Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4 [edited]


Chapter 4

Not again


Hindi ko na namalayan na hawak na niya ang mga gamit ko ngayon at pa abot na niyang ibibigay pero nakatulala pa din ako.


"Claire!" Bumalik ako sa pagka tino nang may tumawag ng pangalan ko. "Ayos ka lang ba? Baka may mangyari ulit sayo. Anong ginagawa mo dito?" Sunod sunod na sabi ni Charles.


"Ayos lang ako" Sabi ko kay Charles "Glad na you are okay na" Nakalabas na siya ng hospital kaninang umaga lang.


"Una na ako, kailangan ko na umuwi, bye" Paalam ko sa kanya at tinanguan ko nalang siya.


"Uhmm Claire, thank you nga pa-" Hindi ko na pinatapos yung sasabihin ni Charles dahil naunahan ko na siya.


"No need. Sa tutuusin kulang pa yan. I am really sorry" I sincerely apologized


"Can we have a date tomorrow?" He asked. 


Seriously?! He's asking me for a date?! I thought he don't like me?


"A date?" I raised my one eyebrow as I ask him


"Just a f-friendly date" Nauutal niya pang sabi


Tanging tango nalamang ang nasagot ko sapagkat hindi ko mabuka ang aking bibig. Sino ba namang makakatanggi sa kanya?


"Hi Charles!!" Masayang bati ni Shiana sa kanya.


Nagulat naman ako dahil ang sabi niya maaga siyang uuwi dahil may emergency siya?? Hindi na nagtagal ang pag-uusap namin at saka nagpaalam sa kanya.


"Bye Charles! Ingat ka!" Kinikilig na paalam sa kanya ni Shia "Ang gwapo gwapo talaga ni Charles! Alam mo ba ganyan yung dream boy ko!" Kinikilig niya pang sabi


"Hindi ka naman dream girl" Pambabara ko pa sa kanya.


"Ito naman! Hindi ka nalang sumabay sa trip ko! Napaka bitter mo! Sabi ko lang dream boy hindi ko sinabing gusto ko siya dahil alam kong gusto mo siya" Sunod sunod niyang sabi pero hindi ako nakasagot sa huli niyang sinabi "Ano? Hindi makasagot! Huli! Totoo may gusto ka nga?" Parang tuwang tuwa pa siya na nahuli ako. 


"H-hindi" Nau-utal kong sabi, pero naka-taas pa din ang mga kilay niya na para bang nag-iimbestiga sa sagot ko "Bakit?" Tanong ko pa


"Sigurado ka? Hindi mo siya gusto?" Pwede na siyang maging abogado, napaka sigurista masyado, hindi titigil hangga't hindi napapa-amin.


"Wala nang siguro, sigurado ako" Sabi ko pa sa kanya na seryoso ang mukha para hindi niya mahalata at hindi na pa ako kulitin pa.


"Sigurado ni Belle?" Sabi niya pa at sabay kaming natawa sa sinabi niyang iyon.


"Wala nang siguro na may gusto ako sa kanya dahil sigurado na akong wala akong gusto sa kanya at kahit kailan hindi ko na siya magugustuhan at kailangan kong tanggapin na ikakasal na ako sa iba at kailangan ko siyang matutunang mahalin, kailangan kong tanggapin na hindi ako pwedeng humanap ng iba dahil may nakatakda na sa akin na hindi ko naman kilala at wala na akong magagawa doon" Pagpapaliwanag ko sa kanya. "At isa pa nag-aya lang naman ng friendly date yung tao" Nagulat siya sa sinabi ko


"Friendly date lang?! Ni isa nga walang nagtatanong sakin kung pwede ba nila ako ma friendly date! Naol nalang sayo ate girl" Sorry ako lang to


"At saka sabi mo may emergency kaya ka umuwi ng maaga" Pag-iiba ko ng usapan. Sabi niya kasi kanina may emergency kaya maaga siyang nagpa-alam kay coach. 


"Kasi ang totoo, wala talaga akong emergency, natakot lang talaga ako kay coach kanina, para siyang sasabog kanina nung dumating, alam mo naman ako lagi pinag-iinitan nun kapag mainit ulo niya noh, kaya ayun pinayagan naman ako" Paliwanag niya pa. 


Kaya ang suot niya nalang ngayon ay naka guess shirt, ripped jeans at black flat shoes. Kung patuloy pa din siya kaka excuse ng ganon ay baka maalis na siya sa team.


Nang nasa likod na kami ng school ni Lia ay nakita ko si Liane nagtatapon ng basura. Scholar kasi siya at noong doon pa kami nag aaral ni Shia ay kami lang lagi ang magkakasama.


"Liane!" Tawag sa kanya ni Shia at nilapitan naman ito ni Liane.


"Ate Shia, Ate Claire, uuwi na kayo?" Tanong niya sa amin.


"Ahmm No, hinatiran ka namin ng pagkain and kukumustahin ka, I know naman na malapit ka na umalis dito kasi lilipat ka na sa senior high school mo" Sunod-sunod kong sabi dahil baka napapabayaan na niya yung pag-aaral niya at baka bumalik na siya sa province niya after niya mag-aral at doon na magtapos hanggang college.


"Ate Claire, 7 months pa naman bago ako umalis, baka LPU or Letran din ako mag s-senior high school, ayaw ko na din mahirapan sila mama. Tara na doon tayo sa waiting area sa school" Aniya sa amin kaya naman sumunod na kami ni Shia sa kanya.


Habang naglalakad at nag k-kwentuhan kami ay biglang may humila sa akin at tinutukan ako ng kutsilyo nito sa aking leeg.


Sobra ang takot at nginig ko, tumutulo na ang aking mga luha sa aking pisngi dahil sa takot, siguro ito na nga ang huli kong araw sa mundong ito. 


Oh please. Not again. Tama na. Tigil na. Ayoko na ng ganito.


"Wag kang maingay miss, holdap 'to, kung ayaw mong masaktan ay ibigay mo nalang sa akin lahat ng mga gamit mo" Sabi niya


Ayaw kong ibigay ang mga gamit ko dahil important files 'to, ang mga nasa bags ko ay ang mga inutos sa akin ni dad, mga schoolworks ko.


Habang nagtatawanan sila ay naramdaman nilang wala ako sa likod nila masyado akong malayo sa kanila kaya naman nung lumingon sila ay nagulat sila.


"Claire!" tawag ni Shia sa akin. 


"H'wag kayong lalapit! ibigay niyo lang lahat ng gamit niyo kundi tutuluyan ko 'to!" Sigaw niya at ngayon patuloy pa din ang pag-iyak ko.


Nakita kong tumakbo si Liane pero hindi na natuloy dahil tinawag siya nung lalaking nakatakip ang mukha. 


"Hoy! Saan ka pupunta hah?!" Pigil kay Liane na akmang tatakas para manghingi ng tulong tutal malapit na naman kami sa gate ng school.


"Kuya Charles! tulungan mo kami!" Sigaw ni Liane. 


Bakit andun si Charles? Bakit niya kilala si Charles? Close sila? Kung ano anong mga teoryang pumapasok sa isip ko. Bakit ko ba inuuna yan? 


"Tumahimik ka!" Suway sa kanya. "H'wag kayong lalapit!" Banta niya kala Charles at sa kasama nitong Guardia Civil, at sa naka-uniform na pang driver. "Sige! Kapag lumapit kayo tutuluyan ko 'tong babaeng 'to!" Mas lalo pa akong kinabahan dahil mas tinutok niya pa iyon sa leeg ko.


"What do you want ba manong? Ibibigay ko! Pakawalan mo lang ako"



"Ganyan naman kayo lalo na't anak ka ng nasa politika. Sa totoo lang, wala akong pakielam sa pera at gamit mo! Ang gusto ko lang ay may maibayad ako sa pang-ospital ng anak ko!" 


"Ako na po magbabayad, ako na pong bahala, basta ibaba niyo na po yung knife sa neck ko, please lang po manong, I know naman na mabait po kayo pero nagawa niyo lang po ito dahil may sakit ang anak ninyo. Ako na po bahala" Pakikiusap ko sa kanya.


Dahan dahan niya namang ibinaba ang knife sa pagkakatutok sa leeg ko. Sinunod niya naman yung inutos ko at saka humarap sa akin.


"Pasensya ka na ma'am nadamay ka pa, hindi ko na po uulitin, maraming salamat po. Alam niyo po fan na fan po kayo nung anak ko tap-" Hindi na natapos yung sasabihin ni manong dahil bigla siya hinuli ng mga guards. 


"Wait, please hayaan niyo na siya, na explain na niya yung side niya kung bakit niya yun nagawa, palayain niyo na siya. Hindi niya naman ginusto eh. Please bitawan niyo na po si manong" Pakiusap ko sa mga guards na humili kay manong na kakarating rin lang nila.


"Claire" Lumapit sa akin si Shia at ang pagkakabanggit niya sa akin ng pangalan ko ay parang inis ang tono nito. "Claire! Ano ba?! Ganon, ganon nalang yun?" Totoo ngang inis siya.


"Shia, nakaka-awa ka-" Hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil inunahan na ako ni Shia na ngayon ay pinagpapasensyahan nalang ako.


"What? Maaawa ka dyan? Tignan mo nga ginawa sayo oh!"


"May reasons siya! Kawawa naman siya!" Dahil sa inis ko na din sa kanya ay tinalikuran ko na siya at lumapit sa mga guards.


"Sige na po, hayaan niyo na po siya." Sinunod naman ako ng mga guards. "Here's my contact number, ako na po bahala sa hospital bills ninyo, kapag may needs pa kayo, tawagan niyo lang po ako" Pag-aalok ko ng tulong sa kanya.


"Maraming salamat po talaga ma'am! Hindi ko po aakalain na mabait po kayo kasi akala ko po ay magkaugali po kayo ng ama ninyo. Pasensya na ho talaga, sana ay mapatawad niyo din ako. Matutuwa ang anak ko dahil tinulungan siya ng iniidulo niya." Mangiyak-ngiyak na sabi niya.


Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kukute ko at tinulungan ko siya. Siguro malaking kasalanan talaga ang nagawa sa kanya ni daddy. Isa pa hindi naman ako sobrang sikat. I only have 4k followers and counting.


"Basta po, huwag niyo na pong uulitin" Payo ko sa kanya.


"Hinding hindi na po talaga sobrang pasensya maam." Dapat lang. 


Tumalikod na ako at patuloy na naglakad, dumederetso nalang ang lakad ko at tulala nalang habang naglalakad at sumunod pala si Lia at Shia.


"Ate Claire" Tawag sa akin ni Liane kaya naman nilingon ko siya "Ayos ka lang ba?" Tanging tango nalang ang sagot ko dahil hindi ko na kaya pang sagutin ang mga katanungan na alam ko namang si Shia ang sunod na magtatanong. Hindi ko na masasagot dahil pagod na ako sa lahat ng ginawa ko sa araw na ito.


"Claire" Si Charles. Kaya naman nilingon ko siya. "Hatid na kayo ni Kuya Rob" Alok niya sa amin.


"No need n-" Hindi ko na natapos sasabihin ko dahil inunahan na ako ni Shia.


"Claire" Angil ni Shia "Ano ka ba? hindi ka na ba nadala? Paano kung may mangyari ulit na uwag naman sanang maulit muli. Tanggapin na natin" Inis pang sabi niya.


"Okay. Fine." Inis na sabi ko sa kanya.


"Kuya Rob, kayo na po bahala sa kanilang dalawa, ingat po kayo sa pag d-drive" Sabi ni Charles sa driver niya. "Ingat kayong dalawa" Sabi niya sa amin ni Shia


"Salamat Charles ah" Sabi ni Shia kay Chales.


"Thank you" Pilit na ngiting ibinigay ko sa kanya at tinanguan niya lang kaming dalawa.


"Ingat kayo Ate Claire and Ate Shia" Paalam ni Lia at kumaway nalang ako.


Si Shia na nagturo nang daan kung saan ang condo unit naming dalawa at ako naman ay nagpahinga nalang. 


Pero kahit gusto kong matulog ay hindi ako makatulog kaya naman naka tingin nalang ako sa bintana. 


"Claire, sorry sa mga sinabi ko kanina. Concern lang talaga ako sa'yo kanina. Sorry talaga. Ayaw ko lang na napapahamak ka. Alam mo naman si tito di 'ba?" Paghihingi niya ng sorry sa akin.


"I know na concern ka lang. Hindi naman ako galit. Naiintindihan kita." Nilagay niya ang ulo niya sa balikat ko at niyakap ako.


"Pero alam mo" Nilingon ko siya "Knight mo na naman si Charles" Natatawa niyang sabi at napa irap naman ako sa sinabi niya. "Kuya, buti andon kayo, bakit nga po pala kayo nandon? doon po ba nag do-dorm si Charles?" Tanong ni Shia.


"Opo ma'am doon po nagdo-dorm si Sir este Charles. " Sagot niya sa tanong ni Shia. Sir huh? sabi ko sa sarili ko. Akala ko ba, scholar siya? "Si Charles po kasi sponsor po yan ni ma'am Ysa. Y-yung nanay niya po nagta-trabaho sa kanila tutal wala naman pong anak si ma'am Ysa ay ipinag-aaral niya nalang si Charles" Kwento niya pa.


"Claire" Tawag sa akin ni Shia


"Huh?" 


"Kanina pa kita tinatawag" Kanina pa? 


"Ano ba yun?" Takang tanong ko sa kanya


"Wala lang tulala ka kasi. Ayos ka lang ba?"


"Oo. Ayos lang ako" Hindi naman talaga. I'm a great pretender.


"Kuya, Ilang taon na po kayo nagta-trabaho kila tita Ysa?" Tanong ko sa driver ni Charles.


"Kilala niyo po pala si Ma'am Ysa. Ang totoo po niyan ay tatlong dekada mahigit na po akong nagta trabaho sa kanila, Simula College si ma'am Ysa ay ako na po ang driver nila" Paliwanag niya pa.


"Namatayan ba sila ng anak?"


"Ang totoo niyan, na car accident po kami ni ma'am Ysa tapos nung magising ako ay wala na po yung bata. Hindi na po pina-alam nila sir na namatay po ito dahil mas nauna po akong magising kaysa kay ma'am Ysa. Dalawang taon din po na comatose si ma'am Ysa" 2 years na comma si tita Ysa? Hows Theo kaya? 


"May anak po ba siyang lalaki?" Tanong ko.


"Wala po" 


Wala? Or baka nagsisinungaling lang si kuya na walang anak na lalaki si tita Ysa kahit meron. Hindi kaya namatay din si Theo? No hindi pwede.



Or Si Charles at Theo ay iisa.....













---------------------------------------------------------------------------------------

:))

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro