Chapter 31
10 years ago
Dinala ni Sarah ang batang lalaki sa kanilang pamamahay, halos maligo na ito sa kaniyang sariling dugo. Marami rin ang sugat na natamo nito. Mabuti nalang at agad itong nakita at nasagip ni Sarah sa isang Black Psyker na tumangka sa buhay nito, ngunit sana ay hindi pa huli ang lahat para sa batang lalaki.
"Leandro! Bakit ang tagal mo?!" natatarantang bungad ni Sarah sa kakarating lang na lalaki.
Agad na lumapit si Leandro sa batang lalaki "Hindi naman ako isang teleporter Sarah!"
"Kailangan mong pagalingin ang batang ito ngayon din!" utos ni Sarah. Mabilis na tumango ang lalaki.
Ilang minuto na ang nakakalipas ngunit wala, hindi pa din nagkakamalay ang batang lalaki, ginawa na ni Leandro ang lahat ngunit hindi niya ito mapagaling gamit ang healing gift nito. Marami na rin ang nawalang dugo sa bata.
"Alam mo namang hindi siya tulad natin hindi ba?" tanong ni Leandro kay Sarah na mabilis niyang ikinatango.
"Marami na ang dugong nawala sa kaniya, hindi ko na siya kayang pagalingin. He's dying!" anang lalaki.
"No! Isa kang healer! Kailangan mong subukan pa! Bata pa siya at marami pa itong magagawa sa buhay niya." naiiyak na sabi ni Sarah. Gusto niyang mabuhay ang bata kahit pa hindi niya ito kaano ano.
Umiling iling si Leandro, "Sarah dumating na ang oras ng batang ito, may limitasyon din ako bilang isang healer. Hindi ko na masasalba pa ang buhay niya." malungkot na turan nito.
"Kasalanan natin ito" nanghihinang bulong ni Sarah. Sinisisi niya ang sarili niya at bilang isang pagiging Black Psyker niya dahil sa kanila nadadamay pati ang mga inosenteng tao. May mga black psyker na masyadong gahaman na sa kanilang sarili at gagawin ang lahat upang mabuhay lang sila ng matagal at para maiwasan na din ang sakit na minsan nang nagpabagsak sa lahi nila. That boy doesn't deserve this, not in his young age.
"Hindi ko man siya kayang pagaling, pero meron pa akong isang alam na paraan na kailangan nating subukan" ani Leandro, nagliwanag ang mukha ni Sarah.
"Kung iyon lang ang paraan upang mabuhay siyang muli, gawin na natin." malakas na loob na sabi ni Sarah, she will do anything for this young boy mabuhay lang ito.
"Sigurado ka ba?" tanong muli ng lalaki. Muling tumango si Sarah. Kailangan nilang magtake ng risk sa batang ito. Pwedeng maganda o di naman kaya'y hindi ang magiging kakalabasan nito. She will accept it, ang importante ay ginawa nila ang lahat upang mabuhay lang ito.
"Sarah, ang paraan lang upang mailigtas natin ang batang ito ay ang gawin siyang tulad natin."
Namilog ang mga mata ni Sarah, posible ba iyon? "Ano? Pero paano?" naguguluhang tanong nito.
"Kailangan nating gawin ang transformation ritwal. Gagana lang ang ritwal na ito sa isang mortal na malapit ng mamatay. At kailangan ko ng gawin ito ngayon bago pa tuluyang mamatay ang bata" pagkasabi non ni Leandro ay inumpisahan na niya ang ritwal.
Ilang oras din ang tinagal ng ritwal na iyon. "A-ang buhok niya!" gulat na sabi ni Sarah ng mapansing nagiba ang kulay nito, black into azure blue. Wala na din ang mga sugat sa kaniyang katawan, naglaho nalang ang mga ito na parang bula at tanging mga dugo na kumapit sa kaniyang damit at katawan ang natira.
Ngumiti ng bahagya si Leandro, "Tapos na ang ritwal, ang pagiiba ng kulay ng buhok niya ay ang nagsisimbolo na isa na siya sa atin. Isa na siyang black psyker. Hindi niya gaanong maaalala ang mga nangyari sakaniya pagising niya Sarah"
Ang atensyon ni Sarah ay nasa bata, hindi nito inalis ang tingin rito, "Ayos lang, ituturing ko siya na aking tunay na anak." huminga ito ng malalim "Dash, Dashniel Dayholt"
Napagpasyahan ni Sarah na iturin ito bilang kaniya, bilang kaniyang tunay na anak. Isinunod niya din ang apilido nito sakaniyang apilido.
—
Lutang si Azul sa klase, andami niyang iniisip. Si Dash at pati na rin ang mama niya na hindi na niya kinausap simula ng magaway sila noong nakaraang gabi.
Sa totoo lang ay hindi siya sanay na wala si Dash sa tabi niya. Parang kulang siya, she feels incomplete without him by her side. Pero, nagdesisyon na siya at ngayon kailangan niyang harapin ang mga consequences kahit na mahirap ito.
Tinignan niya ang papel niya, kasalukuyang sumasagot sila ng activity. Dahil sa dami ng kaniyang iniisip hindi na niya nagawang sagutan ito, ugh!
At hanggang ngayon ay wala pa ding nakakakilala kay Dash maliban sa kaniya, sakaniyang ina at pati kay Zayn. Tuluyan na ba talagang nabura ang memorya nito sa kanila?
"Bago ko pala makalimutan, may importante pala akong anouncement na sasabihin" anang teacher nila. "Yung mga bagsak sa aking subject kailangan niyong magtake ng remedial class at uumpisahan ko na ito ngayon, I mean mamayang gabi 7pm. Maliwanag ba?" masungit na tanong nito.
7 pm? bakit parang ang oras naman ata non? Wala nang nagawa ang buong klase kung hindi ang sumangayon na lang.
Alam ni Azul na isa siya sa magtatake ng remedial, math ang pinaka hate na subject niya so she's expecting it. While beside her is Zayn who never take any remedial class before. Yes, Zayn is quiet clever. "Gusto ko ding sumali sa remedial, feeling ko exciting iyon lalo na't gabi!" ani Zayn. Natawa si Azul sa tinuran ni Zayn. Poor Zayn
Night comes in. Nasa isang tuktok ng gusali si Cloud at pinagmamasdan ang buong syudad. The city lights is breathtakingly beautiful, too bad he wants to destroy it. Pero hindi ito ang unang target niya dahil may isang lugar siya na gustong unahin na pabagsakin.
"Ready na ba kayo?" tanong ni Sarah kay Winter at Dash.
"Dudurugin ko siya Mother! Ipaghihiganti ko si River!" ani Winter na mukhang handa na sa gaganaping laban. While Dash is just there, tahimik. At walang kahit anong salita na lumabas sakaniyang bibig.
"Dash?" alalang baling ni Sarah sa kaiya. "Wag kang magalala mother, this time hindi na ako tatakas." paninigurado nito.
"Sarah" ang atensyon nila ay dumako sa lalaking kakarating lang.
"Leandro! Anong ginagawa mo rito? Hindi ba't nasa ibang bansa ka?" nagagalak na sambit ni Sarah. It's been along time since nagkita sila.
"Narito ako upang tumulong sa inyo." nakangiting wika ni Leandro.
Bumaling muli si Sarah kay Dash, "Hindi mo ba siya natatandaan?" nakangiting tanong nito.
"Siya ang Doctor na nagalaga sa akin noon." tipid na sagot nito.
Tumango tango ang lalaki, "Ang laki mo na ngayon Dash, parang kailan lang!" masayang sabi nito. "Siya nga pala, mayroon din akong kasama para tumulong sa atin."
"Maraming salamat Leandro! Let's win this battle tonight!" ani Sarah.
Naiwan si Winter at Dash sa sala, samantalang inasikaso naman ni Sarah ang mga kasama nilang lulusong din sa laban. "Dash, may importante akong sasabihin sayo."
Hindi niya nilingon si Winter. "Kung tungkol lang kay Azul iyan, wag kanang magaksaya ng panahon." walang emosyong sabi nito.
"Dash, hindi niya ginustong saktan ka niya." lumingon si Dash sa kaniya at ngumisi. "At sa tingin mo ano naman kaya ang dahilan niya kung bakit hindi niya ginustong saktan ako?"
—
A/n: 3 Chapters nalang! Please do support me until the end of this story! Thank you sa mga walang sawang naghihintay at sumusuporta sa akin! Para sa inyo po ito.
Reminder, Ang The Stripper: At Your Service ay ipupublish ko katapos ng MLGA so wait niyo po!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro