Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 57 (Warning)

Kabanata 57: Heart’s Pov

Malaki rin ang naging impak sa akin ng sinabi ni Mama sa sulat. Nasaktan ako, pero mas nakilala ko ang sarili ko. Mas tinanggap at pinahalagahan ko ang sarili ko.

Hindi na importante ‘yung mga nangyari noon.

Hindi lang naman sa pag-amin ng totoo ang nilalaman ng sulat ni Mama. Sinasabi niya rin doon kung gaano siya nagsisisi sa mga ginawa nila, hindi lang sa akin kundi sa pamilya namin. Pinatawad ko na siya, at kinalimutan ang sulat. Pero may mga salitang tumatak sa utak ko.

“Mahal na mahal kita, Heart. Hindi ko naiparamdam sa’yo dahil sa tuwing yayakapin kita…naaalala ko ang ginawang kahayupan sa akin noon ng tatay mo.”

Anak niya ako sa pagkakamali niya. Sa pagkakamali niyang sumama sa tatay ko naitanan siya, nang hindi niya lubos na kilala ang lalaki. Nabuo ako…sa hindi maayos na paggawa. Pinilit siya ng lalaki, katulong…ang dalawa nitong kaibigan.

Dapat kinakalimutan na ang masasamang ala-ala. At iyon ang gagawin ko, para sa mga taong mahal ko. Para sa pamilya ko.

Nagising ako sa pakiramdam na parang gusto kong magtayo ng bahay at gusali. Parang na-miss ko ang pakiramdam na gumuhit ng pagdedesinyo ng bahay. Gusto kong maging engineer bigla katulad ng pangarap ko.

“Huh?”

Napansin ko ang pagbabago ng kulay ng mga kurtina pati ang ilang gamit na dating kulay light brown.

Nagkibit balikat ako, baka pinagtripan na naman ng anak ko at pinalitan ng kulay pula na may puso-puso.

Lumabas ako ng kwarto na tanging maikling short na panipis at white long sleeve ang suot. Nami-miss ko na ang paggising ko na agad kikilos papuntang patahian. Nami-miss ko ng mag-gansilyo.

Ang dami ko namang nami-miss.

“Hi. Good morning, my lady.”

Ang nakangiting si Davil na nakaabang sa akin sa baba ng hakbang. Kakaiba rin ang ngiti niya ngayon.

“Si Kendrick? Pumasok na ba?”

“Hindi po siya pumasok,” sagot niya.

Inabot niya ang kamay ko nang makalapit na ako sa kaniya. Pinatakan niya ng halik ang likod ng palad ko.

“Ha? Bakit? May sakit ba siya? Masama ba ang pakiramdam niya?” nag-aalala ako agad.

May biglang sumalpok sa baywang ko at niyakap ng maikling braso. “Maayos na maayos po ako, Mama!”

“Bakit hindi ka pumasok? Ayaw mo ba sa school mo? May nambu-bully ba sa’yo?”

“Mama, relax lang po. Wala pong nambu-bully sa akin,” sabi niya habang hinahatak ako papuntang dining room.

Nilingon ko si Davil na hanggang ngayon ay hindi naaalis ang ngiti sa labi habang nakasunod sa amin. Inabot ko ang kamay niya at hinawakan.

“Sa tingin mo, hindi ba nagsisinungaling ang anak natin?” mahinang tanong ko. “Baka may nambu-bully sa kaniya, ayaw niya lang sabihin?”

“Relax, baby. Stop stressing yourself, makakasama ‘yan sa baby sabi ni doc. Don’t worry about Kendrick. Pinamo-monitor ko naman siya.”

Nakahinga ako nang maluwag luwag doon.

“Nagkukulang na ba ako sa anak natin, Davil?” nangangambang tanong ko.

“Shh. Hindi ka nagkukulang. ‘Wag kang mag-isip ng mga ganiyan. Everything is going to be alright. Birthday na birthday mo oh–oh sh*t.”

Natigilan ako. Napatigil din si Kendrick si paghahatak sa akin.

Oo nga pala! Hala birthday ko pala ngayon. February 14…

“Papa, nasabi niyo na po.”

“I-I’m sorry, anak. M-mukhang na-surprise rin naman ang Mama mo…”

Kaya pala gano’n na lang ang pagbabago ng desinyo ng mga gamit sa kwarto namin!

Pagpasok ko sa kusina ay naroon nga ang surprise nila. May banner at may mga lobo na ang iba ay hugis puso. May strawberry cake na guhis puso. Iyon agad ang pinunterya ko.

“Happy birthday, Mama. I love you po.”

Niyakap ko pabalik ang anak at hinalikan sa pisngi. “Salamat, Kuya.”

“Happy birthday, baby…”

“Thank you, daddy…” humagikhik ako matapos iyong ibulong sa kaniya.

He groaned. “Mamaya ko ibibigay ang birthday gift ko sa’yo,” bulong niya na may kakaibang ngisi sa labi.

Tinapik ko ang balikat niya. Sheesh I’m excited!

Pumalpak man ang surprise ng mag-ama ay masaya pa rin naman naming napagsaluhan ang handa, kasama ang mga kasama namin sa mansion.

“Happy birthday, apo!”

Hindi makakarating sila Lola dahil nasa ibang bansa ito kasama ng kapatid ni Davil, para sa pagpapagamot nito.

“Thank you po, Lola. Mag-celebrate po tayo ulit pag-uwi niyo rito,” sabi ko.

“Happy birthday, ate.”

Napangiti ako sa tinawag na iyon ni Damon. For the first time, may ituturing na akong bunsong kapatid.

“Salamat, Monmon.”

“Miss you, Lola! Miss you, Tito!”

“We miss you too, Kendrick. Hindi na makapaghintay si Lola na makabalik, gusto ka na niya ulit maka-bonding.”

“I miss you, apo. Malapit na akong umuwi. May mga binili akong pasalubong dito para sa inyo.”

“Yey!”

Naiwan ang mag-ama sa sala nang maisipan kong ayusin ang mga halaman sa harden. Aliw na aliw ako sa pagmumukadkad ng ibang bulaklak.

“Ma’am, ito po saan ko ilalagay?” tanong ng isa kong katulong na kasambahay.

“Ako na, dito ko na lang ilalagay.”

Tinabi ko ‘yun sa paso na may lumalago ng bulaklak. Hindi ko talaga pinapagalaw sa kanila ang harden para sa akin. Gusto kong ako ang gagawa ng mga ito.

Pinagpag ko ang kamay na nakidikat ng lupa. Tumingala ako sa kalangitan, napakaganda. Ang ganda ng panahon.

“Bukas na ito ipagpapatuloy. Salamat, Cindy.”

Naabutan ko ang dalawa sa sala. May kausap si Davil sa laptop niya, ang ka-meeting niya, habang naggagansilyo. Nakakatuwa rin, dahil kahit abala siya sa trabaho ay hindi siya nawawalan ng oras sa amin ng anak niya. Katulad ngayon.

Sinenyasan ko siya na aakyat na ako para magbihis. Tinanguan niya ako ng pa-simple habang patuloy na nagsasalita sa harap ng kausap niya. Tumigil si Kendrick sa ginagansilyo niya at tiningnan ang ginagawa ng ama niya. Pigil akong natawa nang magsalubong ang kilay ng anak namin. Mukhang may mali na namang nagawa ang ama niya. Iiling ko na lang sila na tinalikuran at dumiretso na sa hagdan.

Hay naku, kahit ilang beses ng tinuturuan ng anak namin ang ama niya sa paggagansilyo ay hindi pa rin naiiwasan ng ama na magkamali.

Nagbihis ako ng simpleng plain sleeves na red dress na umabot lang sa tuhod. Hindi mainit sa balat ang tela nito.

“Mama, manonood po tayo ng sine pagkauwi niyo, ha,” ani Kendrick.

Tapos na si Davil sa kausap nito pero may kung ano pa siyang ginagawa sa laptop niya.

“Ma’am, heto na po ‘yung pinahahanda niyo.”

Kinuha ko ang inabot ni Manang na paper bag. “Salamat po.”

Binalingan ko si Kendrick. “Oo, anak. Hindi naman ako magtatagal,” sabi ko.

“Ihahatid ka na namin–,”

“’Wag na. Kay manong Alex na lang. At ‘di ba, may isang meeting ka pa?”

“Makakausap ko naman siya kahit nagda-drive ako,” dahilan niya.

“Tsk. That’s so unprofessional and that’s so ethical!”

Pareho silang natawang dalawa. “Okay, okay. Take care. Sunduin ka na lang namin.”

“Sige. Bye na!”

Pareho ko silang pinatakan ng goodbye kiss at umalis na, dala-dala ang pinahanda kong pagkain na dadalhin.

Nakaabang na si doc Lee, ang humahawak kay ate. “Mrs. Santillan.”

“Hello, po. Kumusta po si ate?”

Tinungo namin ang harden kung saan nilabas si ate.

“Good news, Mrs. Santillan, dahil mabilis na ang paggaling ng kapatid niyo. May minsan lang na kapag nati-trigger siya ay nawawala siya sa sarili, pero hindi na siya nagwawala. I’ll assure you, Mrs. Santillan, hindi magtatagal ay magaling na ang kapatid niyo.”

Napangiti ako, sobrang tuwa. “Gawin niyo ang lahat para gumaling siya.”

“Makakaasa kayo.”

Lumapit ako kay ate na nakaupo sa pabilog na upuang yare sa semento. Nakatanaw siya sa malayo habang ang manika na nilalaruan niya ay nakaupo sa tabi niya.

“Alam mo, birthday ngayon ng kapatid ko. Sobra-sobra ‘yung ginawa ko sa kaniya kaya okay lang kung hanggang ngayon ay galit siya sa akin at hindi ako mapapatawad. Pero umaasa pa rin ako na dadalawin niya ako ulit…”

Dahan-dahan akong umupo sa tabi niya, may maliit na distansya lang na iniwan. Tahimik akong nakinig sa mga sinasabi niya.

“G-gusto ko ng gumaling. Gusto ko ng bumawi sa kaniya. May mga plano na ako kapag nilabas na ako rito. Sa tingin mo, mapapatawad kaya ako ng kapatid ko?” saad niya at binalingan pa ang manika.

Malalim siyang napabuntong-hininga.

“Tsk! Bakit pa ba kita kinakausap. Baka mas lalo akong mabaliw dahil sa’yo, e,” sabi niya na ikinatawa niya.

Hindi ko rin napigilang matawa sa sinabi niya. Dahil doon ay napalingon siya sa akin. Tumikhim ako at sumeryoso.

“H-heart?”

“Nakikilala mo na ako?”

Nakagat niya ang ibabang labi niya. Namula ang mata niya sa pagpigil ng emosyon. Umiwas ako ng tingin at napatingala.

“Hindi naman ako magdadalawang isip na patawarin ka. Hindi ko na hihintayin pa na may mangyari sa’yong masama bago kita patawarin, katulad ni Mama. Pero bago ‘yon, ang tanging hiling ko lang ay ‘wag ng ulitin ang ginawa sa’kin.”

Pagbalik ko ng tingin sa kaniya ay rumaragasa na ang luha niya. Bahid sa ekspresyon niya na hindi pa rin siya makapaniwala na nakikita niya ako ngayon sa harap niya.

“I-ikaw na lang ang pamilya kong naiwan sa akin.”

Dumampi ang nanginginig niyang palad sa pisngi ko. Parang pinipigilan niya ang sarili na hawakan ako kahit gustong gusto niya.

“A-alam kong hindi lang sorry ang katapad ng mga ginawa ko sa’yo, but still…I’m so sorry.”

Nginitian ko siya. Hinayaan ko siya na hawakan ang mukha ko.

“Hindi pa huli ang lahat. Hindi pa ako huli. Maaayos ko pa ito, ang relasyon nating dalawa. Tama ka, ang isa’t isa na lang ang naiwan sa pamilya natin. M-matatanggap mo pa ba ako?”

Hinawakan ko ang kamay niya sa pisngi ko at sunod-sunod na tumango.

“Tatanggapin pa rin kita, a-ate…”

Masyado kaming pinahirapan ng mundo. Pero sa huli ay nanatili ang presensya namin para sa isa’t isa.

Hindi para sa lahat ang pagpapatawad. Pero ako, basta magbabago ang isang tao at hindi na uulitin ang ginawa sa akin…magpapatawad ako.

Hindi ko napigilan yakapin ang ate ko. “Hindi pa huli ang lahat…”

Pagkabitaw ay kinuha ko ang paper bag na dala-dala ko. Umatras ako ng kunti para mailagay iyon sa gitna namin.

“It’s your birthday, Heart. Happy birthday…”

“Thank you, ate,” nakangiting sabi ko at nilabas ang nasa container na pagkain.

“Saka na lang ang regalo ko kapag nilabas na ako rito, ha.”

Natawa ako. “No problem, ate.”

“Hindi na ako makapaghintay. Gusto ko rin humingi ng tawad sa pamilya mo. I’m so happy for you. God knows how good daughter, sister, and friend you are.”

Nginitian ko lang siya. Binuksan ko mga baonan. Inabot ko sa kaniya ang kutsara at tinidor na disposable.

Masaya kaming nagsusubuan nang may tumikhim sa tabi namin. Pareho naming binalingan ang tumikhim.

“Harvin?!” gulat na saad ko.

Ang laki rin ng pinagbago niya ha. Hindi lang siya basta tumangkad, namimilog din muscles niya. May dala-dala siyang bulaklak at take out sa isang fastfood.

“H-heart, is that you?” gulat ding aniya.

Narinig ko ang pagtawa ni ate kaya napabaling ako sa kaniya.

“Long story short, we found joy and love in each other,” ani ate, may magaang ngiti sa labi.

Si Harvin…at si ate? Wow!

“Mukhang hindi ito ang unang pagkikita niyo,” saad ni Harvin. “Pa’nong hindi kita natetyempuhan dito, Heart?”

Nagkibit balikat ako. “Hindi ko rin alam na pumupunta ka rito.”

Pinanliitan ko siya ng mata. Natawa siya at nilagay sa harap namin ang dala-dala niyang pagkain at umupo sa tabi ng ate ko. Tumaas ang isang kilay ko nang gumapang ang kamay niya sa baywang ni ate at binigay ang bulaklak kay ate.

“Araw-araw akong pumunta rito, kahit minsan hindi kami nagkakaharap nang maayos, after work. Hindi lang kita natyempuhan,” aniya.

Inamoy amoy ni ate ang mga bulaklak at malapad na napapangiti.

“Thank you rito, Harvin.”

“Do you like it?”

“Sobra! Ang ganda!”

“Parang ikaw…”

Nanliit ang mata ko sa kanila. Really? In front of my spaghetti?

Sinubo ko ang pinaikot ikot na spaghetti sa tinidor at uminom. Tumayo ako dahilan ng pagbaling nila ulit sa akin. Alone time na nila ito so I must leave na.

“Ubusin niyo itong dnala ko, ah. Harvin, ikaw na ang bahala kay ate. Kailangan ko ng umuwi. Bawal akong abutin ng dilim sa labas, baka mapano kami ni baby,” sabi ko at inayos ang sling bag.

“Baby? You’re having a baby?!” gulat na ani nila.

“Yes, again…bye-bye!” sabi ko at tumalikod na.

Hindi ko alam, pero gusto ko na agad makita si Davil! Gawa na naman ito ng hormones ko. Naki-crave na naman ako sa asawa ko!

Hindi na ako makapaghintay na matanggap ang regalo niyang sinasabi niya sa akin!

To be continued…..

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro