Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 53 (Warning)

Kabanata 53: Heart’s Pov

“Let’s go?”

Naputol ang paninitig ko sa bahay at napunta kay Davil. Tumango ako.

Sa huling sulyap sa bahay ay malawak na ngiti ang binigay ko. Salamat dahil ikaw ang nagsilbi naming tahanan sa kahit maikling panahon. Pangako, kahit anong mangyari…babalikan ka namin.

“Let’s go,” saad ko sa mag-ama.

Sinalubong ako ng haplos ng simoy ng hangin nang bumaba kami sa tricycle. Bumaon ang paa ko sa pinong putting buhangin. Mami-miss ko rin ang umapak dito.

“Mama, sabi ni Papa ay mabait daw si Lola at Tito Damon. Is that true, Mama?” tanong ni Kendrick, binabaan pa ang boses.

Nasa unahan namin si Davil, kausap ang may ari ng bangka na sasakyan namin. Magkasabay kami ni Kendrick na naglalakad sa pantalan, nakawak siya sa kamay ko.

“Oo. Mababait sila,” sagot ko.

Ngayon ay iniisip ko pa kung paano ko sila sasalubongin matapos nang ginawa kong pag-iwan kay Davil. At nang dahil pa sa akin ay napunta sa panganib ang buhay ni Davil.

“I’m excited to meet them, Mama.”

Napangiti ako. “Siguradong matutuwa sila sa’yo.”

Nakaalalay si Davil sa likod namin habang sumasakay ng bangka. Ito ang second time ko na sumakay ng bangka. Una, ‘yung palayo ako. Pangalawa, ito, pabalik na ako.

The power of love. Siya ang magiging dahilan ng sakit, siya rin ang naging dahilan ng kapayapaan sa puso natin. Naging dahilan ng pagtataboy sa’kin, naging dahilan din ng pagpapabalik sa akin.

I’m much thankful for the love. It helps me.

“Papa, meron bang magandang school doon?”

“Marami. Magugustuhan mo ang iba roon.”

Hindi lang iyon ang tanong ni Kendrick. Sa sobrang curiosity ay sinundan pa nang sinundan ang tanong na iyon. Sinasagot naman siya ng ama nang walang halong kasinungalingan.

Nalilibang naman ako sa pakikinig sa kanila. Pero nang malayo na kami sa isla at nasa kalaliman na ay napunta sa iba ang atensiyon ko, sa malawak na karagatan. Sobrang ganda. Asul na asul. Sa malayo ay naghahalik na ang kalangitan sa karagatan. Sobrang ganda nilang pagmasdan. Napakakalmado…

“Papa, paano po kayo nagkakilala ni Mama?”

Doon nakuha ang atensiyon ko sa tinanong niyang  iyon. Pero hindi ko sila binalingan at nagkunwaring hindi ko narinig ang tanong na iyon. Bahala si Davil ang sumagot.

“Ah…nice question, Drick,” ani Davil. “Your Mom has a crush on me. She fell first, but I…fell harder.”

Mabilis akong napalingon kay Davil dahil sa pagka-feeling-ero. Anong ako ang nahulog una? Siya kaya!

“Sinungaling,” saad ko at inirapan siya.

“Is that true, Papa? I told you, bawal magsinungaling.”

Natawa si Davil. “I’m not. I’m telling the truth.”

“’Yung totoo? Ang kapal ng mukha. Ikaw ‘tong unang na-in love sa akin!”

Natawa siya lalo hanggang sa humalakhak siya. “Baby, chill. Ayaw ko po ng away.”

“Si Mama, high blood agad.”

Okay, magsama silang mag-ama. Tsk!

“Pero, ‘yung totoo, Papa?”

Tumikhim si Davil. “I fell first and…f*cking fell harder. To your Mom only,” seryoso na niyang sagot.

Hmm.

Hindi ko na sila pinansin at binalik na lang ang pagtatanaw sa malayong karagatan.

Ilang oras din ang tinagal ng byahe. Nakatulog na rin ako. Paggising ko ay padaong na kami. Maraming nagbago sa pantalan na unang napuntahan ko. Sobrang bilis talagang dumaan ng panahon. Parang kailan lang, nandito ako sa pantalan na ito, nagiiwan ng huling paalam sa lugar. Tapos ngayon ay narito na ulit ako, para balikan ang lugar na nilisan.

“Kung sakaling may magustuhan ang anak natin na school dito, ilipat ba natin? Ako ang bahalang magpaayos ng credentials niya,” ani Davil.

Patungo kami ngayon sa sasakyan na magsusundo sa amin. May isang lalaki ang lumabas doon at inabot kay Davil ang susi.

“Tingnan muna natin,” sagot ko.

“How about your patahian? P’wede ka namang magtayo rin dito.”

“Pag-iisipan ko pa,” sagot ko lang.

Pagod na pagod ako sa byahe. Gusto ko ng magpahinga at makabawi sa tulog.

“Get in. Dadaan muna tayo ng restaurant para mag-lunch,” aniya.

Tumango ako at pumasok sa katabi ng driver’s seat. Si Kendrick ay nasa likuran namin. Sinara ni Davil ang pinto sa tabi ko saka siya umikot patungong driver’s seat.

“How are you there? Tell me if you need anything,” aniya sa anak.

“I’m okay here, Papa. Pakibaba lang po ng bintana kahit kunti. I want some air.”

“Sure, my baby boss.”

Pag-abante ng sasakyan ay hinawakan ni Davil ang kamay ko. Hindi ko ‘yon nagawang bawiin dahil gustong gusto ko rin namang madama ang init ng palad niya.

Nakaramdam na naman ako ng antok, at hindi namalayan na nakatulog. Nagising ako nang tumigil ang sasakyan. Pagsulyap ko sa labas ay nasa garahe na kami. Hindi ko agad nakilala ang mansion, maraming binago.

“Nirenovate ko,” ani Davil nang makababa na kami.

May mga kasambahay na rin na gumagawa ng kaniya-kaniya nilang trabaho. Mas mabuhay tingnan ang mansion ngayon.

“Nagpahanda ako. Hindi na’ko tumigil kanina sa restaurant kasi pareho kayong tulog,” aniya.

Gumapang ang braso niya sa baywang ko at iginaya na ako. Si Kendrick ay hawak niya sa kabilang kamay.

“Wow! This is big, Papa!”

“Masyado bang malaki para sa ating tatlo ng mama mo?”

“Yes po!”

Binalingan ako ni Davil. Sa mga mata pa lang niya ay basang basa ko na ang sinasabi niya. Pa-simple ko siyang kinurot sa tagiliran na ikinatawa niya.

“Good afternoon, sir, ma’am! Welcome back po!” salubong ng kasambahay na nadadaanan namin.

Pagpasok ay ibang iba ang awra ng mansion sa awra nang iwan ko ito noon. Ang laki ng pinagbago. Ang mga gamit ay binago rin.

“Lahat ng guest rooms pinagbago ko rin. Even the master’s bedroom,” aniya.

Napatango na lang ako.

Lumabas ang isang medyo may edad ng ginang mula sa dining room.

“Magandang araw sa inyo, sir, ma’am. Ikinagagalak po namin ang pagbabalik niyo.”

“She’s the Mayordoma,” ani Davil sa amin ni Kendrick. “Manang Demi, pakidala na lang ng mga gamit namin.”

“Sige, sir. Nakahanda na rin po ang pagkain.”

Tumango lang si Davil at iginaya na kami. Pati dining room at mga gamit ay pinalitan, mga mukhang bagong bago.

Hanggang sa pagkain ay hindi nauubusan ng tanong si Kendrick.

“Papa, ano pong ginagawa niyo ni Mama kapag kayo lang magkasama rito?” he asked, innocently.

Hindi ko nalunok ang nanguya sa tanong na iyon. Hindi ako umimik at hinayaang kay Davil manggaling ang sagot.

“Talk,” sagot ni Davil.

“Hindi po kayo napapagod?”

“No, I love talking to your mom.”

Sinulyapan pa ako ni Davil na may kakaibang ngisi sa labi.

“Kahit abutin pa kami ng gabi,” dagdag pa niya.

“Ano pong pinag-uusapan niyo?” tanong na naman ni Kendrick.

“About having a b–,”

“May pupuntahan pala ako pagkatapos,” agad na singit ko.

“Where are you going, Mama?”

“Magpahinga ka muna.”

Umiling ako. “Mamaya na lang pagkauwi ko. Sakto, gabi na rin ako makakauwi,” sabi ko.

Hapon na. Hindi naman malayong byahe ang pupuntahan ko. At hindi na ako makapaghintay na makita siya ulit. Sobrang miss na miss ko ng marinig ang boses niya.

“Ihahatid na kita?”

“Hindi na. Samahan mo na lang si Kendrick dito. Mag-bond kayo.”

Wala siyang nagawa at napatango tango na lang.

“Mag-iingat ka. Call me if you need anything.”

Hinalikan pa niya ako sa noo.

“Ikaw na muna ang bahala kay Kendrick. Hindi naman ako magtatagal.”

“I love you.”

Matamis na ngiti ang sinukli ko. Dala-dala ang tote bag na kinalalagyan ng mga pasalubong na ginawa ko para sa pupuntahan.

Pagbaba ko sa kanto ay natanaw ko agad ang malaking bahay. Katulad ng mansion ni Davil, marami ring nagbago sa bahay na natatanaw ko.

“Magandang hapon po,” kuha ko sa pansin ng isang kasambahay na naglilinis sa labas ng gate.

Hindi ko nakikilala ang kasambahay na ito. “Ahm, ako po si Heart. Nandyan po ba ang kaibigan ko?”

“Po? Sino pong kaibigan?”

Mukhang bago siya. Ngumiti ako sa kasambahay. “Si Aliessa Marie Salen.”

“Salen?”

Tumango ako.

“Pasensya na, Miss. Matagal na pong wala rito ang hinahanap niyo.”

Nangunot ang noo ko. “Po? Ano pong ibig niyong sabihin?”

“Matagal na pong binenta ang bahay na ito. Ang mga amo ko po ngayon ang bagong nakatira rito.”

Bumagsak ang balikat ko.

“May contact po ba kayo kahit sino sa mga dating kasambahay rito?”

Pagbabakasakali ko. Baka kasi may makuha pa akong impormasyon at malaman kung saan ko matatagpuan si Ali.

“’Yung Mayordoma ng mga Salen lang po.”

Si Manang!

Dali-dali kong nilabas ang cellphone ko. “P’wede ko po bang mahingi?”

Inabot ko asa kaniya ang cellphone ko. Habang nilalagay niya ang cellphone ng number doon ni Manang ay may isang kasambahay na papalapit sa amin.

“Melody, tawag ka ni Madame.”

Agad na inabot sa akin pabalik n kasambahay ang cellphone ko. “Ayan na po. Sige, alis na rin po ako.”

“Salamat po!”

Lumakad ako paalis habang tinatawagan ang number. Nakailang ring muna bago iyon sinagot.

“Hello? Sino ito?”

Bahid na sa boses ni Manang ang katandaan. Mabagal na siyang magsalita at halos pabulong na lang.

“M-manang?” Nanginig ang boses ko.

“Hello? Sino ito?”

“Manang, ako po ito…si Heart.”

“Diyos ko…H-heart? Kaibigan ng alaga kong si Ali?”

Napatango tango ako kahit hindi naman makikita ng kausap ko. “Galing po ako sa bahay nila Ali, iba na po ang nakatira. Ano pong nangyari, Manang? Nasaan po si Ali?”

Katahimikan ang narinig ko sa kabilang linya. Akala ko ay naputol ang tawag. Sisilipin ko na sana ang screen ng cellphone nang marinig ko ang pigil na iyak ni Manang.

“M-manang? Ano pong nangyari?”

“Heart hija…m-matagal ng patay si Ali.”

Dumulas sa kamay ko ang cellphone. Bumagsak iyon sa kinatatayuan ko.

Ang kaibigan ko…

To be continued.....

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro