Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 42 (Warning)

Kabanata 42: Heart’s Pov

“So ungentle man,” dinig kong usal ni Kendrick.

Nilingon ko siya, na nasa likuran ko. “Wow, poging pogi, ah.”

“Mama, I’m not pogi. I’m pretty!”

Natatawa akong bumalik sa ginagawa. “Pretty nga nakakunot naman ang noo. Ano na naman kayang biglang naisip ng dalaga ko.”

“That guy…again. Nakita ko ang lahat ng pangyayari, Mama, tanaw na tanaw ko. Kung abot ko lang sana ang mukha ng lalaki ay sinuntok ko na siya mukha. He kissed you!”

“Likod ng palad lang naman, grabe ka naman,” pabirong sabi ko.

Pumunta sa harapan ko si Kendrick, nakabusangot. Ako ay abala sa paggugupit ng tela sa tamang size na sinukat ko.

“Who is he?” seryoso niyang tanong.

Seryoso na siya ngayon, lalaking lalaki na.

“Ahm–,”

“Be honest to me, Mama…”

Parang ang tatay niya ngayon ang kaharap ko na bumata at lumiit lang. Hays, bakit kasi sa tatay niya pa siya nagmana…pati ang mukha.

“H-he’s…he’s your father,” halos pabulong na wika ko.

Natigilan siya. Hindi siya agad nakaimik kaya nilapitan ko siya at niyakap.

“I’m sorry for not telling you about it right away…I’m sorry, anak.”

“Why, M-mama?”

Pumiyok ang boses niya na tila may bumara sa lalamunan niya. Nasaktan ako roon, tila ba sinasaktan ko. He’s my weakness. Nasasaktan din ako kapag nakikita ko siyang nasasaktan.

“Bakit pa siya nagpakita sa atin? For what? Umaasa ba siya na kapag nagkita kayo ulit ay maibabalik niya na ang kung anong meron kayo noon? Base sa kwento mo, Mama, kagabi…alam ko p-po…alam ko na mahal na mahal ka niya…pero kinulang siya sa pagtitiwala sa inyo. He didn’t trust you the way you trust him.”

“K-kendrick…”

“I hate him, Mama. I don’t want to see his face again.”

“Hush…Mama can handle the pain. ‘Wag kang mag-alangan kapag nagustuhan mong kilalanin siya, ah. ‘Wag mo akong isipin.”

“I don’t want to see him again, Mama. I d-don’t want to see him…”

Hinaplos haplos ko ang likod niya upang mapatahan na siya sa pag-iyak.

“Okay…si Mama ang bahala.”

Kinahapunan ay napadaan si Bruno sa patahian ko. Mabuti naman at umalis na si Davil. Dahil nga sa hindi ko binigay sa kaniya ang lahat ng paninda ko ay nananatili ang mga ito sa booth.

I knew it…he’s not serious for buying all my works.

“Ang cute naman ng mga ito,”  dinig kong sinabi ng babaeng bagong dating.

“Heart, may customer ka ‘ata. Ako na rito, labasin mo na sila,” ani Bruno.

Iniwan ko muna kay Bruno ang ginagawa kong pagro-roll ng makapal na tela.

“Hello, sir, ma’am!” maligayang bati ko sa dalawa.

Tila naman naestatwa ako nang makilala ang babae. Napatikhim ako at hindi pinahalata ang naging reaksyon.

“Magkakaroon po kayo ng isang pirasong libre kung bibili po kayo,” nakangiting sabi ko.

“Kahit isa lang ba ang bilhin namin, makukuha pa rin namin ang isang libre?” tanong ng lalaki.

Pagbaling sa akin ng babae ay sandali pa siyang natigilan at napatitig sa akin, hindi nagtagal ay nanlaki ang mata niya at bahagya pang napatakip sa bibig.

“Yes, sir,” sagot ko.

“Hon, pumili ka ng gusto mo bibilin natin,” aniya, ngunit hindi siya nililingon ng babae. “Hon? Hey, are you okay?”

“Heart Salazar?” hindi makapaniwalang usal ni ma’am Ysabelle. “I-is that you?”

“Hon? Magkakilala kayo?” Pati ang lalaki ay nalilito sa inaasta ni ma’am Ysabelle.

Nginitian ko ng malapad ang babae. “Ako nga po si Heart Salazar, ma’am Ysabelle.”

“Oh my! Alam mo bang sa kahahanap sa’yo ni Davil–,”

“Ma’am, pasensya na po pero hindi ko po pinag-uusapan ang labas sa business ko,” nakangiting sabi ko na ikinatigil niya.

“Oo nga naman, Hon. Saka na kayo magchismisan kapag pareho kayong may free time,” sabi ng lalaki na sinang ayunan ko.

Hinayaan ko muna ang dalawa sa pagpipili ng mga bibilhin nila upang lapitan ang tatlo pang customers na kararating lang.

“Kami po mismo ng anak ko ang gumawa niya. Six years old na po siya ngayon.”

“Wow, ang galing naman.”

“Yea po,” proud na sabi ko.

“Heart! Heart!”

Napabaling ako sa tumatawag. Si Pedro na nagmamadaling lumapit.

“Oh, bakit ano ‘yon, Pedro?”

“Nakita ko si Kendrick na may kinakausap na isang lalaki. Nag-aalala ako kasi baka kunin ang bata, pero hindi ko malapitan,” sabi niya sa halos pabulong.

Nakakunot ang noo ko.

“Nasaan sila?”

“Nandon sa likod ng barbershop. Puntahan mo na, ako na ang bahala rito.”

Napatango tango ako nag-excuse sa mga customers. Dali-dali kong tinungo ang sinasabi ni Pedro.

Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kaniya.

“Kendrick–,”

Natigil agad ako sa pagtawag nang makilala ko ang lalaking kaharap niya. Nakatingin lang sila sa isa’t isa na hindi namalayan ang pagdating ko. Si Davil, halo halo ang emosyong nakikita ko sa mata niya, gano’n din si Kendrick ngunit…mas nanginginabaw ang galit.

Napatiim ang bagang. Dali-dali ko silang nilapitan at tinulak ang dibdib ni Davil palayo. Pumagitna ako.

“Ano ha? Balak mo bang kunin palayo sa akin ang anak ko?”

“Heart–,”

“P’wede ba, Davil, tantanan mo na lang kami na mag-ina? Hindi ka namin kailangan,” mariing sabi ko.

Dumaan sa mata niya ang sakit. Pero mas masakit ang sa akin.

“I’m not here to take him away from you… I’m here to take you. Iuuwi kita, kasama ang…anak natin.”

Tila may namumuong nakabara sa lalamunan niya.

“No! Nagpakita ka para lang diyan, really?”

Napabaling ako kay Kendrick nang sabihin niya iyon. Nabigla ako dahil ngayon ko lang siya nakitang ganito, sumabog sa galit.

“After what you did to my mother? Ilang taon? Ang haba ng dumaang taon pero ngayon ka lang nagpakita? Anong kwentang asawa at ama ka?”

“Kendrick!” suway ko.

Ito ang ayaw kong mangyari. Na magbitaw siya ng mga ganitong salita sa murang edad niya. Napupuno siya ng galit.

“If you’ll give me a chance… I will fix everything, please…”

“Whatever your reason, the fact na pinaniwalaan mo ang iba kaysa kay Mama…wala kang kwentang asawa.”

“Kendrick, stop…” marahang suway ko na sa anak.

Kung hindi pa ako lumuhod sa harap niya ay hindi ko makikita ang nag-aalpasan niya ng luha. He’s crying without making his voice hurting.

“I know… that’s why I’m here. Gusto kong maayos ang lahat. I want your Mommy back.”

Tumiim ang bagang ko. Tumayo ako at hinarap siya. Namumula ang mata niya na halatang pinipigilang lumuha.

“Hindi na ako babalik sa’yo. Sana inisip mo muna ‘yong ginawa mo sa akin noon bago ka nagpakita. Sana inisip mo muna na malabo na kitang patawarin, bago mo ako tinunton.”

Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Kendrick.

“Please, tell me…Anong kailangan kong gawin? Hindi ako aalis dito ng hindi kayo kasama pauwi…”

“Kung gano’n, mabulok ka rito,” matigas na sabi ko at tinalikuran na siya.

Lumipas ang ilang araw. Akala ko ay tinaantanan niya na kami dahil dalawang araw din siyang hindi nagpakita at maraming torista na rin ang umalis sa isla para umuwi na sa kanila. Akala ko ay kasama na siya roon, pero nagkamali ako dahil nadatnan ko pa siya sa harap ng patahian ko.

“Anong ginagawa mo rito?” salubong ang kilay na tanong ko.

Napatayo siya mula sa pagkakaupo sa semento. “Magpapatahi ako.”

Napataas ang isang kilay ko.

“Ipatatahi ko sana ‘tong puso ko na ilang taon ng punit-punit,” aniya.

Lihim akong napairap sa isip.

“Mas maganda siguro ‘yang bibig mo na lang ang tahiin ko.”

Natutop niya ang bibig.

Pinag-krus ko ang braso sa dibdib. “Alam mo. Hindi na ako magtataka kung saan ka kumuha ng kakapalan ng mukha. Pagkatapos ng ginawa mo, may lakas ka pa ng loob na magpakita sa akin?”

“Heart…”

“Para ano? Inaasahan mo ba, na sa oras na makita kita ulit ay ipagsisiksikan ko ang sarili ko sa’yo? Pagkatapos ng mga masasakit na sinabi mo?”

“That’s why I’m here…please give me a chance.”

Inilingan ko siya. Humakbang ako palapit sa kaniya, isinantabi ang paglukso ng dibdib. I pushed his chest away.

“Umalis ka na. Wala kang chance na mapapala sa akin. Ni hindi mo ako binigyan ng chance mag-explain noon?”

Labis na sakit ang nakikita ko sa mga mata niya. Tinulak ko ulit siya sa dibdib, medyo malakas. Hindi rin naman siya nagmamatigas o ano, hinahayaan niya ako sa ginagawa ko sa kaniya. Hinahayaan niya ako na ipagtabuyan ko siya.

“Umalis ka na. Ayaw na kitang makita ulit. Respetuhin mo sana. Kasi sobrang sakit na, na nakikita ko ang lalaking nagtaboy sa akin noon.”

Pinaigting ko ang bagang upang mapigilan ang pagkawala ng emosyon. Huminga ako nang malalim.

“Bigyan mo man ako ng chance o hindi…aayusin ko ang pamilya natin,” pursigidong sabi niya.

Hindi ko na nasabi ang sasabihin pa sana nang tinalikuran niya ako at malalaki ang hakbang na umalis.

Mabilis kong binuksan ang pinto ng patahian at sinara rin agad nang makapasok. Tila nanlambot ang tuhod ko kaya napasalampak ako sa sahig.

Sobrang bigt sa dibdib. Dumating lang siya, nakita ko lang siya…naramdaman ko ulit ang mga pakiramdam ko noon.

I wiped my tears. “Hindi mo na siya kailangan sa buhay mo, Heart. Sisirain niya lang ulit ang sarili mo…” saad ko sa sarili.

And I won’t let him ruin me…for the second time.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro