Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

LAST CHAPTER

A/n: I would like to say thank you! Thank you for reading this story until the end. 🖤

Thank you for supporting Azul and Dash love story. This is now the end I hope you like it.

-.

Muling lumapit si Azul sa walang buhay na katawan Dash. "Dash, alam ko andiyan ka pa! Nagmamakaawa ako sayo buksan mo na ang iyong mga mata! Wake up Dash!" hagulgol ni Azul. Kahit katiting ay umaasa pa rin siya na baka... Magising siya.

Dash didn't move. Ilang minuto na rin siyang walang buhay. Umiiling iling si Azul. "Dash nagmamakaawa ako! Marami pa akong gusto na gawin kasama ka! Marami pa akong gustong sabihin sayo! Huwag mo na ako ulit iwan." nanghihinang wika nito.

Biglang may kung anong enerhiya ang dumaloy sa mga kamay ni Azul papunta kay Dash.

Hindi siya sigurado kung namamalikmata lang ba siya o ano pero may parang kung anong enerhiya na kulay asul ang nagliwanag sa kaniyang mga kamay.

"Coco?"

Nanlaki ang mga mata ni Azul. "Dash!" tili nito. Iminulat ni Dash ang kaniyang mga mata at hinawakan ang pisngi ni Azul upang alisin ang mga luhang dumadaloy rito.

Higit pa sa kasiyahan ang nadarama ni Azul ngayon. Ang akala niya ay mawawalan na siya ng pagasa. Pero heto at gising na ang lalaking mahal niya. Dash is alive!

IPINAGDIWANG nila ang tagumpay na natamo nila. "Para sa mga Black Psyker!" sigaw ni Leandro.

Itinaas nila ang kanilang mga inumin at sabay sabay na ininom ang wine.

"Kahit na maraming buhay ang nawala, in the end sa atin pa din ang tagumpay! Nailigtas natin ang buhay ng nga tao rito. Ay nagawan nating talunin ang mga Black Army!" masayang wika ni Sarah.

"And Azul," bumaling si Sarah sa dalaga "Maraming salamat sa pagligtas mo s buhay ni Dash. You used your healing gift"

"Teka, ano?! May gift si Azul?!" nalilitong tanong ni Winter.

Tumango si Sarah. "Ang ama niya ay isang Black Psyker, kaya mayroon din siyang dugo na gaya natin na dumadaloy sa katawan niya. Hindi lang ito agad lumabas sa kaniya. Her healing gift is special, kaya nagawa niyang buhayin ang patay na katawan ni Dash. Mabuti nalang at hindi naakis ang puso nito."

"Hindi ko alam na mayroon pala akong healing gift." ani Azul. Maging siya ay nagtataka kung bakit mayroon siyang gift. Ni minsan ay hindi niya naisip na isang Black Psyker pala ang kaniyang ama.

"Mukhang ako ang gumising at nagtrigger sa gift mo, Coco" malambing na wika ni Dash.

Nagpunta si Azul at Dash sa may hardin. Malamig ang simoy ng hangin na tumatama sa kanilang pisngi. Sabay silang tumingala upang tignan ang langit na nababalutan ng maraming kumikislap na butuin. "Ang akala ko ay mawawala kana naman ulit sa akin" ani Azul na nakatingin pa rin sa langit.

"Sa totoo lang, akala ko din ay mawawala na ako, pero narinig ko ang iyong boses. Para bang tinatawag mo ako sa dilim kung nasaan ako."

Nagtama ang kanilang paningin. They look intently to each others eyes. "Pagkatapos non ay nakakita ako ng liwanag kung saan nanggagaling ang boses mo. Sinundan ko iyon. At dinala ako sa iyo." nakangiting sabi nito.

Inalis muli ni Azul ang tingin kay Dash at muling bumalinh sa langit. "Bakit mo inalis ang memorya mo sa mga taong nakakakilala sa iyo? Maliban sa akin at kay Zayn?" tanong nito. Isa ito sa mga katanungan niya sa sarili niya.

Natawa ng bahagya si Dash. "Kase wala ding silbi na maalala nila ako. E hindi ko din naman sila kilala. Mas gusto ko na ito."

Pinandilatan siya ni Azul. "Eh bakit si Zayn?" nanghahabang ngusong tanong ni Azul.

"May usapan kasi kami and nangako siya sa akin. Importante iyon, at hindi niya pwedeng makalimutan." paliwanag nito. "Kinamumuhian siguro ako ng Mama ko kaya kahit anong alis ko ng memorya niya sa akin ay hindi ko magawa" natatawang wika nito. "At ikaw naman. Kahit na hindi kita makasama, hindi ko inalis ang memorya mo para kahit papaano ay maalala mo ako." pagkasabi niya non ay kinindatan niya ang dalaga which made her blush.

"Sir-" bago pa matapos ni Azul ang sasabihin niya ay mabilis na hinalikan ni Dash ang kaniyang mga labi.

"I love you, Coco."

"I love you too, Azul."

-

8 years later

"Magpahinga ka na, Coco. Kabuwanan mo na, malapit ka ng manganak, at ayaw ko naman na may masamang mangyari sayo" nagaalalawang sabi ni Dash.

Yes, pagkagraduate nila ng college ay nagproposed na agad itong si Dash. Ilang taon lang ang lumipas at nagpakasal na silang dalawa. Ayaw na daw niya kasing pakawalan itong si Azul. Besides, in good terms na din ang kanilang mga magulang. Kaya heto ngayon si Azul at may siyam na buwang pakwan na sa kaniyang tiyan.

"Isang teleporter ang asawa ko. Kaya mo akong dalhin sa hospital kahit anong oras" natatawang wika ni Azul.

Ang game app na iyon ang nagdala kay Azul pabalik kay Dash. Sa kabila ng pagkawala ng kaniyang memorya sa isang taong iyon. Sa madaling salita, ang game app na iyon ang naging tulay sa pagmamahalan nilang dalawa.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro