Chapter 28
"Ipapakilala?" ngumiti ng nakakaloko si Cloud. "Parang hindi naman iyon ang pinagusapan natin Mrs. Adams. Ang usapan ay ... kapag nakapaghiganti ka na kay Sarah ibibigay mo na ang kamay ng iyong anak sa akin. Hindi ba?" anito na animo'y sinusuri ng maigi ang ginang.
Yumuko ang mama ni Azul, "Mrs. Adams, ginagawa ko ang lahat ng aking mga sinasabi. At sana naman ikaw din. So, kailan ko pwedeng pakasalan ang iyong anak?" tanong ni Cloud na ikinabigla ng ginang.
"Wait. Parang ang bilis naman yata niyan Cloud? Hindi kapa kilala ni Azul. Hindi papayag ang aking anak na maikasal sa taong hindi niya kilala!" She knew her daughter well. Ni hindi niya nga kayang makipaghalubilo sa iba tapos eto at ikakasal siya? Sa hindi niya kilala. Paniguradong magwawala iyon.
Ngumiti ng bahagya si Cloud na animo'y nangaasar. "Diyan ka nagkakamali Mrs. Adams. Nagkita kami ng iyong anak kanina lang. Pero alam mo kung anong nakakainis?" tanong nito sabay hithit ng sigarilyo at ibinuga sa mukha niya "Mas pinili niyang umalis kesa sa manatili gaya ng sinabi ko sakanya!" sobra ang galit ni Cloud ng nalaman niyang nakatakas ang dalaga.
Nanlaki ang mga mata ng Mama ni Azul sa gulat. "Ano? Huwag mong sabihin na ikaw ang dahilan ng pagkawala niya kanina?" kunot noong tanong nito.
Humalakhak muli si Cloud, "Hay nako Mrs. Adams! Antagal naman bago mo nalaman. Ano satingin mo ang dahilan kung bakit nagising ka sa sahig ng inyong kusina?"
Marahang ikinuyom ni Mrs. Adams ang kaniyang kamao sa galit. So siya pala ang dahilan non?! "Nagkamali ako tungkol sayo!"
"It's too late Mrs. Adams. Tandaan mo mayroon tayong usapan, aking kabigan"
"Hindi tayo magkaibigan!" sigaw nito
"Pinatay ng aking ina ang iyong asawa, at pinangganti naman kita sa pamamagitan ng pagpatay sa kaniyang future son-in-law na si River. Hindi ba't magkaibigan na tayo non?" ani Cloud.
"Hindi ko ginusto na may madamay pang ibang Black Psyker maliban kay Sarah! Siya ang kumitil sa buhay ng aking asawa! At gagawin ko ang lahat para mapagbayaran niya ang buhay na kinuha niya!" gigil na sabi nito.
"Sige, kung iyan ang gusto mo. Papatayin ko si Sarah. Pero siguraduhin mo na ireready mo na ang kasal ko sa iyong anak."
"Teka lang hindi ko ipinangako ang kamay ng aking anak!" reklamo ng ginang.
"You did, Mrs. Adams. Kailangan mong tuparin ang pangakong iyon." pagkasabi ni Cloud non ay umalis na siya.
Naiwang tulala ang ginang. Ano ba itong gulo na pinasukan niya? Ang gusto lang naman niya ay ang makapaghiganti kay Sarah, na siyang dahilan kung bakit namatay ang kaniyang asawa. Hindi dapat madamay si Azul rito. Pero anong gagawin niya kung ang kamay ng kaniyang anak ang kapalit?
RIVER pasensya na, ako ang may kasalanan nito. Kung hindi mo ako iniligtas sana ay buhay kapa! Kung hindi ako tatanga tanga sa oras ng laban siguro ay buhay ka pa!
Ilang oras nang humahagulgol si Winter sa kaniyang kwarto. Sobrang sakit, ang sakit ng mawalan ng isang tao na sobrang minahal mo ng buong puso. Ilang taon na silang magkasama at magkaramay sa lahat ng mga bagay pero bakit? Bakit sa isang iglap lang wala na si River sa kaniya?
Tandaan mo River, gagawin ko lahat ng aking makakaya upang maipaghiganti ka! Iyon lang ang gusto niya sa mga oras na ito.
Bumangon siya sa pagkahiga, haharapin niya si Cloud ngayon din!
"Cloud! Papatayin kita!" kahit na kapatid kita hinding hindi kita papatawarin sa ginawa mong pagpatay kay River!
Sa susunod na makikita niya ang kapatid sisiguraduhin niyang siya mismo ang dudukot sa puso nito. Wala siyang pakialam kung magkadugo sila!
"Winter" lumingon siya sa lalaking nagsalita. "Saan ka pupunta?"
"Dash wag mong haharangin ang daan! Papatayin ko ang traydor na iyon!" gigil na sabi nito.
Agad naman siyang pinigilan ni Dash sa pamamagitan ng paghawak niya sa kaniyang braso, "Hindi maaari! Ikaw ang mamamatay kapag sumugod ka ngayon roon."
Itinaas ni Winter ang aking kaliwang kilay bilang sensyales ng kaniyang pagkainis, "At anong gusto mong gawin ko dito?! Magmukmok at umiyak na parang sanggol?!"
Umiling iling si Dash "Kailangan nating magplano, kailangan nating magplano ng maayos para sa pagsugod natin kay Cloud... At Winter" bigla siyang yumuko "Patawad.. Kung andoon lang sana ako hindi nangyari ito" malungkot na sambit nito.
Marahang hinaplos ni Winter ang likod ni Dash upang pagahanin ang loob nito. "Dash, wag mong sisisihin ang sarili mo. To be honest, gusto kitang sisihin sa lahat ng nangyari pero hindi ko magawa. Hindi natin to kasalanan. Kasalanan ito ni Cloud!" ani Winter habang nakakuyom ang kaniyang mga kamao.
She's really furious. Kung kaya niya lang labanan si Cloud magisa ngayon din ay susugod siya pero hindi. Lalo na't maayos na naisakatuparan ni Cloud ang paggising sa kaniyang dark spell.
"Pinapangako ko sayo Winter. Gaganti tayo.. At sisiguruduhin ko na dadanak ang dugo ni Cloud." sabi ni Dash habang nakatingin sa larawan ni River na nakasabit sa kwarto ni Winter.
Pagkasabi non ni Dash ay humagulgol muli si Winter. She's really hurt. She will miss those special memories that they created. The smile and the laughter they shared. It really pain her knowing that they can't do those things again. She wish that he can see him alive one more time. But for now, all she can do is to cry. Umiyak hanggang sa maging ayos siya.
Naupo si Azul sa kaniyang kama. Kakatapos lang nitong maligo at magpapatuyo na ito ng buhok.
*beep beep
Mabilis niyang inabot ang kaniyang cellphone na nakalagay lang sa tabi niya. Galing nanaman sa unknown number ang mensahe
Baka gusto mong makita ito?
Sa ibaba nito nakalagay ang picture ni Cloud at ang kaniyang ina na magkausap. Halos maibato ni Azul ang cellphone. Bakit sila magkasama? Magkakilala ba sila? Iyon ang mga tanong na gumugulo ngayon sa kaniyang isipan. She's confused
Bababa na sana siya upang puntahan ang kaniyang Mama ng biglang sumulpot si Dash sa kaniyang harapan. "You scared me!" sigaw nito, nagulat siya. Sino ba namang hindi?
"Anong ginagawa m—" bago pa matapos ni Azul ang kaniyang sasabihin mabilis na hinila siya ni Dash at niyakap ng mahigpit.
"Please, just a minute" bulong nito sa dalaga.
Niyakap niya rin ito pabalik "May problema ba Dash?" nagaalalang tanong nito. She can feel that something's wrong.
Bumitiw sa yakap si Dash at humarap kay Azul. "Si River... Patay na siya... Namatay siya laban" anito habang humihikbi.
Hindi makapagsalita si Azul. Totoo ba ito? This can't be happening! Anong nangyari? Sino ang pumatay sa kaniya? Si Winter asan siya? Kamusta na siya? "Ayos ka lang ba?" iyon lang ang lumabas sa bibig niya, ang daming tanong utak niya.
"Hindi, gusto kong gilitan ang leeg ni Cloud ngayon din!" Dash gritted his teeth.
"Speaking of Cloud, may papakita ako sayo" dali daling ipinakita ni Azul ang larawan na natanggap niya kani kanina lang.
"Ilang beses na akong nakatanggap ng mensahe galing sa unknown number na ito. Hindi ko alam kung sino ang nasa likod neto. Pero gusto kong malaman." ani Azul.
Tahimik lang si Dash sa pagtitig ng larawan "Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit magkasama ang iyong ina at si Cloud" tumango tango si Azul. Magingi siya hindi niya rin maintindihan kung bakit magkasama ang dalawa.
"Hindi naman mukhang sinasaktan ni Cloud si Mama, so hindi niya ito kinidnap"
"Sinubukan mo na bang siyang tanungin?" tanong ni Dash.
"Itatanong ko na nga sana, kaso bigla kang sumulpot" inis na sabi nito na ikinangiti ni Dash.
"Osige, hm aalis na ako."
"Magkikita ba tayo bukas?" tanong ni Azul. Hindi pa man umaalis ang binata feeling niya ay miss na niya agad ito.
Ngumiti ng napakatamis si Dash, ramdam niya ang paginit ng kaniyang pisngi. "Of course" pagkasabi niya nito ay mabilis siyang lumapit sa dalaga at parang isang iglap lang ay magkadampi na agad ang kanilang mga labi. "Good night Coco. Dream about me" and then he disappeared.
Bigla siyang natawa sa sinabi ng binata. Sira!
"Mama may tatanong ko sayo" nadatnan ni Azul ang kaniyang ina na naglilinis sa kusina.
"Sure ano yun dear?"
Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita ulit. "Paano mo po nakilala si Cloud Dayholt?"
"A-ano?" nanlaki ang mga mata ng ginang bakas mukha nito ang gulat.
—
A/n: Sorry ngayon palang ako nakapag update sobrang busy sa school.
So, I hope nagustuhan niyo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro