Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 43 (Warning)

Kabanata 43: Heart’s Pov

Nagising ako sa tilaok ng manok. Nagtaka pa ako dahil wala naman manok dito sa malapit.

Dumiretso ako sa kusina para makapagluto na ng almusal namin ni Kendrick. Mamaya ko na lang gigisingin ang anak ko. Subalit napatigil ako sa pagbukas ng refrigerator nang marinig ko ang boses ng anak ko.

“Don’t lie to me.”

Bumalik ako sa sala para hagilapin ang pinagmumulan ng boses ng anak ko, pati na ang pagtilaok ng manok.

“I will never…” pamilyar na boses ng isang lalaki.

Sa labas ng balkon nagmumula ang mga boses kaya roon ako tumungo.

“Now, tell me…are you really in love with my–,”

“Yes.”

“With my enemy?”

“No! I mean…to your mother.”

“Hindi ko pa nga natatapos ang sasabihin ko. What if with my Lolo, Lola, etc. etc.,” masungit na saad ng anak ko.

“I-I’m sorry…”

Boses ni…Davil? Anong ginagawa niya rito? At paano niya natunton ang bahay namin ng anak ko?!

Dali-dali akong lumabas ng balkon, at hindi nga ako nagkakamali. Ang kausap ng anak ko ay ang bakunawa niyang tatay, ang bakunawa niyang tatay na mukhang maamong kuting ngayon sa harapan ng anak niya.

“Anong ginagawa mo rito?” Pumagitna agad ako sa kanilang dalawa.
,
“I…I brought you…” Pinakita niya sa akin ang kulungan na may tatlong manok.

Tumilaok ang isa.

“Anong gagawin ko–,” 

Natigil ako sa sinasabi dahil sa ilang ulit na pagkalabit sa akin ni Kendrick. Nilingon ko siya, salubong ang kilay.

“Ma, may tuyong laway ka pa tapos may morning glory, oh my gosh,” pabulong niyang saad, inirapan pa ako.

Nakaramdam ako ng panginginit ng buong mukha. Talaga?

Pa-simple kong pinunasan ang buong mukha ko, bahala na! Hinarap ko ulit si Davil pero hindi ako makatingin sa mga mata niya kaya sa manok na dala-dala niya na lang.

“S-sira ulo ka ba? Anong gagawin ko riyan?” Tinuro ko pa ang mga manok.

“Mama, p’wede ko ba siyang maging pet?”

“S-sure!” nalilito man ay agad na sinagot ni Davil.

Matalim kong tiningnan ang lalaki. “Ikaw ba ang tinatanong? Ikaw ba ang Ina ha?”

“I-I’m sorry… I didn’t mean to.”

“So ‘yan lang ba ang pinunta mo rito? At pa’no ka nakapunta rito?”

“Hinanap ko ang place niyo,” aniya.

“Kung para sa amin ‘yang mga manok na ‘yan, iniwan mo na lang sana.”

“Pero gusto ko rin kayong makitang dalawa…”

“Don’t. You. Dare. Lie. To. Me. Ever!” pagtataray ni Kendrick.

“I’m not lying! Gusto ko rin talaga kayong makita–,”

“Oh, ngayong nakita mo na kami, p’wede ka ng umalis,” putol ko sa kaniya.

Agad naman siyang tumango, na kahit pagtutol ay hindi niya ginawa kahit bakas sa itsura niya na gusto niya pang manatili.

“If that’s what you want, sure. But can I go here everyday?”

“Madalas kaming wala rito.”

“Every morning?”

“So every morning lang?” komento ni Kendrick. “My gosh, ‘yan ba ang schedule namin ni Mama? Pang-umaga? Really? You told that you’re so in love with my–,”

“Yes, I’m so in love with your mother–,”

“May sinabi na ba akong ‘mother?’”

“N-no! I mean…I’m sorry.”

“Kendrick anak, can you leave us here?” marahang pakiusap ko sa anak.

Malalim siyang napabuntong-hininga. “Sure, Mama.”

Nginitian ko siya. Bago siya umalis ay ina-eye to eye niya pa si Davil. Nang makapasok na siya sa bahay ay hinila ko si Davil palayo sa bahay, sa kung saan hindi maririnig ni Kendrick ang pag-uusapan namin.

“Davil, p’wede ba…” Napahilot ako sa sintido.

“Heart, I’m here to fix everything. Please, give me another chance…I’m begging.”

“Nandito ka pagkatapos ng pitong taon? Ngayon mo lang aayusin…pagkalipas ng ilang taon?” Naglolokohan ba kami rito?

Nilapag niya ang kulungan ng manok sa buhangin at sinubukang abutin ang mga kamay ko ngunit inilayo ko sa kaniya.

“I’m really really sorry. Sobra lang akong nasaktan–,”

“At sa tingin mo ako, hindi?”

Umiling iling siya na parang sinasabi na hindi gano’n ang ibig sabihin niya. Sinubukan niya ulit na hawakan ang kamay ko ngunit umatras ako.

“Baby, please…I will explain.”

“At gusto mong pakinggan kita? Bakit? Noong ako ba ang nagmakaawa sa’yo na pakinggan ang paliwanag ko…pinakinggan mo ba ako?”

Unti-unti ko na namang naramdaman ang sakit na noong gabi ko lang na iyon naramdaman.

“Please…nandito ako para ayusin ang lahat–,”

“At inaasahan mong…pagkatapos no’n ay okay na tayo? Babalik na tayo? Nagkakamali ka, Davil,” matigas na banggit ko sa pangalan niya.

“Then tell me what do you want me to do…”

“I want you to leave me and my son alone.”

“’Yan ang hindi ko magagawa.” Umiling iling siya.

Tumiim ang bagang ko. “Hindi na nga ako naging sapat sa’yo, pati ba naman si ate hindi rin? Nandito ka siguro, hindi para ayusin ang lahat. Nandito ka…kasi hindi sa’yo sapat na si ate lang–,”

“Stop. That’s not true. Nandito ako para hanapin ka.”

Hanapin? Sira ulo ba siya? Sa pitong taon, ngayon niya lang ako naisipan na hanapin?

“I know what you’re thinking,” saad niya. “Please…hear me out.”

“Umalis ka na, hindi ka namin kailangan. Ipagpasalamat mo dahil nasa maayos na mood ngayon si Kendrick. Hindi mo alam kung gaano ka niya ayaw makilala o makita man lang–,”

“Alam ko ‘yon…he told me while you was asleep. Nandito na ako kanina pang alas kwatro ng madaling araw. He’d cry to me. Nilabas niya lahat ng gusto niyang sabihin sa akin.”

“Ngayon, handa ka na bang marinig ang akin?”

Dahan-dahan siyang umiling. “I’m not yet…that’s hurt. It will broke me…big time.”

Kahit ako…pakiramdam ko ay hindi pa ako handa para balikan ang sakit ng ginawa niya.

“I want this whole day to be happy, I want this day to be perfect for us.”

Hindi ako umimik. Pinanood ko siyang bumalik sa bahay. Kinuha niya sa upuan ang nasa malinis na kahon na sa tingin ko ay naglalaman an ng cake. Kinuha niya ang cake at dinala palapit sa akin habang sinisindihan ang maliit na candle cake roon.

“H-happy 7th Wedding Anniversary, M-misis ko…”

Nabasag ang boses niya kasabay ng pagkawala ng luha sa mata niya. Kumirot ang dibdib ko.

“I love you…so much.”

Nanatili lang akong nakatayo kahit para ng tinutunaw ang tuhod ko sa panlalambot. Nanatili lang akong nakatayo habang pinapanood siyang masaktam.

“Hinanap naman kita agad pero hindi ko naiwasan ang aksidente.”

Mahigpit akong napakapit sa tela ng suot kong pajama. Anong aksidente?

“I’m so sorry kung ngayon lang ako… I was in coma…for almost six years.”

Tila nalaglag ang puso ko. Nabigo ako sa pagtago ng tunay na nararamdaman.

Ilang taon ang inakala kong wala na akong nararamdaman pa para sa kaniya…pero heto ako ngayon…naaapektuhan pa rin sa mga sinasabi niya. Nanghihina pa rin sa presensya niya, at…hinahanap hanap ang boses niya.

Tinakpan ko ang bibig upang pigilang makawala ang hikbi.

“Sorry ha…pero hindi ko alam kung paano kita patatawarin,” sabi ko at dali-daling naglakad pabalik sa bahay, iniwan siyang nakatayo roon habang hawak-hawak ang cake na dala niya.

Kailangan ko pang pag-isipan. Ang isa sa mga natutunan ko…ay hindi kailangang madaliin ang mga bagay-bagay. Sa sitwasyon ko ngayon, kailangan ko munang pag-isipan ang mga gagawin ko.

Nadatnan ko si Kendrick na nasa tabi ng pinto, nakasilip kung saan ngayon naiwang nakatayo ang tatay niya…habang patuloy na umaagos ang luha.

“M-mama....I can feel his sincerity. L-let’s give him another chance, please?” he asked, sobbing.

Pinunasan ko ang pisngi niyang nababasa ng luha.

“Kapag sinaktan ka pa niya ulit…ako na mismo ang lalayo sa’yo mula sa kaniya, at ipapangako kong hindi niya na tayo matatagpuan pang muli.”

Nag-aalangan man ay tumango ako. Para sa anak ko…gagawin ko.

To be continued….

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro