Kabanata 29 (Warning)
Mature content/R-18
Kabanata 29: Heart’s Pov
“Sumabay na tayo sa pagpasok?” saad ni Davil.
Binalingan ko siya matapos uminom ng gatas. Nag-aalmusal na kami ngayon.
“Pero baka–,”
“Everyone knows that your sister is my wife–,”
Nakabusangot ako dahilan ng pagkatigil niya. “Alam ko, hindi mo na kailangang sabihin,” sabi ko, naiinis.
Mahina siyang natawa. Pumalupot ang braso niya sa baywang ko at bahagyang lumapit pa siya sa akin.
“Oh my baby is getting jealous. I love you…” he kissed the side of my lips. “What I mean is, okay lang sa kanila kung makita tayong sabay na pumasok. Ang iisipin naman nila ay ‘yong maling nalaman nila,” aniya.
Saglit akong napaisip. Tama nga naman. Ang iisipin ng mga makakakita sa amin ni Davil ay kaya kami sabay na pumasok ay dahil mag-brother-in-law naman kami.
“Okay…” pagpayag ko.
Iyon nga ang nangyari. Sabay kaming pumasok. At habang nasa daan ay hindi niya binibitawan ang kamay ko na maya’t maya pa niyang hinahalikan.
Pagtigil ng sasakyan sa parking lot ay bumaba agad si Davil at umikot papunta sa side ko. Sa hindi kalayuan ay may natatanaw akong mga estudyante na napapasulyap sulyap sa gawi namin.
Malalim akong nagpakawala ng buntong-hininga. Bumukas ang pinto sa tabi ko. Pinanlakihan ko agad ng mata si Davil, senyas na ‘wag siyang masyadong pahalata.
“Sabay ulit tayo pag-uwi?”
“No,” agad na sagot ko.
“Okay, just call me if you need anything,” aniya.
Tumango ako at nagpasalamat saks na umalis. Pagdating ko nga sa classroom ay iyon ang naging usap-usapan.
“Heart, isa ka ng pinagpala! Gusto ko lang din naman mapalapit kay sir Davil e!”
Natatawa tawa na lang ako sa mga nagiging reaksyon nila. Kahit papaano ay hindi masasama ang naiisip nila.
Sa cafeteria kami nagla-lunch ni Ali pagkatapos ng klase. Maluwag akong nakakahinga dahil sa paligid. Wala akong naririnig na negative comment although napapasulyap sulyap sa akin ang iba.
“Yow guys!” ang bagong dating na grupo ni Harvin.
“Long time no see. Kumusta kayo?” si Harvin.
“P’wede bang maupo rito?” nakangiting tanong ni Kris, kay Ali nakatingin.
Pero ang kaibigan ko ay kunwaring abala sa cellphone niya. Sinipa ko ang paa niya sa ilalim ng lamesa dahilan ng pag-angat niya ng tingin sa akin.
Nginisihan ko siya. “Tinatanong ka ni Kris kung p’wede raw ba umupo sila rito,” sabi ko.
“Pasensya na girls, pero okay lang sa ibang table na lang–,”
“No, it’s okay,” sabi ko agad kay Harvin.
“S-sure…sure! Sayang din naman itong bakanteng upuan dito,” ani Ali.
Umupo si Kris sa bakanteng upuan niya na ikinangisi ko sa kaibigan. Si Harvin ay sa upuang katabi ko, habang ang isa pa nilang kaibigan ay nasa gitna nila.
“Woi totoo ba ‘yong bali balita na ang ate mo ang asawa ni sir Davil? Kaya pala super close kayo, sinabay ka pa sa pagpasok,” ani ng kaibigan nila.
“Tsismoso!” asik sa kaniya ni Ali naikinatawa naming tatlo.
Ewan ko ba, pero hindi na ako nakakaramdan ng kahit ano kapag nababanggit nila ang ate ko. Siguro ay kampante naman ako, dahil maayos na maayos na kami ni Davil.
Komportable na ako sa tatlo. Wala akong ibang nararamdaman para kay Harvin kundi purong kaibigan.
“Pa’no mauna na kami? May next class pa kami e,” ani Kris.
“Go,” sagot ni Ali.
Binalingan ko si Harvin na napapansin kong napapasulyap sa akin.
“May isang klase pa pala kayo today,” saad ko.
“Oo, bukas kasi ay wala ang prof namin kaya ngayon na kami magkaklase,” aniya.
Napatango-tango ako.
“Ahm, Heart…p’wede ba kitang maaya ulit lumabas?”
“Ahm, Harvin…pasensya na, pero ayaw kitang paasahin. Kaibigan lang talaga…” marahang saad ko.
Parang wala siya sa sariling napatango-tango, na tila pinoproseso pa ang sinabi ko.
“S-sige, Heart…ahm no problem. I’ll respect your decision. Maybe just a friend then?”
Nakangiti ko siyang tinanguan. “Friends…”
Dahil wala na kaming klase ni Ali, tinungo na namin ang patungo sa gate. Habang naglalakad kami ay may tumawag sa cellphone ni Ali kaya saglit kaming tumigil para sagutin niya iyon.
“Okay, po. Salamat,” ani Ali saka in-end ang tawag. “Heart.”
“Bakit?”
“Sorry ha, kailangan ko nang umuwi agad. Emergency,” aniya.
“Ha? Bakit anong nangyari?”
“Bukas ko na lang sasabihin sa’yo ha. Hindi ko pa alam ang full information, babalitaan kita bukas. Sige na, mag-ingat ka sa pag-uwi!”
Napakaway na lang ako sa kaibigan ko. Mukhang may nangyari. Pati ako ay nag-aalala tuloy. Kinuha ko ang cellphone ko para padalhan siya ng mesahe.
Ako:
Mag-ingat ka sa pag-uwi. Sabihan mo ako agad kapag may time ka mamaya.
Dumiretso ako sa waiting shed para hintayin ang sundo ko. Byernes na ngayon at hapon na kaya wala masyadong dumadaan daan, ‘tsaka narito ako sa parteng hindi gaanong dinadaanan ng mga estudyante dahil ang bakanteng ito ay para sa mga sasakyang service.
Nakatingin ako sa cellphone ko, nag-aabang na baka sakaling magreply si Ali. May dalawang paa ang tumigil sa harap ko kaya napaangat ako ng tingin. At sa pag-angat ng mukha ko ay may sampal na lumipad sa pisngi ko.
“Ang selfish selfish mo talaga,” galit na saad ni ate.
Galit ko siyang binalingan, hawak-hawak ang pisngi na namamanhid.
“Hindi ka na nahiya, Heart? Hindi mo na ako nirespeto?”
Hindi ako makasalita, at naiwang nakamaang lang sa harapan niya dahil pinoproseso ko pa ang nangyayari.
“Ayon na e, ikakasal na kami, malapit na. Pero heto ka’t pinipigilan si Davil! Hindi mo pa rin ba natanggap na ako ang mahal niya at hindi ikaw?! Para ipagpilitan mo ang sarili mo sa kaniya? Hindi ka na nahiya, Heart, ate mo ako! Kapatid kita! Bakit pati ang mapapangasawa ko nilalandi mo!”
Nanlaki ang mga mata ko sa huling mga sinabi niya.
Nilabanan ko agad ang palad niyang dadapo pa sana ulit sa pisngi ko. Tinulak ko siya dahilan para mapaatras siya.
“Ano na naman ba ‘tong ginagawa mo, ate? Hindi ka pa rin ba tapos–,”
“Oo! Hinding hindi ako matatapos kung patuloy mong lalandiin si Davil! Nakakatanda mo akong kapatid, Heart. Binigay ko ang lahat-lahat ng pangangailangan mo–pagkatapos ito ang ginagawa mo sa akin? Heart, naman…hindi p’wedeng pati si Davil ay ibigay ko sa’yo dahil lang kailangan mo siya.”
Nagsimulang umalpas ang luha niya na lalong ikinalito ko.
“Ate, ano bang pinagsasabi mo?”
“’Wag ka naman sanang tumulad sa iba na ginagawang kabit ang sarili, Heart. Kapatid kita, mahal na mahal kita…pero ‘wag naman si Davil.”
“Ate…” hindi ko na lamang makapaniwalang nausal.
Habang pinoproseso ang nangyari ay unti-unti kong na-realize na heto na naman kami…binabaliktad na naman niya ako. At para saan?
Galit kong hinarap si ate. “P’wede ba, ate. Tigilan mo na ‘yang kahibangan mo? Nagmumukha kang kaawa awa e.”
Umangat ang tingin niya sa akin. Namumugto ang mga mata niya dahil sa pag-iyak. Pero ngayon ay napuno ng galit ang mga mata niya.
“Panira ka talaga ‘no?” galit na sabi niya. “Makukuha ko na sana siya, e…pero talagang hindi mo mabitiw bitiwan si Davil,” aniya.
“Malamang, ate! Asawa ko siya! Ako ang mas may karapatan sa kaniya kaya itigil mo na ‘yang kahibangan mo. Kahit anong gawin mo, hinding hindi ko susukuan ang asawa ko–ikaw ngang higad hindi ko sinusukuan e.”
Isang malakas na sampal ang muling lumapat sa pisngi ko. Sa labis na inis at galit na naramdaman ay dalawang malakas na magkasunod ang binalik ko sa kaniya. Halos napaatras si ate roon.
“Wala na akong kahit katiting na natitirang respeto sa’yo. Kung patuloy mo pang guguluhin ang pagsasama namin ni Davil at ipagpilitan ang sarili sa taong may ayaw sa’yo–hindi kita uurungan,” mariing sabi ko.
Hindi man lang nabahiran ng takot o senyales ng pagsuko si ate…kundi gumuhit lang ang malawak na ngisi sa labi niya.
“Akala mo matatalo mo na ako? Hindi ka pa panalo, Heart. Maghintay ka dahil bukas na bukas…sisiguraduhin kong maghaharap muli tayo. Sa muling paghaharap natin na iyon…doon natin malalaman kung sino talaga ang panalo,” may pagbabantang sabi niya.
Tinaliman pa niya ako ng tingin bago ako tinalikuran at tuloy-tuloy na umalis.
Hindi ako natatakot na harapin siyang muli.
To be continued….
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro