Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 49 (Warning)

Kabanata 49: Heart’s Pov

Pagkarating ko sa Isla, akala ko ay magiging maayos na ang lahat ngunit hindi. Mas naging mahirap. Dahil wala akong malapitan at naging parang isang bata na naligaw sa isang lugar. Hindi alam kung anong gagawin, hindi alam kung paano ulit magsimula. Lalo pa’t may bata akong bubuhayin sa sinapupunan ko.

Dahil sa patong patong na problema, naghahalo halong emosyon…napunta ako sa mental hospital. Malaki ang pasasalamat ko sa taong tumulong sa akin para madala roon at mapagamot. Pero nang gumaling na ako at maayos kong nailabas ang anak ko, hindi ko na siya nahagilap.

Hindi ko man lang siya napasalamatan. Hindi ko man lang siya naharap nang maayos, nang hindi na sa kung ano ako noong matagpuan niya sa tabing dagat…na wala sa sarili at muntik nang magpakamatay.

Dahil sa pagkawala ko sa sarili, ang naiisip ko na lang ay lumangoy langoy sa ilalim ng dagat.

“Saktan mo ako…hanggang sa mawala ang sakit na binigay ko sa’yo.”

Pinunasan ko ang basang basa na mukha saka tiningnan siyang nananatiling nakaluhod sa harap ko.

“K-kung gagawin ko iyon, para saan pa? At nangako ako sa sarili ko noon, na ano man ang mangyari…hindi ko kayo paghihigantehan dahil magiging maayos din ako at makakalimutan ko kayo. Kaya please, tama na?”

Sinubukan kong tanggalin ang mga braso niya sa baywang ko ngunit mas lalo iyong humigpit.

“Davil, please…tigilan niyo na ako. ‘Wag niyo na ulit akong saktan, ha?”

Umiling iling siya habang nananatiling nakasubsob ang mukha sa tiyan ko. Basang basa na iyon dahil sa luha niya.

“Ayoko, please…gagawin ko lahat ng gusto mo. ‘Wag lang kayong lumayo.”

“Anong gusto mo, pumili ka. Ikaw ang lalayo…o kami?”

“No! No…please, no. Ayokong lumayo kayo, mas lalong ayaw kong lumayo ako sa inyo. Please, give me another chance please? Baby, please…”

“Bakit? Wala ka bang pamilya? Imposibleng wala ka pa rin!”

“Wala akong ibang pamilya, kayo lang ng anak ko. Hindi rin ako bubuo ng ibang pamilya kung hindi ikaw.”

‘Wag niya nga akong lokohin! Paano si ate? Hindi ba’t kailangan naming magkahiwalay noon para silang dalawa ang magkatuluyan?

“I told you already, na-coma ako.”

“At kung hindi ka na-comatose–,”

“Nahanap na sana kita. Nahanap ko na sana kayo ng anak natin, at may panibago na naman sana tayong anak.”

Nilalandi niya ba ako?

Sinubukan ko ulit na tanggalin ang nakapulupot niyang braso ngunit ayaw niya talagang bumitaw.

“Okay, I’ll give you a chance,” sabi ko.

Kaagad na umangat ang ulo niya sa akin.

“Pero sabihin mo muna sa’kin kung bakit hinayaan mo lang ako noong may mga pagkakataon na kayang kaya mo pa akong sundan at pigilan sa pag-alis.”

Napaayos siya sa pagluhod. Narinig ko ang pagtunog ng tuhod niya. Bahagya akong napangiwi, parang naramdaman ko rin ang sakit.

“I was drunk. I didn't have the chance to chase you right away even though I wanted to, because I got sick and was weak.”

Naalala ko, nagkakasakit nga pala siya kapag umiinom.

“Nagpagaling ako at hinanap ka, pero hindi na kita mahagilap. Ilang beses din akong nagmakaawa sa kaibigan mo na sabihin niya sa akin kung saan ka nagpunta, pero ayaw niyang sabihin.”

Ang kaibigan ko…si Ali.

“And I was about to find you again but the accident happened. I’m so sorry, all I have to that time bago ako maaksidente ay ang putulin ang koneksyon ng pamilya ko sa ate at mama mo. I’m sorry dahil hindi kita nahanap agad. I’m sorry…pinagdaanan mo ang hirap sa lugar na ito dahil sa akin. I’m so sorry…”

Pinutol niya ang koneksyon nila sa Mama at ate ko? Kung gano’n, matagal na silang walang koneksyon? Pero, lumalapit pa rin sa kanila at hinahanap ako?

“You’re forgiven,” I said calmly. “Because of what you did, I learned standing alone. Natutunan kong tumayo sa sariling paa, at natutunan kong unahin muna ang sarili ko at hindi ang mga taong hindi ako pinahahalagahan.”

“I’m sorry…”

“Natutunan kong maging matibay, dahil sa mga ginawa niyo. Kaya ko naman pala bumangon mag-isa nang hindi nagmamakaawang bigyan ninyo ng pansin at pagmamahal…”

Pinahid ko ang mainit na luhang kumawala sa mata ko.

“Dahil sa ginawa ninyo…natutunan kong mahalin ang sarili ko. At iyon na lang ang gagawin kong dahilan para patawarin kayo. Dahil sa mga ginawa niyo, may natutunan ako sa mga pagkakamali ko…at natutunan kong unahin ang sarili ko.”

“I will do everything what you wanted me to do.”

“Pinapatawad na kita, Davil…but don’t expect me to be your wife again. Ang bagay na iyon, ay hindi mo na maibabalik,” sabi ko.

Sa wakas, matapos kong ilabas ang mabigat na ilang taong nakabara sa dibdib ko…magaan na ang pakiramdam ko. Nararamdaman ko na ang kapayapaan ng dibdib na ilang taon kong hinahangad.

“Hahayaan kitang mapalapit sa anak ko, ‘wag mo lang siyang sasaktan.”

Sinubukan ko ulit na alisin ang nakayapos niyang braso. Maayos na akong nakahinga nang makawala ako. Hindi na ako naghintay pa ng kung ano, nilampasan ko siya pabalik ng bahay.

Nakatulog ako nang mahimbing sa gabing iyon. Hinayaan ko na lang saan dumiretso ang lalaki. Kung umalis na siya, edi mabuti para sa kaniya, pero kung diyan talaga siya matutulog sa balkon–bahala siyang papakin ng lamok.

“Mama, wake up…”

“Hmm?” ungot ko.

“Mama, wake up. It’s dark.”

Napabalingkwas ako nang sa pagdilat ko ay matinding dilim ang nakabalot.

“Anak?” Kinapa ko siya sa.

“I’m here, Mama.” Hinawakan ko siya nang mahigpit nang maabot niya ang kamay ko.

Unti-unti ay nasanay ako sa dilim kaya naaaninag ko ang paligid. Kinapa ko ang cellphone at in-on ang flashlight.

“Halika rito. Dito kana matulog.”

“Mama, hindi ako makatulog sa init,” aniya.

Inabot ko ang karton ng gatas na nakita sa bedside table. “Heto, papaypayan ka ni Mama.”

“Okay, Mama. Good night, I love you.”

Humiga siya at sinandal ang binti at braso sa akin. Hindi na ako dinalaw pa ng antok sa kapapaypay. Pero tila kahit anong paypay ko ay pinagpapawisan pa rin ako at si Kendrick.

Alas tres pa lang ng madaling araw nang tingnan ko ang orasan.

Dahan-dahan kong tinanggal ang pagkakasandal ni Kendrick sa akin. Hahanap ako ng magagamit na maayos na pamaypay sa labas. At subukan na ring buksan ang pinto para may makapasok na hangin kahit papaano.

May narinig akong mahihinang katok sa pinto nang lumabas ako ng sala. Lumapit ako at pinakinggan iyon.

“Heart? Are you awake? Okay lang ba kayo riyan ng anak natin?” mararahang saad ni Davil.

Nakahinga ako nang maluwag. Akala ko ay ibang tao kaya hindi ko agad binuksan ang pinto.

“Dinalhan ko kayo ng flashlight at chargeable fan,” aniya pa.

Inalis ko ang lock ng pinto at binuksan. Bumungad sa akin ang lalaki, dala-dala ang mga sinasabi nila. Gamit ang flashlight ng cellphone niya dahilan para makita siya.

“Diyan ka talaga natulog?” at nakuha ko pa iyong itanong.

“No, baka magalit ka pa kapag nagpumilit pa akong matulog dito.”

“Nag-abala ka pa,” sabi ko. Kukunin ko na sana ang mga dala niya nang iiwas niya iyon sa akin.

Napahakbang ako patabi nang humakbang siya papasok. Binuksan niya ang flashlight na sinasabi niya, at halos sinkop ng liwanag niyon ang buong bahay. Wow, mukha na ring may kuryente. Sunod na binuksan niya ay ang sinasabi niyag fan. Wow, dinaig pa niyon ang aircon sa lamig.

“Where’s our princess?” aniya.

“Tulog,” sagot ko na lang. “Sa kwarto ko.”

“Where’s your room?”

Tinuro ko na lang ang kwartong nasa likod niya. Hindi ko na siya pinigilan nang pumasok doon. Sumunod ako.

“Alas tres pa lang, matulog kana ulit. Nasa labas lang ako kapag may kailangan ka.”

Tumango na lang ako.

Saglit pa siyang napatitig sa anak bago pumihit paharap sa akin.

“Kung gusto mo…ah…sa sofa ka na lang matulog–kung gusto mo lang naman.”

Hindi ko alam bakit ganito ako kabahan na ewan. Tsk!

Tinalikuran ko na siya para pumunta sa pwesto na kinahihigaan ko kanina.

“Matutulog na ako,” sabi ko at agad nagtalukbong ng kumot.

Bahala na siya sa buhay niya kung ano ang gagawin niya.

To be continued….

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro