Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Westlife III

“Nanaginip nga,” I whispered and chuckled. Bumalik na 'ko sa kwarto namin ni Bethany at kinuha ang cellphone ko.

What the heck? 21 missed calls from Mandy? Tinignan ko ang messages niya. Sinabi niya na nasa cafe siya near my house. Agad akong nagpunta, nakaupo lang siya sa bungad ng cafe at nagkakape.

• – • – ♪ – • – •

“ANO? PUPUNTA TAYO SA CONCERT NG WESTLIFE?” Pasigaw na tanong ko kay Mandy. Tumango-tango siya habang nakangisi.

“Nako tigilan mo 'ko sa mga trip mo Mandy, ha. Wala akong pambili ng tickets sa concert niyang favorite band mo,” mahinang sabi ko dahil pinagtinginan yata ako ng mga tao kanina nang mapasigaw ako nang bahagya.

Plane ticket nga wala akong pambili, concert ticket pa kaya.

“No worries! May plane ticket na tayo, at saka VIP tickets!” Sabi niya at napapalakpak pa.

Wow, parang barya lang ang ginastos niya ha? Sabagay afford niya naman. She's from a very rich family. Sa school ko siya nakilala. Mahal ang tuition do'n, buti na lang scholar ako.

“Ayoko nga hoy, hindi naman ako fan niyang Westlife Westlife na 'yan.”

“Pretty please! Wala akong kasama! Busy parents ko and ayoko naman magpasama sa maid!”

“Oo na, sige na nga.”

• – • – ♪ – • – •

I can't believe that I'm actually here. Nandito ako sa concert ng Westlife. Nagpaalam ako kay Mama na may sleepover kami ni Mandy. Hindi niya nga lang alam na sa Cebu ang overnight namin. I just turned eighteen last week, hindi na kailangan ng consent sa plane.

Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman ngayon habang hinihintay ang Westlife. A lot of people would want to be in my position right now tulad nina Mama at Bethany. But me? Wala talaga akong nararamdaman ngayon, try ko na lang enjoy-in.

The crowd started roaring when the four boys went to the stage. Kahit nga ang katabi ko ay parang umiiyak na hindi mapakali kakasigaw. Napatayo pa siya sa upuan. I remained seated.

“OMG! I LOVE YOU MARK! WOOHOO!” Sigaw ng katabi ko. Gano'n din ang ginagawa ng iba, kanya-kanya sila ng sigaw ng mga pangalan nila. Uhm, I don't even know their names. Si Shane Filan lang yata ang kilala ko.

♪ An empty street, an empty house
A hole inside my heart
I'm all alone, the rooms are getting smaller
I wonder how, I wonder why
I wonder where they are
The days we had, the songs we sang together♪

Dahan-dahan akong napatayo nang marinig ko ang first song. Sobrang lapit lang nila sa amin ni Mandy. Mandy picked a great seat, kayang-kaya abutin ang mga singers. Nasa harap ko ngayon si Shane Filan habang kumakanta.

Hala totoo nga, ang gwapo niya nang sobra. Kailangan na ng plastic surgery ni Papa para maabot ang kagwapuhan niya.

Natawa ako dahil sa naisip ko. Nagkaroon ako ng chills nang mapunta na sa chorus ang kanta. Sobrang ganda ng song! Bakit parang wala namang pinapatugtog na ganito si Mama?

♪ So, I say a little prayer
And hope my dreams will take me there
Where the skies are blue
To see you once again, my love ♪

“MANDY! ANONG TITLE NG KANTA?”

“MY LOVE!” “SHANE!” “OMG SHANE FILAN!”

“ANO? MY LOVE, SHANE?” Hindi ko masyadong marinig ang sinasabi niya dahil sabay-sabay ang sigawan ng mga tao.

“MY LOVE!” I gave her a thumbs up sign as a signal na na-gets ko ang sinabi niya.

“T*NGINA! SI MARK!” Sigaw ni Mandy at saka inabot ang kamay ni Mark na nakalahad sa harap namin. My arms remained cross.

Seriously? Nagmura siya dahil sa gano'n. Ayoko nga hawakan kamay ni Mark, si Shane gusto ko.

“PUT*NGINA MANDY SI SHANE! SI SHANE!” Sigaw ko nang biglang napunta si Shane sa harapan ko at inilahad ang kamay. Agad kong inabot iyon at hinawakan nang mahigpit. Ayoko ngang bitawan.

Nabitawan ko rin eventually dahil siya na mismo ang humila sa kamay niya. Kainis naman, hindi ba pwede i-take out si Shane Filan?

yeojacosmos

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro