Chapter 7
-Day 3-
Pinuntahan ko si Sam sa gym upang dalhan ito ng tubig. Panigurado ay pagod ito sa kanilang practice sa cheerleading.
Nakapahinga siguro ang mga ito. Mukhang hindi napansin ni Sam na nasa likod niya ako dahil busy siyang nakikipagusap sa babaeng nagbigay sa akin ng locket, wait? Magkakilala sila? Kailan pa?
"Ahemm!" pagkuha ko sa atensyon nila, gulat na lumingon sa akin si Sam.
"Azul! Anong ginagawa mo rito? Kanina ka pa ba diyan?" tanong nito. Uhm "Azul, this is Lilac. Bago kong kaibigan" anito, ouch naman bagong kaibigan. E ako nga siya lang ang kaibigan ko e hays.
"Lilac, this is Azul. My besfriend since birth" pagpapakilala niya sa kin. So ang pangalan niya pala ay Lilac.
"Kilala ko siya." Nakangiting sabi ni Lilac.
"Talaga ba? Edi maganda!" masayang sabi naman ni Sam.
"Anong pinaguusapan niyo? Mukhang excited kasi kayo e" nakucurious kong tanong sa kanilang dalawa, nagkatiginan naman sila.
"May gagawin kasing club itong si Lilac sa school." Ani Sam. New club? Para saan?
"Xavier's Supernatural Club. Eto yung club na nagrereserch tungkol sa mga supernatural na mga bagay at mga hindi mapaliwanag na mga pangyayari. Interesting diba?" dugtong ni Sam, yeah she seems so excited about this club thingy, pero hindi ako.
"Sana sumama ka sa club namin" nakangiting sabi ni Lilac. "Kase hindi lang ito simpleng club" pagkasabi niya non ay umalis na siya, at iniwan kaming dalawa ni Sam.
Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ni Lilac sa huling sinabi niya, pero parang may ibang meaning roon. Ewan ko ba baka magiimagine nanaman ako ng kung ano ano.
Bumaling ako kay Sam na nakangiti pa rin. Parang tanga naman tong babaeng ito.
Sinulyapan ko ang aking cellphone. Sinabi sa game kaninang alasais ng umaga na ngayon k9 malalaman na may gusto ako kay Zayn Martin.
Pumasok na ako sa klase ni Mrs. Bungay. Impossible diba? Impossible na magkagusto ako kay Zayn. Nagkakamali lang siguro ang game tungkol doon. Yeah right.
Umupo si Zayn sa tabi ko, what the heck? Bat lalo ata siyang gumwagapo ngayon araw?
"Azul it's my 19th birthday soon, sana ay makapunta ka." Wait? Inihimbitahan niya ba ako sa birthday party niya? I mean, he's popular and im just nobody in this school. Walang gustong magimbeta sa babaeng tulad ko na puro laro lang sa cellphone ang alam.
"Alam ko biglaan lang pero sana makapunta ka bukas ng gabi" wala akong ideya kung bakit pero halos sumabog ang puso ko sa sobrang saya dahil sa isang unexpected na invitation galing kay Zayn.
"Okay class answer the following question on page 250" sambit ni Mrs. Bungay. Binasa ko ang mga ito and swear hindi ko alam ang sagot dahil hindi ako nagadvance reading gaya ng sinabi niya kahapon.
"Ahm, h-hindi ko alam ang mga sagot" nahihiyang sabi ko kay Zayn.
Lumapit siya ng kaonti sa akin "Ganito iyan" ramdam ko ang kaniyang balat sa akin, hindi ko alam kung bakit pero sobrang lakas ng kalabog ng puso ko kapag nasa tabi ko si Zayn. Parang nakikipagkarera ang aking puso sa sobrang lakas ng tibok nito.
Laging tama ang game. Masasabi ko na, mayroon nga akong gusto sa lalaking nagligtas sa akin noong bata pa ako, Zayn Martin.
Masama ang tingin ni Dash sa dalawa. Masyado silang malapit sa isa't isa.
At dahil tapos na ako sa pinapagawa ni Mrs. Bungay agad kong inilabas ang cellphone ko para icheck ang game.
Sorry. The game is temporarily locked.
Time remaining: 3 hours and 5 minutes.
What the heck? Walang masyadong laman ang game ngayong araw? Tapos ngayon pansamantala itong nakalock?
"Azul" Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Dash. Nagulat ako ng kaonti sa biglang pagdating niya. "Nabigla ako!" sabi ko habang hawak hawak ang aking dibdib.
Nasa labas na kami ngayon ng room at kakadismiss lang sa amin ni Mrs. Bungay.
"Ayos ka lang ba?" tanong niya sa akin. "O-oo" nauutal kong sagot.
"Anong regalo mo kay Zayn sa birthday niya?" tanong ng babae sa kasama niya. Napalingon naman kaming dalawa ni Dash sa dalawang babaeng naguusap.
"Milyonaryo ang Papa niya at siguradong mayroon siya sa lahat ng bagay"
"Kailangan pa din natin siyang bigyan ng regalo, nakakahiya naman na hindi natin siya bibigyan ng regalo no" sumangayon naman ang kasama niya.
Oo nga pala at wala pa akong regalo sa kaniya hays. Ano naman kaya ang ibibigay ko Zayn? Namilog ang aking mga mata nang maalala ko ang sinabi niya noong minsan sa akin, sabi niya gustong gusto niyang - "Sorry Dash, mauna na ako sayo, may kaialangan pa akong gawin" Pagkasabi ko non ay tumakbo na ako palabas ng eskwelahan.
SAWAKAS, nandito na rin ako! Halos dalawang oras din ang byahe papunta rito. Medyo nakakatakot nga lang sa kalye na ito dahil wala nang masyadong taong nakatira rito. Pero narito ang tindahan na nagtitinda ng isang limited edition na gustong laruin na video game ni Zayn. Mabuti naman at bukas pa ito kahit pa alas nuwebe na nang gabi!
Naramdaman ko ang pagvibrate ng aking cellphone. Binuksan ko ang notification at sinasabi nito na nakaunlock na ang game. Siguro ay mamaya ko nalang ito lalaruin, kailangan ko ng bilhin ang limited edition na video game bago pa magsara ang stall.
Hawak ko na ngayon ang isang Limited edition na video game, sana ay magutuhan ni Zayn ito. Habang naglalakad sa madilim at tahimik kalye may lumapit sa akin na lalaking mukhang ewan. Amoy alak din siya.
"Ang ganda mo naman Miss! Anong ginagawa mo dito sa oras na ito?" nakangiting tanong nito sa akin, gosh mukha siyang manyak!
Tumakbo ako sa kabilang direksyon "Azul?" sambit ng lalaki na nakita ko. Wait kilala niya ako? Teka! Oo kilala ko din siya! Isa siya sa mga batang lalaki na nambubully din sa akin noon!
"Tey! Mayroong lasing na lalaki roon!" histerikal na sabi ko. "Ano?!" tanong nito. Ilang sandali pa ay biglang nagsalita yung Mamang lasing. "Abandonado na ang kalyeng ito kaibagan!" sigaw ng lalaki. "Pwede natin siyang pagsaluhan! At mukhang masarap ang babaeng iyan!" sabi nito saka tumawa ng malakas.
Nanginginig na ako sa sobrang takot! Lumingon ako kay Tey, bigla rin itong tumawa ng malakas. "Oh Azul parang hindi kana natuto noong mga bata pa tayo, alam mo kung anong klaseng tao ako." ngumiti ito na nagpakilabot sa akin. No way! Humakbang ako palayo kay Tey.
"Hindi ako tulad nung batang lalaki na nagligtas sayo noong binubully ka pa namin" bigla itong lumapit sa akin "Anlaki mo na Azul at napakaganda mo pa ngayon!"
Tumawa ng malakas ang matandang mama "Tama iyan!" anito. Bigla akong natakot sa dalawang lalaking nasa magkabilang direkyon ko. Para silang dalawang leon na handang kainin ang kaniyang pagkain.
Kung nilaro ko lang sana ang game kaninang natanggap ko ang notification edi sana alam ko na mangyayari ito! Edi sana tinawagan ko si Tita Lany okaya naman si Sam para sunduin ako.
Mas lumapit pa sa akin ang dalawa. Help me please! Mariin kong ipinikit ang aking mga mata, hinhintay ko ang pagdapo ng kanilang mga kamay sa akin.
Pero pagmulat ko may isang bulto ng lalaki ang nakikipagsuntukan sa dalawang nagahas na pagsamantalaan ako.
He's here! He's here to save me!!
-
A/n:
This chapter is dedicated to KissMyForehead enjoy reading sana makita ko ang mga comments mo hanggang sa dulo ng kwentong ito. 🤗
Sino kaya ang magliligtas kay kumareng Azul? Haha. Any guess? 3rd update for today nakuuuuuu my brian cells.
#AzZayn or #AzDash?
See it to the next chapter. Don't forget to leave a comment and press the star icon down below 👇
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro