Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14

"Salamat at sinamahan mo akong maghanap ng panggatong para sa bonfire mamaya." sabi ko kay Dash. Ramdam ko pa din ang awkwardness sa pagitan naming dalawa. Hello! We just kissed a while ago. At sariwa pa iyon sa brain cells ko!

"Wala iyon, hindi ko naman hahayaang kumuha ka ng panggatong magisa at baka mawala ka pa sa kakahuyan." pagkasabi niya noon ay namuo ang katahimikan sa aming dalawa.

Kasama ko si Dash, at dala ko ang aking gps pati na rin ang aking compass. Hindi na siguro ako mawawala sa kakahuyan sa lagay na ito diba?

Sa gitna ng paglalakad namin sa kakahuyan tumambad sa amin ang isang napakagandang batis.

Hindi namin maiwasang mamangha ni Dash sa ganda ng tanawin. "Ang ganda naman dito" hindi ko maiwasang sabi.

"Parang ikaw, maganda" lumingon ako kay Dash, na nakatingin din sa akin. "S-sorry hindi ko dapat sinabi iyon." nahihiya niyang sabi. Inalis ko ang tingin ko sakaniya.

"Ayos lang, hm sige punta muna ako doon banda para maghanap pa ng panggatong" pagpapaalam ko sakaniya. Tumango naman siya "Nandito lang ako, tawagin mo lang ako kapag kailangan mo ang tulong ko."

Pagkasabi niya non ay humakbang na ako palayo sa kaniya. Sobrang awkward! B-bakit sinabi ni Dash iyon? Pero totoo bang nagandahan sa akin si Dash?

Hays, ipinilig ko ang aking ulo. Ano ba itong pinagiisip ko. Pinagpatuloy ko ang pangunguha ng mga tuyong kahoy. At nang nakontento na ako sa dami nito ay tumayo na ako para bitbitin ang mga ito.

Biglang may kung anong kulay asul at berde na kumukutitap ang pumaligid sa akin. "Saan galing ang mga ito?" tanong ko sa sarili ko.


Sinubukan kong abutin ang mga kumukutitap na bagay pero biglang naglaho ang mga ito na siyang ikinalukot ng mukha ko.

Ilang sandali pa ay lumitaw nanaman ang mga ito sa kabilang lugar. Hindi ko maiwasan ang sarili ko na hindi sundan ang mga ito dahil parang may kung ano ang mga ito na naghihila sa akin para sundan sila.

Kusang gumalaw ang aking mga paa para sundan ang mga ito.

"Coco, malapit nang magdilim kailangan na nating bumalik." malumanay na sabi ni Dash. Ilang segundo pa siyang naghintay ng tugon galing kay Azul, ngunit tahimik lang ang paligid at tanging mga huni ng ibon at kuliglig lang ang kaniyang narinig.

Binitawan ni Dash ang kaniyang hawak na panggatong at nagumpisa na siyang kabahan. "Coco?" tawag niya muli rito pero wala ulit itong tugon kaya napagpasyahan niyang puntahan ito kung saan niya ito huling nakita kanina.

"Coco nasaan ka? Hindi ako nakikipagbiruan!" inis niyang sabi.

"TEKA lang? Nasaan na yung mga kumukutitap na bagay?" pinakiramdaman ni Azul ang sarili niya.

"N-nasaan na ako? Dash?! Nandiyan ka ba?!" sigaw nito.

Kinapa niya ang kaniyang bulsa. Walang cellphone. Walang gps at walang compass. She's lost. She's really lost right now.

Nagtatakbo siya sa loob ng kagubatan, napansin niya din na malapit ng magdilim. Halos mapaos na siya sa kakasigaw sa pangalan ni Dash.

"NAWAWALA si Azul!" sigaw ni Dash ng makarating siya kina Lilac.

Namilog ang mata ng tatlo. "Anong nangyari hindi ba't magkasama kayo?" nagaalalang tanong ni Lilac.

"I lost her" malungkot na tugon ni Dash.

"Okay, let's find her" ani Winter.

"Maghiwahiwalay tayo para mabilis natin siyang mahanap. Magkita nalang tayo ulit dito mamaya." dagdag ni River. Sumangayon ang tatlo at nagsimula na silang naghanap.

Azul Pov

Kanina pa ako nagtatatakbo sa lugar na ito at parang hindi man lang ako nakakaalis at parang umiikot lang ako rito.

Ang lugar na ito ay parang isang loop na kahit saang direksyon ako pumunta, dito at dito pa rin ang bagsak ko.

I-ibig sabihin ba nito na maiistock na ako sa gubat na ito panghabang buhay?! Nakuu, wag naman sana!

Inikot ko ang aking paningin sa buong paligid. Parang familiar ang lugar na ito. Parang nakapunta na ako sa lugar na ito noon, pero hindi ako sigurado.

"Azul where are you?" bulong ni Dash. He felt useless and hopeless at the same time. Madilim na ang paligid pero hindi niya pa rin nahahanap si Azul.

Kasalanan niya talaga ito, sana ay hindi nalang niya inalis ang paningin sa dalaga. Azul suddenly disappeared without a trace.

"TEKA lang. Ano yun?" may kung anong kulay asul na liwanag ang biglang lumitaw sa di kalayuan ni Azul.

Susundan ko ba iyon? Napagdesisyonan kong sundan nalang ito kesa naman sa tumunganga nalang.

Nang makalapit ako ay tumumbad sa akin ang napakaraming alitaptap na may kulay asul na ilaw.

Wala na ako sa gitna ng kagubatan, buti nalang pala at sinundan ko ang ilaw. "Azul, ikaw ba yan?" tanong ng pamilyar na boses sa akin.

"Dash?!" hindi ko maiwasang hindi siya yakapin. Naramdaman ko din na niyakap niya ako ng mahigpit. "Dash, hindi ako makahinga" natatawa kong sabi. Agad naman niya akong pinakawalan.

"Sobrang madilim na ang langit, at hindi ko macontact ang iba. Alam mo naman sa gubat, mapanganib na sa ganitong oras" anito. Umupo kami sa isang malaking ugat ng puno. May silong ito at mukhang pwede itong tulugan.

"Hm, magsstay ba tayo dito?" nagaalanganan kong tanong kay Dash. Tumango lang siya sa akin. "Oo no choice tayo at kailangan muna nating magpalipas ng gabi rito. Matulog kana"

Pagkasabi niya non ay sumandal na siya sa malaking ugat, sumunod ako sakaniya at ginawa rin ang ginawa niya.

Oh my gosh! Makakasama ko si Dash rito buong gabi! "Anong iniisip mo?" kunot noong tanong ni Dash sa akin. Mabilis akong umiling. At pinikit ko na ang aking mga mata para maiwasan ang mga tanong niya.

Ipinikit ko ang aking mga mata, his lips touches mine, ang lambot ng kaniyang mga labi. And I can't help it to savour this moment between us. We're kissing like there's no tomorrow. I can feel his love towards me.

He smile between our kiss and say "Hanggang kailan mo ako hihintayin, Coco?" tanong nito sa akin.

I kissed him again, its just a peck "I'll wait forever."

"Pinapangako ko sayo, babalik ako pagkatapos kong maayos ang lahat ng ito." tumango ko. Maghihintay ako Dash, at muli naglapat ang aming mga labi.

-

This chapter is dedicated to Misshemera_03 enjoy reading ❤

A/n: Eto napo po yung update, sorry sa paghihintay niyo.

Comment and Vote! ❣

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro