Kabanata 10
Kabanata 10: Eve Henderson
Eve Henderson's Point Of View
Nawiwindang pa rin ako habang nakasakay sa kotse ni Sky kasama ang pamilya ko. Dito ako pinasakay ni Master kanina siguro dahil halatang wala ako sa sarili. Pinagsasampal ko ang sarili ko.
"What the hell are you doing sis?" Natatawang tanong ni Sky.
"Hindi ako nananaginip? Totoo ba talaga to?" Inalog-alog ko pa ang braso niya.
"Nagda-drive ang kapatid mo, Eve baka mabangga tayo," pananaway ni Mama.
"Waaaaah!" Napahilamos ako sa mukha ko at napangiti na parang sira. Alam kong nawi-wirduhan na sa akin ang pamilya ko pero wala ako pakialam kasi masaya ako at kinikilig! Pagkarating namin sa mansion ay mabilis akong lumabas at pinagbuksan sila ng pinto at kung tingnan nila ako ay para akong na-eengkanto.
"Apo, masayang-masaya ka ah?"
"Hehehe hindi naman!"
Nauuna akong lumakad sa kanila.
"Good morning sainyo! Hahahahaha!" umikot-ikot ako at lumundag sa sofa. May nakita akong magazine na may mga pictures ng mga gowns.
Ano kayang babagay sa akin dito? Hehehe, dapat maganda ako at presentable sa harap ni Master. Nakita kong nakangiting tumabi sa akin si Mama.
"This is the first time na pipili ka ng gown ah," puna ni Sky.
"'Wag ka nga diyan, ito ba yung napili mo na susuotin ko, 'Ma?"
"Yes baby, pero kung may magustuhan kang iba, we can change it."
"Hindi ito na lang hehehe"
"Baby, we are planning to transfer you..." bumagsak ang mukha ko ng marinig 'yon.
"Sis, tama sila staka babae ka..."
"Pero mas gusto ko do'n, wala na ngang umaaway sa akin do'n eh."
"Sa ayaw at sa gusto mo ililipat ka namin, ano na lang ang iisipin ng iba pag nalaman na ikaw lang ang babae do'n?" Seryosong sabi ni Papa.
Mukhang desidido talaga sila.
"Are you all staying here for good na?" Nakangusong tanong ko dahil yung main company namin ay nasa Singapore, si Lolo naman may mga pinagkakaabalahan kung saan-saan, si Sky naman laging nasa ospital.
"Well baby, mag-ii-stay kami dito ng 3 days."
Tumango na lang ako. I don't mind being alone.
"Papayag na akong lumipat sa isang kondisyon..." ngingisi-ngising sabi ko na kinataas ng mga kilay nila.
"And what is that?" tanong ni Papa. Hahaha. Akala niyo kayo lang ang business minded dito?
"Doon ako titira sa dorm ni Master hehehe at ipinapangako ko. Ako si Eve Henderson ay magpapakabait at walaaaaa... na kayong mababalitaan na kalokohan ko hehehe 'pag hindi kayo pumayag kayo 'rin... magsisisi kayo!" pambabanta ko pa sa huli.
Pinagdikit ko pa ang dalawa kong palad na parang nananalangin na payagan ako with matching puppy eyes hihihihi.
"Fine..." sumusukong sabi ni Papa at napa-yes ako sa isipan ko.
~*~
"Are you sure? The famous 'Eve Henderson' is back!"
"Saan na siya pumapasok?"
"Really? It's been a long time!"
"I got an invitation! Today is her birthday!"
"How lucky of you, dude!"
"The gorgeous badass is back!"
Usap-usapan ng mga estudyante na galing sa iba't-ibang paaralang napasukan 'dati' ni Eve maging sa social media ay nag-trending na rin ang pagbabalik niya. You see? She's popular everywhere. Marami man siyang haters, mas marami naman ang fans niyang gustong-gusto siya sa pagiging palaban niya.
She got everything, the looks, the body, the brain, the wealth at hindi mawawala doon ang bitchy attitude niya.
"Master Thurston has a girlfriend?"
"His followers spreading it everywhere..."
"I've never seen him mingle with girls before..."
"Who's the lucky girl?"
"I heard he and his followers is going to attend his girlfriend's birthday..."
"Is she pretty?"
Usap-usapan rin sa kahit saan ang napapabalitaang kasintahan ng kanilang ginagalang at kinatatakutang si Eros Thurston. The Master.
They are all curious.
"Damn it!" walang mapaglagyan ang inis at galit ni Rebecca Foster sa nalaman.
"Now it makes all sense why he's refusing to accept the case of this 'Eve Henderson'," nakangising wika ni Morgan.
"Well... she's quite pretty," ngising dagdag din ni Peter na inaalala ang imahe nito nang una nila itong nakita.
"No way! I'm better than her!" Rebecca Foster.
"Don't underestimate his girl Rebecca..." ani ni Christian na parang may nalalaman.
"What do you mean?" kunot-noong tanong ni Rebecca Foster pero nginisihan lang siya ng huli.
~*~
Eve Henderson's Point Of View
Tiningnan ko ang kabuohan ko sa full size mirror na nasa harapan ko.
"You're so beautiful, girl!" puri ng baklang nag-ayos sa akin. This is it! Kinakabahan ako huhuhu.
"What happened to your hair, girl?" tanong nu'ng isa pang bakla. Dalawa sila dahil ayoko ng babaeng nag-aayos sa akin dahil pangit ang kinalalabasan.
"Oo nga... ang ganda pa naman no'n! Pero bagay pa rin naman sa'yo ang hair mo~ ma-iba naman!"
"Mas lalong lumilitaw ang ganda mo, magpapagupit na rin ako ng ganyan!"
Naiiling nalang ako sa pinag-uusapan nila. 'Di ko alam kung nagsasabi sila ng totoo.
"Sigurado kayo? Maganda ako ngayon?"
"Oo naman! Kailan ka pa na-conscious girl?" Sabi ng isa sa mga bakla.
"Nasaan ang confidence ng 'Eve Henderson' na ito? Bago 'to ah!" Sabi naman ng pangalawang bakla.
Napa-face palm na lang ako sa mga sinasabi nila. Maya-maya lang ay biglang may kumatok sa pinto.
Bumukas ang pinto at pumasok do'n si Sky na ngiting-ngiti na tiningnan ako.
"Sky! Ayos lang ba ayos ko? Maganda ba?" tanong ko baka may maganda akong sagot na makuha dito. Tinaasan ako nito ng kilay na para bang hindi makapaniwala sa tanong ko.
Ano bang mali sa tanong ko?
"You're the most beautiful girl I've ever seen..." natatawang sabi niya na kinangiti ko.
"Magagandahan kaya si Master sa akin? Hehehe."
"W-What?" gulat na tanong niya na kinapula ng pisngi ko. Patay! Nadulas ako.
"Ay! Kaya naman pala!" sabi ng dalawang echos na baklita. Hmmp!
Napabuntong-hininga si Sky habang nakatingin sa akin at hinalikan ako sa noo.
"Chin up and be confident. You are a Henderson. I love you, sis..." pagkatapos niyang sabihin 'yon ay tinalikuran niya ko pero 'di nakaligtas sa pandinig ko ang binulong niya.
"I can't believe this..." napapakamot na bulong nito.
'Di rin nagtagal ay sinundo na 'ko ni Mama at Papa.
"My beautiful darling..."
"Maganda ba talaga ako ngayon, 'Ma?"
"Yes you are..."
Hihihihi.
"Happy Birthday, my daughter..."
"Thanks, 'Pa! Hehehe"
Nilagay ko ang magkabilang braso sa bisig nila. Nang malapit na kami sa hagdan ay halos matumba ako ng makita ang dami ng bisita!
Nanlaki ang mga mata ko dahil hindi ako makapaniwala.
"B-ba't sobrang dami ng bisita?" gulat na tanong ko sa mga magulang ko. Inaasahan kong marami pero hindi ganito karami. Omo!
"Don't be nervous, darling it's okay..."
"You are my daughter. You deserve more than this..."
Napangiti ako sa sinabi ni Papa. Hindi ako makapaniwalang hindi kami nagtatalo ngayon, siguro panahon na rin para alisin ko ang galit ko sa kanya dahil ama ko siya at siguro ito rin ang gusto ni Sunny. Kung dati-dati 'pag kaarawan namin ay malungkot ako ngayon pakiramdam ko kompletong-kompleto na ako.
"Salamat, 'Pa! I love you both," saka magkasunod ko silang hinalikan sa pisngi.
Napangiti silang pareho sa ginawa ko. Ibinalik ko muli ang tingin sa mga bisita. Napakalaki ng mansion namin kaya hindi problema ang maraming bisita. Sa tingin ko mga nasa 500 ang mga naroroon. Ang mga taga-T.U kaya nasaan na?
~*~
Third Person Point Of View
"Let's us all welcome the birthday celebrant! The beautiful 'Eve Henderson!'"
Buong pagmamalaking hinarap ng dalaga ang mga bisita suot ang maganda niyang ngiti na kahit sino ay mabibihag. Nang suyurin niya ng tingin ang mga bisita ay may mga nakita siyang pamilyar na itsura na kung hindi siya nagkakamali ay yung taong irita sa kanya dahil na rin sa masamang tingin na binibigay sa kanya na sinuklian niya ng ngisi.
Nang makarating siya sa stage ay inalalayan siya ng kuya niyang si Sky na buong pagmamalaking iniharap siya sa mga taong naroroon.
"Good Evening everyone, hmm..." ngumiti siya ng matamis sa mga ito habang tinitingnan ang lahat na nakangiti sa kanya.
Eve Henderson's Point Of View
"...a lot of you know me and some of you don't so I'm going to introduce myself. I am the pretty daughter of Elrico and Jaya Henderson... everyone the lady who's talking right now is me..." natatawang sabi ko kaya nagtawanan din sila hahaha.
"Ladies and gentlemen, I am proudly to introduce to you the one and only. Eve Henderson! Let's give her around of applause!"
Natatawang nagpalakpakan sila. Hahaha. Ang baliw ko talaga. Kung ano-ano ang sinasabi ko. Malay kong bang kailangan ko pa lang mag-speech.
"Thank you all for coming! Enjoy your night!"
With that, ay binalik ko na yung mic sa naiiling kong Lolo pero halata ang galak sa mga mata niya.
Ipinakilala ako ng mga magulang ko sa mga kakilala nila o mas magandang sabihin na 'business partners' hindi ko na rin nakayanan kaya nagpaalam na muna akong umupo. Nakakapagod kaya tapos naka-heels pa 'ko. Hindi ko rin mapigilang mag-pout huhuhu!
Nginitian ko ang lahat ng bumabati sa akin at marami na rin ang nag-aayang isayaw ako pero tumatanggi ako. Isa lang ang gusto ko, pero nasaan na siya? Pinanood ko na lang 'yung mga sumasayaw sa gitna at maya't-maya ang tingin 'ko sa entrance t'wing bumubukas.
Nakakapanibago na ganito ang kaarawan ko dati-dati kasi puro kaedaran ko lang ang ang nandito at hindi ganito na pasosyal kasi nagiging disco ang tema ng birthday ko sa mansion na 'to. Wala silang magawa kun'di sundin ang gusto ko dahil... wala naman silang lahat kaya mas magandang mag-enjoy pa rin ako kaysa magmukmok. Napaka-party goer ko at hindi ako nawawalan ng mga umaaway sa akin malay ko anong problema nila sa akin.
Binabalik ko lang ang ginagawa nila sa akin minsan tama lang pero minsan sobra pa, nag-aalala ako na malaman 'yon ni Master. Ano na lang iisipin no'n? Na may girlfriend siyang pasaway? Gusto ko maging maganda ang tingin niya sa akin, wala akong pakialam sa iisipin ng iba sa akin basta gusto ko makita niya 'ko na nararapat sa kanya. Hindi ko alam na dinadapuan din pala ako ng insecurities. Minsan pakiramdam ko hindi ako sapat, para kasing ang taas niya. Mataas naman talaga siya. Mataas ang paghanga at paggalang ko sa kanya. Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Pagdating kay Master hindi ko makilala ang sarili ko at ayos lang sa akin na sumunod sa lahat ng gagawin at sasabihin niya.
Nagtaka ako nang marinig kong nagsinghapan ang lahat kaya unti-unti kong inangat ang mukha ko at sinundan ng tingin ang tinitingnan nila.
Mabilis na nag-react ang puso ko. Presensya pa lang niya, kinakabahan na ako.
Napatayo ako nang makita ang buong T. U at... si Master. Umugong ng bulungan at paghanga ang mga nasa paligid.
"The great 'Eros?' what a surprise!"
"They are all good looking..."
"Omg!"
Biglang nag-iba ang tugtug sa dance floor at napaltan ito ng isang slow dance na walang iba kun'di ang 'Like I'm gonna lose you'
Nanatiling gulat na nakatayo ako sa stage. Sinuyod ni Master ang tingin sa paligid na may blangkong ekspresyon hanggang sa mapatingin siya sa direksyon ko.
Bumilis na naman ang tibok ng puso ko.
Nagsimula na siyang humakbang at nagtatabihan ang mga nadadaanan niya, maging ang mga sumasayaw ay napahinto na rin at humahangang nakatingin sa kanya na hindi niya binibigyan ng pansin dahil nanatiling nakatuon ang atensyon nito sa akin.
Bumilis pa lalo ang tibok nito. Feeling ko, lalabas na siya sa rib cage ko.
Nang makarating siya sa baba ng stage ay inabot niya ang kamay niya sa akin.
"Chaos, come here..."
Ang lakas ng dating at epekto niya kahit saan at kahit sino pang nasa paligid. Inabot ko ang kamay ko kay Master at saglit niya munang binitawan at bigla niyang hinubad ang coat niya at ipinatong sa akin.
"You're exposing too much skin, baby... I'm getting mad, that's for my eyes only."
"H-Ha?"
Pulang-pula na ang mukha ko, ramdam ko 'yon. Nginisihan ako ni Master na kinanguso ko. Wala na akong pakialam sa mga nakatingin sa amin.
Hinapit niya ako sa bewang at hinalikan ang noo ko na mas lalong kinapula ng pisngi ko.
"M-Master..." nahihiyang sabi ko na kinahalakhak niya huhuhu halikan kita diyan eh! Pinaghintay mo ko!
Lumunok ako ng dalawang beses. Malala ka na Eve.
"Akala ko 'di na kayo dadating, Master kanina pa ko naghihintay dito kaya isayaw mo 'ko do'n sa gitna!" nguso ko sa dance floor.
"Alright my dear girlfriend..."
Naglakad kami papunta sa gitna ng hindi niya tinatanggal ang pagkakapulupot ng kamay niya sa akin.
"Are you happy?" mabilis akong tumango na kinangiti niya.
"Don't look at me like that, my Chaos I might not control myself to kiss you right now..." bulong niya sa tenga ko.
Biglang uminit ang pisngi ko. Eve, magtigil ka nga.
"A-ano bang mero'n sa tingin ko?"
"The look that I am the only one exists in your pretty eyes..." nakangising sabi niya.
Pakiramdam ko, umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko. Bakit gano'n? Simpleng salita pa lang ang sinasabi ni Master pero... Ganito na ang reaksyon ko. Paano pa kaya kung may gawin na siya?
"Pfft~"
"Master, pwede bang batukan kita ngayon? Birthday ko naman eh."
"What? Sige basta may kapalit..."
Binatukan ko nga. Hahaha. Napansin kong nagulat yung mga bisita pero binaliwala ko lang.
"What's happening there?" napatingin ako kay Master at nakitang may earpiece na nakakabit sa kanya. May kausap siya?
"Alright, make sure everything is under control," pagkatapos niyang sabihin 'yon ay tiningnan niya akong maigi.
"May problema ba?" naramdaman ko kasing humigpit ang hapit niya sa akin kaya bigla akong nakaramdam ng pag-aalala.
"I think I'm not a good person, Chaos..." may kaseryohang wika niya.
"Ba't mo naman nasabi 'yan?" taas kilay na tanong ko.
"Because right now, I'm controlling myself not to punch some bastards here... why do you have to be this so damn beautiful?"
Napakapit ako ng mahigpit sa leeg niya ng marinig ko 'yon dahil parang nawalan na ng lakas ang binti ko.
"Eros..." mahinang sambit ko sa pangalan ni Master at nakita kong pumikit siya saglit at muling tiningnan ako gamit ang nakakalunod niyang mga tingin.
Kailangan ko ata ng CPR.
"...wag mo 'kong masyadong pakiligin! Nanghihina 'yung tuhod ko..." nakangusong amin ko na kinahalakhak niya.
"Damn... you're driving me crazy. What should I do to you?"
Rage Tamayo's Point Of View
Napapangiwi na lang ako sa ka- sweetan ni Master at Clarky. Ni hindi nila napapansin na nasa kanilang dalawa ang atensyon ng lahat at sila na lang ang sumasayaw sa gitna. May mga kumukuha pa ng litrato. Pero ma-iba tayo ang ganda talaga ni Clarky ngayon, halos hindi na namin siya makilala.
Yung katawan mala-hourglass. Kung may nakakaalam lang ng iniisip ko baka tumba na 'ko sa kinatatayuan ko.
"Uy! Yung mga mata niyo!" saway ko sa mga kasama ko. Inikot ko ang paningin ko at nakitang nagkalat kung saan-saan ang buong taga T.U tulad na rin ng inutos ni Master na masigurong magiging ligtas ang gabi na 'to.
"Ikaw nga 'yon eh!" sagot ni Akiro. Hahaha.
"Kung alam ko lang na babae si Clarky pinormahan ko na sana!" nasamid kami sa sinabi ng walang'yang si Yuan.
"Kung 'di mo na mahal buhay mo, go!" sabi ko na kinangiti sa gago.
"Hahahahaha! Biro lang!"
Binalik ko ulit ang atensyon sa dalawang sumasayaw. Ngayon lang namin nakitang ganyan si Master at masaya kami para sa kanila...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro