Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 1


Eve Henderson / Clark Diaz "The Chaos"
-Isang pasaway na nilalang na nagpapanggap na lalake sa isang all boys school na kung saan ay hindi pala ordinaryong paaralan.

Eros Thurston "The Master"
-Isang misteryosong nilalang. Ginagalang at kinatatakutan. Laging kalmado at hindi palangiti.

All Rights Reserved
2017

Kabanata 1: Escape

INABOT sa'kin ni Lolo ang hawak niyang folder. Nakangusong tinanggap ko ito.


"Yan ang magiging katauhan mo apo," seryosong sabi ni Lolo.

"Ha? Clark Diaz? Mali naman 'to Lolo eh!" pa'no ba naman kase pang lalake!

Napabuntong hininga si Lolo at hinilot ang kulobot na sentido niya parang malapit na niya akong bugahan ng apoy huhuhu.

"Apo, hindi ko na alam ang gagawin sayo! Common sense magpapanggap kang lalake," aruy naman! Wala daw akong common sense e'di wow.

"Ba't naman po?" tanong ko.

"Para sa kaligtasan mo para 'di ka na mahanap ng mga humahabol sayo pasaway ka kasing bata ka..." hinayaan ko na dumaldal si Lolo habang binabasa ang folder na hawak ko. Napahawak ako sa buhok ko. Kailangan ko ng mamaalam sa aking shiny black straight hair huhuhu!

Thurston University. Isang all boys school at sa dorm tumutuloy ang mga estudyante do'n. Hmm.

"Ke'lan ako papasok do'n Lolo?"

"Bukas," sabi nito. Binigyan ako ng cash at bumaba ng sasakyan. Binaba ko ang dalawang maleta ko at pinasok sa maliit na bahay.

"Dito muna kita iiwan, at ayusin mo na ang sarili mo. Wag ka ng gumawa pa ng gulo," nakaka-touch naman 'tong si Lolo hihihihi!

Nakita kong maayos naman ang tutuluyan ko; Simple at malinis. Kompleto na rin ang gamit, may laman ang ref at mga cabinet.

"Sayo na ang bahay na 'to," nilagay nito ang susi sa palad ko.

"Mag-iingat ka, Apo. Ayoko man na iwan ka ay kailangan. Kung may kailangan ka ay tawagan mo 'ko," sunod-sunod akong tumango.

"Opo! Hehehehe."

"Magpahinga ka na't aalis na ko."

Tinanaw ko ang sasakyan ni Lolo na paalis hanggang sa mawala na 'to sa paningin ko. Ba't nga ba napunta ako sa sitwasyon 'to? Hay! Inasikaso ko na ang mga damit ko. Yung isang maleta lang ang nilabas ko dahil yung isa ay para sa dorm ko nalang para pag umuwi uwi ako dito may gamit ako! Hehehe ang galing ko talaga!

Madilim na at mag-isa akong nag-dinner habang nanonood ng wrestling sa tv at ng ma-bored ako nilipat ko naman sa basketball. Spell ayahay? E.V.E.

Nakaharap na ako ngayon sa isang full length mirror at nasa kamay ko ay isang mahiwagang gunting. Kaysa magpagupit sa labas ba't hindi na lang ako ang gumupit sa sarili kong buhok?

Parang nananadya pa ang panahon. Sa bawat paggupit ko kumukulog! Malakas na ang ulan sa labas kaya kumukulog 'wag kayong ano, hindi 'to horror.

'Di ko nalang pinansin at nag-focus sa paggupit. Taran! Tapos na! Ang gwapo ko! Abala ako sa pagpopogi pose ng mapatalon ako sa gulat nang may marinig akong kalabog!

Nanlaki ang mga mata sa gulat. Waaaah! Ano 'yon?

Ang puso ko ay kumakabog! Sobrang lakas nito at dinig na dinig ko na. Naghanap ako ng pwedeng panlaban kung sakali man. Palapit na ko sa pinto at palakas ng palakas ang katok hanggang sa mawala na 'to. Pagbukas ko ay laking gulat ko nang may bumagsak na katawan sa'kin na basang-basa ng ulan kaya ang resulta ay nasa ibabaw ko siya.

Chi-neck ko siya at nalamang wala itong malay.

"Oh my gosh!" napatili ako ng may makapa akong pulang likido na galing sa tiyan nito.

"Hey Mister! Buhay ka pa?" sinampal ko ng malakas ang mukha nito pero kumunot lang naman ang noo nito. Pinagmasdan ko siya at nakitang naka-half mask ito. Ba't ko nga ba siya sinampal? Pwede mo namang suriin yung pulso! Ang sadista mo talaga Eve Henderson!

"Kaya mo bang tumayo?" isang beses na tumango ito. Mukhang hirap na hirap na siya dahil 'di na nito magawang makapagsalita.

"'Di ka pa naman mamamatay 'no?" sabi ko dito ng maihiga ko na sa kama ko.

"Swerte mo ikaw pa unang nakabinyag sa kama ko, diyan ka muna kukuha ako ng first aid kit."

Kinalkal ko ang cabinet ko sa kwarto at nilabas ang first aid kit na everywhere ko dala hehehe. May pangtahi rin ako. Feeling doctor kasi ako.

"May sinalihan ka bang costume party? May pamaskara ka pang nalalaman ah!"

Naghintay ako ng ilang sigundo pero hindi siya nagsalita.

Sinimulan ko ng gupitin ang damit nito at nilinis ang sugat niya. Mukhang nakipag-espadahan si koya ah? Tiningnan ko naman ang reaksyon nito pero nakapikit lang.

"Uy! 'wag mo kong tulugan dinadaldal nga kita para 'di ka makatulog eh," dahil sa sinabi ko ay dumilat naman ito pero hindi pa rin nagsasalita. Hmmp!

Nang malinis ko na ang sugat nito ay tatahiin ko na sana ng maalalang...

"Tiisin mo nalang ah? Wala tayong anesthesia."

Nag-focus na ko sa pagtahi sa mahaba nitong hiwa. Buti pa 'to hindi maingay pag ginagamot ko 'di gaya ng iba kong ginagamot pina-uulan ako ng mura at reklamo! Aba'y libreng serbisyo na nga ang ginagawa ko! Mga walang utang na loob!

Nang matapos na'ko ay binendahan ko na rin siya. Tingnan ko siya at nakitang nakatingin pala ito sa'kin. Ang ganda ng mga mata niya, Kulay green.

"Hehehe tapos na," niligpit ko na ang gamit ko.

"Magpahinga ka na diyan aking pasyente, kung may kailangan ka tawagin mo nalang ako... ay 'di ka nga pala nagsasalita!"

Nag-isip muna ako saglit.

Baka pag iniwan ko 'to mapa'no pa 'to!

"Dito na lang ako matutulog," Kumuha ako ng upuan at nilagay sa gilid ng kama. Kinumutan ko muna ito bago umupo at humilig na sa kama. Hanggang sa makatulog na 'ko.

~*~

Kumunot ang noo ni Eros ng may maramdamang nakapatong na kamay sa dibdib niya. Tumambad sa kanya ang babaeng gumamot sakanya na mahimbing na natutulog.


"Hmm marshmallow... sa'kin ka lang," mas lalo itong sumiksik sa kanya na kinalunok niya. Napapikit ito ng maamoy ang bango ng babaeng nakayakap sakanya. Humugot siya ng malalim na hininga at dahan-dahan inalis ang kamay nito. Napatigil siya ng gumalaw ito at umikot. Napabuntong hininga siya ay inayos ang kumot nito. Tinanggal niya ang maskara niya at pinagmasdan itong payapang natutulog. Napangiti siya ng maalala ang kadaldalan nito kagabi.

Gustuhin man niyang hintayin na magising ito ay hindi niya magawa dahil may kailangan siyang harapin.

Palabas na sana ito ng makitang may nagkalat na mahabang buhok sa sahig at binalik niya ang tingin sa babaeng natutulog at umalis na rin pagkatapos.

~*~

Eve Henderson Point of View

Naalimpungatan ako ng mag alarm ang cellphone ko. Ugh! Istorbo! Kumakain pa nga ko ng marshmallow eh!

Sumusukong binalingan ko ang cellphone ko sa study table. Napabangon ako ng maalalang may pasyente ako! Waaah! Nasa'n na 'yon?

"Walang utang na loob!" padabog na tumayo ako at umunat.

Wala man lang 'thanks'? Psh! Nang matapos na 'kong maligo ay nagtapis na muna ako nang maapakan ang buhok ko!

Waaah! My hair!

Dali-dali kong nilagay sa box ang buhok ko. Kailangan ko pa atang magtirik ng kandila huhuhu.

Bitbit ko ang box hanggang sa nakarating na'ko ng kusina at may nakita akong nakatakip. Nagningning ang mga mata ko ng may nakalutong breakfast! Aba eh may puso naman pala yung tinulungan ko.

Magana akong kumain at wala akong tinira. Nagbihis narin ako at hindi na 'ko nahirapang maghanap ng damit dahil mukhang napaghandaan na talaga ni Lolo ang kailangan ko dahil puro ito panlalake. Napahawak ako dibdib ko. Gaano kaya ako katagal na gagamit ng ganito?

Hay!

Mas komportable pa lang magdamit panlalake. Bitbit ko ang maleta ko at nagtanong tanong kung paano makakarating sa Thurston University. Kailangan ko munang mag-jeep at staka mag-tricycle. Kanina ko pang pansin na pinagtitinginan ako at karamihan ay mga babae. Tsk! Tsk! Tsk!

Nasa harapan na 'ko ng gate at hila-hila ko ang maleta ko.

"ID!" istriktong sabi ni kuyang guard.

"Transferree ako."

Pinanliitan ako nito ng mata.

"Pangalan."

"Clark Diaz!"

Pinagbuksan na 'ko nito gate. Bumungad sa'kin ang maraming matang nakatutok sa'kin. Eh? Anong gagawin ko? Mukha naman silang harmless at disiplinado. May isang chinito na lumapit sa'kin.

"Sumunod ka sa'kin."

'Di na ko nagsalita pa at sumunod na ng lakad dito. Ano bang mero'n sa mukha ko?

"Dito ang magiging kwarto mo cutieboy..."

"Clark Diaz ang pangalan ko. Hindi ako cutieboy!" Nakabusangot na sabi ko pero tinawanan lang ako nito ay ginulo pa ang buhok ko.

"Whatever you say, cutieboy"

Nilayasan na 'ko nito. Psh. Pagpasok ko ay may nakita akong dalawang naka-topless na lalake at nagpupunong braso. Sa isang kwarto ay apat ang magkakasama. Hindi na rin masama dahil malaki naman. Pero mukhang dinaanan ng bagyo ang kwarto nila. Natigil sila sa ginagawa nila ng mapansin ako. Nilagpasan ko sila at lumundag sa kama ko na sa tingin ko ay akin.

"Ikaw pala ang transferree," Maangas na sabi nung lalakeng may pulang buhok.

"Ako nga! Problema mo?" Sagot ko naman na kinalaki ng mata nito.

"Hahahahaha!" Tawa nu'ng kasama niyang may asul na buhok.

Hindi naman sila nagmukhang sisiw sa buhok nila dahil bumagay naman.

Nagulat ako ng umakbay sa'kin yung pula ang buhok na nakangisi.

"Welcome sa kwarto ng gwapo little bro."

Kanina cutieboy ngayon little bro. 'Yung tataa?

Tinanggal ko ang mabigat na braso nito sa balikat ko.

"Clark ang pangalan ko at isa pa 'di kita kuya!" Nakangusong sabi ko. Naramdaman ko nalang nama'y pumisil na ng pisngi ko.

"Ang cute mo naman bunso hahaha!" Sabi nung asul ang buhok.

"Aaah! Machakit!" Halos mangiyak na 'ko sa pisil nilang dalawa. Ang sakit ng pisngi ko.

"Hala yari ka! Umiyak! Hahahahaha!"

"Mga bwesit kayo!" binigyan ko sila ng tag-isang sapak.

"Fuck! Ang sakit no'n ah!"

"Kaliit-liit nito ang bigat ng sapak"

Napahilot ako sa sentido ko. Ganito pala yung feeling ng nangungunsimisyon? I feel you na Lolo huhuhu!

"Hahaha pagpahingahin niyo muna si cutieboy" biglang dating nu'ng kaninang naghatid sa'kin.

Cutieboy? Little bro? Bunso? Kanya-kanyang tawag ah?

Ngayon ko lang napansin na brown ang buhok nung naghatid sa'kin. Psh! Inayos ko nalang ang gamit ko.

"Nagkaroon ng announcement kanina..." panimula nito. 'Di ko na lang pinansin dahil 'di ko naman alam ang pinag-uusapan nila.

"Next week pa ang pasok ni Master."

Master?

"Kamusta ang lagay ni Master? Balita ko ay may tama daw ito."

"Hindi natin alam pero sana ay ayos lang ito."

"Burado na ang Red Lion ano pa nga ba ang aasahan naten? Sila pa ang naghamon"

"Hahahahaha! Wala namang mga binatbat!"

Napapailing na lang ako sa pinag-uusapan nila. Goodluck talaga sa'kin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro