Chapter 18
Sigurado akong nandito si Dash. Sinagip niya ako sa humharurot na truck diba?
Kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan si Dash. Ngunit unattended ito, kaya nagiwan nalang ko ng mensahe sa kaniya na tawagan ako kapag nakita niya ang missed call ko.
PINAGMAMASDAN ko ang aking kisame, anong oras na at hindi pa din ako makatulog. Hanggang ngayon ay hinihintay ko pa din ang tawag galing kay Dash.
Ni hindi man lang niya ako tinawagan o kahit tinext man lang. Pinikit ko ang aking mga mata, hays magkikita din naman kami bukas sa school.
—Day 8
Tinatamad akong bumangon sa aking higaan, Lunes nanaman. Mabilis akong nagayos para pumunta ng school. Kailangan kong makausap si Dash, kailangan kong makumpirma kung siya ba ang tumawag sa akin kagabi.
Nadatnan ko si Zayn sa loob ng aming classroom. Titig na titig ako sa cellphone ko ng lumapit naman siya sa akin.
“Azul, gusto ko sanang humingi ng tawad sayo. Hindi ko dapat sinabi yung mga masasakit na salita sayo. Promise babaw—” bago pa siya magsalita ay pinutol ko na ang sasabihin niya. “Zayn, nakita mo ba si Dash?” tanong ko.
Kumunot ang kaniyang noo, “Last ko siyang nakita kahapon at binigyan niya ako ng pasa sa mukha” tama nga siya, nakita ko ang pasa sa bandang kaliwang pisngi niya. At bakit naman gagawin ni Dash yon?
“Hm, I mean hindi ko siya nakita” argg, bakit hindi pumasok si Dash? May nangyari ba?
“Pakisabi nalang sa susunod na teacher natin na hindi ako makakapasok sa klase natin, masakit ang pakiramdam ko.” pagsisinungaling ko. Pagkasabi ko non ay iniwan ko na si Zayn. Narinig ko pang tinawagan niya ako pero hindi ko na siya nilingon. I need to find Dash.
Dumeretso ako sa Mansion ni Tita Lany, baka andito siya diba? Patakbo kong sinalubong si Tita. “Tita asan si Dash?!” hingal kong tanong.
Nagkibit balikat lang si Tita, “Hindi pa siya umuwi, simula kahapon. Hindi niya pa din ako tinatawagan”
Whaaat? “Bakit hindi mo siya nireport sa Police Tita? Baka nawala na yun!”
“Chill, Azul. Matanda na si Dash at alam na niya ang ginagawa niya. Normal lang na hindi sa bahay nang isang teenager na gaya mo.” sabi niya, napairap nalang ako. Hay nako, nasaan na ang lalaking iyon?!
Buong araw kong hinanap si Dash. Pumunta ako sa mga lugar na posible niyang puntahan.
Pumunta ako sa Park, ngunit wala siya. Bumalik ako sa school, pero wala din siya doon. Pumunta din ako ng Hospital, sa Airport at pati na rin sa Sementeryo. Wag niyokong tanungin kung bakit hinanap ko siya sa sementeryo. Hindi ko din alam.
“Dash nasaan ka na ba?” mahina kong tanong. Biglang nagvibrate ang cellphone ko, a notification from Love Game. Baka ipakita sa game kung nasaan so Dash!
Nakarating na ako sa destinasyon kung nasaan si Dash. He's standing and looking at the Sea. Buong araw nandito lang siya? Pero bakit?
Lumapit ako sa kaniya at ginawa ko din ang ginawa niya. Pinagmasdan ko ang maalong karagatan. Malapit ng lumubog ang araw kaya napakaganda ng tanawin.
“Kanina pa kita hinahanap” mahina kong sabi na sapat na upang marinig niya ako. Pero hindi niya ako pinansin at patuloy lang siya sa pagtitig sa karagatan. Wtf!
“Dashiell Dayholt! Kagabi pa kita hinahanap! Tinatawagan kita pero hindi ka sumasagot! Tapos hindi ka man lang umuwi kina Tita Lany?! Nagaalala ako!” sigaw ko hindi ko napigilan ang aking sarili, kaya pinagpapalo ko ang kaniyang braso.
“Nakakaini—” nabigla ako ng bigla niya akong hilain palapit sa kaniya. Hinuli niya ang aking dalawang kamay at mabilis niya akong nahalikan. Nanlaki ang aking mgaa mata. Wth?
Siya ang unang bumitaw sa halik, “Nakakainis ka alam mo ba iyon?” sabi ko habang nakatingin sa buhangin. Nakakainis siya! Muli ko siyang hinarap. “Bakit mo ako hinalikan para lang patigilin akong magsalita? Hindi mo ba alam na dapat hinahalikan lang ang babae kapag gust—” hindi na natapos ang aking sinasabi nang bigla niya ulit akong hinalikan.
I hate him right now! Pero bakit hindi ko siya maitulak? Kung bakal ako, magnet naman si Dash. Iba ang feeling ko kay Dash, ibang iba sa pagkagusto ko kay Zayn.
Tumingin sa mga mata ko si Dash, “At sinong nagsabi sayo na pinapatahimik kita kaya kita hinalikan?” masungit niyang tanong. Anong ibig niyang sabihin?
“Ang manhid mo. I like you, Azul. I really really do” and with that he kissed me again. “Let's watch the sunset together” bulong niya.
Naupo kaming dalawa sa buhangin, isinandal ko ang ulo sa kaniyang braso. Tahimik lang kami habang pinapanuod ang papalubog na araw.
Sabi ni Dash, gusto niyang magiwan ng memory dito bago kami bumalik sa kaniya kaniya naming buhay. So, we end up making sand castles. He's so adoble.
Kumuha ako ng ilang buhangin at tatawa tawa kong binato ito kay Dash. Tinignan niya akong masama pagkatapos ay ngumiti siya hindi ko napansin na nakakuha na din pala siya ng buhangin at naibato na niya iyon sa akin. Tumayo ako at tumakbo palayo sakaniya. “Huliin mo ako kung kaya mo!” sigaw ko habang tumatawa.
Para kaming batang naghahabulan at nagtatawanan sa tabi ng dagat. “Huli ka!” ani Dash nang mahuli niya ako. Niyakap niya ako at sinimulang kilitiin.
“Dash! Oh God! Stop! Stop!”
HINATID ako ni Dash sa bahay. I am happy. I really am!
Nadatnan ko si Mama na may kausap sa kabilang linya.
Mama: [Sigurado ka? Sigurado ka bang nagkakamabutihan na ang Dayholt na yon at ang aking unica hija?]
Unknown: [Yes, at baka mahulog siyang muli rito] huminga ng malalim si Mama
Mama: [Bakit pa kasi bumalik yang lalaking iyan?! At bakit bumalik siyang muli sa buhay ng anak ko?!] galit na tanong niya.
A-anong ibig sabihin ni Mama? Ako ba at si Dash ang tinutukoy niya?
Mama: [Gawin mo ang lahat upang, lumayo siya sa anak ko! Hindi dapat siya mapalapit sa mapanganib na lalaking iyon] after that she ended the call.
“Mapanganib?” tanong ko. Gulat na humarap sa akin si Mama.
“Kanina kapa ba diyan, Azul?” tanong niya. Mabilis akong umiling.
“Hindi po Mama kakadating ko lang po.” pagsisinungaling ko. Tinignan ako ni Mama na para bang hindi siya naniniwala.
Nakatanggap ako ng tawag mula kay Zayn at gusto niyang makipagkita sa akin sa Park. Hindi ko alam kung pupunta ba ako o hindi.
Napagdesisyon kong pumunta nalang, nadatnan ko siyang nakaupo sa swing at mukhang malalim ang iniisip. Nung nakita niya ako ay agad siyang tumayo, “Azul, salamat at pumunta ka.” nakangiti niyang sabi.
“Anong kailangan mo?” malamig kong tanong.
“Forgiveness. I want your forgiveness. Bakit hindi mo sa akin sinabi na ikaw ang may bigay ng gift sa birthday ko?” tanong niya, I can't look at his face.
Nakatingin lang ako sa mga damo “Kase yung Azul na iyon ay sobrang nainlove sayo”
“Nainlove? Tumigil ka na ba sa pagmamahal sa akin Azul?” tanong niya at hinawakan ang aking dalawang kamay. Agad ko namang inalis ang kaniyang pagkahawak.
“Hindi ko alam, naguguluhan ako. Pero isa lang ang sigurado ako, nasaktan mo ako. You broke my heart into pieces. Congrats, Zayn” mapakla kong sabi habang nakatingin sakaniya.
“Azul, please patawarin mo ako. Bigyan mo ko ng isang pagkakataon.” umiling ako.
“Hayaan mo muna ako, bigyan mo ako ng oras. Sobra akong nasaktan sa sinabi mo.”
NASAAN na si Dash? Anong oras na at dapat nasa bahay na siya ngayon, ani Winter sa isip niya.
Ilang sandali pa ay nasa harap na niya si Dash, “Andiyan ka na, late na ah!” naiinis na sabi ni Winter.
“Gusto kang makausap ni Mother” anito at tinapik si Dash sa kaniyang balikat. Lumukot ang ekspresyon ni Dash bago umalis.
“Dalawang araw nalang ang natitira, at matatapos na ang game.” sabi ni River na kadadating lang.
Yumuko si Winter, “Alam ko, sana katapos nito maging ayos na ang lahat. Sana maging ayos silang dalawa”
Lumapit si Dash sa isang babaeng may kulay Azure din na buhok. Matanda na ito pero hindi halata sa kaniyang itsura dahil sa angking ganda nito. “Mother”
Tinignan ng babae si Dash “Dash, may nais akong itanong sa iyo.” seryoso nitong tanong, “2 days later, pinapangako mo ba na babalik ka na sa buhay mo dati?”
“Yes, mother” sabi niya. Itinago niya ang kalungkutan sa kaniyang mga mata.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro