Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 44 (Warning)

Kabanata 44: Davil’s Pov

Nagising ako sa sobrang tahimik na silid. Iginala ko ang paningin sa paligid subalit wala akong makita na kasama ko.

Pinindot ko ang red button na nasa tabi ng kama ko. Hindi nagtagal ay may pumasok na nurse, napatigil pa siya ngunit agad napangiti.

“Sandali lang po, ah, tawagin ko lang po si doc,” aniya.

Sa muling pagbabalik niya ay kasama niya na nga ang doctor at isa pang nurse. Habang sinasabi nila ang mga kailangan ko ay inisip ko naman kung bakit ako narito.

“Doc, what happened? Bakit ako nandito?” tanong ko.

“You had an accident, at ngayon ka lang nagkamalay…after almost six years.”

Six…what?

“Six years?!” gulat at bigong sabi ko.

Tumango tango siya. “Ngayong nagkamalay ka na, pagkatapos lang ng tatlong araw ay maaari ka ng umuwi.”

Nakaalis na ang Doctor ay naiwan pa rin akong nakatulala…pinoproseso ang mga sinabi ng manggagamot.

What the f*ck! That’s too much to waste! Bakit ako hinayaang makatulog ng gano’ng katagal? Sana…kasama ko na ngayon ang pamilya ko. Edi sana…nakakapiling ko na ngayon ang mag-ina ko.

May tatlong araw pa raw akong pananatili rito for recovery. Pero pakiramdam ko ay okay na ako, wala ng masakit, malakas na ako.

Sa pagdating lang din nila Lola ay inaya ko na rin silang umuwi. Hindi ako pinapayagan ng doctor, pero nang abutan ko ng pera ay saka pumayag.

“Apo, magpagaling ka muna. ‘Wag kilos nang kilos,” saway sa akin ni Lola matapos akong madatnan sa kwarto ko na nagiimpake.

“Maayos na po ako, Lola. Kaya ko na po.”

“Pero, apo, baka ka naman mapasama niyan.”

Umiling lang ako. “La, don’t worry about me. Kailangan kong matagpuan ang mag-ina ko.”

“I know naman apo, kahit ako hindi na makapaghintay. But I tried to look for them, pero hindi ko rin sila matagpuan.”

“At hindi ibig sabihin niyan, Lola, na hindi ko na rin sila matatagpuan,” sabi ko.

No. Hindi maaari. Hindi ako titigil sa paghahanap sa kanila.

“Anyway, Lola…about her mother and sister.”

“Sinabi sa akin lahat ng assistant mo ang tungkol sa kanila. Simula noong gawin ko ang gusto mo, nawalan na ako ng balita tungkol sa kanila.”

Umigting ang bagang ko. Hinding hindi ko pa rin makakalimutan ang mga ginawa nila sa asawa ko at sa pangloloko sa pamilya ko.

“Hindi niyo man lang ba inalam kung saan sila pupulutin ngayon?”

“Apo, I understand your anger. Pero…hayaan na natin sila. Basta, ang huling balita ko two years ago…pinaalis sila ng kinauutangan nila sa bahay na binigay natin sa kanila, bilang pambayad. At magmula noon, wala na akong balita.”

Napatango tango ako. Magandang balita na rin iyon.

“Alis na ‘ko, La. Take care here, hindi ko po alam kung kailan ako makakabalik.”

Sobrang laki ng pagkakamaling ginawa ko. Hindi ako mabubuhay nang hindi napapatawad ng babaeng mahal ko. Kung matagpuan ko man sila at ayaw na talaga akong tanggapin, tatanggapin ko…pero kahit man lang sana matanaw ko sila sa malayo, okay na ako. Gusto ko lang na makita silang maayos.

Gano’n pa man, gustong gusto ko rin talaga na magkaayos kami at magkasama ulit sa iisang bubong…kasama ang anak.

I want to spend my life with her. I only live with my wife by my side.

Ang sabi ni Lola ay pinahanap niya ang mag-ina ko sa mga malalayong lugar at hindi pa nasusubukan sa mga isla-isla. Kaya naman, sinearch ko talaga sa internet ang mga underrated island na dinadayo rin ng iba, kahit hindi sikat.

“Gawa po ‘yan ng isa sa magagaling na mananahi sa islang iyon,” ani ng ginang ay tinuro ang islang nasa tapat.

Mula rito sa kinatatayuan ko ay natatanaw ko ang mahabang puting buhangin.

“Ang galing…” saad ko.

Rason kung bakit ko nilapitan ang ginang ay dahil sa nakita kong daisy flower print summer shirt. Naalala ko agad ang hair clip na binigay ko kay Heart noon.

“Bilhin ko na ‘to, ‘nay,” sabi ko sa ginang.

“Sige, sir. Patungo rin po ba kayo sa islang iyon? Hindi po imposible na makita niyo ang patahian ng mga ito,” aniya habang binabalot ang binibili ko.

“Talaga po?”

“Oo, sir. Isa po sa magagandang puntahan sa islang iyan ay ang patahian na iyon. Sadyang magaling ang may-ari. At sobrang napakabait pa ni Miss Heart.”

My heart suddenly jump. Para bang nakilala niya agad.

“Ano po? Heart ang pangalan?”

“Oo, sir. Kahit itanong niyo lang sa isang taga roon ay agad nilang ituturo sa inyo ang patahian ni Miss Heart. Kilala siya roon, sir.”

Nakaramdam ako ng labis na pagmamalaki para sa asawa ko. Pero hindi ko rin maiwasang makaramdam ng lungkot at sakit. Kapag ba nagkita ulit kami…papansinin niya pa ako?

Yes. She did notice me. Nasa bangka pa lang ako ay nakita ko na siya. Kokompermahin ko pa sana kung siya ba talaga ang nakikita ko, pinagsisigawan na ng puso ko na siya na talaga.

Nangunot ang noo ko nang kausapin siya ng isang lalaki sa nakakapag-overthink na paraan.

Ano ‘yon? Bakit parang close na close sila sa isa’t isa? Tumiim ang bagang ko.

Hindi lang sa dalawa nabaling ang atensiyon ko nang makababa ako ng bangka. Nabaling din ang atensiyon ko sa batang lalaki na tumawag sa asawa ko ng Mama.

My heart skipped a beat. Malayo man, nakikilala na agad sila ng puso ko. Malayo man…kitang kita ko na ang itsura ng batang lalaki. Para akong nakatingin sa batang Davil. Kahit sino ang makakita sa aming dalawa na magkasama ay sasabihin din nilang mag-ama kami.

I will f*cking get them back to me. I will give them the best life, and the what they deserve.

Sabi ko, hahanapin ko sila at kapag nakita ay aayusin ko sa asawa ko ang mga nagawa ko…pero heto ako, nalulunod pa rin sa kagandahan niya.

“Ano pong ipalalagay ninyo sa ibabaw, sir?” tanong ng babae na pinagbibilhan ko ng cake.

“Happy 7th Wedding Anniversary.”

“Okay, po. Saglit lang po ito, pakihintay na lang.”

Matipid lang akong tumango.

Kahit ilang beses niya akong pagtabuyan, hindi ako susuko. Tumatagos man ang mga salitang binibitawan niya, ilalaban ko pa rin ang nararamdaman ko. Hangga’t hindi ko naayos ang mga pagkakamali ko. Mananatili ako sa tabi ng mag-ina ko.

“Wala na naman sigurong problema kung ilalabas ko ang tunay na ako sa harap ninyo, ‘di ba?” tanong niya, nagpupunas ng sipon.

Katatapos lang namin mag-iyakan na mag-ama. Kung hindi niya pa siguro alam ang nangyari sa amin ng mama niya, handa kong sabihin iyon sa kaniya. Handa kong isa-isahin ang sakit na binigay ko sa Nanay niya.

“You’re so handsome po…”

Hindi maalis alis ang ngiti ko habang puno ng pagmamahal na pinagmamasdan ang anak. Gustong gusto ko siyang yakapin ngunit pinipigilan ko ang sarili ko.

“Tanggap ako ni Mama kung ano ako,” aniya pa.

Tumango ako.

Mataray niya akong tiningnan mula paa hanggang ulo. “I hate you so much. I hate you for hurting my Mama, but…if you accept me who I really am, and promise me that you will never ever hurt my mom, at ayusin ang ginawa mo sa mama ko…I will forgive you.”

Sunod-sunod akong napatango. “I will accept you, maging sino o kahit ano ka man. At oo, hindi ako nandito para guluhin kayo, nandito ako para ayusin ang lahat sa Nanay mo. W-will you please help me?”

“No,” agad na sagot niya na ikinabagsak ng balikat ko. “Ang tanging makukuha mo lang sa akin ay support. Pero hindi kita tutulongan. Ikaw lang naman ang nanakit kay Mama ko, e, hindi ako kasama hmp!”

Imbes na maasar sa pagtataray niya ay natawa ako. Natutuwa ako sa kilos at paraan ng pananalita at galaw niya. Sa akin niya nakuha ang itsura, pero sa nanay niya nakuha ang kamalditahan.

Ano mang pang iinsulto ang matanggap ko dahil sa pagkakaroon ko ng balikong anak, wala akong pakialam. Basta sa ikasasaya ng mag-ina ko, doon ako.

Pumasok ako sa covered court kung saan ginaganap ang pasayaw ng mayor sa isla. Nabalitaan kong pupunta rito ang asawa ko, kaya inunahan ko na.

Iniwasan ko ang mga alak habang hinahanap ng tingin ko si Heart. Pero hindi nagtagal ay napatunga ako sa bote ng nadampot kong alak nang makita ko ang asawa ko na isinasayaw ng isang lalaki.

What’s his name again? Bruno?

Sounds like dog. Tss.

To be continued….

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro