Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 41 (Warning)

Kabanata 41: Heart’s Pov

Nakahinga ako ng maluwag nang lisanin namin ang lugar. Medyo malayo layo ang mga kabahayan ng isla sa tourist spot na iyon. Para maiwasan din ang perwisyo sa mga magagandang tourist spot ng isla.

“Mama, we’re here,” ani Kendrick sa tabi ko.

Tila ako naalimpungatan. “L-let’s go.”

Bumaba ako sa tricycle bago si Kendrick. Si Pedro at Bruno ang nagmaneho sa L3, pabalik sa pinag-arkilahan namin.

“Hindi na po ba tayo pupunta sa patahian, Mama?”

“Gusto mo ba?”

“Mas gusto ko pong magpahinga tayo today. For sure bukas, magiging busy tayo,” aniya.

Bukas na kasi ang fiesta. Siguradong maraming tao, maraming customer at maraming gagawin. May ibang torista pa naman na mahilig dumayo sa patahian ko para mamili ng iba sa mga gawa ko. Minsan ay nagre-request pa sila kaya agad akong gumagansilyo.

Magkasama kami ni Kendrick sa bahay pero pansin ko ang pananahimik niya.

“Oh ano? Nalaman mo lang na may pamilya na ang crush mo ay nagkaganiyan ka na,” biro ko sa anak ko.

Nilapag ko ang isang mangkok ng sinigang na hipon sa mesa. Maghahapunan na kami.

“Hindi po, Mama,” tipid niya lang na sagot.

“Eh ano? Bakit bigla kang tumamlay?”

“Bigla ko lang pong naisip ang tatay ko,” saad niya.

Napabuntong-hininga ako.

Pagkalapag ko ng bandihadong kanin ay umupo na rin ako sa upuan, kaharap niya.

“Pakiramdam ko, Mama…nasa malapit lang siya. Ayaw ko siyang makilala o makita man lang...pero bakit po pakiramdam ko…makakasama ko na siya?”

Hindi niya alam na nakita niya na ang tatay niya. Wala siyang kaalam alam na iyong lalaking pinapantasya niya kanina ay ang tatay niya na. At siguro, kaya niya nararamdaman iyon ay dahil…sa kalooban niya, hinahanap hanap niya na ang ama.

“Hindi kaya…hinahanap hanap mo na ang presensya ng tatay mo? Kahit hindi man natin aminin, alam natin kung bakit ka nakakaramdam ng ganiyan, ng pagkukulang.”

“Mama, ayaw ko talaga siyang makilala. Kahit makita na lang, Mama…pero ang kilalanin siyang ama? Hindi ko magagawa, Mama.”

“Anak, hindi ba’t ilang beses ko ng sinasabi sa’yo na ‘wag tayong magtatago ng galit sa isang tao? ‘Wag tayong kikimkim dahil mabigat sa dibdib…”

Lumubo ang pisngi niya matapos punuin ng hangin, at napaisip.

“P’wede niyo bang sabihin sa akin, Mama, kung ano ang dahilan ng pagkakalayo natin sa tatay ko?” he asked, curiously.

“It’s…misunderstanding.”

“Just because of misunderstanding? Anong ginawa niya, Ma?”

“P-pinagtabuyan…”

Wala ng panahon para hindi ko pa sabihin sa kaniya ang katotohanan. Wala na dapat akong itago sa kaniya.

Sa harap ng hapag na iyon, nalaman niya ang lahat ng pinagmulan…kung bakit kaming dalawa lang ang magkasama ngayon, sa malayong lugar na ito. Nalaman niya lahat kung bakit kaming dalawa lang ang magkasama ngayon, na kahit isang kapamilya ay wala.

Nakatulog si Kendrick sa pag-iiyak. Sinisisi ko tuloy ang sarili ko dahil sa nangyari.

“Kendrick anak, tanghali na. Kailangan na nating makarating sa patahian,” malambing na saad ko.

“Gising na po!”

Tinimplahan ko siya ng gatas, pagkatapos ay hinanda ang sandwich na hinanda ko para sa snack namin mamaya.

“Magbihis ka na, aalis na tayo.”

“Done na po!”

Ang medyo mahaba haba niya ng buhok ay itinali niya sa tuktok.

“Pagkarating natin, pagugupitan kita ah,” sabi ko.

“Sure, Mama. No problem!”

Pagkarating namin sa patahian ay agad akong kumilos. Ang mga hinanda ko kahapon na ibebenta sa labas ay inasikaso ko.

“Wow these are so cute,” saad ng isang amerikano.

“Good day, sir. You can have that one po. That’s free,” sabi ko.

“Oh wow! Really? Thank you. But I want this one, too.”

“Ahm…you can have just one item for free, po. You have to pay for the rest.”

“Oh, okay. I’ll get these.”

Nagpasalamat ako pagkaalis ng customer, at bumalik sa loob.

“Anak, magpagupit ka na roon kila kuya Pedro mo.”

“Opo, Mama.”

Si Pedro ay may barbershop. Noon pa man ay sa kaniya ko na pinagugupitan si Kendrick.

“Ate Heart, may customer po kayo. Pogi!”

Malakas na sabi ng kakilala ko sa labas.

Binitawan ko ang inaayos na mga tela at dali-daling lumabas. Nadatnan ko si Karsen na nakadungaw sa pinto ng patahian ko, hinahanap ako.

“Ate, may customer po kayo. Mukhang papakyawin ang mga paninda mo,” aniya.

Napangiti ako. “Gano’n ba?” Sa loob loob ko naman ay masaya ako, sana nga ay pakyawin.

Pagkalabas ko ng patahian patungo sa booth ko ay nadatnan ko ang lalaking customer, nakatalikod siya sa banda ko, pero kahit na gano’n ay nakikita ko ang kamay niyang may mga hawak-hawak.

“Good day, sir! You can have one for free, if you buy some!” maligayang sabi ko.

Tumigil ako sa tabi ng customer nang hindi inaalis ang ngiti sa labi. Ngunit sa pagbaling sa akin ng lalaki ay unti-unting napawi ang ngiti sa labi ko.

“Bilhin ko na ‘to lahat ‘tapos ikaw na lang sana ‘yong free,” baritonong saad ni Davil.

Ngumuhit ang pinipigilang ngisi sa labi.

Napataas ang isang kilay ko at pinag-krus ang braso sa dibdib. “Excuse me, sir. Hindi po nakakatuwa ang biro ninyong iyan. Hindi po ako bayaran, lalong hindi po ako isang kawawang pulubi para ipagtabuyan.”

Napawi ang pigil niyang ngisi kanina. Nabahiran ng kung anong ekspresyon ang mga mata niya. Pero hindi ko iyon pinansin.

“Mas mabuti pa ay umalis na po kayo rito kung ganiyan kayo. Baka wala ng customer ang lumapit dito.”

Maayos niya akong hinarap ngayon. Tss. Ano ba namang tadhana ito at dinala pa ang lalaking ito sa patahian ko.

“Talagang wala ng lalapit na kustomer dito, dahil bibilhin ko na ‘to lahat.”

“Eh, kung–,”

“Kaninong business ‘to? Can I talk to your manager or the owner of these?”

“Ako ang may-ari,” proud na sabi ko.

Natigilan siya. Nakatingin siya sa akin ngayon ng may halong pagkamangha at pagmamalaki.

“So…bibilhin ko ito lahat, Madame,” aniya.

“A-are you really…sure?”

Sinisigurado ko lang. Baka kasi mamaya ay pinaglululoko niya lang pala ako. Baka biglang bawiin niya para magmukha akong kapahipahiya.

“I am…really sure.”

“Okay.”

In-extend ko ang kamay ko para kunin ang ibabayad niya.

“Akin na muna ang bayad,” striktang sabi ko.

Imbes na lagyan ng pera ang palad ko ay hinawakan niya iyon. Natigilan ako. Sinubukan kong bawiin sa kaniya ang kamay ko ngunit hinigpitan niya ang pagkakahawak.

Naestatwa ako nang halikan niya ang likod ng palad ko. “’Yan ang bayad, kiss…”

Agad kong binawi ang kamay. “Kung nandito ka lang para guluhin ang nananahimik ko ng buhay...umuwi ka na lang sa inyo,” nagngingitngit ang ngipin na sinabi ko.

Nakatingin lang siya sa akin na tila hindi na kumikisap. Para akong isang makulay na fireworks sa paningin niya ngayon na hindi niya malubay lubayan ng tingin.

“Nakauwi na’ko…” marahang saad niya.

Naramdaman kong muli ang paru-paro sa tiyan ko na noon ay matagal ko ng pinatay.

No. This is wrong. Hindi dapat ganito. Kailangan niya pang pagbayaran ang ginawa niya.

Walang emosyon ko siyang tiningnan.

“’Wag ka ng umasa na may babalikan ka pa sa’kin,” malamig na saad ko saka siya tinalikuran.

Kung may inaasahan man siyang mangyari…kalimutan niya na. Kahit anong gawin niya, hindi na ako babalik sa kaniya.

To be continued....

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro