Chapter 25
Azul Pov
“Dash! M-may d-dugo ka!” nababalot ng dugo ang kaliwang braso ni Dash.
“Hindi ako agad nakapagteleport. Kaya natamaan ang aking braso” anito habang hawak hawak ang braso niya na para bang hindi iniinda ang sakit.
“T-teka lang! Diyan ka lang tatawag ako ng tulong!” histerikal na sabi ko.
“Huwag!” hinawakan ni Dash ang aking kamay upang pigilin sa anumang gagawin ko.
Lumapit ako sa kaniya at pinaupo sa upuan. Teka lang? Nasaan ba kami? “Dash kailangang magamot ang sugat mo, madami na din ang dugong nawawala sayo!” sigaw ko. Bat ba ang tigas ng ulo ng lalaking to?
Umupo ako para magkapantay kami. Hinaplos ko ang kaniyang mukha “Please, hayaan mo akong humanap ng tutulong sayo.”
Umiling ng maraan si Dash, ngayon halata na sa mukha niya ang sakit galing sa sugat niya. “Hindi... ko hahayaang... maalis ka muli sa paningin ko. Atsaka wala kang makikitang ibang tao dito sa bahay dahil lahat sila ay ... nakikipaglaban.”
Nanlaki ang aking mga mata “Laban? Laban kay Cloud ba?!” tanong ko. Mabilis namang tumango si Dash.
Tumingin ako sa sugat ni Dash. “Dash, basang basa ng dugo ang damit mo. Kailangan na talaga nating ipagamot yan” malumanay kong sabi.
“Hindi ako mamamatay Coco. Black Psyker ako, wag ka nang mag alala.” anito at hinalikan ako sa aking noo.
“Dash naman! Eh ngayon kung Black Psyker ka?”
Ngumiti siya ng kaonti, “Ang cute mo!” sabi nito sabay pisil sa aking pisngi “Kusang maghihilom ang sugat sa aking katawan. Ang kailangan ko lang ay pahinga, oras at... Ikaw” nanlaki ang aking mga mata. Anong pinagsasabi ng lalaking ito?
Lumapit siya sa akin. Tumayo ako at lumakad ng paurong sa kaniya. “H-hoy, anong g-ginagawa m-mo?” nauutal kong tanong.
Hindi niya ako sinagot at patuloy lang siya sa paglapit sa akin. Goodness, nababaliw na ba tong lalaking to?
Sumandal na ang likod ko sa malamig n pader. “Wala ka nang katakas ngayon” anito habang malapad ang ngiti.
“T-tumigil ka ah!” sigaw ko. Inilapit niya ang kaniyang mukha. Is he going to kiss me?
Ipinikit ko ang aking mga mata dahil naduduling na ako sa sobrang lapit niya.
Ilang segundo din akong nakapikit ng marinig ko siyang tumatawa. “Akala mo ikikiss kita no? Haha!”
Damn you Dash! Tinakpan ko ang aking mukha dahil sa kahihiyan. Jusko po! “Huwag kang magaaalala sa susunod hahalikan na kita.” anito sabay kindat. Omaygad!
Naglakad si Dash papunta sa hagdan “Tara samahan mo ako sa aking kwarto. Mayroong first aid kit don.” anito habang tatawa tawa pa din.
“Ts pasalamat ka at may sugat ka kung hindi kanina pa kita binugbog!” sabi ko sabay irap.
“Pero walang halong biro. Lalo kang gumaganda kapag nagaalala ka.” tumingin ako sakaniya. “Aray!”
Mabilis akong lumapit sa kaniya. “Saan masakit?!” tanong ko.
Tinuro ni Dash amg kaniyang labi. Wtf? “Dito oh!” anito saka tumawa.
Hinampas ko siya sa kabilang braso na walang sugat. “Aray hahaha!” seriously? Ganyan na nga ang kalagyan niya nagawa niya pang magbiro!
“Bilisan mo nga diyan! Tara na tulungan na kita sa kwarto mo” sigaw ko.
“Ayiee, excited siya! Ako din!” masayang sabi niya. Jusko
Inalalayan ko siya sa pagakyat ng hagdan. “Ang bigat mo naman, Dash. Magbawas ka nga ng taba mo!” reklamo ko.
“Hindi taba yan. Muscles yan.” pagmamayabang niya, sabagay tama siya.
Hingal na hingal ako ng makapunta kami sa kwarto niya. Agad naman siyang umupo sa kama niya. “Dash, nasaan yung first aid kit?” tanong ko.
“Wala kami non.” anito.
Nanlaki ang aking mata, eh akala ko bang meron?! “Anong wala?!” sigaw ko.
“Chill, wala kaming first aid kit dahil kusang naghihilom yung mga sugat namin, kaya hindi na namin kailangan yon.” nakangiting sabi niya. Niloloko ba ako ng lalaking to?
Umiling nalang ako. I guess wala na akong ibang choice. Pinunit ko ang dulong bahagi ng skirt ko. “A-anong g-ginagawa mo?” kunot noong tanong ni Dash.
“Ibabandage ko lang iyang sugat mo, para naman tumigil na ang pagdugo. Alisin mo ang damit mo”
Tumawa ng malakas si Dash, “My pleasure, baby” inirapan ko lang siya, ano kayang iniisip ng lalaking ito?
“Kailangan mong tanggalin yung damit mo para maayos kong matali to” sabi ko.
“Wala naman akong sinasabi ah?” anito at inalis na ang kaniyang damit.
Napawow este ang sarap! Joke... Anubato?! Bakit kasi ang ganda niya view ko?!
Binaling ko ang aking atensyon sa sugat niya, its worst than I expected. Malalim ito. Kung mortal na tao lang ang magkakaroon nito paniguradong nakahandusay na siya, at hindi pa kayang magjoke at makipagharutan.
Kapag nakita ko talaga yung lalaking bumaril sakaniya sisiguruduhin kong magtatamo siya ng matinding injury!
“Teka lang? Galit ka ba?” natatawang tanong ni Dash.
“Manahimik ka diyan. Patapos na to.” sabi ko.
Para mabandage ang sugat ni Dash, kinailangan kong punitin ang aking palda, ngumiti siya sa akin habang inaayos ko ng maayos ang pagtali sa badage niya. “Tapos na.”
Lumapit siya sa akin at niyakap ako na siyang kinabigla ko. “Dash?”
“B-bitawan mo ako.” malumanay kong sabi.
Imbes na bitawan ako, mas hinigpitan niya pa ang pagkahawak sa akin. “Minsan na kitang binitawan, Coco. And that's the stupidiest thing that I ever done in my life.”
Niyakap ko siya pabalik. “Bakit ka ba umalis?” tanong ko.
Lumayo ng kaonti si Dash sa akin. “Oo nga pala hindi pa tapos yung kinukwento ko sayo kanina.” sabay kaming humiga sa kama niya at hinawakan niya ang aking kamay.
“Bago ko ituloy ang kwento at sabihin ang nakakabaliw mong ideya, may dapat ka munang malaman.”
“At ano yon?” tanong ko.
“Our gifts.”
“First, we have our mother. Sarah Dayholt. Siya yung sumagip sa akin sa masamang Black Psyker. Sabi nila isang sumpa ang kaniyang gift, dahil nakakakita siya ng mga pangyayari sa hinaharap.”
“Natatandaan mo pa ba si Winter?” tanong niya. Tumango naman ako. “Diba kasama natin siya sa Club?”
“Oo, pero ang tunay niyang katauhan ay ... Kapatid ko siya. Isa din siyang Black Psyker. Anak ni Mother Sarah. Kumpara sa akin, gustong gusto niyang nakikipaghalubilo sa mga tao. At dahil din sa atin kung bakit siya lumipat ng Xavier's Academy. Winter has the power of super strenght. Kaya niyang buhatin ang kahit anong mabigat na bagay.” tumango ako.
Ah kaya pala binuhat niya non si River na para bang wala lang sakaniya. Akala ko pa naman sadyang walang timbang lang si River.
“Ang fiancé ni Winter, si River. Isa din siyang Black Psyker at nakatira sa amin. Ang gift niya ay ang makabasa ng mga isip. Pero hindi lang iyon. Genius din siya.”
Omg? So ibig sabihin alam niya lahat ng nasa isip ko nung kasakasama namin siya? Nakakahiya!
“The last one is Cloud. Sa tingin ko ay alam mo na ang kaniyang special gifts hindi ba?”
“Yun ba yung nagbibigay ng matinding sakit sa iba?” naguguluhan kong tanong.
“Tama ka. Kahit sino kaya niyang patayin dahil lang sa matinding sakit na ibinibigay niya sa biktima niya.”
“Gift ba yon? Eh parang sumpa na yon e.”
Tumawa lang siya, “So eto na nga yung crazy idea na naisip mo.”
“Perform the memory-erasing spell to me, Sarah. Alisin mo lahat ng aking mga alaala na nangyari sa akin dito!”
“Lahat kami ay nabigla sa ideyang naisip mo. Pati na din si mother. ”
“Coco! Wala ka ba sa tamang katinuan mo? Huh?! May ideya kaba sa spell na pinroposed mo?!” hindi mo ko matignan sa mata habang kinakausap kita.
“If that spell performed, makakalimutan mo ang lahat! Pati na din ang sa atin!”
“Hindi din naman ako rito nakatira. Ang pinakamagandang paraan para hindi ko masabi ito sa ibang tao ay, alisin ang aking memorya, hindi ba?”
“Coco!”
“Kung iyan ang gusto mo, pagbibigyan kita.”
“Hindi ako makapaniwalang gagawin mo to sa akin, Azul. Hindi ko inaakalang ganyan ka pala kasama para itapon nalang ang ating ala ala sa loob ng isang taon.”
“Umalis na ako noon. Hindi ko kaya, masakit sa parte ko na para bang wala lang ang ating pinagsamahan para sayo. ”
“Sarah, para naman maging fair ang pagsasacrifice ko sa memorya ko sa katauhan mo. Maaari ba akong manghingi ng pabor?”
—
A/n: Ano sa tingin niyo yung favor na hihingin ni Azul kay Mother Sarah? Any guess?
Sana magustuhan niyo ang chapter na to. See you on the next chapter! -Luv, kbluescript💙
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro