Kabanata 56 (Warning)
Kabanata 56: Davil’s Pov
Hinagod ko ang balikat ng asawa ko. Umalis na ang lahat ng nakipag-libing sa Nanay niya. Si Kendrick ay pinasabay ko na kina Lola sa pagbalik sa sasakyan.
Wala ng luhang lumalabas sa mata ng asawa ko, pero parang mas ramdam ko ang sakit. Mas masakit siyang makitang ganito kaysa kapag humahagulhol siya.
“M-may binigay na sulat sa akin si Damon, g-galing kay Mama,” saad niya.
I kissed her hair, making her feel that I’m here. Nandito lang ako palagi sa tabi niya.
“A-anak niya ako, sa pagkakamali…”
Napabuntong-hininga ako. Hinarap ko siya sa akin. Walang luhang umaagos sa pisngi niya, pero namumungay ang mga mata niya sa sobrang sakit ng pinagdadaanan niya.
Hinalikan ko ang mga mata niya. “Kung ano man ang sinasabi ng Mama mo sa sulat, hindi pa rin niyon mababawasan ang pagkatao mo. Lumaki ka ng may malaking puso, kaya ano man ang sabihin ng iba…maayos ka pa ring lumaki. Hindi na importante sa akin, kahit saan ka nanggaling. Basta mahal kita, luluhuran at luluhuran pa rin kita.”
Namasa ang mata niya habang nakatingin sa akin. Niyakap ko siya ng puno ng pagmamahal.
“K-kahit anak ako ng masamang tao? Mamahalin mo pa rin ako? Hindi ka m-matatakot sa akin o mandidiri? H-hindi ka mangangamba na b-baka saktan kita o g-gawan ng masama dahil nagmula rin ako sa masama?”
Umiling ako. “Mas matatakot ako kapag nawala ka sa’kin. Minahal kita dahil tanggap kita…ng buong-buo.”
Bahagya ko siyang nilayo sa akin. Yumuko ako upang mapantayan ang mga mata niya. Kumikinang ang mata niya dahil sa luha. Pinunas ko ang pisngi niyang basa sa luha.
“I’m always here for you, for my children, for our family. Gusto ko kayong makasama nang walang iniisip na pangamba, na baka iwan ko kayo o ipagpalit sa iba. Hinding hindi ko gagawin ‘yon, pangako…”
“You love me that much, huh?” Natawa pa siya.
I smiled brightly. Seeing her like this made me want to take her home and cook her favorite foods.
“Yes, I love you that much.”
Another tear fell from her eyes. Niyakap niya ako at siniksik ang mukha sa dibdib ko.
I swear, ito na ang huling iyak niya sa sakit. Sa mga susunod na araw, hindi lilipas ang araw sa kaniya nang hindi siya ngumingiti o tumatawa. Pagkatapos ng sunod-sunod na pag-iyak niyang ito…sunod-sunod na pagtawa at halakhak na ang mararamdaman niya.
Umalis kami sa puntod na ‘yon pabalik sa sasakyan. Sa bahay kaming lahat dumiretso at nagpahinga matapos kumain. Medyo nakakakain na ngayon si Heart hindi katulad nitong mga nagdaang araw.
“May mga kailangan ka pa ba?” tanong ko nang sumampa na sa kama namin.
Nakahiga na siya at nagbabasa-basa ng libro.
“Wala na!”
Inalis niya ang suot na salamin at pinatanong sa bedside table, kasama ang libro. Her arms went wide. Sa yakap niya ako dumiretso. Hindi ko naiwasang mapangiti. Ito ang pinakagusto kong posisyon kapag matutulog na kami. Siya ang nakayakap sa akin habang ako ang nakaunan sa kaniya. Nagmumukha akong sanggol. Gustong gusto ko rin naman ng bini-baby niya ako.
“Ang laki naman ng baby ko, tinalo pa ‘yung nasa tiyan ko.”
Natawa ako.
“At may ball-ball na, na malapit nang pumuti.”
“Hey, I shaved!” giit ko.
Ngumisi siya. Ah…she’s being like this again. Sa tuwing may pinagbubuntis talaga siya.
“Patingin?”
Nanlaki ang mata ko. “No…iba ‘to mahiya, tumitigas,” sabi ko at umiling iling.
Ngumuso siya. “Titingnan lang, eh!”
“Hindi nga. You need rest. Ilang gabi kang walang maayos na tulog. Let’s go, let’s go to sleep.”
Inayos ko ang kumot namin at mas niyakap siya sa baywang.
“Ahm…hawakan ko na lang?”
Sh*t!
“N-no, mas lalong bawal. Kapag hinawakan mo siya at tumigas…lagot ka. Matulog na tayo habang behave pa siya.”
“Hmp! Sige na nga! Ang damot mo!”
Ngumiti na lang ako at pinikit ang mata. Hindi na ako nagsalita dahil paniguradong mabibisto niya ako na nagpipigil na. Like for real! Hindi man niya nagawa ang mga gusto niya ay hiyang-hiya na ngayon ang gusto niyang tingnan at hawakan. Ganito ang epekto niya sa akin.
I calmed myself down. Bumuga ako ng hangin at iwinaksi sa utak ko ang boses ng asawa. Para kasing naririnig ko pa rin ang boses niya, at dahil doon ay nahihiya ang junior ko.
Sa awa ng may kapal ay napakalma ko ang dapat pakalmahin at nakatulog.
“Mama! Papa! Wake up! Today is my first day of being a transferee!”
Nagising kaming pareho ng anak ko sa tinig na ‘yun ng anak na may halong patili.
“Oh my…”
“Anong itsura ko? Bagay po ba sa akin ‘tong uniform?”
Napatangin ako sa orasan at agad napabangon. It’s already 7:00 am! 7:30 a.m ang pasok ng panganay namin.
“I’m sorry, Drick. Maliligo lang ako ng mabilis, ihahatid kita,” sabi ko at agad kumilos.
“Sasama ako!”
Nilingon ko ang asawa. “Okay. Ako na kukuha ng pang hilamos mo at isusuot.”
“Mama, papa, hindi niyo na po ako kailangan ihatid. Ginising ko lang kayo para ipakita ang itsura ko sa bago kong uniform.”
“No, anak, ihahatid ka namin ng Papa mo.”
Iniwan kong nakabukas ang sliding glass ng bathroom para marinig ang pinag-uusapan ng mag-ina ko.
“Pero mukhang kailangan niyo pa ng pahinga ni Papa. Lalo ka na, Ma, ilang araw kang wala sa ayos.”
“I’m sorry, anak…hindi ka naasikaso ni Mama.”
“Mama, I understand po.”
“Pero ihahatid ka pa rin ng Papa mo.”
“Sige na nga po!”
Mabilis akong nagbihis habang pasulyap sulyap sa wristwatch ko. Kinuha ko ang hanggang tuhod na summer dress ng asawa ko at isang trouser.
“Okay na ‘yan. Maghihilamos lang ako.”
Kinuha niya sa akin ang kinuha kong damit para sa kaniya. Bago siya makapasok sa bathroom ay hinabol ko siya ng halik.
“Hey, baby boy. Come here. Ayusin natin ‘yang hair style mo,” sabi ko sa anak.
Dumiretso ako sa salamin. Lumapit si Kendrick kaya pinaupo ko na sa upuan sa harap ng salamin.
“Papa, birthday na ni Mama,” mababang saad ng anak ko.
Sa repleksyon ng salamin kami nagkitinginan. “Yup. Help me to prepare, please?”
“I’m on it, Papa.”
“Thank you.”
Mabilis kong pinatakan ng halik ang anak sa ulo, saktong bumukas ang bathroom at nilabas niyon ang asawa kong nakaayos na.
Tumungo kami sa school ni Kendrick gamit ang sasakyan ko. 7:40 a.m. na kami nakarating. Late na ang anak namin, pero medyo lang.
“Let’s go, anak. Ihahatid ka namin hanggang room niyo,” ani ng ina.
Nauna silang naglakad, ako ay nanatiling nasa likod nila. Lumilinga ako, inspecting the school.
“Doon po ako sa room na ‘yon, Ma, sa pang-una.”
“Star section?”
“Yes, Mama. Mag-aaral po ako ng mabuti para manatili akong nasa star section.”
Ginulo ko ang buhok ng anak. “I know you can do it. Nasa likod mo lang kami ng Mama mo.”
Tumigil na kami ng asawa ko. Si Kendrick ay pinatuloy na namin sa pagpasok. May guro na sa unahan, pero mukhang magsisimula pa lang naman sila. Tinanguan namin ang guro nang mapunta sa amin ang tingin.
“Let’s go?” ako kay Heart.
Kumaway siya muna sa anak bago pumihit patalikod. “Ikaw? Wala ka bang pasok ngayon? Sa trabaho?”
“Rest day ko today. How about…mag-date tayo?”
Namula ang mukha niya. “A-ano ka ba! Ano tayo, high school para sa date-date na ‘yan?”
Natawa ako. Inakbayan ko siya at sinabayan sa paglalakad.
“I don’t care. Basta, idi-date kita.”
Dumiretso kami sa favorite restaurant ko. Sigurado akong magugustuhan niya ang mga pagkain doon. Habang nagmamaneho papunta sa restaurant na iyon ay hawak-hawak ko ang kamay ni Heart. Napaglaruan ng daliri ko ang palasingsingan niya.
Napangiti ako sa isip.
I will put another wedding ring here.
To be continued.....
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro