Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 46 (Warning)

Kabanata 46: Heart’s Pov

Nagising ang diwa ko sa pagtilaok ng manok. Maliwanag na sa labas, at ang manipis na kurtina ay umaalon gawa ng hangin.

Napabalingkwas ako sa pagkakahiga nang maalala ang mga nangyari kagabi. Bumaba ako ng kama at dali-daling lumabas ng kwarto. Agad akong napatigil nang madatnan ko ang mag-ama sa kusina.

“Oh, gising ka na,” ani Davil na napatigil pa sa paglalagay ng plato sa mesa.

“Mama, he cooks for us,” ani Kendrick.

“Kumusta ang pakiramdam mo?” agad na natanong ko.

Nakagat ko ang dila. Luh, bakit iyon agad ang tinanong ko? Mamaya niyan kung anong isipin niya.

“Okay na ‘ko,” sabi niya at ngumiti pa sa akin bago pinagpatuloy ang ginagawa.

Hotdog, sunny side up eggs, tosino at corned beef ang ulam na hinanda niya. Fried rice at tinapay na may dahon na palan din.

“Umupo ka na,” sabi niya, pinaghila pa ako ng upuan.

Nag-aalangan man ay umupo na lang ako. Pagkatalikod niya para kumuha ng kung ano sa kitchen cabinet ay nilapitan ko si Kendrick at binulongan.

“May tuyong laway ba si Mama?” Umiling siya. “Morning glory?”

Umiling ulit siya.

“Ahm…mabaho ba ang hininga ko?” mas mahina kong tanong at bahagyang binugahan ang anak.

“Hmp. Mama, okay na ba kayo ni Papa? Bakit po ganiyan na kayo ngayon makaasta?”

“Hindi, ah! Hindi ba sabi mo bibigyan natin ng chance?”

“Ah, kailangan po ba icheck din kung may tuyong laway ka, morning glory at mabahong–,”

Agad kong tinakpan ang bibig niya dahil pabalik na si Davil. May dala-dala siyang tinimpla na dalawang gatas.

Sabay-sabay na kaming kumain na tatlo. Hindi lang ako masyadong umiimik at pinagmamasdan lang ang dalawa. Mukhang komportable na sila sa isa’t isa, at kahit kunting pandidiri o ano sa mata ni Davil habang nakikinig sa mga kinukwento ng anak niya na malambot pa ang galaw, ay hindi ko na bakasan kay Davil. Tanggap niya talaga kung ano ang anak niya.

Naunang matapos si Kendrick sa pag-aalmusal at iniwan kami ng tatay niya para pakainin ang pets niya, ‘yong mga manok.

“How’s your sleep?” pagbasak ni Davil sa katahimikan.

I put down my utensils. “Good…” saka ako uminom ng gatas.

“Anong oras ang punta niyo sa patahian…mo?”

“After this,” tipid na sagot ko.

“I’m so proud of you.”

Inabot ko agad ang tubig ko habang sunod-sunod na umuubo dahil sa pagkasamid.

Nasa tabi ko na agad siya, pinupunasan ng tissue ang kumalat na gatas sa bibig ko. Todo iwas naman ako.

“Oh my! Mama, you’re gross! Really? In front of my pretty face?” asar na saad ni Kendrick.

Dumaan siya sa likod namin ng tatay niya at may kinuhang tubig saka lumabas din.

“Are you okay now?” marahang tanong ni Davil.

Tumango tango lang ako at kinuha na lang sa kaniya ang tissue para ako na ang magpunas sa sarili.

Tumayo ako. “Okay na ako rito. Ako na lang ang magliligpit nito, maari ka ng umalis…k-kung gusto mo.”

Pinigilan niya ako agad. “Ako na ang gagawa hmm? Maghanda na lang kayo ng anak natin sa pagpunta sa patahian,” aniya.

Anak natin…hmp!

Iniwan ko na lang ang lalaki sa kusina. Iyon ang gusto niya, e, edi bahala siya.

“Drick, sasama ka ba sa akin sa patahian?” tanong ko sa anak nang pumasok ng bahay.

“Yes, Mama.”

“Okay, maligo ka na.”

“Mama, I’m not yet mabantot,” busangot niyang sabi na agad kong ikinalingon sa kaniya.

“So hihintayin mo pang bumantot ka bago maligo?” Nilapitan ko siya at sininghot. “Gosh, ang bantot mo na, anak,” pang-aasar ko.

“Okay, I’ll get shower. Ayaw kong maamoy rin ako ni Papa na mabantot,” aniya.

“At bakit? Sa akin okay lang na mabantot ka, pero kapag sa tatay–,”

“Hush now, Mama. I love you! It’s just…Papa is so pogi,” pabulong niya pang sinabi ang huli, bago tumakbo papunta sa kwarto niya.

Magkakasama kaming tatlo na lumabas sa bahay. Si Kendrick, dala-dala ang kulungan ng mga manok niya na isasama niya rin sa patahian.

“Let’s go.”

Sumunod ang dalawa sa akin. Hindi ko na lamang pinansin ang iilang atensiyon na napapabaling sa aming tatlo habang naglalakad papuntang kalsada.

“Tatlo po,” sabi ko sa tricycle driver pagkaabot ko ng bayad.

“Ikaw, Mister? Magiging buntot ka na lang ba ni Mama sa buong araw?” saad ni Kendrick sa tatay.

“Uuwi na rin ako, pagkatapos kong tulungan ang Mommy mo sa mga gagawin niya,” ani Davil.

“Ayos lang. Kaya ko na ‘yon, ‘tsaka maya-maya lang ay pupunta na rin ‘yon si Bruno rito para kung sakaling may hindi ako–,”

“Hindi muna ako aalis,” sabi niya na agad.

Binuksan ko na lang ang patahian ko. At talagang hindi agad umalis si Davil hanggang sa nagkaabutan na sila ni Bruno.

“Saan ko ililigay ‘tong bagong deliver, Heart?”

“Ako na,” singit ni Davil at inunahan si Bruno na kuhanin ang box na dineliber kahapon.

“D-dito lang ‘yan,” sabi ko na agad, nautal pa dahil nabigla sa pagkilos ni Davil.

Kanina lang ay maaliwalas ang mukha niya, ngayon ay parang sinukluban bigla ng langit at lupa.

Napailing iling nalang si Bruno sa akin. “Oh, pa’no? Mukhang may gagawa na ng trabaho ko rito,” bahagya siyang natawa. “May gagawin pa ba ako rito? Kung wala na ay aalis na ako. Sabihan mo na lang ako kapag may kailangan ka sa’kin sa patahian mo.”

Tinanguan ko siya. “Salamat, Bruno.”

Malalim na lang akong napabuntong-hininga nang lingunin si Davil. Nakaigting ang bagang niya ngayon habang seryoso sa ginagawa, nakasalubong ang kilay.

“Davil,” tawag ko.

Mabilis siyang napaangat ng tingin sa akin.

“P’wede ba tayong mag-usap? Nang tayong dalawa lang…nang walang ibang nakapaligid?”

Iniwan niya muna ang mga kahon para lapitan ako. “I will call my assistant to bring my yatch here right away.”

Yate?

“Hindi sa gano’n. Kahit sa–,”

Hindi ko natuloy ang sasabihin nang mag-ring ang cellphone ni Davil. Agad niya iyong hinagilap sa bulsa ng short niya.

“It’s Lola, I can decline this–,”

“No!” pigil ko. “Baka emergency…answer it.”

Nag-aalangan man ay tumango siya. “Okay…”

Sinagot niya ang tawag. Ayaw ko mang makinig ay hindi nakaligtas ang sinabi ng Lola niya dahil naka-loud speaker iyon. Na mukhang sinadya pa niya para marinig ko ang kung ano mang pag-uusapan nilang dalawa.

“Have you found your wife and son? Can you bring them back here immediately? Ang Nanay ni Heart kaalis lang dito…she needs her daughter.”

Natigalgal ako sa kinatatayuan.

Napaangat ako ng tingin kay Davil dahil doon. Nakatingin na siya sa akin kaya nagkasalubong ang mata namin.

“I found them. But I’m sorry, La…kasi kahit ako, ayaw kong iharap ang asawa ko sa kanila.”

“Pero, apo–,”

“Bye, La. I’ll call you again soon.”

Napatunganga ako sa kawalan. At kahit anong gawin ko para maiwasang isipin ang sinabi ng lola ni Davil at ibaling sa iba ang atensiyon ko, hindi ko maalis alis sa isip ko.

Hinanap lang ako…kasi kailangan ako? Para saan na naman? Para kanino na naman?

Malalim akong nagpakawala ng buntong-hininga bago hinarap ulit si Davil.

“Gusto kong mabuhay ng tahimik kaya ako lumayo…” saad ko, pigil ang galit. “Pero nang dahil sa pagdating mo rito…unti-unti na namang gumuguho ang pag-asa kong mabubuhay ako ng matiwasay kasama ang anak ko.”

“Heart…”

Sinubukan niya akong lapitan pero pinigilan ko siya agad. “Kasalanan mo ‘to, e! Umalis ka na kaya! Iwan mo na kami rito! Isinumpa ko noon bago ako umalis na kahit anong mangyari, gagawin ko ang lahat para lang wala na akong marinig tungkol sa Nanay at ate ko na naglagay sa’kin sa sitwasyong ito!”

“Baby, calm down…”

“Don’t touch me!” Lumayo ako sa kaniya, lumuluha. “Please lang…umalis ka na, kalimutan mo na lang kami.”

Umiling iling siya. “I will not. I’m staying. Dito lang ako–,”

“P-please, Davil…ayaw ko na silang makita ulit. Ayaw ko ng makarinig ng kahit ano tungkol sa kanila…gusto ko na silang kalimutan. Matagal na silang naging h-hindi parte ng buhay ko…”

“Hush…of course. Hindi ako tatanggap ng kahit anong tawag mula sa kahit kanino,” marahan niyang sabi, tinatahan ako.

Kinalas niya sa harapan ko mismo ang cellphone niya.

“Hindi ko gagawin ang gusto ni Lola. Hindi kita pipilitin. Dito lang ako, dito lang tayo…”

Niyakap niya ako at hinalik halikan sa ulo.

“Hush now…”

Unti-unti ay kumalma ako. Gusto ko na silang kalimutan. Kakalimutan ko sila, makakalimutin ko rin sila.

To be continued…..

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro