Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 21

Dash Pov

Iniwan ko si Azul sa rooftop ng nagiisa. Labag man sa kalooban ko pero kailangan kong gawin ito.

Bumalik ako sa balcony para kausapin siya.

"Anong kailangan mo at pinapunta mo ako dito?" tanong ni Zayn.

"Gusto kong alagaan mo si Azul. Mahalin mo siya ng buong puso at huwag na huwag mo siyang lolokohin at papaiyakin ulit" sabi ko, kunot noo siyang tumingin sa akin.

"Anong ibig mong sabihin? Ginigive up mo na ba si Azul?" tumango ako, this hurts like hell pero kailangan ko siyang igive up para sa ikabubuti ng lahat.

"Puntahan mo siya sa rooftop! Nandoon siya magisa!" sigaw ko bago muling umalis.

Azul Pov

Hinatid ako ni Zayn sa bahay. Hindi ko alam kung paano niya nalaman na nasa rooftop ako. Pero isa lang ang nasa isip ko ngayon. Si Dash

Bakit niya ako iniwan? Bakit niya ako iniwan ng hindi man lang nagpapaalam? Bakit niya ako iniwan ng wala man lang dahilan? Gulong gulo na ako ngayon. Hindi ko na alam kung anong iisipin ko. Nakakainis ka Dash!! Bakit mo ginagawa sa akin ito?

Binuksan ko ang aking cellphone at may notification pala galing sa game. At tulad ng dati pinakita rito ang mga nangyari ngayong araw.

Pero late na ako, kung sanang binuksan ko ang game ng eksaktong 7:30 pm sana nagawan ko pa ng paraan kahit papaano ang paglaho ni Dash.

Day 10 has ended.

Game Over.

Thank You For Playing.

Humiga ako sa aking malambot na kama at tumingala sa kisame, tapos na ang game. Tama ang hinala ko, mawawala si Dash kasabay ng pagtapos ng Game.

Pero... Ano yung tungkol sa Black Psyker? May koneksyon pa din ba iyon sa game?

-next day

Humarap ako sa aking salamin. Kinapa ko ang aking mga mata, bakit basa? Umiyak nanaman ba ako sa aking panaginip?

Omg, noong nandito si Dash hindi na ako umiyak sa aking panaginip, at wala din ang mga weird scene sa aking panaginip. Pero bakit parang bumabalik nanaman ako sa dati?

NARITO ako ngayon sa hallway ng school. Tinatamad akong pumasok pero pinilit ko lang ang aking sarili.

"Oh bakit ang asim ng mukha mo?" tanong ni Sam na nandito pala.

"Wala na si Dash... At hindi na siya babalik." malungkot kong sabi.

Kumunot ang kilay ni Sam, "Sinong Dash?" takang tanong niya sa akin.

"Yung lalaking iniiwasan mo simula ng dumating ka galing ng vacation trip." sabi ko. Anu ba naman yan? Galit ba siya kay Dash para kalimutan niya ito ng ganon nalang? Hays

Namilog ang mga mata ni Sam, "Geez, Azul. Stop scaring me! Sa pagkakaalam ko wala akong iniwasan na lalaki rito sa school. Seryoso sino si Dash?" tanong niya.

Umiling lang ako. "Tigilan mo ang pagpaprank sa akin Sam, wala ako sa mood. Hindi nakakatawa"

Hindi makapaniwalang tumingin sa akin si Sam. "Si Dash yung bagong transfere sa school. Bakit hindi mo siya kilala? Eh seatmate nga kayo sa classroom e!"

Nameywang si Sam, "Azul, wala akong seatmate. Ang alam ko ang katabi ko ay si Zayn pero inilipat siya ni Mrs. Bungay sa tabi mo."

Umawang ang aking bibig, "Anong pinagsasabi mo Sam?" kunot noo kong tanong.

"Yan dapat ang itatanong ko sayo Azul. Alam mo kung anong nasa isip ko ngayon? Feeling ko yung Dash na iyan ay galing sa mga games na nilalaro mo, at ngayon iniisip mo na totoo siya dahil hindi mo na alam kung alin ang totoo at hindi. Walang Dash ang nageexist rito sa Xavier's Academy, kahit itanong mo pa sa mga schoolmate natin " anito bago tuluyang umalis.

Umiling iling ako. No, hindi lang isang character si Dash sa isang game, sigurado ako. Hindi ko lang siya imahimanasyon.

Sinubukan kong puntahan si Lilac, ngunit ganundin ang sinabi niya hindi niya kilala si Dash. Tapos sina Winter at River naman ay nagtransfer na daw sa ibang school.

Pinuntahan ko din si Tita Lany, pero ang tanging sinabi niya lang sa akin ay wala siyang matandaang may inadopt siya na nagngangalang Dash. Ang pinaka nakakainis pa ay wala akong picture kasama si Dash bilang pruweba na nageexist nga siya.

Tumambay muna ako sa park, buong araw kong pinagtatanong si Dash sa aking mga kamagaral na kilala ni Dash. Ngunit isa lang ang sinasabi nila. Hindi nila kilala si Dash.

Anong nangyayari? Napayuko ako sa sobrang frustration na nararamdaman ko.

"Sabi ko na nga ba nandito ka e" nag-angat ako ng tingin.

"Nabalitaan kong hinahanap mo daw si Dash" nanlaki ang aking mga mata.

"W-wait?! Kilala mo si Dash?!" tanong ko. Tama ba ako ng narinig? Binaggit niya ang pangalan ni Dash?

Mukhang natawa si Zayn sa reaksyon ko, "Syempre kilala ko si Dash, nagusap pa nga kami kagabi e saka siya yung nagsabi sa akin na nasa rooftop ka"

"P-pero bakit hindi nila kilala si Dash? Bukod sa ating dalawa"

Tumaas ang isang kilay ni Zayn, "Ano? Serysoso?" hindi makapaniwala niyang tanong.

Nagtulungan ulit kami ni Zayn para ipagtanong kung kilala nila si Dash, pero walang nakakaalam maging si Mica.

Kasabay ng paglaho ni Dash ang paglaho ng alaala niya sa mundong ito. Well, except sa aming dalawa ni Zayn.

Gabi na ng makauwi ako sa bahay, sobrang napagod ako kaya binagsak ko ang aking katawan sa aming malaking sofa. May napansin akong papel na nakahulog
kaya dinampot ko ito.

Isa itong bahagi ng isang newspaper na pinunit. Nacurious ako kaya binasa ko ang article.

Isang estudyanteng babaeng nawawala noong kasagsagan ng kanilang camping--- nahanap na.

Last year pa ang article na ito. Wait teka lang! Umawang ang bibig ko ng makita ko ang aking larawan. A-ako ito ah?! N-nawala ako?!

Nabitawan ko ang hawak kong papel. Parang naging konektado na ang lahat sa akin. Ang aking weird na panaginip, ang kakaibang ugali ni Mama, at ang pagkawala ng memorya ko noong nakaraang taon! At meron din akong nararamdaman na may isang bahagi sa buhay ko na nawawala...

"Kamusta ang school anak?" tanong ni Mama na galing ng kusina.

Pinulot ko ang aricle na nabitawan ko, "Mama ano ito?" tanong ko. Nararamdaman ko na nanunubig na ang aking mga mata.

"W-wala lang iyan anak, asan na iyan at itatapon ko na." hahablutin na sana ni Mama ang papel pero tumayo ako at nilayo ito.

"Mama, may karapatan po akong malaman ang lahat. Tungkol ito sa akin!" hindi ko na naiwasang hindi magtaas ng boses.

Umupo si Mama sa sofa gayundin ako, hinawakan niya ang aking dalawang kamay at hinaplos ito. "Tama ang nabasa mo sa article. Isang taon na ang nakakalilipas noong lumipat tayo sa syudad galing ng probinsya. Isang araw nagkaroon ang school niyo ng camping sa kagubatan ng Cypress, at doon ka nawala at hindi na bumalik. Wala ni isa ang nakakaalam kung saan ka napunta, hinanap ka namin sa buong kagubatan pero hindi ka namin nakita anak. Isang taon kang nawala, pero makalipas ang isang taon. Isang lalaki ang naghatid sayo, si Dash. Nung gumising ka ay hindi mo natatandaan kung anong nangyari sayo, kaya napagdesisyonan ko na lumipat tayo sa syudad para hindi ka na makita at masundan pa ni Dash."

T-teka? Kilala ni Mama si Dash?

"Si Dash ang may kasalanan kung bakit nawala ka nang matagal anak."

Si Dash? At bakit? Naguguluhan na ako. Bakit wala akong matandaan sa loob ng nangyari sa buong isang taon?

"Alam ba ni Sam ang lahat ng ito Mama?" tanong ko, tumango siya. Kaya pala ganun nalang ang pagiwas niya kay Dash. Pero bakit? May ginawa bang masama si Dash?

"Pero bakit niyo po ito tinago sa akin Mama?" tanong ko, nangingilid na ang luha sa aking mga mata.

"Kung nalaman mo ito hindi sana normal ang buhay mo ngayon anak. Gusto ko na lumaki kang hindi tumitingin sa iyong nakaraan." naguguluhan na ako! Hindi ko na alam kung anong nangyayari! Hindi ko na muling hinintay ang sasabihin ni Mama at agad na akong tumakbo, papalayo.

NAKARATING ako sa tabi ng dagat kung saan ko nakita si Dash noong isang araw. Napakakalma ng karagatan at walang kahit anong alon. It looks so peaceful.

Sunod sunod na pumatak ang aking luha. Ang akala ko kapag natapos na ang game magiging normal na ulit ang buhay ko. Pero bakit ganon? Mali ako, mas lalong naging magulo lang ang buhay ko.

*beep beep

1 message received

From: Unknown Number

The secret for the Love Game is... YOU.

A-ako? Anong ibig sabihin nito?

~°~

A/n

Ano naguluhan ba kayo? Nawindang? No comment? Haha!

Detailed explanation soon. So stay tuned!

Love,
Kbluescript 💙

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro