Chapter 11
Kailangan kong makagawa ng paraan para makalabas ako dito! Malapit na akong masuffocate sa usok.
Bakit hindi pinakita sa game ito? Bakit?! Hawak hawak ko pa din ang ilong ko, at nahihirapan na akong huminga.
Inilibot ko ang aking paningin sa paligid at nakita ko ang isang malaking bintana na gawa sa salamin. Ang game room na ito ay nasa ikalawang palapag ng mansyon. Hindi naman siguro ako mamamatay kapag tumalon ako sa baba, hindi ba?
Mabilis akong tumakbo papunta sa bintana. "Azul! Azul andiyan ka ba?!" rinig kong tanong ni Zayn.
"Nandito ako! Please b-buksan mo ang pinto!" kahit nanghihina ako ay pinilit kong makasigaw. Kailangan kong maka alis dito!
"Hindi ko mabuksan ang pinto!" inis na sabi ni Zayn. "Lumayo ka sa pinto at sisirain ko ito!" pagkatapos non ay nakarinig ako ng kalabog mula sa pinto, makailang beses yon pero sadyang matibay ang pagkagawa ng pinto at hindi ito nasira.
Sobra na akong nanghihina ilang sandali lang ay paniguradong babagsak na ako. Hindi ko na mahihintay si Zayn na masira niya ang pinto!
"Tatawag ako ng kasama Azul! Diyan ka lang!" sigaw ni Zayn. No, kailangan kong gawin ito. At iyon lang ang paraan upang makalabas ako sa game room!
Inipon ko ang aking natitirang lakas at hindi na ako nagdalawang na isip itapon ang aking sarili sa malaking binata na salamin.
*glass shatters
Ramdam ko ang malamig ng hangin na tumatama sa aking pisngi, pinikit ko ang aking mga mata. Nafifeel ko ang katawan ko na nahuhulog mula sa taas. Biglang naging blanko ang lahat ng aking nakikita, naririnig at nararamdaman.
-Day 5
Kasalukuyang nasa kwarto ni Azul si Dash at binabantayan niya ito. Nakaramdam siya ng guilty sa nangyari sa dalaga. Hindi niya dapat iniwan ito, at sana ay binantayan nalang niya si Azul.
"A-ang s-sakit ng ulo ko. Nasaan ako?" daing ni Azul. Dahan dahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata.
Sinubukan niyang tumayo sa pagkakahiga ngunit mabilis siyang pinigilan ni Dash. "You need to rest Coco, mahina ka pa" kumunot ang noo ni Azul. Anong Coco?
Ipinagsawalang bahala na lang niya ang pagtawag na Coco sakaniya ni Dash. "Nasa langit na ba ako?" seryosong tanong niya sa binata.
Natawa ng bahagya si Dash."Mukha bang langit to sayo?" tanong nito na siyang ikinailing niya.
"P-paano ako n-nakaligtas? Ang natatandaan ko ay nahuhulog ako sa-" Dash cut her off "Maswerte ka, Coco. Dahil hindi ka man lang nakatamo ng kahit anong injury sa katawan, mga galos lang" nanlaki ang mga mata niya. Talaga ba? Pinakiramdaman niya ang sarili niya. Tama si Dash at wala nga siyang injury o mga bali sa buto.
Ang alam niya ay mataas ang pangalawang palapag. Bakit kaunting galos lang ang meron siya? Hindi naman sa gusto niyang magkaroon ng injury, pero nagtataka lang siya.
*knock knock
Pumasok ang ina ni Azul sa kwarto. "Anak, may isa ka pang bisita sa baba." sinong bisita naman kaya iyon? Tanong niya sa sarili niya.
"Papapasukin ko ba siya o magpapahinga ka na?" tanong ng ginang. "Sige Ma, papasukin mo na siya." sabi niya.
Tinitigan ng ginang si Dash, parang may something sa tingin na iyon na hindi niya masabi kung ano. Hay ewan, baka guni guni niya lang yon. Tuluyan ng lumabas ang mama ni Azul sa kniyang kwarto.
"Azul! Buti naman at gising ka na! Nagalala ako sa iyo!" ani Zayn. Bakas sa mukha niya ang pagaalala.
Inirapan ni Dash si Zayn at masama niya itong tinitigan. "Nagsalita ang lalaking dahilan ng lahat ng to" mahinang bulong niya pero sapat na para marinig siya ni Zayn.
Nagtagisan sila ng masamang titig at namumuo na ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. "Aksidente iyon atsaka hindi ko naman kasalanan kung bakit mayroong sunog roon. Wag mo akong pagbintangan." matigas na sabi ni Zayn. Uh oh.
Itinaas ni Dash ang kaniyang kaliwang kilay, "Hindi kita pinagbibintangan, sinasabi ko lang na-" Azul cut Dash off. "Ano ba naman kayo! Tumigil na kayo! Hindi ito ang tamang panahon para magaway kayo!" pagbabawal ni Azul sa dalawa. Natahimik naman si Zayn at Dash.
"Hm, kamusta na ang pakiramdam mo Azul? Halos isang araw kang nawalan ng malay." nagisang linya ang kilay ni Azul. What? Isang araw na siyang walang malay?!
Tumango tango si Dash, "Totoo iyon, ang sabi ng Doctor nawalan ka daw ng malay dahil sa sobrang pag inhaled mo ng usok"
Azul Pov
DUMATING ang gabi at nagkalakas din akong tumayo sa aking kama.
Naramdaman kong nagvibrate ang aking cellphone kaya agad kong kinuha ito at binuksan.
Day 5 is about to end soon.
Play till the end to know what will happen.
Naiisip ko kung ano kaya ang mangyayari ngayon?
Start day 5?
Game loading
Please wait
Tristan: Thank God you're finally awake. You're stupid! How could you throw your life just for Maxx?
Thea: He was trapped in the fire! I can't just watch him die!
Wait. Parang may mali. May konting pagkakaiba ang game sa pangyayari sa buhay ko.
Sa game, nawalan si Thea ng malay dahil sinagip niya si Maxx. Pero sa reality, nawalan ako ng malay dahil sinagip ko ang sarili ko sa pagkatrapped ng sunog.
Dahil agad kong kinausap si Zayn tungkol sa sirang electric wire, ang buong mansion ay nasagip sa sunog. Except nalang sa misteryosong sunog sa game room.
Hinarap kong muli ang aking cellphone. Baka may kasagutan ang game sa nangyari.
Huh? Pupunta ngayon si Lilac dito? Ano kay- *ring ring
Unknown number calling...
Sinagot ko agad ang tawag. Lilac: [Azul, si Lilac to. Kung gusto mong malaman ang totoong nangyari kahapon, magkita tayo sa park. Malapit sa bahay niyo ngayon na.]
Napairap ako. Azul: [Puwede bang sabihin mo nalang sa call?] tanong ko sa kaniya.
Lilac: [Hindi pwede, kailangan makita mo ito.] huh? Yung alin? Pagkasabi niya non ay agad niyang pinatay ang tawag.
Itinapon kong muli ang sarili ko sa aking kama. Nakakatamad!
Kapag nilaro ko ang game, malalaman ko din naman ang papakita at sasabihin ni Lilac.
Thea: I won't believe you. This can't be real!
You have reach the Day 5.
You can only play Day 6 at 4 p.m
Thank you for playing!
Ano iyon? Hindi man lang sinabi sa game kung ano ang ipapakita ni Lilac sa akin! Napakamot ako sa aking buhok. Wala akong choice kung hindi ang makipagkita ngayon kay Lilac.
-
A/n:
Ano kaya ang papakita ni Lilac kay Azul? Ano sa tingin niyo? Guess.
Leave a comment and don't forget to press the star icon down below 🤗
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro