Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 23 (Warning)

Mature content/R-18

Kabanata 23: Heart’s Pov

Naalala ko na meron pala akong duplicate keys ng bawat pinto sa mansion, at dala-dala ko iyon, sa wallet ko nakalagay.

Hinalungkat ko ang bag ko, nang matagpuan ko na ang susi ay hinayaan ko na lang kung nakabukas pa ang bag ko na nakalapag sa tiles. Lumapit ako agad sa pinto para susian iyon. Pero bago ko pa maipasok ang susi ay bumukas iyon.

Napaangat ako ng tingin sa bumukas. Si ate, malaki ang ngisi sa akin habang bahid ng mukha ang pagkapanalo.

“Hay naku, Heart. Sinabihan na kita na may sakit ang asawa mo, pero para kang bata na nagmamaktol sa labas. Paano makakapagpahinga ang asawa mo niyan,” sabi pa niya na lalong ikinainit ng ulo ko.

Nasulyapan ko si Davil na nakahiga sa gitna ng kama, may kumot hanggang dibdib at may nakapatong na towel sa noo.

“Tabi,” sabi ko sa ate ko at marahasa siyang natulak.

Narinig ko lang siyang napasinghal pero hindi ko na pinansin. Nilapitan ko agad si Davil.

“D-davil?”

Kinapa ko ang leeg at noo niya, mainit nga siya.

“Hmm,” he hummed.

Labis na pag-aalala ang bumalot sa akin. “I’m sorry, okay ka naman kanina pag-alis ko ah. Bakit hindi mo ako tinawagan?”

“Heart, tigilan mo muna si Davil. Nakita mo ng nagpapahinga ‘yong tao oh,” singit ni ate.

“P’wede ba tumigil ka na?” singhal ko sa kaniya nang lingunin ko.

Para ako ngayong sasabog sa inis sa ate ko. Sumosobra na siya na kahit ang pagiging asawa ko kay Davil ay hindi na niya nirerespeto. Kung makapasok siya sa rito sa kwarto namin ng asawa ko at kung pagsarhan ako ng pinto ay akala mo kung sino.

“Aba. Ako na nga itong–“

“Umalis ka na bago pa mawala ang nartitirang respeto sa’yo!” sigaw ko.

Sa inis at sama ng loob sa kapatid ay labis ang pagbugso ng inis ko.

“Ganiyan kana ngayon, Heart? Matapos kong magpakabuti, ganiyan ang igaganti mo? Kahit pasasalamat man lang–,”

“Umalis ka na sabi!”

Sumosobra na ang pagpapanggap niya.

Tumalim ang tingin sa akin ni ate. Sa hitsura niya ay wala talaga siyang balak na umalis.

Hahakbang na sana ako para ipagtulakan na siya paalis ngunit may mainit na palad ang bumalot sa pulsuhan ko.

“She’s trying to help me…” mahina man ay rinig kong sinabi iyon ni Davil.

Napabaling ako sa lalaki. “Davil, I know pero–,”

“Alam kong may pasok ka, Heart, kaya kahit ako ay hindi na kita natawagan. Narinig mo naman doon kila Mamita, ‘di ba? I have a big crush on your husband. Sa tingin mo pababayaan ko na lang siyang nakahiga sa baba habang may mataas na lagnat?” ani ate.

Sa pagkakataong ito ay hindi na ako makapagsalita pa. Pakiramdam ko, pinagkakaisahan nila ako, at ang sakit sakit…

“Be good to your sister, Heart. You don’t have to treat her like that,” saad ni Davil.

Bumigat na ang paghinga ko dahil sa labis na bigat sa dibdib ng mga sinasabi nila. Pinigilan ko ang pagbangon ng emosyon.

Dahan-dahan kong binitaw ang pagkakahawak ni Davil sa braso ko. Habang ginagawa ko iyon ay pigil na pigil ako sa pag-iyak.

“O-okay…k-kukuha lang ako ng bagong maligamgam na tubig,” pati ang panginginig ng boses ay pinipigilan ko.

“Hindi ko alam kung ano pa ang mga gagawin mo para ikasama ko ng loob, Heart…” nagpapaawa na namang saad ni ate.

Binalingan ko siya, ngayon ay umiigting na ang panga.

“Malay ko ba kung may gayuma ‘tong ginagamit mo sa asawa ko–,”

“Heart, you’re being too much. Stop disrespecting your older sister,” sabi ni Davil.

Napaawang na lang ang labi ko. Panibagong tila malaking suntok sa dibdib ko ang sinabi niyang iyon.

But she’d disrespect me first…

Nasabi ko na lang sa utak ko.

“O-okay…I’m sorry. Magbibihis na lang muna ako. Aayusin ko na rin ‘yong kabilang kwarto, doon ako matutulog,” saad ko, mabigat ang dibdib.

Nilampasan ko si ate na kitangkita sa mukha na tila na naman siya nagwagi sa paninira ng isang tao. Narinig ko pa ang mahinang pagtawag ni Davil sa akin ngunit hindi ko na rin siya pinansin.

Katatapos ko lang sa pagpalit nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Nilapitan ko ang pinto kahit alam ko na kung sino iyon.

Binuksan ko ang pinto. Bumungad si ate. Lumawak ang ngisi niya nang pagbuksan ko siya ng pinto.

“Nakakatuwa naman. Kulang na lang ay ikasal kami ni Davil, kasi welcome na welcome naman pala ako sa mansion na ito. Sana i-welcome na rin ako ni Davil sa puso niya.”

“Inuubos mo talaga ang respeto ko sa’yo, ate, ‘no?” saad ko. “Ilang pamilya pa ba ang sisirain mo? Grabe ka, ate. May anak man o wala, kinasal man o hindi…sinisira mo talaga. Grabe na ang paninira mo. Pagkatapos kami pa ngayon ni Davil ang pinupunterya mo? Anong level ka na ba sa kakatihan mo?”

“Wala ka talaga respeto! Baka nakakalimutan mong ate mo pa rin ako,” pigil na galit na aniya.

“Simula ng sinimulan mong guluhin kami ni Davil, hindi na kita tinuturing na ate. Kaya ‘wag mo ng asahan na kapatid pa rin ang tingin ko sa’yo. Pasensya ha? Pero hindi ako katulad ni Mama na tinotolerate ‘yang kakatihan mo sa katawan.”

“Sumosobra ka na!”

Aambahan niya ako ng sampal nang buong lakas ko siyang itinulak. Napaatras siya hanggang sa mapa-upo sa tiles.

“Sige!” sigaw ko sa kaniya. “Kung hindi ka pa aalis ngayon at patuloy mong sirain ang pagsasama namin ng asawa ko–lalabanan na kita. Tutal hindi mo na ako nirerespeto, gano’n din ang gagawin ko sa’yo.”

Nanggigigil siyang tumayo. “Sige. Lalaban ka na sa’kin ngayon? Okay! Tingnan natin kung sinong mananalo,” sabi niya at tinalikuran na ako.

Nang mawala siya sa paningin ko ay tinungo ko ang master’s bedroom. Nadatnan ko si Davil na nakapikit ang mata, nakahiga pa rin.

“Davil…gising ka ba?” marahang saad ko.

Hinaplos ko ang leeg at noo niya. Hindi na siya mainit katulad kanina. Medyo nawawala wala na ang lagnat niya. Sana nga ay tuluyan ng mawala.

“Anong gusto mong kainin?”

“Where’s Lovely? Sabi niya lulutuan niya ako ng soap…”

Mahina ay rinig na rinig ko iyon. Parang sinasaksak ang puso ko.

Ako ang asawa niya na narito…pero ang kapatid kong wala rito ang hinahanap niya.

“Ahm nasa baba. B-baka hinahanda na ang sopas mo,” sabi ko.

Halos lunukin ko ang bumabara sa lalamunan ko, maiwasan lang na mabasag ang boses ko sa harap niya.

“Kumusta ang pakiramdam mo?” tanong ko na lang.

“I want to rest, Heart. Nilinisan mo na ba ang kwartong tutulugan mo mamaya?” aniya.

Doon nanikip ng labis ang dibdib ko. Sobrang sakit pala maranasan ang ganito, ‘yong pinagtatabuyan ka ng taong mahal mo sa paraang ganito.

“I know you’re sick, Davil…pero kailangan mo ba talaga akong ganituhin?” saad ko.

Hindi siya sumagot.

Tumingala ako upang pigilan ang pagluha. Narinig ko ang pagkatok sa pinto ng kwarto. Alam ko ng si ate na iyon.

“Sana lang ay hindi ka nahihirapan sa akin ngayon,” sabi ko at tumayo na.

Hindi nga ako nagkakamali. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si ate. Halos mapaikot ang mata ko. Ngunit ng ang amoy ng sopas na niluto niya ang masinghap ko ay bumaliktad ang sikmura ko.

Sa pagmamadaling makapunta sa banyo ay nahawi ko si ate. At dahil sa ginawa kong iyon ay nasubsob siya. Sumabog ang dala-dala niya sa tiles.

Nanlaki ang mata ko nang nilingon ang nangyari kay ate.

“Sabihin mo sa’kin kung galit ka sa’kin, Heart. Uuwi na rin naman ako pagkatapos ko sanang ihatid ‘to sa asawa mo,” naiiyak na saad ni ate.

Tila ako naestatwa. Hindi ko naman sinasadya.

Pag-angat ko ng tingin kay Davil ay malamig na siyang nakatingin sa akin.

Naramdaman ko ulit ang pagbaliktad ng sikmura ko kaya dali-dali akong umalis sa harap nilang dalawa.

To be continued…..

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro