Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2

Loading game..

Please wait..

Your name is Thea Ramos. And this is how you look.

Your boyfriend name is Tristan Garcia. This is how he looks.


A girl from your school approached you and handed you a small box.

Girl: This is for you.

You opened the box and it has a necklace with a circle shaped locket.
Before saying thank you, the girl already leave.

You are looking intently with the necklace when suddenly a boy from your school bumped into you.
He help you to stand.

Maxx: I'm sorry. I'm in a hurry. I think this is yours.

He gave the necklace that you received from the girl.

Maxx: By the way, my name is Maxx.

You look at the necklace and it's slightly open. You saw a small paper inside and open it.

-DATE A BOY -
DON'T LEAVE THIS GAME, IF YOU ALREADY START PLAYING IT

Nabitawan ko ang aking cellphone sa sobrang gulat. Yung game. B-bakit katulad siya ng nangyayari ngayon sa buhay ko?

Yung Locket, Yung pagkasagi sa akin ni Zayn, yung pagkabigay niya sa akin ng nakabukas na Locket. Yung Sulat. Yung eksaktong nakasulat sa papel na nakalagay din sa aking Locket! Ramdam ko ang paghina ng aking katawan.

Yung mga character sa game ay parang si Zayn, ako at yung babaeng nagbigay sa akin ng locket. Parang alam ng game na iyon ang nangyayari sa buhay ko! Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Nababaliw na ata ako!

Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Sam. "Azul anong ginagawa mo diyan? Diba may klase ka sa P.E?" tanong sa akin ni Sam. "Wait bakit ang putla mo? Anong nangyari sa iyo? May sakit ka ba?" nagaalala niyang tanong.

"May sakit nga yata ako, uuwi na ako para magpahinga" sabi ko.

Tumango naman si Sam "Tawagan mo ako kapag nakauwi kana, magingat ka Azul" tinapik niya ako sa aking braso bago ako umalis roon.

Isang oras din ang naging byahe ko pauwi ng bahay, kung wala lang meeting si Mama papasundo nalang ako.

Tinitigan ko ang aking cellphone. Hinding hindi ko na lalaruin ang Love Game na iyon swear! Nakakatakot yung pagkakaparehas ng nangyayari sa game at sa totoo kong buhay.

Ibinalibag ko ang aking sarili sa kama. Siguro kapag nakatulog na ako ay magiging ayos na ang lahat. Baka nagdidirilyo lang ako, at wala talaga akong natanggap na game na nakalagay sa Locket.

Ipinikit ko ang aking mga mata at hindi ko namalayan na nakatulog na ako.

"Sino ka?" tanong ko sa lalaking nakatalikod sa akin. Nasa may kakahuyan ako kasama siya.

"Anong pangalan mo? At bakit lagi kitang napapanaginipan? Sabihin mo naman sa akin! Parang awa mo na!"

DON'T LEAVE THIS GAME, IF YOU ALREADY START PLAYING IT

Iminulat ko ang aking mga mata. Shet! Akala ko naman kapag nakatulog ako ay matatahimik na ako!

Inilibot ko ang aking panangin sa paligid. Madilim na at sobrang lakas pa ng ulan sinamahan po ito ng malalakas na kulog.

Napapikit ako ng marinig ang isang malakas na kulog. Pagmulat ko sa aking mata, mayroon akong nakitang lalaki na nakatalikod sa akin. At may kulay Azure na buhok.

"AHHHHHH!" sigaw ko. OH MY GOODNESS! Seriously? Natatakot na ako. Kinusot ko ang aking nga mata. Baka naman namamalik mata lang ako.

Biglang nanindig ang aking mga balahibo, sumabay pa ang malalakas na pagkulog.

Lumapit sa akin ang lalaking nakatalikod. Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan sa sobrang takot at gulat. "P-paano ka nakapasok sa k-kwarto ko?!" wala sa sarili kong tanong.

"Hey, calm down." Namilog ang aking mga mata sa sinabi niya. Calm down? Paano ako kakalma kung may lalaking nakatayo at nasa loob ng kwarto ko?!

"Nasisiraan ka na ba? Paano ako kakalma? Saan ka galing?!" sigaw ko. "Sagutin mo yung tanong ko kung ayaw mong magsumbong ako sa pulis!"

Tahimik lang ang lalaki. "Hindi ko masasagot yung tanong mo." Tumaas ang aking kaliwang kilay. "At bakit naman?" mataray kong tanong.

"Kase hindi ko din alam ang sagot sa mga tanong mo." Sabi nito habang kamot kamot ang kaniyang ulo, shet bat ang cute niya? No.

"Hindi ko alam kung sino ako at kung saan ako galing, basta ang alam ko lang ay Dash ang pangalan ko. At hindi ko din alam kung paano ako nakarating dito. May isang malakas na kulog pagkatapos ay bigla nalang akong napunta dito. At pagkatapos non bigla ka nalang nagising at pinagsisigawan ako." masungit niyang sabi. WHAT?


Hindi naman siya mukhang nagsisinungaling.. at mukhang pati siya ay lito sa mga nangyayari. NO! What the hell Azul, sa panahon ngayon kapanipaniwala na ang mga sinungaling, atsaka hello? Ano yun? Dinala siya ng kulog sa bahay ko? Ha ha funny. I don't believe him kahit pa ang gwapo niya.

"Totoo ang sinasabi ko." Matigas niyang sabi.

"Hindi ka pwedeng bigla nalang napunta di-" Gosh, hindi kaya? Hindi kaya konektado siya sa Love Game? No, erase! Erase! Imposible. Hindi maari iyon, jusko ang lawak naman ng imagination ko at naisip ko iyon. Tae

"Well, tatawagin ko parin ang mga pulis" kinuha ko ang aking cellphone na nakapatong sa study table ko.

Pagbukas ko sa aking cellphone ay may notification galing sa Love Game.

Nagaalangin kong tinignan ang notification.

Day 1 is about to end soon, play it till the end to know what will happen next.

Hindi ito panaginip at hindi ako nagdidirilyo lang. Totoo to! Totoo ang lahat. Totoo ang game!

Bago ko tawagin ang mga pulis kailangan ko munang malaman kung anong mangyayari at kung konektado ba talaga ang game na ito sa buhay ko, siguro naman may eksplanasyon ang biglang pagsulpot ni Dash.

"Diyan ka lang wag kang aalis!" sigaw ko sa kaniya. Tumango siya bilang pagsangayon. "As if naman may pupuntahan ako." bulong nito.

Tumakbo ako papasok sa aking banyo at sinara ang pinto. Eto nanaman tayo. Inopen ko ang Love Game App.

Welcome back

Game is loading.....

There's a link to download the game on the note too. You type the link in your phone and downloaded the game.

In the game, your avatar will go on dates with a male avatar.

Thea: This is exciting!

After your school you go home to take a nap.

The sound of the thunder woke you up.
And then you notice that there's a guy in your room. And it's Tristan. He is the guy in your game Date-A-Boy

Thea: Where you came from?

Tristan: I don't know. There was a thunderstorm and then I suddenly came here.

Nanlaki ang aking mga mata. H-hindi kaya?

Paano kung si Maxx na nasa game app ay si Zayn? Paano kung yung school mate ni Thea na nagbigay sa kaniya ng locket ay ang schoolmate ko din na nagtitinda ng antique na nagbigay sa akin ng Locket?

At paano kung ang avatar ko sa aking game na si Thea ay ako sa totoong buhay? At kung tama nga ang hinala ko ibig sabihin si Tristan na ginawa ko sa Love Game ay si Dash?!

-

A/N: Sorry sa english carabao. Please bear with me hehe. 🤗

Kindly press the star icon down below. 🌟

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro