Chapter 16
Pumunta si Dash sa bahay nina Mica. He's furious nang malaman niyang siya ang dahilan ng sunog sa party ni Zayn. Paano niya nakayanang gawin iyon kay Azul?
Ramdam ni Mica ang talim na titig ni Dash. Kaya mahigpit siyang napahawak sa pinto. "H-hindi ba't ikaw ikaw yung transfere? Anong g-ginagawa mo dito?" hindi niya maiwasang mautal dahil sa totoo lang ay natakot siyang bigla sa presenya ni Dash.
"I'm here to warn you." malamig nitong sabi. Nanlaki ang mga mata ni ni Mica "At bakit mo naman ako babalaan?" tumaas ang kilay niya. Wth, ano bang ginawa niya sa lalaking ito?
"Muntik mo nang mapatay si Azul! At kaya kitang ipakulong dahil sa ebidensyang meron ako." lumapit si Dash kay Mica, at napaurong naman ang dalaga. She's nervous! For godsake. Paano niya nalaman ang tungkol sa Sunog? Nandoon ba si Dash sa pangyayari?
"Huwag mo akong subukan, Mica. Lay another finger to Azul again, and I'll make you pay thrice. That's a promise" pagkasabi ni Dash non ay tumalikod na siya upang umalis. Samantalang napatili si Mica sa sobrang frustation.
"At sino siya sa inaakala niya?! Hindi ko matandaan na mayroon palang ganoong boyfriend ang gamer na iyon!"
Nagkita si Dash at Azul sa isang Ice Cream Parlor. She needs stress reliever.
Azul Pov
Nakita ko sa game na pinuntahan ni Dash si Mica sa kaniyang bahay kaya dali dali kong tinawagan si Dash upang malaman kung anong pinagusapan nila. Nakakainis ang game dahil tanging ang pagpunta lang ni Dash ang pinakita roon.
Ilang sandali pa ay nakarating na si Dash. "Anong ginawa mo sa bahay ni Mica?" tanong ko agad nung nakaupo na siya.
"Alam ko lahat. Sinubukan ka niyang saktan! At hindi ko basta bastang mapapalampas yon" naiinis na sabi niya. At paano naman niya nalaman ang tungkol doon? Wala akong matandaan na sinabi ko sakaniya na si Mica ang dahilan ng pagkatrap ko sa nasusunog na game room.
"Teka lang, bakit parang ayos lang sa iyo ang nangyari?" litong tanong niya. "Hindi ka ba natatakot na baka gawin niya ulit iyon?"
Yumuko ako, "Syempre natatakot ako, pero hindi ko hahayaan ang sarili ko na matakot sa ganoong bagay kung meron pang mas nakakatakot nangyayari sa akin ngayon"
Biglang lumambot ang ekspresyon ni Dash, hinawakan niya ang aking kamay na nakapatong sa mesa, at pinisil iyon. "Ano yon? Bukod kay Mica, saan ka pa natatakot?" tanong nito.
Kapag hindi ko pa sinabi sa kaniya ang tungkol sa game paniguradong mababaliw na ako. Hindi ito cool na nagpapakita ng nga dapat mangyayari sa buhay ko. Huminga ako ng malalim bago magsalita, maiintindihan naman siguro ni Dash ito.
"Dash, mayroon pa akong isang bagay na sasabihin sayo." tumingin ako sakaniyang mga mata. "Isang linggo na ang nakakaraan nang makatanggap ako ng isang locket kay Lilac, pero maging siya hindi niya alam kung saan galing ang bagay na ito. Basta ang alam niya lang ay dapat maibigay niya sa akin iyon. At sa loob ng locket na iyon ay mayroong isang sulat." nakikinig lang sa akin si Dash at tinuloy ko lang ang aking pagkukwento sa buong pangyayari. Pero hindi ko sinabi sakaniya ang tungkol sa biglang pagsulpot niya. Dahil maging ako ay lito parin, kung galing ba talaga siya game o hindi.
"Ngayong araw ay ang pangpitong araw na nang game. Una, pinakita rito ang pagpunta mo sa bahay ni Mica, tapos biglang nagbago ang eksena. At..." biglang lumukot ang mukha ko "Sasaktan ako ni Zayn, not physically but emotionally, he's going to break my heart"
KASALUKUYANG nakatambay si Zayn sa kanilang pool kasama ang mga barkada niya.
"Zayn, ako lang ba? O sadyang napapalapit ka na kay Azul 'The Gamer'?" tanong ni Jay, habang umahaon sa pool.
"Oo nga brad, napansin ko din." sabi ni Sean. "Kayo na ba o ano?" litong tanong ni Sean.
Natawa naman ng bahagya si Zayn sa sinabi ng mga kaibigan niya. "Hindi ganoon yun, magkaibigan lang kami. Si Sam ang gusto ko, yung kaibigan niya na Leader ng Cheering Squad, at hindi siya." plain na sabi niya.
"Ang sakit naman non, mukhang gustong gusto ka nga ni Gamer eh" ani Sean.
"Sa totoo lang brad? Pagtatawanan talaga kita kapag sinabi mong nahuhulog kana kay Azul 'The Gamer'" Jay chuckled.
"Pano mo nasabi iyon? She is quite cute... At hindi siya ganoon ka panget gaya ng iniisip mo" inis na sabi ni Zayn.
"Akala ko bang wala kang feelings sakanya? Bakit ngayon pinagtatanggol mo siya?" natatawang sabi ni Sean.
"Oo nga brad, englighten me. Please." sabi ni Jay.
"Mukhang may gusto ka kay Azul 'The Gamer' at ayaw mo lang aminin sa amin." ani Sean, tumango tango naman si Jay bilang pagsangayon. "Tama, ngayon kung wala ka talagang gusto sa kaniya then patunayan mo." may halong panunuksong sabi ni Jay.
"Paano?" litong tanong ni Zayn sa dalawa.
"Ganito, do the 'Break Her Heart' dare game. Sean ano sa tingin mo?" tanong ni Jay.
Tumawa naman si Sean at nakipag apir kay Jay. "Ang talino mo brad! Pero mas matalino ako sayo. Let's do a bet. Kapag nagawa mo ang dare ng hindi mo man lang nafifeel na gulity ka at napakita mo sa amin na wala kang pakialam kay Azul ibig sabihin hindi mo talaga siya gusto at namimisinterpret lang namin ang pagiging magkaibigan niyo then, nanalo ka sa bet. Pero kung ginawa mo ang kabaligtaran, ibig sabihin non ay panalo kami. At syempre may price sa bet na ito brad... And the price for this bet is Sam. We will do everything to make to make her yours. Tutulong kami para makuha mo ang babaeng nagugustuhan mo."
Azul pov
"Alam mong magyayari ito pero wala kaman lang gagawin?" tanong ni Dash.
Katapos naming kumain sa Ice Cream Parlor ay napagpasyahan ko ng umuwi, at hinatid naman niya ako sa bahay.
"Hindi ko alam kung tanga ka o nagbubulagbulagan ka lang sa ngalan ng pagibig- sinabi mo na sasaktan ka ni Zayn pero wala ka man lang gagawin at hahayaan mo lang siya? Azul, come on. You're really out of your mind!" galit na sabi ni Dash.
"Dash makinig k-" tumalikod sa akin si Dash at mukhang aalis na "Hindi ko hahayaang makita kitang nasa
asaktan ng dahil sa Zayn na iyan! Kung wala kang gagawin pwes, ko meron."
"Hindi pwede!" sigaw ko na siyang ikinaharap muli ni Dash sa akin.
"At bakit?" inis niyang tanong.
"Syempre kapag kinonfront mo si Zayn tungkol dito magtataka siya, at paniguradong magtatanong siya kung bakit nalaman mo. Ayaw ko namang sabihin mo ang tungkol sa game. Lalong magiging complicated lang ang lahat." nakayukong sabi ko.
"At kahit pigilan mo pa siya, hindi mo na mababago iyon. Dahil isang bagay na natutunan ko sa game na ito, ay hinding hindi mo mapapalitan ang nakatadhanang mangyayari"
"Then, susubukan kong palitan ang fu- I cut him off "Sinubukan ko na iyan Dash, for how many times. Pero walang nangyayari, pagod na akong subukang baguhin ang hinaharap. Ang tanging alam ko nalang ngayon ay harapin ang nakatakdang mangyayari." lumapit sa akin si Dash at niyakap ako. "Pagod na akong sumubok lalo na't alam ko na hindi ko rin mababago ang nakatakdang mangayayari. Ang alam ko nalang ngayon ay kailangan kong harapin ito. Alam ko darating ang panahon na ang pagsubok na ito ang magpapalakas sa atin bilang isang tao." inalis ko ang pagkayakap ko kay Dash.
"Kung sasaktan man ako ni Zayn, then let it be. Baka ito na din ang paraan para mawala ang pagkagusto ko sakaniya... Lalo na't ang gusto niya talaga ay ang aking kaibigan. Kung hindi ko man mapipigilan ang hinaharap, I will face it. Lalaban ako para sa sarili ko."
Tumango tango si Dash, "Kapag nahulog ka, nandito kang ako at sasaluhin kita. I promise"
*Ring ring
Zayn: [Azul, magkita tayo. Ngayon]
-
This chapter is dedicated to KissMyForehead enjoy reading! 💋
A/n: So ayun nga po no, hindi ko nasave itong si Chapter 16 na dapat naipublished ko na kanina pa. At potahh wala siya sa revision history so kailangan kong ulitin magumpisa sa una hays.
Malapit nang lumabas ang mga twists sa storyang ito sa abang abang lang.
Magcomment naman kayo guys, para malaman kong magnagbabasa pa dito. Haha
Nagmamahal, kbluescript 🖤
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro