Chapter Delta-
Eye Contact
Mula sa condominium niya sa Quezon City ay nagmaneho si Paisley patungo sa office ng RDS sa Makati. Nais ng kanyang superior na magkita sila nang kanyang ka-partner para sa bago niyang misyon.
Pagkapark ng itim niyang BMW ay inabot niya ang kulay lilang sumbrero sa dashboard. Pagkatapos ay kinuha niya ang nakatagong facemask sa compartment at isinuot bago tumingin sa rearview mirror. Saka lamang siya bumaba nang masigurong ayos na ang get-up niya. Kailangan niyang mag-ingat upang hindi siya mamukhaan ng mga tauhan ng Donya sakaling napadpad ang mga ito sa Maynila.
Nag-iba na ang anyo ni Paisley. Mula sa simpleng Chloie Pineda, ay lumabas ang sopistikada pero maangas niyang katauhan. The true nature of an agent. Bumalik na ang dati niyang maputing kutis mula sa pinasadya niyang tan na kulay ng balat.
Ngunit kahit ganu'n paman ay maigi pa rin ang kanyang pag-iingat. Mahigit isang linggo pa lang ang nakalipas pagkatapos ng pagkamatay ng kasintahan kaya siguradong hinuhunting pa rin siya ng ina nito, si Donya Effifania.
Nang tuluyang makalabas ng sasakyan ay umakyat siya sa level 1 ng building mula sa basement parking upang tunguhin ang elevator. Nasa 10th floor ang office ng RDS at kadalasan ay hinahagdan na niya ito paakyat, bilang work out routine, pero ngayon naisipan niyang mag elevator.
Habang naghihintay sa pagbukas ng elevator ay inabala niya ang sarili sa pag ba-browse sa paborito niyang online store upang maghanap ng bagong baril. Hindi niya pinansin ang ibang taong naghihintay rin sa pagbukas ng elevator at ang pamilyar na presensiya na tumabi sa kanya. She was so engrosed while looking at the display of guns on her phone.
Nang bumukas ang pinto ng elevator ay kaagad siyang pumasok habang nakatutok pa rin sa cellphone kaya't hindi niya napansin ang lalaking tumabi sa kanya. She let's her guard down because she know she is inside of RDS building. For an agency like them, even this is just the secondary office the security is tight.
Napakislot na lang siya ng biglang may bumulong sa tenga niya.
"Hi there, partner!"
Alerto siyang lumingon rito at hindi na siya nagtaka nang mapagsino ito. Kung paano siya nito nakilala ay hindi niya alam. Marahas niyang inalis ang nakatakip na face mask sa mukha at inis itong nilingon.
"Partnerin mo yang mukha mo!" Asik niya rito. Gustuhin man niya itong sigawan ay di niya magawa, may ibang nakasakay sa elevator.
"Ouch! Ang sakit na naman ng bungad mo sa'kin!" Mahinang wika nito at sinapo pa ang dibdib na umaaktong nasasaktan saka bahagyang dumikit sa kanya bago muling nagpatuloy sa pagsasalita.
"Im still your partner, you know!" He whispered beneath her ears.
Nanindig ang balahibo niya sa ginawa nito. Halos magkasingtangkad lang sila nito kaya ramdam na ramdam niya ang mainit na hininga nitong humahaplos sa punong tenga niya. Sa sobrang inis ay malakas niya itong sinikmuran gamit ang siko dahilan para mapaigik ito, na hindi nakaligtas sa pandinig ng ibang nakasakay sa elevator kaya kunot ang mga noong lumingon ang mga ito.
Nakangiwing nginitian niya ang mga ito.
"Ah... pasensiya na po." Aniya at itinaas pa ang dalawang kamay bilang sagot sa mga ito. "Masakit lang kasi ang tiyan nitong kasama ko." Dugtong pa niya at kunwaring hinawakan ito sa braso at matamis na ngumiti.
Napangisi siya ng lingunin niya si Connor na namimilipit pa rin sa sakit.
"Violet!" Nanlilisik ang matang bulong nito sa kanya.
Humalikipkip siya at hindi ito pinansin.
"No matter! Im still your partner!" Tanging usal nito at sumandal sa pader ng elevator.
Kunot ang noong nilingon niya ito ng marealize kung anong ibig sabihin nito.
"What?" Nanlalaki ang matang humarap siya rito. Di na niya alintana ang ibang pasaherong naroon.
Tanging kindat lang ang isinagot nito sa kanya bago tuluyang tumunog ang lift at idinala sila sa palapag na kanilang patutunguhan.
Nagpatiuna itong lumabas at dali dali naman siyang sumunod.
"Wait! Huwag mong sabihing ikaw na naman ang partner ko?" Maang na tanong niya rito habang mabibilis ang hakbang na nakasunod dito.
Di siya sinagot ni Connor at nagpatuloy lang sa mabilis na paglalakad hanggang sa makapasok sila sa opisina ng RDS. Sub office lang ito ng Red Dragon at ginagamit lang kung may pag-memeetingang importanteng misyon. Ang main base ng RDS ay abot langit niyang kinasusumpaan. As long as she wants, she don't want to come back to that place.
"Connor!" Impit niyang sigaw sa lalaki habang patuloy itong sinundan hanggang sa office ng superior nila at hindi pinansin ang nagtatakang tingin ng sekretarya nito.
Kunot noo namang napatingin sa kanya si Scott Stanford, ang superior nila ng magkasunod silang pumasok ni Connor.
"Yes, Striker?" Malamig ang boses na tanong nito. Alam niyang galit ito sa kanya dahil sa huling misyon niyang pumalpak.
"Well, sir, gusto lang makasigurado ni Ms. Striker na ako nga ang partner niya." si Connor ang sumagot na May pang aasar sa boses saka nakangising humarap sa kanya.
Di siya umimik habang hinihintay ang sagot ni Scott Stanford.
"Yes. Siya nga!" Sagot nito at agad na silang tinalikuran at tumungo sa inner office nito na ito lamang ang nakakapasok.
Nanlulumong napaupo siya sa upuang kaharap ng mesa nito.
"Why? Ganun na ba talaga ako kagwapo para iwasan mo? Takot ka bang mainlove sakin?" nang-aasar na namang wika ni Connor na nagpakulo ng dugo niya.
"Shut your goddamn mouth! And let's discuss the plan!" Mataray niyang wika dito at nagmartsa pabalik sa sarili niyang cubicle.
Tatawa-tawa namang sumunod sa kanya si Connor.
"Where are you going? Akala ko ba pag uusapan natin ang plano?"
"Oo nga, pero du'n sa mesa ko. Hindi du'n sa mesa ng boss mo!" Malamig ang tinig na sagot niya bago dumiretso sa sariling cubicle.
Napailing na lang ito sa sinabi niya bago tuluyang umupo sa mesa niya upang pagplanuhan ang susunod nilang misyon.
***
Matiim na pinagmasdan ni Paisley ang hitsura sa salamin at bahagya siyang napangiwi ng makita ang ayos. But because this is a covert mission ay pumayag siya sa plano ni Connor ķaya wala siyang nagawa nang pagsuotin siya ng baklang manager ng bar na pinasukan ng isang nakakalaswang custome. Malala pa yata sa malaswa dahil ang tanging nakatakip sa maseselan niyang bahagi ay isang see through na panty at walang takip ang mataas na bahagi ng kanyang katawan. Lantad na lantad ang malulusog at tayong-tayo niyang dibdib. Nakapuyod ng mataas ang blonde niyang lampas balikat na buhok para makita ang laking laki niyang bilog na hikaw na halos ikapugto na ng kanyang tenga. Nakasuot din siya ng five inches high heels na dumagdag sa tangkad niyang six flat.
May sarili siyang dressing room sa backstage na natatabingan lang ng kurtina, dahil ayaw niyang makihalubilo sa ibang dancer na halos puro menor de edad. Naninibugho siya.
Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga bago kinapalan ng husto ang lipstick sa labi na ngayon ay pulang-pula at nang-aakit na halikan.
Ilang minuto na rin siyang nakaupo sa backstage ng club na pinasukan habang hinihintay ang oras niya para sumayaw at mag entertain sa mga kustumer na mga hayok sa laman. Sinadya niyang lumabas ng bandang hatinggabi upang matiyempuhan ang target nila ng gabing 'yun.
Ngayong gabi, magpapanggap siyang GRO sa club na paboritong tambayan ng kanilang target. Bigating kliyente ito ng club at isang mandurugas na politiko. Kaya hindi na siya magtataka kung ipinapatumba ito ng kalaban sa politika. Nagkibit balikat siya sa isiping 'yun. They're clients are their bosses options, kaya wala silang reklamo. Basta tuparin mo lang ang misyon mo at wala kang problema.
Ang mahalaga sa kanya ngayon ay matapos na niya ang misyon at maitago na ang hubad na katawan. Alam niyang sanay na siya sa ganitong eksena dahil bahagi iyon ng training nila. Pero may bahagi pa rin ng isip niya ang tumututol dahil wala pang lalaking nakakagalaw sa kanya, kahit si Hindler. At iyon ang ipinagmamalaki niya bilang agent.
Ilang minuto ang lumipas ay bumungad sa kanya ang baklang manager ng club. Malapad ang ngiti nitong lumapit sa kanya habang ngumunguya ng bubble gum at bakas ang pagkaaliw sa mata ng makita ang kabuuan niya.
Nakataas ang kilay naman niya itong pinagmasdan. Ang manipis nitong labi ay nakukulayan ng kulay lilang lipstick at perpekto ang pagkaguhit ng kilay nito. Kahit ang dark eye shadow ay bumagay sa mata nitong nilagyan ng kulay amythest na contact lens. Matangos din ang ilong nito na lalo pang tumangos dahil sa noseline. Napailing siya. Napakagandang bakla.
"Oh girl, ikaw na! Galingan mo ha? Nandiyan na si Mr. Calixtro. Akitin mo at malaki 'yung mag-tip. Huwag mo akong ipahiya at inirekomenda pa naman kita sa kanya dahil naghahanap siya ng fresh pa." Malanding wika nito habang nakapilantik ang daliring may hawak ng sigarilyo. "Siguradong malaki ang tip mo sa 'tandang 'yun, lalo na kapag nahawakan yang katawan mo." dugtong pa nito na hindi napupuknat ang ngiti sa labi.
She tsked. Subukan niya lang at pagpipira-pirasuhin ko siya!
Itinago niya ang naramdamang pandidiri at matipid na gumanti ng ngiti rito.
"Okay." matipid na sagot niya.
"Okay, goodluck!" saka ito lumabas.
Humugot muna siya ng malalim na buntong hininga bago tuluyang lumabas sa manipis na kurtinang nakatabing sa entrance ng stage habang pagiling giling ang bewang. Nang-aakit na Ikinembot niya ang malambot na bewang habang ang kanyang kamay ay humahaplos sa kanyang malusog na dibdib. Siya lang ang nag-iisang performer na nasa stage kaya't sa kanya ang atensyon ng lahat. Puno ng pagnanasa ang mga mata ng mga kalalakihan at pinag pipyestahan ang katawan niya.
Lalong naghiyawan ang mga kalalakihan ng lumapit siya sa pole at Kumapit roon at nang aakit na gumiling. Umiindayog ang kanyang dibdib sa at sumasabay sa bawat kilos at pag-arko ng kanyang katawan. Kagat ang pang-ibabang labi ay pasimple niyang ipinalibot ang mata sa nagsisigawang manyak na kalalakihang naroon. Kasama na ang partner niyang hayok din sa laman na Kung makatitig sa kanya ay wagas na para bang tinitigasan. Napairap siya dito habang patuloy pa rin ang pagbaba taas niyang paggiling sa pole na naroon.
"Ang mga manyak!!! Sabik na sabik! Ang sarap pagbabarilin!" Galit na hiyaw niya sa isip. Hindi niya pinansin ang mga kalalakihang ngayon ay nag-uunahan na ma-itable siya, sumentro ang tingin niya sa mesang nasa sulok kung saan may lalaking nasa late 40's.
"Gotcha!" she smirked. Wala siyang pakialam kung makita man ng iba ang pagngisi niya basta nakasentro ang tingin niya sa target.
Nang magtagpo ang mata nila ng matanda ay nang-aakit niya itong nginitian. Lumuhod pa siya sa stage at lumiyad na para bang idinuduldol dito ang mayayaman niyang dibdib, habang walang tigil sa paggiling ang malambot niyang bewang. Tumataas baba ang kanyang katawan habang nakaluhod sa sahig ng stage. Ilang segundo siyang nanatili sa ga'nung posisyon habang hindi inaalis dito ang tingin, lalo siyang napangisi ng makitang tumindi ang pagnanasa sa mga mata nito. Nang makita itong bumulong sa dumaang waiter ay dahan-dahan siyang tumayo.
She slowly raise her hand and seductively caress her hair. Pero hindi ang buhok ang napagdiskitahan niya kundi ang maliit na earpiece na nakalagay sa loob ng tenga. Pasimple niya iyong pinindot upang kontakin si Connor.
"Target catch the bait." Bulong niya. Sa sulok ng kanyang mata nakita niya ang pagkilos ni Connor. Tumayo ito at Lumipat ng mesa malapit sa inuupahang mesa ng matanda na nasa isang sulok.
"Beautiful body!" Narinig niyang bulong nito.
"Tse!" Asik niya. "Shut the fuck up!" inis niyang sagot pero hindi nawawala ang mapang akit na ngiti sa labi habang nanatiling nakatingin sa target.
Sinenyasan siya ng baklang manager na bigla na lang bumungad kung saan na bumaba na ng stage. Bago siya tuluyang bumaba ay isang dancer ang pumalit sa kanya na walang saplot ang katawan at sa tantiya niya'y nasa labinlimang taong gulang pa lamang.
Napatiim-bagang siya at bahagyang naikuyom ang kamao. Hindi ito ang misyon niya. Kailangan niyang pigilan ang sarili, kaya naman kaagad niya itong tinalikuran. Ayaw niyang makaramdam ng awa sa kalagitnaan ng misyon.
Nang makababa siya ay agad siyang sinalubong ng bakla at iginiya sa mesa ng matanda. Nang makalapit sa mesang inuukupa ng target ay iniwan siya nito at siya naman ay Pinaupo ng target sa tabi nito at sabik na sabik na humarap sa kanya. Malawak ang ngisi nito at puno ng pagnanasa ang mga mata.
"Hi babe!" Nakangising wika nito at dinilaan ang pang-ibabang labi na para bang naglalaway at agad na dumapo ang kamay sa dibdib niyang walang takip na anuman.
Pasimple niyang tinabig ang kamay nito bago pa man makalapat sa balat niya at ipinag krus ang mga hita saka sumandal sa balikat nito habang nilalaro laro ng daliri ang butunes ng suot nitong polo. Ang mata niya ay umikot sa mga kalalakihang nasa paligid na sa tantiya niya'y mga tauhan nito.
"Two on your 12'oclok!" Narinig niyang wika ni Connor sa earpiece na nakakabit sa tenga niya. Marahil ay alam nitong kinakalkula niya ang magiging kalaban nila. Napatingin siya sa harap niya para tingnan ang sinabi nito.
"Four on your 9 o'clock and five on your 3 o'clock!" Muling bulong nito.
Pasimple siyang lumingon sa magkabilang gilid. Masiyadong marami. Hindi sila makakakilos ng mabuti. She need to take this light and easy, pero hindi sa ganito karaming tauhan. Kailangan niyang masolo ang target kaya pumayag siya sa suhestiyon ni Connor na dalhin ito sa isang hotel.
Sa muling pag-ikot ng mata niya sa kaliwa ay isang pamilyar na mukha ang bumungad sa kanya. Nakaupo ito sa bar counter habang matiim na nakatitig sa kanya. Bigla siyang nanlamig at natulos sa kinauupuan ng magtama ang mga mata nila. Ramdam niya ang pagtakas ng kulay sa kanyang mukha. Lumakas ang kabog ng dibdib niya at sinalakay ng matinding kaba.
"Hindler?" wala sa sariling Bulong niya at akmang tatayo pero agad siyang napigilan ng matanda.
"Hey babe! Saan ka pupunta?" Nakangising wika nito at pasadlak siyang pinaupo. Hindi na niya pinansin ng halik-halikan nito ang balikat niya patungo sa punong tenga niya. Hindi na niya alintana kung ang kamay nito ay abala na sa paghaplos at pag lamas sa dibdib niya. Ang isip niya ay nakasentro sa lalaking nakaupo sa bar counter.
"Hindler!" mahinang bulong niya.
"What are you talking about, Violet!" Narinig niyang pasigaw na bulong ni Connor. Pero kahit ito ay di niya pinansin. Patuloy pa rin siyang nakipag titigan sa lalaking naroon na kahit ito ay matiim pa ring nakatitig sa kanya.
"Violet! That man is raping you!" Ang malakas na bòses ni Connor sa earpiece niya ang nagpabalik sa huwisyo niya.
Uminit ang ulo niya ng marealize ang ginagawa sa kanya ng matanda. Pilit siyang ngumiti saka ito hinarap at tinabig ang kamay nitong abala sa paglamas ng dibdib niya. Pasimle niyang sinabunot ang buhok nito upang iangat ang ulo nitong nakasubsub sa leeg niya.
"Not so fast, darling!" malambing niyang sabi at pinapungay ang mata kahit sukang-suka na siya sa pagmumukha nito.
"Why, oh why babe? Please don't make me wait any longer!" Bakas sa mukha nito ang pananabik na angkinin siya. Nanlaki ang mata niya nang bigla nitong hinawakan ang kamay niya at itinatapat sa ari nito.
Fuck! Tinitigasan na ang manyak! " inis na bulong niya. Nandidiring agad niyang hinugot ang kamay. Tumingala siya at muling tiningnan ang lalaki nasa bar counter pero nakaramdam ng panlulumo ng makitang wala na ito roon. NagKandahaba na ang leeg niya sa kakalingon ay di na niya ito mahanap.
Where are you? Hiyaw ng isip niya.
"Violet! Sino ba yang hinahanap mo? Concentrate. Do the plan B now!" wikang muli ni Connor.
Wala siyang nagawa kundi ang sundin ito bago pa man pagsawaan ng manyak na ito ang katawan niya.
Nang aakit na humarap siya rito.
"Babe, can we dont do this here? I want some privacy." Malanding wika niya at kumapit sa braso nito.
Ngiting aso naman itong tumango sa kanya at agad na tumayo.
"C'mon babe! I cant wait to taste you!" Wika nito and lick his tounge on his lips.
Taste tesing mo yang mukha mo. Dahil yan na ang huling pagkakataong matikman mo yan!" Nakangising hiyaw niya at pakembot kembot na lumakad habang nakakapit dito.
"Babe, can we do it in my place?" Malambing na tanong niya. Saglit itong natigilan at lumingon sa bodyguards na kasama.
Bahagya naman siyang napahagikhik.
"Ah, i mean. Can i choose a place?"
"Sure babe! Any place can do, as long as i taste you." Halos naglalaway ng wika nito. "Lets go babe. Habang tumatagal lalo akong nananabik!"
Tumango siya at saglit na nagpaalam dito para kunin ang gamit sa dressing room at para na rin makapagbihis. Di na siya nag abalang magsuot ng damit at pinatungan lang niya ng coat ang hubad na katawan at agad na lumabas. She's desperate to end this mission. Gusto niyang makita ang lalaking nakatitigan kanina.
"Plan B start now!" aniya ng makalabas na sila ng club kasama ang matandang hukluban na kasunod ang mga tauhan nito.
"Copy that." Sagot ni Connor na wala na sa mesang inukupa nito.
Sa katapat na hotel ng club niya dinala ang target. Kanina pa nakapagcheck in si Connor at nakahanda na rin ang gagamitin niya sa kwartong kinuha nito. Kilalang tao ang target nila kaya di na siya nagtaka sa mapaghusgang tingin ng empleyado ng hotel ng makapasok sila. Hindi niya ang mga ito pinansin at itinuon ang mata sa paghahanap ng cctv. Ini-scan niya ang cctv gamit ang maliit na device scanner na nakalagay sa contact lens niya saka muling kinontak si Connor.
"Charlie 1 scanned!" anas niya.
"Roger that!" sagot ni Connor at narinig niya ang mabilis na pagtipa ng kamay nito sa keyboard.
Sakto namang bumukas ang pinto ng elevator at niyakag na siya ng matanda na hindi na makakapagpigil sa pananabik. Inakbayan siya nito at hinapit palapit sa katawan nito. Ang mga tauhan nito'y nakasunod pa rin sa kanila.
"Babe, can you get rid of them? Im so scared kasi eh!" Malanding wika niya.
Nasa loob na sila ng elevator at nasa labas pa ang mga tauhan nito.
Hindi ito nag dalawang-isip. Agad nitong inabisuhan ang kanang kamay at sinabing mag antay na lang sa kotse. Buti naman at agad na sumunod ang mga ito ng hindi na nagtatanong.
"Target secured!" Muling tawag niya kay Connor.
Narinig niya ang mahinang pagtawa nito bago sumagot.
"Enjoy!"
"Did you say something babe?" Napalingon siya ng biglang magsalita ang matanda.
She shake her head and smile.
"Nothin babe."
Nang makarating sa inukupahang kwarto at makapasok ay agad na sinakop ng matanda ang mga labi niya na agad naman niyang iniwas. Sa lahat ng ayaw niya ay ang halikan ang labi niya. Tanging si Hindler lang ang gusto niyang humalik dito.
Kaya naman ng gumapang ang labi nito sa leeg niya ay Mabilis niya itong iginiya sa kama at itinulak. Ayaw na niyang patagalin pa ang pang aabuso nito sa katawan niya. Diring diri na siya.
"Wow, i like that babe! Gusto ko yung mga ganyang palaban!" Nakangising wika nito habang tinatanggal ang suot na belt. Pasimple naman niya iyong kinuha.
Magpakasaya ka!
"I really like wild girls!" Dugtong pa nito habang printeng nakahiga at tanggal na ang suot na pantalon pati underwear nito.
Napalunok si Paisley sa nakita pero binalewala niya iyon at saglit itong pinadapa.
"Close your eyes babe!" Mahinang wika niya habang nilalaro sa kamay ang hawak na belt. Agad naman itong tumalima.
Kinubabawan niya ito na lalong nagpahalinghing dito.
Magpakasarap kang manyak ka! Dahil ito na ang huling pagkakataon na makahawak ka ng babae! Hiyaw niya sa isip. Nang makasiguradong sarap na sarap ito sa ginagawa niyang paggiling sa likuran nito ay unti unti niyang isinuot sa leeg nito ang nakahanda ng sinturon. Mabilis niya iyong hinigit bago pa man ito makahuma.
"Argh..." Napaigik ito sa pagkakasakal niya sa leeg nito pero di niya ito pinansin. Lalo niyang hinigpitan ang pagkatali ng belt habang nakaluhod pa rin sa likod nito hanggang sa mahirapan na itong makahinga. Pumalag palag ito at nilalabanan siya pero balewala ang lakas nito sa lakas niya.
"W-walang h-hiya ka! Sino k-ka? W-who ordered you?" Pautal utal na wika nito habang hirap na hirap sa paghinga.
Napangisi siya sa tinuran nito.
"Im your killer babe!" Aniya bago hinawakan ito sa magkabilang ulo. She twist it until she can hear a crack. Indikasyon na wala na itong buhay. Napangisi siya ng bumagsak ang walang buhay nitong katawan sa kama. Bumaba siya sa kama at pinagpag ang suot na coat.
"Pwe! What a piece junk!" Dinuraan pa niya ang bangkay nito. "Bagay lang yan sayong manyak ka!" Aniya habang diring diri sa sarili dahil amoy pa niya ang mabahong laway nitong nakadikit na sa leeg niya. "Kailangan ko na namang maligo sa sangkatutak na bacterial soap!" Aniya bago ito tuluyang iwan at tinungo ang pinto.
"Target abort!" Tawag niya kay Connor at pinihit ang doorknob. Pero sa pagbukas niya ay nakatambad sa kanya ang sandamakmak na tauhan ng matanda. Umawang ang labi niya at agad na isinara ang pinto at mabilis na inilock bago pa man tuluyang makapasok ang mga ito.
"Fuck! Pano nakaakyat ang mga 'to dito?" Inis na bulong niya at agad na kinuha sa dalang shoulder bag ang tali na nakaready na sa escape plan niya. Mabilis niyang tinungo ang bintana at agad na binuksan.
"Connor? What the heck is this?" Inis na wika niya sa lalaki habang ikinakabit ang tali sa bewang.
Narinig niyang kinakalampag na ng mga ito ang pintuan kaya agad niyang ikinabit ang harnes sa bakal ng bintana at agad na sumampa.
"Connor!" Inis na muling sigaw niya habang unti unting nagrarapel pababa ng eight storey building na yun.
"Yes honey? I think, pahabol ni congressman sayo yan, honey!" nang-aasar na sagot nito. "Dont worry babe, your escape vehicle is ready." Dugtong pa nito.
"Shit ka! Did you plan this?" Galit na mura niya dito habang hinihingal na bumababa.
"I thought youd like it honey? Pasalubong ko lang yan sayo bilang pagbabalik mo sa misyon."
Kung kaharap lang niya ito ay siguradong nasapak na niya ang nakangising mukha nito.
Nakababa na siya ng makitang dumungaw ang mga tauhan ni Mr. Calixtro sa bintana. Agad siyang tumakbo palayo sa direksyon ng kotseng nakaparada at naghihintay na si Connor.
"Where are you running to honey?" Narinig niyang tanong nito.
Hindi niya ito sinagot bagkus ay inoff niya ang earpiece na nakakabit sa tenga. Tumakbo siya pabalik sa club na pinanggalingan at palinga linga para siguraduhing di siya nasundan.
Kailangan niyang bumalik doon. Gusto niyang makitang muli ang lalaking yun. Ang mukha at ang mga titig na yun, na ilang linggo na din niyang di nakikita. Pero kahit anong ikot niya sa club ay wala siyang nakita. Halos suyurin na niya isa isa ang mga custumers dun pero bigo siya. Nanlulumong lumabas siya ng club bago pa man siya sundan ng mga tauhan ni Mr. Calixtro.
***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro