Chapter 30
Dumating si Sarah sa lugar kung saan sila magkikita ni Azul.
Mabilis siyang tumayo sa kinauupuan ng makita ang ginang. "Anong gusto mo at nais mo raw akong makausap ng masinsinan, babaeng mortal? Hindi ka ba natatakot na baka patayin kita ngayon?" masungit na tanong ni Sarah.
Hindi nagpatinag si Azul sa presensya ng ginang. Taas noo niya pa rin itong hinarap at ngumiti ng bahagya "Alam nating dalawa na kahit pa ayaw mo ako ay hindi mo ako magagawang patayin" itinaas ni Sarah ang kaniyang kaliwang kilay at hindi kumibo.
"Alam kong hindi ka pumapatay ng inosenteng tao, maraming salamat pala sa pagpunta mo rito" nakangiting sabi ni Azul.
Mukhang naweirduhan naman ang ginang sakaniya kaya kumunot ang mg kilay nito "Ano ba ang ating paguusapan? Siguruduhin mong hindi iyan maaaksaya ng oras ko" masungit niya pa ring turan.
Huminga ng malalim si Azul bago nagsalita, "Nabanggit ni Dash sa akin na sinagip mo raw siya sa isang Black Psyker noon. Yung Black Psyker na tumangka sa buhay ni Dash ay binawian mo ng buhay... Natatandaan mo pa ba siya?" mariin niyang tanong.
"Hindi ko alam kung anong gusto mong iparating babaeng mortal, pero para masagot ang walang kwenta mong katanungan, oo natatandaan ko pa siya." ani Sarah. "Hinding hindi mawawala sa memorya ko ang mukha ng black psyker na iyon." dagdag pa niya.
"Ito ba ang Black Psyker na iyon?" tanong nito.
Inilabas ni Azul ang letrato ng kaniyang ama at pinakita ito kay Sarah. Malakas ang kutob niya na ang ama niya iyon. Pero para makasiguro ay gusto niya pa ring malaman ito mismo sa ginang.
Sinuring maigi ni Sarah ang larawang pinakita ni Azul. "Hindi ako nagkakamali, ito nga iyon. Nakucurious ako, at bakit naman mayroon kang larawan ng lalaking ito?" kunot noong tanong ni Sarah.
Katahimikan ang namayani sa pagitan nilang dalawa.
–
Naupo si Azul sa kaniyang kama. Ang utak niya ay parang sasabog na sa mga impormasyong nalaman niya. Ang kaniyang ama ay ang Black Psyker na kumitil sa buhay ng mga magulang ni Dash, at muntikan na niya ding mapatay ang binata kung hindi lng dumating si Sarah.
At ngayon nakikipagsabwatan ang kaniyang ina kay Cloud para makaganti kay Sarah. Nalilito rin siya kung paano nga ba nagkakilala ang dalawa dahil wala siyang natatandaan na nabanggit ng kaniyang ina ito sakaniya. Ngayon lang.
Ano na ngayon ang gagawin niya? Parehas niyang mahal ang kaniyang ina at si Dash at parehas niya ding ayaw saktan ang mga ito. Pero kaninong side ang susundan niya?
Kapag nalaman ni Dash ang tungkol sa ama niya paniguradong kamumuhian siya nito. Siya ang anak ng kumitil sa buhay ng kaniyang mga magulang.
Sa totoo lang, hindi niya alam kung makakatingin pa ba siya ng deretso sa mga mata ni Dash sa susunod na magkita sila. Nahihiya at naguguilty siya sa nangyari sa pamilya ni Dash.
*Ring ring
Inabot niya ang kaniyang cellphone at mabilis na sinagot ito.
Zayn: [Azul, si Zayn to. Libre ka ba bukas? Maari ba tayong kumain?] tanong nito. Ngunit hindi niya ito sinagot.
Zayn: [Ayos ka lang ba?]
Azul: [Zayn, may favor sana ako sa iyo.]
Kinabukasan, maagang nagayos si Azul. Magkikita sila ngayon ni Dash. Kinakabahan siya.
Ilang oras pa ay nakarating na siya sa mall. She keeps repeating to herself that she can do it. Wala siyang ibang choice, para rin naman ito sa ikabubuti ng lahat.
Nagulat siya sa biglang pagsulpot ni Dash sa harapan niya. Mabilis naman siyang hinalikan ito sa pisngi. Mukhang maganda ang mood ni Dash ngayon dahil abot tenga ang ngiti niya. "Coco, you look so pretty today" anito. Nanatili lang si Azul na walang kibo.
"Hm, Dash. Matagal ko ng iniisip ang relasyon nating dalawa kung ano nga ba ito" sabi nito habang nakatingin sa ibaba.
Kumunot ang noo ni Dash, "Anong ibig mong sabihin? Wala kang dapat isiping iba ang importante, mahal kita at mahal mo din ako."
Sa wakas ay nakakuha ng lakas ng loob si Azul upang titigan ito sa mata, "Hindi pa tayo official, Dash. Paano mo nasisiguro na mahal din kita gaya ng sinabi mo?" inis na tanong nito.
Dash just chuckled, Azul is really cute lalo na kapag naiinis ito. He just can't stop himself. "Hindi natin kailangan iyon upang bigyang label ang ating relasyon Coco." dahil masaya na siya kung ano sila ngayon. Sa totoo lang wala naman talaga sakaniya kung ituring silang isang couple, basta alam niya sa sarili niya na mahal niya ang babaeng nasa harapan niya ngayon. At gagawin niya ang lahat para mapasaya ito.
Umiling iling si Azul. "N-nagkakamali ka, Dash. HINDI KITA MAHAL!" sigaw nito.
Humalakhak lang si Dash. "Sa pagkakatanda ko hindi April fools ngayon, kaya bakit mo ako niloloko?" masungit na tanong nito.
Huminga ng malalim si Azul. "Hindi ako nagbibiro. Hindi ito joke. Kaibigan lang ang turing ko sayo." seryosong sabi niya.
"Hindi totoo yan! Kung hindi mo ako mahal bakit iba ang nararamdaman ko? You love me Azul! At alam kong hindi lang kaibigan ang turing mo sa akin dahil alam ko at nararamdaman ko na higit pa roon!"
"Naguguluhan ako noon tungkol sa ating dalawa. Akala ko mahal kita, pero hindi. I don't love you Dash" she said straight to his face.
Hindi pa rin kumbinsido si Dash, alam niya na mahal rin siya ni Azul. Lumapit siya sa dalaga "Then kiss me, prove that you don't love me" aniya.
Bago pa siya makapagsalita ay naglapat na ang kanilang mga labi. Sinubukan niyang kunawala pero hindi niya magawa dahil malakas si Dash. "Bitawan mo ako!"
Oo, gustong gusto niya ito. Pero kailangan niyang pigilan ang sarili niya. Sinubukan niyang suntukin ito sa dibdib pero sadyang mabilis si Dash at agad niya itong nahawakan sa kamay.
Ilang sandali pa ay naramdaman niyang lumayo sakaniya si Dash, at nakita niya ito na nakaupo sa sahig. Inilibot niya anh paningin niya. Madami na pala ang mga taong nakatingin sa kanila.
"Hindi ba't sinabi niyang tigilan mo na siya?!" sigaw ng pamilyar na boses. Finally, he's here.
Mabilis na tumayo si Dash. "Huwag kang makialam dito Zayn! Labas kana rito! This is between me and Azul!" sigaw pabalik ni Dash, na hindi alintana ang putok na labi nito. "Mind your own business!" dagdag pa nito.
Ngumiti ng bahagya si Zayn, "Well, hindi ako labas rito Dash. Girlfriend ko si Azul!" nanlaki ang mga mata ni Dash sa gulat at ikinuyom niya ng ang kaniyang mga kamao. No way.
"Sa tingin ko ay sapat na iyon para makialam ako" ani Zayn.
"Girlfriend? Sinong pinagloloko mo?!" humarap si Dash kay Azul. "Coco, sabihin mo nga sa lalaking ito na tumigil!"
Tahimik lang si Azul. "Azul?" paguulit ni Dash.
"I am sorry Dash. Pero tama si Zayn. Girlfriend niya nga ako, at kakasagot ko lang sakaniya. Hindi ikaw ang mahal ko, kundi si Zayn. Ngayon umalis ka na."
"Sige, kung iyan ang gusto mo. Nagkamali ako sayo Azul!" anito bago umalis. Hindi alam ni Dash kung anong mararamdaman niya dahil sobrang bigat ng pakiramdam niya, gusto niyang pumatay but he can't. Hindi na siya muling bumaling sa dalawa dahil baka lalo lang madurog ang kaniyang puso. Fuck! Sa lahat ng pinagsamahan nila kaibigan pa din ang turing ni Azul sa kaniya?!
Tapos heto at magkasintahan na silang dalawa ni Zayn? Ano iyon? Pinaglalaruan lang ba siya ni Azul?!
Habang papalayo ang bulto ni Dash, nagumpisa ng nagunahan ang mga luha sa kaniyang mga mata ni Azul. Mabilis na hinagod ni Zayn ang kaniyang likod "Hindi ko maintindihan, bakit mo ito ginagawa? Your just hurting yourself." malungkot na tugon ni Zayn habang pinapakalma siya.
Mas gusto niya pang magalit si Dash sa kasinungalingan niya kaysa sa magalit ito sa katotohanan. She can't take it. Hindi niya kaya ito dahil sobrang mahal niya si Dash at natatakot siya sa maaring kahihinatnan nito. Isa siyang anak ng pumatay sa pamilya nito.
Bumaling siya kay Zayn. "Zayn maraming salamat sa pagtulong mo sa akin."
—
Hope you like this! Sorry for long absence! -kbluescript💙
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro