Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 52 (Warning)

Kabanata 52: Heart’s Pov

“Luto na ang almusal. Kumain na tayo,” malakas kong sabi sa mag-ama para marinig nila.

Kanina pagkagising nila ay nagpaalam sila na maliligo ng dagat. Hindi naman malayo ang dagat sa bahay, tanaw na tanaw nga.

“Let’s go, princess. Pinaaahon na tayo ng reyna,” dinig kong sabi ni Davil.

Nakasakay sa balikat niya si Kendrick na tuwang-tuwa.

Hindi ko naiwasang mapangiti habang nakatingin sa kanila. Parang kailangan lang…

Hinintay ko silang makalapit sa akin bago tinalikuran pauwi sa bahay.

“Mama, where are you going?”

“Uuwi na tayo, mag-aalmusal,” sabi ko.

“What?” Hindi ko sila nilingon at nagtuloy tuloy. “Daddy, go, go, get her.”

Nilingon ko ang dalawa dahil sa pagbubulong bulong ni Kendrick na mukhang may binabalak. Nanlaki na lang ang mata ko nang umangat ako sa ere.

“D-davil, put m down!”

Imbes na sundin ako ay tatawa tawa niya lang akong binaliwala at pumihit pabalik sa dagat. Umawang ang labi ko at lalong nanlaki ang mata. Alam ko na ang susunod na mangyayari.

Hindi nga ako nagkakamali. Kahit anong pagkawala ang ginawa ko para makaalis sa pagba-bride style niyang buhat sa akin ay nadala pa rin ako ng mag-ama sa dagat.

Malamig na ang pagkain sa lamesa nang madatnan namin. Pinagbanlaw ko muna ang dalawa para mainit ko ang almusal namin, pagkatapos ay ako na ang nagbanlaw.

“Mama, p’wede ba tayong sumama kay Daddy pag-uwi niya?”

Napatingin ako kay Davil.

Sa dami ng mga nangyari nitong nakaraan ay nakalimutan ko ng may kailangan pa palang balikan si Davil. Nawala sa isip ko ang tungkol sa lugar na babalikan niya at ng mga tao roon. Sobra na naman akong nakampante. Nasasanay na naman ako na nandito lang siya sa tabi ko.

“Ahm, hindi ko p’wedeng iwan ang tahian at bahay, anak, eh. ‘Tsaka…”

Hindi ko alam kung anong idadahilan. Tila nablangko ang isipan ko na halos wala akong makapkap na paliwanag.

“’Tsaka may pasok ka pa.”

“Eh sa bakasyon po?”

“Let’s see, anak. Wala namang problema kung hindi pa kayo free ngayon. Babalik pa naman ako rito,” sabi ni Davil.

“Tingnan natin sa bakasyon mo,” hindi pa rin siguradong sagot ko.

“Three months pa bago ang bakasyon namin. Matagal pa pala, Mama. I want to meet Lola and Papa’s brother.”

“Eh, anak, hindi kasi natin p’wedeng iwan itong bahay at patahian.”

Hindi na siya nagsalita pa. Dama ko ang sama ng loob na kinukubli niya sa loob. Wala na rin siyang gana sa pagkain.

“Wala ka bang nami-miss sa lugar ni Papa, Mama? Kinalimutan mo na po ba talaga ang mga iniwan mo roon?” saad niya maya-maya.

Ako ngayon ang hindi nakapagsalita.

“Drick, hindi ‘yan ang ibig sabihin ng Mama mo. Hintayin natin siya ang magdesisyon,” singit ni Davil.

“But, Papa. Sabi nga ni Mama, hindi namin p’wedeng iwan itong bahay at patahian. So kahit pala magbakasyon na, hindi ko pa rin mami-meet sila Lola…” bahid ng lungkot na sagot ni Kendrick.

Hindi na rin nakasagot si Davil, napatingin na lang sa akin.

“Kailangan pa ba nilang pumunta rito para patawarin mo sila, Mama? K-kailangan mo pa po bang patawarin silang lahat para bumalik?”

“Kendrick…”

“Hindi naman po kita pipilitin, Mama, kung ayaw mo.”

“Hindi sa ayaw ko, anak…”

Pero ano nga ba ang rason ko para hindi bumalik? Hindi ba’t tama naman si Kendrick? Kung gugustuhin ko naman talagang bumalik…magagawang ko ng paraan itong bahay at patahian.

“I’m full. Thanks for the breakfast, Mama.”

Bumaba na siya sa kinauupuan at umalis. Binaba ko na lang ang tingin sa plato ko.

“Aalis ka na?” sambit ko.

“Babalik naman ako,” sagot ni Davil.

“Bakit hindi mo sinabi sa akin na aalis ka na? Sa bagay, mas matimbang pa rin iyung mga naiwan mo kaysa sa amin ni Kendrick. Kaya kahit gusto ka naming makasama pa ng matagal ay hindi na dahil…”

Pinahid ko ang kumawalang luha sa mata ko. Hindi ko alam bakit ganito ako ka emosyonal ngayon. Malungkot na nga ako dahil hindi ko maibigay ang kagustuhan ng anak ko, dadagdag pa itong bigat ng dibdib ko.

“A-attend-an ko lang ‘yung mga importanteng meetings na kailangang naroon ako. Babalik naman ako, eh.”

Tumayo siya sa kinauupuan at lumipat sa upuan ni Kendrick. Nilapit niya iyon sa akin. Sinandal niya ako sa dibdib niya habang tinatahan.

“I promise, dito ako didiretso pagkatapos ng last meeting ko next month.”

Matagal pa!

“Pa’no si Kendrick, gusto niyang sumama? Natatakot ako na baka…kapag sinama mo siya, kunin siya ng pamilya ko. Alam mo na naman siguro ang kayang gawin nila, ‘di ba? Natatakot ako na baka hindi na bumalik sa akin ang anak ko dahil sa inyo. B-baka kunin mo ang ate ko bilang Ina ni Kendrick, at ilayo siya sa akin.”

“Hush…’wag kang mag-isip ng mga ganiyan. I can’t do that to you. I will take care of our son. And, baby…hinding hindi na iyon magagawa ng pamilya mo.”

“Hindi mo pa siguro alam kung anong kaya nilang gawin para makuha ang gusto nila.”

“Baby, sinisiguro kong hindi na nila kayang gawin iyon.”

Umalis ako sa pagkakasandal sa kaniya at hinarap siya ng maayos.

“Sige, sabihin na nating may sakit nga ang Mama ko. Pero hindi pa rin natin alam ang takbo ng utak niya. Baka mamaya, kung anong masama ang gawin niya kay Kendrick. At si ate–,”

“Gusto mo bang malaman kung anong sitwasyon ngayon ng ate mo?” sabi niya na nagpatigil sa akin.

Umiling ako. “Ayokong may marinig tungkol sa kaniya. Ayokong maging updated ako sa kaniya katulad mo,” inis na sabi ko at dumistansya sa kaniya.

“Oh, oh. Baby, ‘yong tungkol po sa pag-alis ko ang pinag-uusapan natin. ‘Wag na pong magselos para hindi nagagalit,” lambing niya.

Inirapan ko na lang siya at sinimulan ng ligpitin ang pinagkainan. Tinulungan niya na rin ako kaya mas napadali ang trabaho.

Lumipas ang buong araw na nandon lang kaming tatlo sa bahay. Binigyan ko ng pahinga ang sarili kaya sinarado ko muna ang tindahan. Linggo naman at makakapaghintay naman ang mga customers ko.

“Kailan ka aalis?” tanong ko kinaumagahan nang madatnan siya sa kusina, nagluluto ng almusal.

“Bukas.”

Napabuntong-hininga ako.

I’ve been thinking of it since last night. Magkatabi silang natulog  kagabi sa kwarto ni Kendrick. Kaya dilat na dilat ako kagabi, nag-iisip.

Mananatili na lang ako rito para tumago? May mga responsibilidad din akong naiwan sa lugar na iyon. Mas lalong may mga kailangan akong ayusin.

Siguro tama na ang pagtatako. Tama siguro na harapin ko na ang mga pinagtataguan at tinatakbuhan ko. Para sa kapayapaang gusto ko…kailangan kong magpatawad.

“Can I go with you? S-sama kami ni Kendrick.”

Natigilan siya sa ginagawa. “Are you sure? Are you ready?”

Tumango ako. “Napag-isipan ko na ito kagabi pa. At para na rin kay Kendrick.”

Lumapit siya sa akin. “Don’t worry. I’ll always have your back no matter what. I love you.”

I’m now ready to say goodbye to this island for a short time. I promise, no matter what happens…babalik at babalikan ko ang lugar na ito, kung saan ako tinulungang makabangon.

To be continued….

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro