Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Westlife IV

♪ Oh, Mandy
When you came, and you gave without taking
But I sent you away, oh, Mandy
When you kissed me and stopped me from shaking
And I need you today, oh, Mandy ♪

“ETO TALAGA 'YONG DAHILAN KUNG BAKIT FAN NA FAN AKO, EH!” Sigaw ni Mandy habang abot tainga ang ngiti. I just shook my head and enjoyed the concert.

• – • – ♪ – • – •

I think I'm now a fan of Westlife.

Ramdam na ramdam ko kanina ang labis na suporta ng kanilang mga tagahanga sa kanila. Ngayon ko lang na-appreciate ang music nila.

Maganda pala talaga, masyado lang sinasapawan ni Mama ang mga kanta kaya pumapangit.

I chuckled because of my thoughts. Mandy looked at me weirdly. Nakapila kami ni Mandy para malagyan ng sign ang album namin. Magpapapirma ako for Mama.

Good thing na VIP ang ticket na binili ni Mandy, isa sa mga privilege namin ay ang makilala at makapag-papirma sa Westlife. Hindi ko nga lang alam kung paano ko ibibigay kay Mama ang album na may pirma. Sleepover kasi ang paalam ko, hindi concert.

“Grabe talaga! Para nila akong hinaharana kanina! Kaya mahal na mahal ko ang pangalan ko, eh!” Bulong sa 'kin ni Mandy at pumapadyak-padyak pa. I just chuckled, medyo nage-gets ko na kasi siya.

I can't believe that I'm now a fan of Westlife.

“What's your name?” Narinig kong tanong ng isang member sa babaeng kaharap ko. Hala kasunod na pala ako?

“Hi! Hello! My name is Alexa! I'm a huge fan of yours, Kian mylabs!”

Hindi ko na inintindi kung ano ang pinag-usapan nila. Kinakabahan ako! Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Shane Filan. I breathe in and out. Humakbang na ako palapit nang matapos magpapirma 'yong fan na Alexa ang pangalan.

Nasa dulo si Shane Filan. I'm trying to contain my nervousness while the other members are signing my album. Hindi ako nakikipag-usap sa kanila. Nagngi-ngitian lang kami kasi wala naman akong sasabihin at saka hindi ko naman sila kilala.

yeojacosmos

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro