae. Napapangisi nalang ako sa magiging reaksyon nila 'pag nalamang hindi lang pagnood ang ginawa ko dahil nakisali pa 'ko.
"Totoy marunong ka ba talagang makipagkarera?" humagalpak ng tawa si Finn.
"Marunong akong mag-drive manong wag ka mag-alala," bagot na sagot ko habang ngumingisi-ngisi ng nakakaloko.
"Manong? Loko 'to ah!"
"HAHAHAHAHA!"
"Alam mo kung wala kang sasabihing papuri sa'kin umalis ka sa harapan ko 'di kita pinipilit na pumusta sa'kin pero sinisiguro kong magsisisi kang hindi ka pumusta sa'kin."
"Malakas ang loob ng bata mo, Finn"
"Hahahahaha! pinagbigyan ko lang maglaro 'di naman ako umaasang manalo yan eh!"
Ano daw? Psh!
"Loko ka talaga! Paano kung mapahamak 'yan?"
Bigla namang natigil sa pagtawa si Finn.
"Shit! Oo nga."
Inirapan ko lang ito at tumingala sa kotseng inaasam-asam ko.
You're going to be mine, baby!
"To all racers! Line up now!" bago pa ko mapigilan ni Finn ay sumakay na 'ko ng kotse niya at pumantay sa mga makakarera ko.
"Go! Hades! Whoooo!" may nakita akong mayabang na lalake na kumaway kaway na nakasakay sa HENNESSEY VENOM GT - 270 MPH. The second fastest car in the world.
Daming fans. Lumabas ako at hinanap sila Aki, Yuan, at Rage para naman may fans ako kahit papano HAHAHAHAHA! Natahimik ang lahat ng lumabas ako. Nasabi ko na bang dalawa lang kaming magkalaban?
"FVCK! WHAT ARE YOU DOING CLARK!" Dumagundong ang sigaw ni Rage. Nakita ko silang nakatigalgal na nakatingin sa'kin. Kumaway ako sakanila at binigyan sila ng ngisi.
"Oh! The challenger is quite new here huh?" sabi nung mc. Sumenyas akong ibigay sa'kin yung mic. Dahil masunurin sila binigyan nila ako.
"Habang maaga pa pumusta na kayo sa'kin"
"BOOOO!"
"Tss! E'di wag!" natatawang sabi ko at binalingan ng tingin ang kalaban kong nagngangalang 'Hades'
"Wag mo masyadong galingan ah? 'Yun lang!" inabot ko dito yung mic. Tinanggap niya pero hinagis lang. Yabang.
"Get ready! Participants!" nag-one last look muna ako kanila Aki na hindi makapasok sa rehas na nakaharang. Pumasok na 'ko sa loob pero bago 'yon nag thumbs down muna sa'kin yung legendary champion nila. Binigyan ko siya ng tumataginting kong fuck you sign! Haha!
8 laps? Here I am!
"On your mark! Ready get set go!"
Mabilis na nanguna ang kalaban ko. Masyadong nagmamadali.
Nasa 2nd lap na kami pero nanatili lang akong nakasunod dito. Hahaha. Dahil nababagalan na 'ko sa kanya ay nag-over take na ko at nauunahan ko na siya. Naging lubak-lubak ang daan kaya binagalan ko nang konti. Pero anak ng! Binubunggo ako sa likuran! Psh. Ang ginawa ko pinagewang-gewang ko ang kotse ko hanggang sa magpantay na ang bilis naming dalawa.
Nang nasa 3rd lap na kami ay halos bundok na ang daan. Fuck! Nakita kong walang kahirap-hirap na nalagpasan nito iyon. Hindi ako papayag ng ganito! Mabilis kong pinaharurot ang kotse ko at pinalipad at bumagsak ito sa ikalawang bundok at dumeretso ng mabilis at nalagpasan ang kotse ni kolokoy hahaha! Yun ang tricks! Panes!
4th at 5th ay nangunguna pa rin ako pero may hindi inaasahang nangyari. Fuck!
May nagliliparang bala ng baril! At halatang ako ang pinupuntirya.
Ganito rin ba ang ginagawa niya sa mga nakakalaban niya? Psh.
Mas dinoble ko pa ang bilis ng kotse ko at pina-zigzag ang takbo ng kotse ko. 'Di ko maiwasang matawa dahil natatamaan ang kalaban ko hanggang sa mawala na ang mga nagliliparang bala. Nasa 7th lap na kami at ngayon ay nangunguna ang loko. 'Di na ko nagtataka kung nauunahan niya ko dahil pangalawa sa pinakamabilis ang kotse niya at isa pa hassler ang shokoy na 'to kabisado na niya.
Nakita kong bangin na ang hangganan ng tinatahak namin at halos sabay naming pinalipad at sabay na bumagsak. Lumiit ang kalsadang dinadaanan namin. Hindi na matanggal ang pagkakakunot ng noo ko kanina pa. Nang-asar ang tadong 'to pinapagewang-gewang hanggang sa maging bilog na kalsada nang makaisip ako ng paraaan HAHAHAHAHA! Taenang 'to. Pinagilid ko ang kotse ko kaya ang naging resulta ay nakatagilid ito at nakapatong sa kotse niya! Nang makaalis na kami 'don ay bumagsak ang kotse ko at ginigitgit naman ako ng loko! Natatanaw ko na ang finish line!
Nagkiskisan na ang kotse namin. Lumayo ako ng konti at binangga ko ito hanggang sa magloko ito at bumangga sa puno! Shit! Hininto ko ang kotse ko at bumaba ng makitang umaapoy ang likurang bahagi ng kotse niya. Nakakahinayang yung kotse niya huhuhu!
"Buhay ka pa? Hoy!" pinagsasasampal ko ito.
"T-tsk fuck!"
"Kaya mo bang lumabas?"
"Fvck! Y-Yung binti ko."
Naipit ang binti niya. Nakita ko ang hirap na ekspresyon niya. Paano ba 'to?
"Ugh. Iwan mo na ko! Alis!"
"Manahimik ka nag-iisip ako!"
"Damn!"
Inirapan ko ito at naghanap ng kahoy. Pumasok ako sa kabila. Pinagitna ko yung kahoy sa steering wheel. Pinagpapawisan na 'ko ng malagkit!
"Ugh! Aah!"
Buong lakas na sinira ko yung manibela at lumabas. Mabilis ko naman siyang inalalayang lumabas at nagpagulong-gulong kami sa lakas ng pagsabog.
Umayos ako ng upo at inobserbahan ang binti nito na dumudugo. Naghanap ako ng pwedeng ipangdiretso dito at pantali.
Nang makahanap ako ng manipis na kahoy at nilagay ko 'to sa likod ng binti niya.
"Hubad!"
"Fvck! Are you a gay?"
"Tado! Ipantatali ko sa binti mo!"
Halatang napahiya naman ito at hinubad na nga niya ang polo niya. Pinunit ko sa dalawa ng mahaba at pinantali sa binti niya kasama na syempre ng kahoy.
"Tara na..." isinakay ko ito sa kotse kong hiram na sira-sira na.
"Why'd you help me?" seryosong tanong nito. Pinaharurot ko ang takbo nito.
"Ang gusto ko lang ay yung kotse at wala sa plano ko ang makapatay o may mamatay" natatawang sagot ko.
"Naloko na..." binaba ko ang bintana ng kotse ko.
"What's happening?"
"Ibabangga ko ang kotse. Potek! Nawalan ng preno! MAGSITABI KAYO! ALIS!"
Mabilis kong hinarang ang kamay ko sa kasama ko nang maalalang wala itong seatbelt.
Nakahinga ako ng maluwag dahil buhay pa 'ko. Bumukas ang gilid ng kotse ko at nakita ko sila Aki at mabilis na tinanggal ang seatbelt ko.
"Damn! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Clark!" bulyaw nila saken. Bahagya ko silang tinulak at inalog ang ulo ko dahil medyo nahilo ako.
Pinuntahan ko ang kabilang pinto at inalalayang lumabas si Hades. Tinulungan din nila akong ilabas ito.
"Buhay ka pa?" tanong ko dito.
Nakita ko ang pagsilay ng ngisi nito.
"I lost, you win. Who are you really huh?"
"Buti pinaalala mo. Nasa'n na ba yon?"
Inikot ko ang paningin ko at nakita ko si Finn at ang kasama niyang windang na nakatingin sa'kin.
"Nasan na ang medics?" kunot-noong tanong ko.
"Ayan na oh!" galit na sabi ni Yuan at ang SAMA tingin nila sa'kin.
Naka-akbay pa rin sa'kin si Hades na ay titig na titig. Na-trauma na siguro at natulala na lang. 'Di makapaniwala~
Nilahad ko ang palad ko kay Finn.
"Ang susi?"
Nakangangang binigay nito sa'kin ang susi.
"Shit! Ikaw ba nagsali kay Clark?" kinuwelyuhan bigla ni Rage si Finn na nakaangat na ngayon sa ere.
"Kuya Rage! Ibaba mo yan!"
"Pwe! Anong kuya?" naaasar na sabi niya at binaba na si Finn na naghahabol ng hininga.
Dumating na yung medics.
"Pagaling ka! Laban ulit tayo sa susunod!" pamamaalam ko dito. Nakita ko ang pagngiti ni Hades o guniguni ko lang 'yon?
"Anong susunod?! Wala ng kasunod!" pagputol ni Yuan sa plano ko.
Akala lang nila 'yon wahahaha, maraming kasunod.
Gamit ang kotseng napanalunan ko ay nakabalik na kami ng alas dos ng madaling araw sa dorm namin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro